Home / Romance / MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE / Kabanata 2 Sinubukan Niyang Kunin Ang Aking Asawa

Share

Kabanata 2 Sinubukan Niyang Kunin Ang Aking Asawa

Author: Te Anastasia
last update Huling Na-update: 2024-12-06 18:47:47
Kinaumagahan...

"Bihisan mo ng magandang damit si Walter, ilalabas namin siya ni Mariana mamaya." Ang malalim na baritonong boses ni Woodley ay maririnig ni Alicia habang nagbibihis kay Walter.

Matapos ang buong gabing hindi siya natulog sa bahay, bumalik si Woodley kasama si Mariana na ngayon ay naghihintay sa unang palapag.

"Okay. Hapon na ba kayo uuwi mamaya?" tanong ni Alicia.

Habang nagsusuot ng kanyang itim na tuxedo, sumagot si Woodley, "Oo, para magkaroon ng mahabang oras si Mariana na makasama si Walter."

Saglit na natahimik si Alicia, pakiramdam niya ay mas magiging stressful ang mga paparating na mga araw. Bukod sa pagliit ng oras kasama ang asawa, mas magiging madalas ang kalungkutan ni Alicia dahil madalas ding makakasama ni Walter si Mariana.

"Mommy? Saan ba tayo pupunta ngayon? Bakit ako nagpalit ng clothes?"

Napangiti si Alicia na marinig ang maliit na boses ni Walter na nakakunot pa ang noo.

"Sasama ikaw kay Daddy mo ngayon, darling. Tandaan mo, iwasang maging makulit, huwag iyak nang iyak, at hindi magsisigaw-sigaw. Understand?" Mahinang sabi ni Alicia habang inilalahad ang kanyang hinliliit.

"Promise magiging good boy si Walter?"

Lumiwanag ang mukha ni Walter na iniugnay ang kanyang kalingkingan kay Alicia. "Promise!"

Maayos na ang hitsura ni Walter, nakabihis na ito ng bagong damit, ang paborito niyang pulang sapatos at beret na sumbrero kaya sobrang cute nitong tingnan.

"Okay, halika ka na, ihahatid ka na ni Mommy. Bumaba na tayo, okay?" sabi ni Alicia sabay halik sa pisngi ni Walter at binitbit ito.

Tumawa ng mahina si Walter, nakikiliti. "Okay, Mommy."

Naglakad silang dalawa papalabas ng kwarto. Mula sa hallway sa ikalawang palapag, makikita ni Alicia si Mariana na naghihintay mula sa ibaba.

Nagkaroon ng bigat sa dibdib ni Alicia nang makita niya ang babae, ngunit mabilis niyang inalis iyon. Kung tutuusin, si Mariana ang biological mother ni Walter. Walang karapatan si Alicia na hadlangan ang kanilang pagsasama.

"Mommy? Bakit siya nandito?! Huh? Ayaw ko sa kanya!" sigaw agad ng bata na nagtatampo nang makarating sila sa unang palapag.

Bahagyang napangiti ng mapait si Alicia  habang hinihimas ang likod ng bata. "Baby, hindi mo siya tita, kundi Mommy mo si Mariana."

Agad namang lumapit si Mariana kay Alicia. Hinaplos niya ng marahan ang buhok ni Walter.

"Walter, samahan mo na si Mommy, please? Ako ang tunay mong ina, ang nagsilang sa iyo, anak." Pangungumbinsi ni Mariana sa bata.

"Ayoko! Huwag mo akong pilitin, hmp!" sigaw pa nito, patuloy na tinatanggihan ang paanyaya ni Mariana. Mas humigpit din ang pagkakahawak ng bata sa leeg ni Alicia.

Nahirapan siyang kumbinsihin ang sariling anak kaya walang nagawa si Mariana kung hindi hayaan muna si Alicia na pakalmahin si Walter.

"Pasensya na, Mariana, pakakalmahin ko muna si Walter. Nahihirapan kasi siyang makisalamuha sa ibang tao," ani ni Alicia, sinusubukang magpaliwanag para hindi sumama ang loob ni Mariana.

