"Miss na rin ni Walter si Mommy, bakit hindi ka paron umuuwi, Mommy??" Agad namang hiniling ng bata kay Alicia na buhatin siya pagkatapos niyaya ng dalaga ang kanyang biyenan na pumasok sa loob ng bahay. Umupo si Emerald sa isang upuan sa sala. Napansin niyang ipinapakita ng apo niya ang kanyang spoiled side kay Alicia. Hindi na madilim at nagtatampo ang ekspresyon ni Walter tulad ng dati. "Ngayon masaya ka na ba? Nakita na ni Walter si Mommy niya?" natatawang sabi ni Emerald. "Opo Lolo! Sobrang saya ko na makita ulit si Mommy!" Kumportableng umupo ang bata sa kandungan ni Alicia at niyakap siya ng mahigpit. Tuwang-tuwang si Alicia, paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak bago nilingon ang biyenan. "Papa, kamusta po? Pasensya na po talaga, matagal na po tayong hindi nagkita," sabi ng dalaga na bahagyang ibinaba ang ulo. Ngumiti lang si Emerald, nakita ng lalaki na walang nagbago kay Alicia. Magalang pa rin ang pananalita niya at lagi siya nitong nirerespeto
Nitong mga nakalipas na araw, si Walter at Alicia ay nagpapalipas ng oras sa kanilang simpleng bahay at walang kaalam-alam si Woodley. Silang dalawa lang ni Emerald ang nakakaalam ng lihim na pagkikita nila ng batang si Walter. Medyo hapon na nang dumating si Emerald para sunduin ang apo. Sa pagdating niya, napangiwi si Walter na nakita siya. Agad na niyakap ng bata si Alicia at nagtago sa likod ng katawan ng kanyang ina. "Bakit mo ako sinundo agad? Gusto ko pang makipaglaro kay Mommy!" galit na sigaw ng bata gaya ng dati. "Apo, babalik naman tayo bukas, kailangan lang nating umuwi ngayon." Sagot ni Emerald sabay upo sa isang upuan. Nagprotesta ang mukha ni Walter, napangiti naman si Alicia. Marahang hinawakan ng dalaga ang pisngi ni Walter. "Honey, today you need to go home with Lolo. Balik ka dito after school mo bukas, okay?" Hinalikan ni Alicia ang noo ni Walter. "Hmp,lolo naman. Gusto pa ni Walter makasama si Mommy." Huminga ng malalim si Emerald at binigyan ng ora
"Iwanan mo na si Woody! Dahil malapit na siyang makipagkasundo sa dati niyang asawa!"Nanlaki ang mga mata ni Alicia sa sinabi ng kanyang biyenan at nanginig din ang katawan niya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Si Alicia Molina ang bentre-tres anyos na asawa ay napahawak sa kanyang suot na kulay asul na party dress. "A-ano pong ibig niyong sabihin Tita?" tanong ni Alicia at may bakas ng kuryosidad sa kanyang boses. "Hindi mo pa ba alam?? Hanggang ngayon hindi ka pa rin mahal ni Woodley kahit matagal na kayong kasal!" bulyaw ni Merida, isang babaeng medyo may edad na at nakasuot ito ng sosyaling damit. "Dahil si Mariana lang ang tunay niyang minamahal!" Natahimik si Alicia na agad na nagdamdam. Gusto niyang magsalita, ngunit parang umatras ang kanyang dila dahil may punto ang kanyang biyenan.Hindi siya kailanman minahal ng asawa. "Nakikita mo ba silang dalawa doon? Ang perkpekto nilang tingnan na magkasama, hindi ba?" Dagdag pa ni Merida na nakaturo sa direksy
