Chapter 9Is this love?I went straight to the garage after doing my routines. Suot ko parin ang night gown kahit tirik na tirik na ang araw. I want to prove a point!Naabutan kong nag-uusap si Marinel at si Raeden. Napapadalas yata ang pagpunta ni Raeden dito. Baka nga ay si Marinel ang sadya niya rito kagabi.Nang makita ako ni Marinel ay nagmadali siyang umalis. Kami nalang ni Raeden ang naiwan.I was about to lean on the car door when he grabbed my waist and pulled me closer to him.Lumayo agad ako sa kanya dahil sa pagkabigla. Kumunot lang ang noo niya at inayos ang sarili."May sabon, oh." Tinuro niya ang kotse. Tumuwid ako ng tayo at inayos ang suot ko. "Look... sabi ni manang, ikaw yung nag-akyat sakin sa kwarto. I just wanna know kung..." "Kung?"Tumungo ako, intimidated by his stares. "Kung ikaw ang nagpalit ng uniform ko."I heard him chuckled kaya napaangat ako ng tingin. "Ang liit pala."Uminit ang pisngi ko. Embarrassed by what he said, lumapit ako at sinapak ang balik
Chapter 10Welcome backAkala ko noon, kapag crush mo yung tao at nanligaw siya sa'yo, hindi ka na dapat magdalawang isip pa na sagutin siya kasi 'love' na yun. That's my own definition of love. Too shallow... Too vague. Ngayon ko napagtanto na mali pala ako. Siguro, kahit papaano, nagmature na rin ako not just in physical but in emotional aspect as well.Ngayon ko lang din narealize na infatuated lang talaga ako kay Wesley dahil gwapo siya. The excitement and thrill pushed me to like him more because he is a varsity player and a part-time model. Lalo na't magkaiba pa kami ng school at halos lahat ng mga kaedaran ko ay hinahangaan siya. Siguro, ang tingin ko sakanya ay isang tropeyo. Na kapag nadikit ang pangalan ko sa pangalan niya, kaiinggitan ako ng lahat and the victory is mine. Kaya nga ang ginawa ko ay clinose ko siya with the help of our common friend— si Linelle.By then, everytime na may basketball game ang school namin at ang school nina Wesley, we were always seen together
Chapter 11BoyfriendI blankly stared at my coffee while we're on the long table. Papá and Grandma have been talking about business over breakfast, while the triplets and Dustine talk about GSW and Cavs. Sina Danaia at Divina naman ay comeback ng paboritong Kpop fan ang pinag-uusapan. I remained quiet until we finished breakfast. Ngayon lang yata ulit kami nagsalo-salo sa hapag. Usually, kanya-kanya kami ng kain kapag breakfast. Ako palagi ang huling nag-aalmusal dahil ako ang parating huling bumabangon. But today is different. Dustine woke me up early this morning dahil marami raw siyang gustong puntahan."You should have asked Divina and Danaia to go with you!" Reklamo ko habang inaunload ang compartment ng sasakyan."Eh, ikaw ang gusto kong kasama, bakit ba?"Sinimangutan ko lang siya. After our breakfast, we headed to Camsur. Five hours ang byahe mula sa amin kaya naman pagkarating namin ay nanakit ang balakang at likod ko.Nag-unat-unat ako para maibsan ang pangangalay na narara
Chapter 12FuriousI grabbed and hugged the pillow beside me as I finished talking. Ilang beses niya akong pabalik-balik na tinignan na para bang nagdadalawang isip kung paniniwalaan ang sinabi ko o hindi."Did you guys kiss?"Di ko alam kung matatawa ako sa tanong niya, o ano. Ready na akong makarinig nang kung anong pamimintas o pangangaral galing sa kanya, ngunit sa tagal niyang hindi umimik at naninimbang lang ang mga titig, ay ito lang pala ang makukuha ko."Err... twice?"He shifted his weight. Di ko inaasang tatawa siya nang tatawa sa narinig. You see, I've been serious all the time I was telling him everything about Wesley. Nung una ay inakala kong seseryosohin niya ako, ngunit sa nakikita ko ngayon ay malayong malayo sa naisip kong magiging reaksyon niya ang nakikita ko.Padarag kong ibinagsak ng unan sa kama at tumayo na. Inirapan ko siya na hanggang ngayon ay tawa parin nang tawa na para bang isang malaking katatawanan ang nangyayari. Nang mapansin niya ang pagtayo ko ay hi