"Ngunit ako ang kanyang ina, ang kanyang tunay na ina!" Pagkaklaro ni Mariana, hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ni Alicia. "Ibigay mo siya sa akin, Alicia! Wala kang karapatan na pigilan akong makasama si Walter!"

Nagmatigas si Mariana at biglang kinuha si Walter sa braso ni Alicia, hinila niya ito papalayo sa kanya.

Umalingawngaw ang iyak ni Walter nang subukan buhatin ni Mariana ang bata. Itinitulak nito ang mukha ni Mariana gamit ang maliliit nitong kamay.

"No! Ayaw kitang makasama, Auntie! Mas gusto kong makasama si Mommy!" Marahas na pumiglas si Walter sa mga bisig ni Mariana.

"Walter, ako ang tunay mong ina. Hindi siya!" galit na sigaw ni Mariana, naiinip na siya rito at hindi talaga siya sanay na mag-alaga ng maliit na bata.

"Mommy! Mommy! Don't leave me!" Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Walter.

Hindi kinaya ni Alicia na marinig na umiiyak si Walter na ganoon kalakas kaya hinawakan niya ang maliit na katawan ni Walter mula sa mga braso ni Mariana para agawin.

Sa mahigpit na yakap ni Alicia, dumaloy ang mga luha ni Walter habang kumakapit sa kanyang puting damit.

"Don't worry, darling, nandito lang si Mommy,” bulong ni Alicia para pakalmahin si Walter.

Humihikbi pa rin ang bata, at mayamaya, nagsimula itong kumalma ng dahan-dahan. Napalingon si Alicia kay Mariana na ngayon ay nag-iigting ang panga sa inis.

"Medyo mahirap kumbinsihin si Walter, kailangan mong dahan-dahanin para hindi siya magalit," payo ni Alicia para maunawaan ni Mariana.

Malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Mariana, inis na makitang mas gusto ng anak si Alicia kaysa sa kanya.

"Stepmother ka lang niya, Alicia. Huwag mong isipin na dahil ikaw ang nag-aalaga sa kanya, akala mo makukuha mo na siya sa akin!" Napasigaw si Mariana, kasabay ng pagsulpot ni Woodley.

"Hindi naman sa ganun, Mariana. Pero—"

"What's happening?"

Napalingon si Alicia sa malakas na boses mula sa likuran. Gayunpaman, mabilis na sumugod si Mariana kay Woodley at humawak sa braso ni Woodley na bakas ang pagkalito sa mukha.

"Pinagbawalan ako ni Alicia na makasama ang anak natin, Woody," umiiyak na sabi ni Mariana. "Kahit ako ang biological mother ni Walter, hindi niya ako gustong makasama, pero bakit mas pinipili niya pa si Alicia?" reklamo ni Mariana habang napapahikbi.

Samanatala, nanlaki ang mga mata ni Alicia na tumingin kay Mariana dahil hindi niya inaasahan na gagawa ito ng drama.

"Alicia!" hirit ni Woodley, at matalim siyang tinitigan.

Mabilis na umiling si Alicia bilang pagtanggi. "H-hindi sa ganun, Woody! Umiiyak si Walter at ayaw niyang sumama kay Mariana. Pinipilit ko lang na pakalmahin ang bata, hindi ko naman siya pinagbabawalan."

"Sinungaling! Halatang pinagsabihan mo ang bata na huwag sumama sa akin kaya niya ako tinatanggihan!" pag-aakusa ni Mariana, "Ano bang kasalanan ko sayo Alicia para ipagkait mo sa akin ang anak ko?"

Naipit si Alicia sa ginawang kadramahan ni Mariana, kahit wala talagang katotohanan ang kanyang mga sinabi.

Ang mga mapungay na mata ni Woodley ay nabahiran ng galit, kaagad niyang inagaw si Walter sa mga braso ni Alicia na kumukulo na rin ang dugo.

Pinigilan ni Alicia ang kamay ng asawa. "Woodley, hindi ko ginawa ang sinasabi ni Mariana!" Depensa niya sa sarili.