Kinaumagahan... "Bihisan mo ng magandang damit si Walter, ilalabas namin siya ni Mariana mamaya." Ang malalim na baritonong boses ni Woodley ay maririnig ni Alicia habang nagbibihis kay Walter. Matapos ang buong gabing hindi siya natulog sa bahay, bumalik si Woodley kasama si Mariana na ngayon ay naghihintay sa unang palapag."Okay. Hapon na ba kayo uuwi mamaya?" tanong ni Alicia.Habang nagsusuot ng kanyang itim na tuxedo, sumagot si Woodley, "Oo, para magkaroon ng mahabang oras si Mariana na makasama si Walter." Saglit na natahimik si Alicia, pakiramdam niya ay mas magiging stressful ang mga paparating na mga araw. Bukod sa pagliit ng oras kasama ang asawa, mas magiging madalas ang kalungkutan ni Alicia dahil madalas ding makakasama ni Walter si Mariana."Mommy? Saan ba tayo pupunta ngayon? Bakit ako nagpalit ng clothes?"Napangiti si Alicia na marinig ang maliit na boses ni Walter na nakakunot pa ang noo. "Sasama ikaw kay Daddy mo ngayon, darling. Tandaan mo, iwasang mag
Matapos himatayin si Alicia, hindi pa rin bumuti ang kanyang pakiramdam kahit lumipas na ang ilang araw. Mas lalong nanghina ang kanyang katawan, nagtataka na nga siya sa nangyayari ngayon dahil hindi naman siya kadalasang ganito. Namumutla ang mukha ni Alicia na sinubukang tumayo sa kama at pilit na inalalayan ang sarili para makarating sa banyo. Naduduwal siya at napahawak sa magkabilang gilid ng lababo para sumuka. Ngunit walang kahit anong lumalabas sa kanyang bibig. Napahilamos siya ng malamig na tubig sa mukha at paglabas niya sa banyo, nadatnan niya ang asawa na pumasok sa pinto. Lumapit si Alicia kay Woodley na nag-aayos ng kanyang suot na relo."Woody? Vacant time mo ba ngayon?" Napatanong si Alicia na medyo nahihiyang tumingin sa kanya. "Hindi, sobrang busy ng schedule ko ngayon,” malamig na sagot ni Woodley na nakasanayan niya ng marinig. Kinuha naman ni Alicia ang itim na tuxedo ni Woodley mula sa kama at iniabot ito sa kanya. "G-gusto ko sanang humingi sayo ng k
Pagdating sa bahay, nanatiling tahimik si Alicia sa loob ng kanyang silid. Ilang oras na siyang nakalubog dahil sa problema at kalungkutan. "Balewala lang pala sa kanya ang aking presensya, ang dati niya pa ring asawa ang mahal niya," mahina niyang sabi. Tumulo ang mga luha ni Alicia, ngunit mabilis niya itong pinunasan. Dahil sa malungkot na sitwasyong ito, nami-miss ni Alicia ang mga pigura ng kanyang lola at tiyahin na nag-aalaga sa kanya, nasa malayo sila ngayon, sa kanilang probinsya.Hindi nagtagal, isang malakas na busina ng sasakyan ang narinig niya mula sa labas."Nakauwi na siya." Binuksan ni Alicia ang mga kurtina at sumilip ng palihim. Tama nga ang kanyang hula, tunog ito ng sasakyan ni Woodley. Bumangon na si Alicia at nagmamadaling sinalubong ang asawa sa loob ng kanyang kwarto. Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto at pumasok sa loob, nakita niya ang asawa na naghuhubad ng kanyang tuxedo. "B-bakit ngayon ka lang nakauwi? S-saan ka ba nagpunta kanina?" Sunod
Lumipas ang mga araw, hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ni Alicia. Kakagising niya lang mula sa pagkakatulog. Dalawang oras lang na nakatulog si Alicia pagkatapos uminom ng gamot, hanggang sa naalala niya na nakalimutan niya palang sunduin si Walter sa paaralan."Oh my God, anong oras na?!" Napatingin si Alicia sa wall clock sa kwarto, alas singko na ng hapon. "Dios mio! Anong nagawa ko? Siguradong umiiyak si Walter sa paghihintay sa akin!"Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Alicia kahit na hindi maganda ang kanyang pakiramdam, nanghihina siya at walang lakas ang katawan pero nagpatuloy siyang tumayo. Mabibigat ang bawat niyang paghakbang sa hagdan ngunit pinilit niyang makababa. Gayunpaman, hindi pa nakarating si Alicia sa unang palapag, biglang bumukas ang pintuan at nataranta siya ng bumungad ang kanyang tiyahin at ang umiiyak na si Walter. "Alicia!!" malakas na sigaw ni Merida. "Mommy!" Iyak ni Walter. Nagulat din si Alicia na makita si Mariana na kasama nila, at hawa
