Share

IV. Offer

Chapter 4

Offer

The best way to escape burden is suicide. I felt my whole world shaken. The detriment it caused me is something that I would never escape from. I'm stuck amidst of the sea, that my only resort is to let myself get drown.

"Aria, iyong mismong bahay na tinitirhan n'yo ng kapatid mo ang nakaindicate sa mortgage agreement. Pwedeng bawian kayo ng bahay o ipagbili ang bahay n'yo without your consent kapag hindi kayo makapagbayad.  You may lose legal rights once you did not pay the morgtage on or before the redemption period."

My mind was pre-occupied. I cannot process what Heinn has been saying over the phone. Ewan ko kung ayoko lang talagang marinig ang mga impormasyong iyon, or am I just too stunned seeing Raeden closely?

"Don't you think it's rude to stare?"

Dagli kong pinatay ang phone ko at binalingan ang lalaki sa harap ko.

Those obscure eyes affected my whole system. It made me shiver. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya makalipas ang ilang taon. I swallowed hard before uttering a word.

"Rae.."

My voice broke. Disgust is evident in his eyes. "Don't call me that," almost spitting every word he said.

Napalingon ako sa mga taong napatingin sa amin. Sa diin ng pagkakasabi niya ay iisipin nilang galit ang lalaking ito sa akin. Totoo naman. I won't blame him for treating me like this. Una sa lahat, I ruined his name.

"K-Kumusta?"

He didn't answer me. Sa halip, umupo siya and snapped his fingers like a boss. Dismayed, I sat infont of him. I sipped on my tea and just glared at him while talking to the waiter.

"...and Beaujolais Nouveau... Yun, lang... Thanks," he said to the waiter with finality.

Ako naman ng binalingan niya ngayon. He pursed his lips before uttering. "I have a proposition."

My brows furrowed. Ano naman kaya ang proposal nito? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong appointment with a business tycoon. Should I be grateful? Raeden Madriaga na 'to, eh.

"Ano naman 'yun?"

"Babayaran ko yung utang n'yo sa bangko. I'm willing to invest in your company to preserve your father's legacy? As we all know, your father is the founder of your company. You don't have to worry about anything. Ako na rin ang tutubos sa property niyo."

My jaw dropped at his statement. He smirked. Siguro ay dahil sa ipinakita kong reaksyon.

"Pa'no mo nalaman ang tungkol diyan?"

"I made a research."

I remembered Heinn talking about pride. Now that I am infront of this successful man, mas dumoble lamang ang taas ng pride ko. Ni hindi ko kayang lunukin. It's not because I don't want to owe him anything, especially if it is money, but because I don't wanna get involved with him. He's a renowned business tycoon. Bawat galaw niya ay maaaring maisapubliko, at ayokong malaman ng lahat na isasalba niya mula sa kangkungan ang minsang sumira sa pagkatao niya.

"No thanks," sa wakas ay nasabi ko pagkatapos lunukin ang punyal na nakabara sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung pagkamangha o pagkainsulto ang nakita ko sa mga mata niya. It was clear that there's something in his reaction na bigla na lang napalitan ng ngisi.

"Sure?"

"Yes." I answered, determined.

He sighed heavily. Humalukipkip siya at hinawakan ang ibabang labi niya. He was intently looking at me kaya mas nailang ako sa ginagawa niya.

"You'd kill your own brother."

Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na pati ang tungkol doon ay alam niya. Umurong ang dila ko kahit marami akong gustong sabihin sakanya. Gusto kong sabihin na huwag siyang manghihimasok sa personal na isyu ko, ngunit sa sandaling iyon, wala akong ibang nagawa kundi tumunganga sa harap niya.

I'm doomed. I don't know what to do. Walang wala na kami. Halos tipirin ko na nga ang sarili ko para lang pagkasyahin ang perang natitira. May pera pa ako, oo. Pero hindi sapat iyon para bayaran ang hospital bills at utang ni Papa. I don't want to see my brother suffering too much just because his ate is holding her pride.

"Wala akong balak tanggapin 'yan. Wala ka rin namang mapapala kung gagawin mo 'yan, eh. Wala akong pambayad sa'yo-"

"Meron."

Matalim ko siyang tiningnan. Naglalaro ang ngisi sa kanyang mga labi. He's playing his goblet using his hand causing the wine to crash like waves.

"I'll pay all your father's debt, the mortgage, and everything, in condition that you will live in my house."

"What?! Anong klaseng kondisyon 'yan?!"

Seryoso? Nababaliw na ba siya? Bakit siya magwawaldas ng pera para lang makasama ako sa iisang bubong? Gano'n na ba siya kahibang sa'kin?

Ha. Ha. 

Gusto kong matawa sa naisip. He was never into me! Gagantihan niya ako, 'di ba? Kung ganoon, bakit sa ganitong paraan?

"Why do you react like that? Wala ka namang planong tanggapin ang offer ko 'di ba?"

Padarag niyang ibinagsak ang kopita at saka pinunasan ang labi niya gamit ang table napkin. Pinasadahan niya ako ng seryosong tingin bago dumiretso sa counter. May ibinulong siya sa waiter at nang matapos ay bumalik sa akin. 

He's dashing in his tuxedo. His stares were lethal that it made him look like a ruthless and arrogant businessman.

Nang akala ko'y lalagpas na siya sa'kin ay uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili. Ngunit halos maibuga ko rin iyon nang maramdaman ang mainit niyang paghinga sa tenga ko.

"Pag-isipan mong mabuti."

Buti na lang at natakpan ko ang bibig ko. Kung hindi, ay baka nabugahan ko ng tubig ang waiter na lumapit sa akin dala ang sandamukal na garlic shrimp in sizzling plate.

Nang tumunog ang wind chime ay doon lamang ako kumalma.

Damn you, Madriaga! Ano ba'ng pakay mo?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status