"You have no rights whatsoever regarding to my child, Alicia! So, stop this nonsense!" Bulyaw ni Woodley, sabay bitaw sa kamay ni Alicia.

"Pero Woody—"

Napalunok na lang ng laway si Alicia na iniwasan ng tingin ng asawa, pinagmasdan niya nalang ito na binuhat si Walter at idinala papalabas ng pinto. Habang naiwan si Alicia kasama si Mariana sa salas.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Mariana at pinagtaasan ng kilay si Alicia na walang emosyon ang mukha.

"Pasensya na Alicia, pero mukhang malapit nang matanggal ang posisyon mo bilang asawa ni Woodley," tahimik at malinaw na bulong ni Mariana.

"Maghanda ka ng magligpit dahil babalik ako at mapapasakin ulit si Woodley at Walter!"

Natahimik si Alicia na may namumuong luha sa mga mata. Walang ng ibang sinabi si Mariana, kung hindi tumalikod at kinawayan si Alicia, "Bye, Alicia!" aniya at may panunukso sa kanyang boses.

Nang sumara ang pinto ng bahay, naiinis si Alicia sa ginawa ni Mariana na ipinaglaban pa ni Woodley. Kahit sinubukan niyang magpaliwanag, ni hindi siya pinaniwalaan ng asawa.

Napaupo nalang si Alicia sa sofa at napahilamos ng mukha. Nalulungkot siya na nagsisimula ng umatake si Mariana sa kanya para mapaalis siya sa kanilang tahanan.

Tinapik-tapik ni Alicia ang kanyang masikip na dibdib, hanggang sa biglang may naramdaman siyang mainit na dumadaloy mula sa kanyang ilong.

"D-dugo," marahang pinunasan ito ni Alicia  at naramdaman din ang pagdaloy ng kanyang mga luha. "W-why?"

Isang matinding sakit ng ulo ang biglang tumama kay Alicia at hindi tumigil ang dugo na umagos sa kanyang ilong.

Dahan-dahang bumangon si Alicia sa kanyang kinauupuan, nanginginig din ang mga binti niya at paa, hindi makalakad ng maayos sa matinding pagkahilo.

"Tulong!" Napasigaw si Alicia, sinusubukang tumawag ng katulong sa loob ng bahay.

Nagpasuray-suray siya papalapit sa dingding bago nandilim ang kanyang paningin at ang kanyang katawan ay parang nawalan ng lakas kaya siya natumba sa sahig,

Napasigaw ang isang katulong na kalalabas lang mula sa kusina nang makita niya si Alicia na nakahandusay sa malamig na sahig.

"Madame Alicia!"

Kaugnay na kabanata

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 3 Ang Pagkakaisa Ng Mga Taong May Galit Sa Akin

    Matapos himatayin si Alicia, hindi pa rin bumuti ang kanyang pakiramdam kahit lumipas na ang ilang araw. Mas lalong nanghina ang kanyang katawan, nagtataka na nga siya sa nangyayari ngayon dahil hindi naman siya kadalasang ganito. Namumutla ang mukha ni Alicia na sinubukang tumayo sa kama at pilit na inalalayan ang sarili para makarating sa banyo. Naduduwal siya at napahawak sa magkabilang gilid ng lababo para sumuka. Ngunit walang kahit anong lumalabas sa kanyang bibig. Napahilamos siya ng malamig na tubig sa mukha at paglabas niya sa banyo, nadatnan niya ang asawa na pumasok sa pinto. Lumapit si Alicia kay Woodley na nag-aayos ng kanyang suot na relo."Woody? Vacant time mo ba ngayon?" Napatanong si Alicia na medyo nahihiyang tumingin sa kanya. "Hindi, sobrang busy ng schedule ko ngayon,” malamig na sagot ni Woodley na nakasanayan niya ng marinig. Kinuha naman ni Alicia ang itim na tuxedo ni Woodley mula sa kama at iniabot ito sa kanya. "G-gusto ko sanang humingi sayo ng k

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 4 Asawa Mo Ako, Pero Hindi Ang Priyoridad Mo