"Sigurado ka ba, Ma’am?" Tumango si Alicia na determinado sa desisyon. “Hindi ako magsisisi sa desisyon kong ito,” seryoso niyang sabi. Nakaupo ang babae sa terrace ng kanyang bahay kasama ang isang matangkad na lalaki na suot ang isang gray tuxedo, may hawak din itong isang folder. Si Attorney Wilson Morris, ang taong pinagkakatiwalaan ni Alicia na kanyang tinawagan dalawang araw na ang nakakaraan para humingi ng tulong sa pag-aayos ng mahahalagang dokumento. “Alright, everything will be fixed soon, Ma’am Alicia.” Tumango ng bahagya si Alicia. “Oo, sana nga. Salamat sa pagtulong, Attorney Morris.” “Walang anuman, Ma’am. Kung ganoon maari na akong makaalis ngayon.” Tumayo na ang abogado at kinuha ang kanyang leather bag at umalis. Samantala, si Alicia ay nakaupo pa rin sa kanyang upuan sa terrace at nakatingin sa isang dokumento na hinahaplos ng kanyang manipis na mga daliri. Napapikit ang dalawang mata ni Alicia at naramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa kany
Nitong mga nakalipas na araw, si Walter at Alicia ay nagpapalipas ng oras sa kanilang simpleng bahay at walang kaalam-alam si Woodley. Silang dalawa lang ni Emerald ang nakakaalam ng lihim na pagkikita nila ng batang si Walter. Medyo hapon na nang dumating si Emerald para sunduin ang apo. Sa pagdating niya, napangiwi si Walter na nakita siya. Agad na niyakap ng bata si Alicia at nagtago sa likod ng katawan ng kanyang ina. "Bakit mo ako sinundo agad? Gusto ko pang makipaglaro kay Mommy!" galit na sigaw ng bata gaya ng dati. "Apo, babalik naman tayo bukas, kailangan lang nating umuwi ngayon." Sagot ni Emerald sabay upo sa isang upuan. Nagprotesta ang mukha ni Walter, napangiti naman si Alicia. Marahang hinawakan ng dalaga ang pisngi ni Walter. "Honey, today you need to go home with Lolo. Balik ka dito after school mo bukas, okay?" Hinalikan ni Alicia ang noo ni Walter. "Hmp,lolo naman. Gusto pa ni Walter makasama si Mommy." Huminga ng malalim si Emerald at binigyan ng ora
"Miss na rin ni Walter si Mommy, bakit hindi ka paron umuuwi, Mommy??" Agad namang hiniling ng bata kay Alicia na buhatin siya pagkatapos niyaya ng dalaga ang kanyang biyenan na pumasok sa loob ng bahay. Umupo si Emerald sa isang upuan sa sala. Napansin niyang ipinapakita ng apo niya ang kanyang spoiled side kay Alicia. Hindi na madilim at nagtatampo ang ekspresyon ni Walter tulad ng dati. "Ngayon masaya ka na ba? Nakita na ni Walter si Mommy niya?" natatawang sabi ni Emerald. "Opo Lolo! Sobrang saya ko na makita ulit si Mommy!" Kumportableng umupo ang bata sa kandungan ni Alicia at niyakap siya ng mahigpit. Tuwang-tuwang si Alicia, paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak bago nilingon ang biyenan. "Papa, kamusta po? Pasensya na po talaga, matagal na po tayong hindi nagkita," sabi ng dalaga na bahagyang ibinaba ang ulo. Ngumiti lang si Emerald, nakita ng lalaki na walang nagbago kay Alicia. Magalang pa rin ang pananalita niya at lagi siya nitong nirerespeto