Chapter 13Chivalry"You look so tired. Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?"I looked at Dustine who is currently putting a hotdog on my plate.Maagang umalis sina Tita para pumunta sa taniman. They are starting to cultivate grapes at ang plano ay ibinibenta iyon sa merkado at ang magagandang kaledad ay ieexport. Kung sa amin ang plantasyon na iyon, tiyak na maiisipan ni Papá na mag establish ng sariling brand ng wine. The resources are already there, but it would cost alot to put up a business."Yeah. Marami lang kasing iniisip," sagot ko at yumuko habang pinaglalaruan ang tocino sa aking pinggan.Nag-angat lang uli ako nang tingin nang makitang may naglagay ng pancake sa plato ko. Akala ko ay si Dustine iyon ngunit inginuso niya si Raeden na ngayon ay abala sa pag-ubos ng natitirang kanin sa plato niya.Nang matapos siya ay dagli niyang ipinatong ang baso sa plato at dinala iyon sa lababo. Sumunod na rin si Dustine kaya nagmadali na akong ubusin ang nasa aking pinggan."Hurry up, si
Chapter 14SucceedPumunta kami sa grape plantation dala ang pananghalian nina Tita. Raeden cooked some delicious meals for them. I can't deny the fact that he's really good at cooking. Nang makarating kami sa plantasyon ay agad akong naging interesado sa grapevines na hitik na hitik na hitik sa bunga. Saan ko man igala ang aking paningin, malulusog at nakatatakam na grapes ang nakikita ko.Sa malayo ay kinakausap ni Dustine ang iilang busy sa pagtatanim ng kung ano. Hindi ko naman mahagilap si Raeden. Sa lawak ba naman ng plantasyon ay hindi ko alam kung nagkakakitaan pa sila rito.Ilang sandali akong namangha sa mga pananim bago hilahin ng kung sino. I saw Raeden's snobbish eyes darted at my body.Alam ko! Kanina pa siya may problema sa suot ko. I'm just wearing a button-down sleeves and white shorts paired with sneakers. Wala naman sigurong masama sa suot ko, 'di ba?"Nakakaabala ka ng mga nagtatrabaho dahil diyan sa suot mo," saad niya sa isang mababa ngunit madiing tono."Alam m
Chapter 15CaughtSobrang saya ko dahil para akong nabunutan ng tinik nang madelete ko ang audio. Wala nang rason para matakot ako sakanya. Wala na ring rason para kunin ko pa ang loob niya.Nakangiti pa ako nang lumabas ng kwarto. Inihip ng panghapong hangin ang puting kurtina na naging sagabal upang makita ko ng buo ang tanawin sa dalampasigan.The ledge made of bamboo creaked as I leaned my elbows on it. I placed my hands on my cheeks as I watched Dustine probably looking for his next prospect.Tinignan ko ang orasan na nakakabit sa dingding ng cabin. It's 4pm in the afternoon. Malamang ay nasa byahe parin ang mga kaibigan ni Dustine. Muling ngumitngit ang pasamano kaya napatingin ako sa kaliwang bahagi ng corridor. Nakasandal rin ang mga kamay ni Raeden sa ledge habang tinatanaw ang dalampasigan. His biceps flexed as he shifted his weight. Bumaling siya sa akin kaya halos mabuwal ako nang makita ang paglapit niya sa may pwesto ko.Bigla akong naging abala sa kurtinang nasa tabi k
Chapter 16AllyIt always give shiver down my spine everytime his eyes met mine. This is very new to me especially that I don't feel this way before. Or maybe, like I always say, I just don't really give much attention to Raeden. But now, all my attention is directed into him.Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko nang makita ang pagsalin ni Marinel ng juice sa baso ni Raeden. I faked a cough kaya napatingin sila sa'kin. Wesley carressed my back. Hinanap ko agad ang mga mata ni Raeden. Nagsalubong ang mga kilay niya at sinuyod ng tingin ang kamay ni Wesley na nakahawak sa likod ko kaya ngumisi ako nang palihim.So I have that kind of effect to you, huh?He was ignoring me the whole night and up to this morning. Sanay naman ako na hindi kami nagpapansinan. Ni hindi ko nga siya pinapansin noong hindi niya pa alam ang sekreto ko, so why bother think about it now? Eh ano naman kung hindi kami magpansinan? I don't care!"Aalis na tayo mamayang hapon kasi 3 days nang absent si Ate.