    Pagdating sa bahay, nanatiling tahimik si Alicia sa loob ng kanyang silid. Ilang oras na siyang nakalubog dahil sa problema at kalungkutan. "Balewala lang pala sa kanya ang aking presensya, ang dati niya pa ring asawa ang mahal niya," mahina niyang sabi. Tumulo ang mga luha ni Alicia, ngunit mabilis niya itong pinunasan. Dahil sa malungkot na sitwasyong ito, nami-miss ni Alicia ang mga pigura ng kanyang lola at tiyahin na nag-aalaga sa kanya, nasa malayo sila ngayon, sa kanilang probinsya.Hindi nagtagal, isang malakas na busina ng sasakyan ang narinig niya mula sa labas."Nakauwi na siya." Binuksan ni Alicia ang mga kurtina at sumilip ng palihim. Tama nga ang kanyang hula, tunog ito ng sasakyan ni Woodley. Bumangon na si Alicia at nagmamadaling sinalubong ang asawa sa loob ng kanyang kwarto. Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto at pumasok sa loob, nakita niya ang asawa na naghuhubad ng kanyang tuxedo. "B-bakit ngayon ka lang nakauwi? S-saan ka ba nagpunta kanina?" Sunod

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 5 Inalis Nila Ang Aking Kaligayahan

    Lumipas ang mga araw, hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ni Alicia. Kakagising niya lang mula sa pagkakatulog. Dalawang oras lang na nakatulog si Alicia pagkatapos uminom ng gamot, hanggang sa naalala niya na nakalimutan niya palang sunduin si Walter sa paaralan."Oh my God, anong oras na?!" Napatingin si Alicia sa wall clock sa kwarto, alas singko na ng hapon. "Dios mio! Anong nagawa ko? Siguradong umiiyak si Walter sa paghihintay sa akin!"Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Alicia kahit na hindi maganda ang kanyang pakiramdam, nanghihina siya at walang lakas ang katawan pero nagpatuloy siyang tumayo. Mabibigat ang bawat niyang paghakbang sa hagdan ngunit pinilit niyang makababa. Gayunpaman, hindi pa nakarating si Alicia sa unang palapag, biglang bumukas ang pintuan at nataranta siya ng bumungad ang kanyang tiyahin at ang umiiyak na si Walter. "Alicia!!" malakas na sigaw ni Merida. "Mommy!" Iyak ni Walter. Nagulat din si Alicia na makita si Mariana na kasama nila, at hawa

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 6 Asawa Ko, Tapusin na Natin ang Kasal na Ito  

    "Sigurado ka ba, Ma’am?"  Tumango si Alicia na determinado sa desisyon. “Hindi ako magsisisi sa desisyon kong ito,” seryoso niyang sabi. Nakaupo ang babae sa terrace ng kanyang bahay kasama ang isang matangkad na lalaki na suot ang isang gray tuxedo, may hawak din itong isang folder. Si Attorney Wilson Morris, ang taong pinagkakatiwalaan ni Alicia na kanyang tinawagan dalawang araw na ang nakakaraan para humingi ng tulong sa pag-aayos ng mahahalagang dokumento. “Alright, everything will be fixed soon, Ma’am Alicia.” Tumango ng bahagya si Alicia. “Oo, sana nga. Salamat sa pagtulong, Attorney Morris.” “Walang anuman, Ma’am. Kung ganoon maari na akong makaalis ngayon.” Tumayo na ang abogado at kinuha ang kanyang leather bag at umalis. Samantala, si Alicia ay nakaupo pa rin sa kanyang upuan sa terrace at nakatingin sa isang dokumento na hinahaplos ng kanyang manipis na mga daliri. Napapikit ang dalawang mata ni Alicia at naramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa kany

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 7 Hanggang Kailanman, Walang Hiwalayan!  