Pagkauwi mula sa hapunan sa bahay ng kanyang mga magulang, naisip ni Woodley ang madalas na inireklamo sa kanya ni Walter, ito ay tungkol sa saloobin ni Mariana noong kasama niya ang kanyang anak. Napakilos si Woodley na maglakad patungo sa kwarto ni Walter dahan-dahan niyang binuksan ang kahoy na pinto sa kanyang harapan at nakita niya ang kanyang anak na naglalaro mag-isa. "Walter..." tawag sa kanya ni Woodley at pumasok doon. "Daddy!" Agad na tumayo ang bata at naglakad palapit sa kanya. "Saan ka pupunta?" Iniangat ni Woodley ang maliit na katawan ni Walter na ngayon ay payat na. "Walang pupuntahan si Daddy, gusto ni Daddy na makausap si Walter," sagot ni Woodley, muling isinara ang pinto ng kwarto ni Walter at naglakad pababa sa unang palapag. Napangiti ang anak, hinawakan ang leeg ni Woodley at isinandal ang ulo sa balikat nito. Pumasok silang dalawa sa opisina ni Woodley. Doon, umupo si Woodley at hinawakan si Walter sa kanyang kandungan na abala sa pagkuha ng panul
Ang tunog ng paulit-ulit na katok sa pinto sa labas ay parang matinding trauma para kay Alicia. Natatakot siya na baka si Woodley na naman ang dumating. Humiga na lang ang dalaga pagkatapos uminom ng gamot. Gayunpaman, ang marinig ang tunog ng katok sa pinto ay naging dahilan upang hindi makapagpahinga si Alicia. "Alicia...Nakauwi ka na diba? Alicia!" Nang marinig ni Alicia ang boses ni Dr. Frederick, agad siyang bumangon sa kama. Mabilis na naglakad ang dalaga. Bumukas ang puting kahoy na pinto, at totoo ngang nagpakita si Dr. Frederick. "Dr. Frederick," bulong ni Alicia na nakatingin sa kanya. Palaging nakangiti ang doktor gaya ng dati, itinaas niya ang dalawang kamay na ipinapakita ang paper bag na kasalukuyang dala. "Dinalhan kita ng tanghalian," sabi niya. "Hay naku Doc! Nag-abala ka pa! Eh, araw-araw naman akong nagluluto ng pagkain dito." sabi ng dalaga sabay bukas ng pinto ng bahay niya. Hindi siya pinansin ni Dr. Frederick at nagpatuloy sa paglalakad papasok
Ang mga segundo ay mas malala pa kaysa sa inaasahan ni Woodley. Matapos ang galit ni Alicia sa kanya, ang lalaki ay hindi makatulog buong gabi at ang pagkairita ay lumitaw sa lahat ng panig. Kahit kaninang umaga, tahimik na nakaupo si Woodley sa sala kasama si Secretary Edward na tahimik lang sa likod niya. “Sir, inayos na po ng mga katulong ang kwarto,” biglang sabi ni Secretary Edward. Walang tugon mula kay Woodley ng ilang segundo, hanggang sa tuluyan na itong nagsalita. "I don't feel like doing anything today," simpleng sagot ni Woodley. "Okay, Sir Woodley." Narinig ni Woodley ang tunog ng mga yabag na papasok sa bahay. Gayunpaman, hindi siya interesadong tingnan kung sino ang pumasok ngayon sa kanyang bahay. Nang makita ang pigura ni Mariana ay agad na iniwan ni Secretary Edward si Woodley at ang babae. "Good morning," sabi ni Mariana na matamis na nakangiti. Lumapit ang babae kay Woodley na tahimik na nakaupo habang nakatingin sa tanawin ng hardin at sa kaulapan
Kinabukasan, bumalik si Alicia sa trabaho. Gayunpaman, hindi tulad ng kanyang inaasahan, ang sitwasyon ngayon katulad pa rin noong nga nakaraang araw, tensyunado at magulo. Noong una ay inakala ni Alicia na magiging tahimik na ang kanyang trabaho at babalik na ang lahat sa normal pero nagkakamali siya. Mas pinaulanan siya ng batikos. At talagang hindi inaasahan ni Alicia na mangyayari ito, kahit na inalid na ang mga balita. 'Bakit ganyan sila makatingin? Hindi ba inalis ang balita kagabi?' Paulit-ulit na tanong ni Alicia habang nagtutugtog ng piano kahit na puno ng kaguluhan ang kanyang isip at puso. Hanggang sa biglang umupo ang ilang mga babae sa hindi kalayuan malapit sa kinauupuan ni Alicia. "Napakabait talaga ni Mr. Woodley, naglabas siya ng balita tungkol sa kabulukan ng makulit niyang asawa," sabi ng babaeng nakasuot ng matingkad na pulang damit. “You're right, Mr. Woodley is still willing to forgive his wife for cheating on him, what a extraordinary man," sabi ng i
