Share

I. Broke

Chapter 1

Broke

"I'm sorry to say this but your only resort is ibenta 'yung share mo sa company."

Napasapo ako sa noo habang iniisip ang sitwasyon.

We're broke! My brother is in the hospital at may mga utang ni Papa sa kaibigan niya na kailangan kong bayaran! 

"We have our Ancestral house sa Laguna. It cost 15 million pesos. But I don't think it's a good idea na ibenta 'yun lalo na't yun lang ang naiwan samin ni Mama."

"I'm telling you, Aria... I'm willing to help you. Just tell me kung ilan ang kailangan mo-"

I eyed him, "And how many times do I have to tell you na ayokong magkautang sa'yo o sa kahit na sino sa inyo? Ayokong bayaran ang utang ng isa pang utang."

"Then do not consider it a debt. Isipin mo na lang, tulong ko na 'yon sa inyo."

Somehow, I want to take his offer, but the consequence horrifies me. Ayokong magkaro'n ng utang na loob sa kanya at sa huli'y sarili ko ang ipambabayad. I know that he has a motive. Hindi naman siya mag-ooffer ng malaking halaga kung walang kapalit.

Ibinalik ko ang tingin sa macbook at dinedma ang sinabi niya. "I'll talk to my Tita Frida. I'll get her opinion about this. Sa amin naman, siya ang pinaka praktikal kapag ganito ang usapan. I don't think she'd agree na ibenta ang share ni Papa sa kompanya."

He laughed mockingly kaya napatingin muli ako sakanya. "Aria, you should be more practical. This is your brother we are talking about. Kung uunahin mo 'yang pride mo, I don't think you'll be able to save your brother. Kung praktikalan din naman ang usapan, yung offer ko ang pinaka the best na resort."

I sighed. 

He has a point. It's my pride that speaks. Pero, kaya ko bang isangla ang buhay ko sa lalaking ito para mailigtas ang kapatid ko?

"If I were you, u-oo nalang ako. Heinnbert del Carmen na 'yan, oh! Lawyer na, modelo pa. Ano pa bang hinahanap mo?"

I don't think it's a good idea na kay Lin ako humingi ng advice lalo na't alam kong botong boto siya kay Heinn.

"Will you tone down your voice? Pinagtitinginan na tayo!" Saway ko sakanya.

Niyaya ko siyang magkape sa coffee shop malapit sa office niya. I'm so confused at kailangan ko ng makakausap dahil kung hindi, mababaliw ako.

Tumingin siya sa paligid and like what I've said, pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng coffee shop lalo na noong mga nakakakilala sa'min... sa akin.

Ibinalik niya ang tingin sa'kin, "Pero di nga? Pini-pressure ka ba niya? Sabi ko na nga ba, eh! He likes you parin. Gaga ka! Kung ako sa'yo, i-grab mo na! Para sa kapatid mo."

By just thinking of my brother's situation makes my heart sink. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang pagkamatay ni Papá, tapos ito pa ang mangyayari sakanya.

I headed straight to the hospital after having a cup of coffee with Lin. Naabutan ko si Tita Frida sa kwarto ni Dustine. He's sleeping peacefully habang nakahawak si Tita sa kamay niya. 

Iniisip ko pa lang na nahihirapan siya, dinudurog na ang puso ko. Ngayon pa kayang nakikita ko mismo kung gano siya nahihirapan sa sitwasyon.

His lips were pale. Nangingitim na rin ang ilalim at malalim ang mga mata niya. Hindi ko napigilan at naiyak na ako.

"I'm blaming you father for this! I told him to stop smoking dahil nagkakomplikasyon na ang baga niya but he was stubborn and didn't listen. Now look! He's supposed to be here! Siya na nga lang ang natitira sa inyo, iniwan pa kayo! He left with you all his liabilities!" Tita said with such verdict.

Lumapit ako sakanya at hinaplos ang likod niya to hush her down. "I'll do everything para gumaling siya. Don't worry, Tita."

She looked at me intently at hinila ako para makaupo sa tabi niya. "What are you gonna do? Ako, kahit gustuhin kong tumulong, wala na akong pera. Pinatalo na lahat ng Tito mo sa casino. The company badly needs to resurface because it is currently at stake. Malaking kawalan si Dustine sa kompanya. Eusef and Reugene's skills aren't enough for us to take a few steps ahead of our competitors. Hindi rin tayo pwedeng basta-basta maglabas ng pera. May mga empleyado tayong pinapasweldo." 

Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa sinabi niya. Sa katunayan, balak ko siyang kausapin para humiram ng pera, kahit pampaopera lang muna ni Dustine. But hearing from her na she's also broke, makes me more determined to take Heinn's offer.

"B-Bale, balak ko sanang ibenta 'yung share ni Papa sa kompanya." 

"Really? Pero sayang! Alam kong maraming investment ang Papá mo sa ibang companies and real estates, but your father's share is a lost not just to the company, but to the both you."

"Pwede ko naman pong ibenta iyong share ni Papa sa Claveria Motors at mag-invest ulit sa atin."

"Then why don't you just sell your stocks from other company, say from Claveria Motors?"

Pagod akong ngumiti. "Kung pagsasama-samahin po ang shares ni Papa sa iba't ibang company, mas malaki pa rin po ang share ni Papa sa kompanya natin. For the mean time, hahayaan ko po munang lumago iyong share ni Papá..."

Nagpakawala si Tita ng marahas na paghinga, na para bang isang maling desisyon ang gagawin ko.

"...That's my only hope... My last resort. Kasi to be honest, kulang na yung pera na nasa joint account namin ni Papa."

"Nanginginayang ako sa desisyon mo, but I know, there's nothing we can do. Damn that filthy old man! Iiwan na lang kayo, may paremembrance pang sakit sa ulo."

I can't stop my Tita from hating my Papá so much. He died of lung cancer. Maybe because of too much intake of ciggars. Madaya siya! We should be dealing with this matter together. Pero wala. I was left with no choice but to face all of this alone.

I felt my phone vibrated. I checked it and found out it was Lin who texted, at sunod-sunod iyon.

From: Lin

Remember Raeden Madriaga? I saw him. 

From: Lin

God! I almost trembled because of his presence. He's changed alot.

From: Lin

May pahabol pa siya! His back with a vengeance daw. Rest assured daw that he'll get even.

I stunned at the moment.

I have so many problems to face so I set aside the thought of preparing for his revenge. I am not even a bit shaken. Hindi ako takot!

Atleast, that's what I thought.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status