    Si Alicia ay natigilan, hindi inaasahan na si Woodley ay magagalit ng ganoon sa kanyang kahilingan na makipaghiwalay. Hindi ba dapat masaya si Woodley dahil makakapagbalikan siya sa kanyang dating asawa? Pero bakit...bakit hindi siya pumapayag? Sinikap ni Alicia na pakalmahin ang sarili, saka tumitig ng matalim kay Woodley. "Pero gusto kong wakasan ang kasal na ito, Woodley." Ang ekspresyon ni Woodley ay hindi nagbago, galit pa rin at hindi nasiyahan kahit na ang papeles ng diborsyo ay pinunit-punit hanggang sa maging basura. Ang matatalim na titig ng mga itim na mata ni Woodley ay nakatuon kay Alicia na matatag na nakatayo sa harapan niya. Ang kanyang asawa ay hindi pa kailanman nagkaroon ng ganitong tapang. "Ano ang dahilan mo sa pagnanais na makipaghiwalay sa akin?" Ang malakas na boses ni Woodley ay maririnig ng malinaw.  Umiling si Alicia, ayaw niyang ipakita ang kanyang mga luha sa harap ng lalaking ito. "Sabihin mo, Alicia," sigaw ni Woodley nang mas mariin. "Kay

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 8 Ano ang Tinatago ng Aking Asawa?  

    Sa loob ng kanyang opisina, tahimik na nakaupo si Woodley Campbell habang may hawak na nagbabagang sigarilyo. Nakatitig ang lalaki sa makintab na marmol na sahig ng kanyang pribadong silid na puno ng mga pira-pirasong papel na kanyang pinunit. Nag-aalala at nagagalit si Woodley dahil sa nangyari kanina umaga. "Bakit…," bulong ng lalaki, may malamig at madilim na ekspresyon sa mukha. "Ano ba talaga ang gusto mo, Alicia." Napabuntong-hininga si Woodley sa sobrang pagkalito. Kanina pa siya nagsisikap na mag-focus sa trabaho, pero ang tanging tumatakbo sa kanyang isipan ay si Alicia.  Biglang nag-ingay ang pagkatok sa pinto ng silid, at pumasok si Edward, ang kanyang sekretarya. "Ano ang nakuha mong impormasyon? Sabihin mo sa akin ang lahat," utos ni Woodley. Nakatingin nang diretso ang lalaking nakasuot ng pormal na damit sa kanyang amo. "Humihingi po ng tulong si Mrs. Alicia kay Attorney Morris para ayusin ang papeles ng diborsyo ninyo, Sir Woodley. Nakakatiyak akong nangyari

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 9 Magsumikap Ka Para Makaiwas sa Akin!  

    Si Alicia ay nakahiga sa isang silid kasama ang doktor na nag-aalaga sa kanya ngayon matapos niyang ikwento ang lumalala niyang kalagayan. Isang guwapo at batang doktor ang nakatitig kay Alicia na nakahiga at nakatingin sa kisame, ang kanyang mga mata ay malungkot. Ang kanyang mga daliri ay magkakasalubong at ang kanyang mapupulang labi ay nakatikom. "Hindi mo pa ba sinasabi sa asawa mo ang tungkol sa sakit mo, Alicia?" tanong ni Fred, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. Ang lalaking ito ay isang batang doktor, kaibigan ni Alicia at parehong silang galing sa iisang probinsya. Noong una ay hindi naniniwala si Alicia na siya ay gagamutin ng isang propesyonal na doktor at ng kanyang sariling kaibigan. Dahan-dahang umiling si Alicia. "Marahil ay hindi na, Fred." "Lumalala na ang kalagayan mo, Alicia. Kung patuloy mong itatago sa kanya ang sakit na ito, mas magiging kumplikado ang mga bagay sa hinaharap." Nanindigan si Alicia na hindi ito sabihin. Walang silbi ang pagsasabi

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 10 Ang Anak na Mahal na Mahal Ko  