Ilang araw ng uminit ang balita, sa wakas, nahuli at nahila ng mga tauhan ni Edward ang salarin na nagpakalat ng balita at dinala siya kay Woodley. Sa kanyang pribadong silid, tuwid na nakatayo si Woodley habang nakatingin sa isang lalaki sa kanyang harapan. Mukhang galit ang lalaki, parang hindi siya ang may gawa. "Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ng lalaki. "Tumahimik ka!" Sigaw ni Secretary Edward at sinipa ang lalaki sa likod ng tuhod hanggang sa lumuhod ito. Sinubukan ng lalaki na kalabanin si Secretary Edward, pero humakbang si Woodley papalapit sa kanya. "So ikaw...," Malamig na sabi ni Woodley. "Ikaw pala ang nagkalat ng balita tungkol sa aking asawa?" Inangat ng lalaki ang ulo para tingnan si Woodley. Kinabahan at namutla ito. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at hindi ko magaagwa 'yun!" sigaw ng lalaki. "Sabihin mo ang totoo, Marlo!!" utos ni Secretary Edward. "Marlo..." Banggit ni Woodley sa pangalan ng lalaki pero hindi niya ito ki
Madilim na, nananatili pa rin si Alicia sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay umalis si Dr. Frederick Chavez at babalik mamaya para dahan siya ng hapunan. Pinagbawalan ng lalaki si Alicia na lumabas ng bahay upang maka iwas sa mga pambabatikos ng mga tao dahil mainit pa ang mga isyu sa mga sandaling ito. Hanggang sa tuluyang tumunog ang doorbell, agad na napalingon sa pinto si Alicia na nakaupo sa family room. "Dr. Frederick," bulong niya at agad na tumayo. Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto. Ngunit muli, hindi si Dr. Frederick Chavez ang dumating, kundi isang lalaking kinamumuhian na ngayon ni Alicia. Si Woodley Campbell ay napatingin sa pulang mukha ni Alicia na halatang galing sa kaiiyak. "Bakit ka pa ba pumupunta dito?! Mas mabuti pang huwag ka ng magpapakita ulit!" bulalas ni Alicia, tinataboy si Woodley. Isasara na sana ni Alicia ang pinto ng kanyang bahay, ngunit mabilis na hinarangan ni Woodley ang pintuan at walang sapat na lakas si Alicia na pigilan si
Nabigla at nalungkot si Alicia sa mabilis na pagkalat ng mga gawa-gawang balita sa social media tungkol sa kanyang sarili at nadamay pa si Dr. Frederick Chavez sa ngayon. Lahat ng mata ay napatingin sa kanya na may mga mapait na panunuya at pambabatikos. Kahit na sa kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuan, nakaramdam ng labis na kahihiyan si Alicia dahil sa mga poot na tingin at maririnig pa ang pangungutya ng ibang tao. "Ikaw na walang utang na loob na babae! Ang sarap na magkaroon ng asawang tulad ni Mr. Woodley, pero sa halip naisip mo bang makipagrelasyon sa iba!" Pamamahiya ng isang babae kasama ang iba niyang kaibigan. "Totoo, tingnan mo nga, isa lang siyang pianist sa isang restaurant kahit mayaman naman ang asawa niya! Walanghiyang babae!" dagdag pa ng babae, sarkastikong nakatingin kay Alicia. Ang maaanghang na panlalait na narinig ni Alicia ay nagpakirot sa kanyang puso. Bakit ba ang unfair ni Woodley sa kanya? Ano ba talaga ang gusto niya? Matapos siyang lumapit at