    Araw ng kaarawan ni Walter ngayon, at isang malaking salu-salo ang ginanap sa isang hotel na pag-aari ng pamilya Campbell. Nandoon si Alicia kasama ang ibang mga bisita. Pinagmamasdan niya ang kanyang biyenan na nakikipag-usap sa mga bisita kasama si Mariana. "Mukhang mas close pa si Merida sa dating manugang niya, kawawa naman si Alicia." "Siguro dahil hindi pa siya nabibigyan ng apo ni Alicia kaya hindi niya pinapansin ang sariling manugang niya." Narinig ni Alicia ang mga bulungan ng mga tao. Sa party na iyon, tingin sa kanya ay hindi isa sa mga nag-oorganisa, kundi parang isang nakalimutang bisita. Ngumiti si Alicia nang makita niyang papalapit si Walter sa kanya, bigla siyang hinila ng bata para dalhin sa isang lugar. "Mommy! Tara na doon. Samahan niyo ako na mag-blow ng candles ko!" sigaw ng bata habang hawak ang kamay ng kanyang ina. "Okay, anak," sagot ni Alicia habang nakangiti at tumango. "Pabuhat ako, Mommy, ah?" Nag-pout pa ang cute na bata. "Oo naman. Yay

    Huling Na-update : 2024-12-06

Pinakabagong kabanata

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 50 My Dear Walter

    Nitong mga nakalipas na araw, si Walter at Alicia ay nagpapalipas ng oras sa kanilang simpleng bahay at walang kaalam-alam si Woodley. Silang dalawa lang ni Emerald ang nakakaalam ng lihim na pagkikita nila ng batang si Walter. Medyo hapon na nang dumating si Emerald para sunduin ang apo. Sa pagdating niya, napangiwi si Walter na nakita siya. Agad na niyakap ng bata si Alicia at nagtago sa likod ng katawan ng kanyang ina. "Bakit mo ako sinundo agad? Gusto ko pang makipaglaro kay Mommy!" galit na sigaw ng bata gaya ng dati. "Apo, babalik naman tayo bukas, kailangan lang nating umuwi ngayon." Sagot ni Emerald sabay upo sa isang upuan. Nagprotesta ang mukha ni Walter, napangiti naman si Alicia. Marahang hinawakan ng dalaga ang pisngi ni Walter. "Honey, today you need to go home with Lolo. Balik ka dito after school mo bukas, okay?" Hinalikan ni Alicia ang noo ni Walter. "Hmp,lolo naman. Gusto pa ni Walter makasama si Mommy." Huminga ng malalim si Emerald at binigyan ng ora

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 49 Naibsan ang Pananabik ko  

    "Miss na rin ni Walter si Mommy, bakit hindi ka paron umuuwi, Mommy??" Agad namang hiniling ng bata kay Alicia na buhatin siya pagkatapos niyaya ng dalaga ang kanyang biyenan na pumasok sa loob ng bahay. Umupo si Emerald sa isang upuan sa sala. Napansin niyang ipinapakita ng apo niya ang kanyang spoiled side kay Alicia. Hindi na madilim at nagtatampo ang ekspresyon ni Walter tulad ng dati. "Ngayon masaya ka na ba? Nakita na ni Walter si Mommy niya?" natatawang sabi ni Emerald. "Opo Lolo! Sobrang saya ko na makita ulit si Mommy!" Kumportableng umupo ang bata sa kandungan ni Alicia at niyakap siya ng mahigpit. Tuwang-tuwang si Alicia, paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak bago nilingon ang biyenan. "Papa, kamusta po? Pasensya na po talaga, matagal na po tayong hindi nagkita," sabi ng dalaga na bahagyang ibinaba ang ulo. Ngumiti lang si Emerald, nakita ng lalaki na walang nagbago kay Alicia. Magalang pa rin ang pananalita niya at lagi siya nitong nirerespeto

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 48 Pagdating nina Walter at Lolo Emerald   

    Pagkauwi mula sa hapunan sa bahay ng kanyang mga magulang, naisip ni Woodley ang madalas na inireklamo sa kanya ni Walter, ito ay tungkol sa saloobin ni Mariana noong kasama niya ang kanyang anak. Napakilos si Woodley na maglakad patungo sa kwarto ni Walter dahan-dahan niyang binuksan ang kahoy na pinto sa kanyang harapan at nakita niya ang kanyang anak na naglalaro mag-isa. "Walter..." tawag sa kanya ni Woodley at pumasok doon. "Daddy!" Agad na tumayo ang bata at naglakad palapit sa kanya. "Saan ka pupunta?" Iniangat ni Woodley ang maliit na katawan ni Walter na ngayon ay payat na. "Walang pupuntahan si Daddy, gusto ni Daddy na makausap si Walter," sagot ni Woodley, muling isinara ang pinto ng kwarto ni Walter at naglakad pababa sa unang palapag. Napangiti ang anak, hinawakan ang leeg ni Woodley at isinandal ang ulo sa balikat nito. Pumasok silang dalawa sa opisina ni Woodley. Doon, umupo si Woodley at hinawakan si Walter sa kanyang kandungan na abala sa pagkuha ng panul

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 47 Higit pa sa isang Sense of Concern  

    Ang tunog ng paulit-ulit na katok sa pinto sa labas ay parang matinding trauma para kay Alicia. Natatakot siya na baka si Woodley na naman ang dumating. Humiga na lang ang dalaga pagkatapos uminom ng gamot. Gayunpaman, ang marinig ang tunog ng katok sa pinto ay naging dahilan upang hindi makapagpahinga si Alicia. "Alicia...Nakauwi ka na diba? Alicia!" Nang marinig ni Alicia ang boses ni Dr. Frederick, agad siyang bumangon sa kama.  Mabilis na naglakad ang dalaga. Bumukas ang puting kahoy na pinto, at totoo ngang nagpakita si Dr. Frederick. "Dr. Frederick," bulong ni Alicia na nakatingin sa kanya. Palaging nakangiti ang doktor gaya ng dati, itinaas niya ang dalawang kamay na ipinapakita ang paper bag na kasalukuyang dala. "Dinalhan kita ng tanghalian," sabi niya. "Hay naku Doc! Nag-abala ka pa! Eh, araw-araw naman akong nagluluto ng pagkain dito." sabi ng dalaga sabay bukas ng pinto ng bahay niya. Hindi siya pinansin ni Dr. Frederick at nagpatuloy sa paglalakad papasok

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 46 Gusto Ko Siyang Kunin Ulit  

    Ang mga segundo ay mas malala pa kaysa sa inaasahan ni Woodley. Matapos ang galit ni Alicia sa kanya, ang lalaki ay hindi makatulog buong gabi at ang pagkairita ay lumitaw sa lahat ng panig. Kahit kaninang umaga, tahimik na nakaupo si Woodley sa sala kasama si Secretary Edward na tahimik lang sa likod niya. “Sir, inayos na po ng mga katulong ang kwarto,” biglang sabi ni Secretary Edward. Walang tugon mula kay Woodley ng ilang segundo, hanggang sa tuluyan na itong nagsalita. "I don't feel like doing anything today," simpleng sagot ni Woodley. "Okay, Sir Woodley." Narinig ni Woodley ang tunog ng mga yabag na papasok sa bahay. Gayunpaman, hindi siya interesadong tingnan kung sino ang pumasok ngayon sa kanyang bahay. Nang makita ang pigura ni Mariana ay agad na iniwan ni Secretary Edward si Woodley at ang babae. "Good morning," sabi ni Mariana na matamis na nakangiti. Lumapit ang babae kay Woodley na tahimik na nakaupo habang nakatingin sa tanawin ng hardin at sa kaulapan

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 45 Ang Galit ni Alicia kay Woodley  

    Kinabukasan, bumalik si Alicia sa trabaho. Gayunpaman, hindi tulad ng kanyang inaasahan, ang sitwasyon ngayon katulad pa rin noong nga nakaraang araw, tensyunado at magulo.  Noong una ay inakala ni Alicia na magiging tahimik na ang kanyang trabaho at babalik na ang lahat sa normal pero nagkakamali siya. Mas pinaulanan siya ng batikos. At talagang hindi inaasahan ni Alicia na mangyayari ito, kahit na inalid na ang mga balita. 'Bakit ganyan sila makatingin? Hindi ba inalis ang balita kagabi?' Paulit-ulit na tanong ni Alicia habang nagtutugtog ng piano kahit na puno ng kaguluhan ang kanyang isip at puso. Hanggang sa biglang umupo ang ilang mga babae sa hindi kalayuan malapit sa kinauupuan ni Alicia. "Napakabait talaga ni Mr. Woodley, naglabas siya ng balita tungkol sa kabulukan ng makulit niyang asawa," sabi ng babaeng nakasuot ng matingkad na pulang damit. “You're right, Mr. Woodley is still willing to forgive his wife for cheating on him, what a extraordinary man," sabi ng i

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 44 Don't Worry Alicia, Lagi Akong Nandyan Para Sa'yo  

    Ilang araw ng uminit ang balita, sa wakas, nahuli at nahila ng mga tauhan ni Edward ang salarin na nagpakalat ng balita at dinala siya kay Woodley. Sa kanyang pribadong silid, tuwid na nakatayo si Woodley habang nakatingin sa isang lalaki sa kanyang harapan. Mukhang galit ang lalaki, parang hindi siya ang may gawa. "Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ng lalaki. "Tumahimik ka!" Sigaw ni Secretary Edward at sinipa ang lalaki sa likod ng tuhod hanggang sa lumuhod ito. Sinubukan ng lalaki na kalabanin si Secretary Edward, pero humakbang si Woodley papalapit sa kanya. "So ikaw...," Malamig na sabi ni Woodley. "Ikaw pala ang nagkalat ng balita tungkol sa aking asawa?" Inangat ng lalaki ang ulo para tingnan si Woodley. Kinabahan at namutla ito. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at hindi ko magaagwa 'yun!" sigaw ng lalaki. "Sabihin mo ang totoo, Marlo!!" utos ni Secretary Edward. "Marlo..." Banggit ni Woodley sa pangalan ng lalaki pero hindi niya ito ki

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 43 Hindi Na Ako Nagtitiwala sa Iyo  

    Madilim na, nananatili pa rin si Alicia sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay umalis si Dr. Frederick Chavez at babalik mamaya para dahan siya ng hapunan.  Pinagbawalan ng lalaki si Alicia na lumabas ng bahay upang maka iwas sa mga pambabatikos ng mga tao dahil mainit pa ang mga isyu sa mga sandaling ito.  Hanggang sa tuluyang tumunog ang doorbell, agad na napalingon sa pinto si Alicia na nakaupo sa family room. "Dr. Frederick," bulong niya at agad na tumayo. Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto. Ngunit muli, hindi si Dr. Frederick Chavez ang dumating, kundi isang lalaking kinamumuhian na ngayon ni Alicia. Si Woodley Campbell ay napatingin sa pulang mukha ni Alicia na halatang galing sa kaiiyak.  "Bakit ka pa ba pumupunta dito?! Mas mabuti pang huwag ka ng magpapakita ulit!" bulalas ni Alicia, tinataboy si Woodley. Isasara na sana ni Alicia ang pinto ng kanyang bahay, ngunit mabilis na hinarangan ni Woodley ang pintuan at walang sapat na lakas si Alicia na pigilan si

  • MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE   Kabanata 42 Pinakamababang Punto ni Alicia  

    Nabigla at nalungkot si Alicia sa mabilis na pagkalat ng mga gawa-gawang balita sa social media tungkol sa kanyang sarili at nadamay pa si Dr. Frederick Chavez sa ngayon. Lahat ng mata ay napatingin sa kanya na may mga mapait na panunuya at pambabatikos. Kahit na sa kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuan, nakaramdam ng labis na kahihiyan si Alicia dahil sa mga poot na tingin at maririnig pa ang pangungutya ng ibang tao.  "Ikaw na walang utang na loob na babae! Ang sarap na magkaroon ng asawang tulad ni Mr. Woodley, pero sa halip naisip mo bang makipagrelasyon sa iba!" Pamamahiya ng isang babae kasama ang iba niyang kaibigan. "Totoo, tingnan mo nga, isa lang siyang pianist sa isang restaurant kahit mayaman naman ang asawa niya! Walanghiyang babae!" dagdag pa ng babae, sarkastikong nakatingin kay Alicia. Ang maaanghang na panlalait na narinig ni Alicia ay nagpakirot sa kanyang puso. Bakit ba ang unfair ni Woodley sa kanya? Ano ba talaga ang gusto niya? Matapos siyang lumapit at

DMCA.com Protection Status