Matapos makapaghanda ni Roxanne, bumaba na siya ng hagdan at nasa ibaba si Jameson na naghihintay. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Simple lamang ang suot niyang pulang dress ngunit ang elegante ng kanyang hitsura. Inalalayan din siya ng asawa na binuksan ang pintuan sa front seat. "I'm very sorry, hon. Hindi kita gustong saktan pero ayaw kong mawala ka sa tabi ko, kaya please, huwag kang aalis." Paumanhin ni Jameson at kinuha ang palad niya para halikan pero kaagad binawi ni Roxanne ang kamay. Nanahimik lang si Roxanne at magtitiis muna dahil hindi pa siya makakatakas sa ngayon. Naghihintay din siya ng update kay Grace na tinutulungan siyang maghanap ng maari niyang pasukang trabaho sa Japan. Sa gitna ng pagmamaneho ni Jameson, napansin niyang nakatutok si Roxanne sa phone na parang may ibang kausap kaya bigla niya itong hinablot. "Ano ba!" Nagulat siya at sinubukan itong kunin. Nabasa ni Jameson ang mga text ni Roxanne sa kaibigan, "Balak mong mag-japan
Hindi ugali ni Roxanne na magsinungaling kaya nag-isip siya ng magandang isasagot. "Naghahanap po muna ako ng trabaho ngayon kaya hindi pa ako ready na magbuntis." Paliwanag ni Roxanne at naramdaman niya ang pagbaon ng kuko ni Jameson sa kanyang balat ngunit hindi siya nagpahalatang nasasaktan. "At bakit mo pa kailangang magtrabaho? Isang CEO ang asawa mo at kaya kang buhayin pati pamilya mo sa bukid." Dikta ni Grandpa Gerald. Sinenyasan ni Jameson si Roxanne na manahimik ngunit hindi ito nakinig, "Pasensiya na po pero hindi ako laging umaasa sa tulong ng ibang tao. Kaya ko naman buhayin ang sarili ko kahit hindi ko napangasawa ang apo niyo." Giit ni Roxanne at pinagtawanan siya ng mga ito. "Excuse me? Sinasabi mo bang hindi mo kailangan ang asawa mo? Baka nakakalimutan mong si Jameson ang nagtakas sayo sa kahirapan. At siya rin ang nagligtas sa buhay ng ama mo." Sarkastikong sabi ni Auntie Diana habang naghihiwa ng pagkain sa plato. Tahimik lang si Devon sa kanyang kinauupu
Nanigas si Jameson sa kanyang kinatatayuan nang makita si Devon. Binitiwan niya rin si Roxanne na inaayos ang nagusot niyang damit. "What are you doing here?" Tanong ni Jameson. "Napadaan lang ako and I notice you're harassing your wife." Sagot ni Devon at napatingin sa hitsura ni Roxanne na kanina niya pa napapansin na wala sa sarili. Naningkit ang mga mata ni Jameson na hindi nagustuhan ang narinig, "Ano bang pinagsasabi mo? I'm just having a good time with my wife. Right?" Nilingon niya si Roxanne na napipilitang tumango. "Really? It seems like she's not happy at all. She looks miserable." Pinagtaasan siya ni Devon ng kilay. "Tsk. I already warned you, Devon. Huwag na huwag kang mangingialam sa buhay ko. Lalo na sa asawa ko." Paalala ni Jameson. Kinuha niya ang kamay ni Roxanne at akmang aalis pero hinarangan siya ng kapatid. "You're right. Wala akong karapatan na mangialam, but I won't tolerate you hurting a woman." Sambit nito at binigyan siya ng isang matalim na
Parang binuhusan si Jameson ng malamig na tubig nang makita ang mensahe. Hindi siya makapaniwala kung papaano niya nabuntis ang sekretarya dahil palagi siyang nagsusuot ng condom ngunit naisip niyang baka inisahan siya ng sekretarya upang panagutan niya ito. Kaagad tinawagan ni Jameson si Savannah para kausapin, "Nasaan ka ngayon?" Bakas sa boses niya ang galit. "Buntis ako, bakit hindi ka masaya? Diba iyon ang gusto mo? Ang magka-anak?" Tugon ni Savannah. "Huwag mo akong pinagloloko, Savannah. Kilala kitang maraming lalaki!" Dikta niya. "Ano? Hindi 'yan totoo. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko." Depensa ni Savannah. "No! Hindi akin ang dinadala mo." Nanlumo ang babae nang marinig ang kanyang sinabi. Walang balak si Jameson na magkaroon ng anak sa ibang babae dahil itatakwil siya ng pamilya kapag nagkaroon siya ng isang bastardo. At kay Roxanne niya lang nais na magka anak ngunit alam niyang malabo na ito ngayong mangyari. Hindi niya rin maisip na pakasalan si Savann
Napahagulhol si Savannah at nagmamakaawa kay Jameson na paniwalaan siya na ang kanyang dinadalang tao ay pag-aari niya. "Please, maniwala ka. Anak mo ito." Nadismaya si Jameson dahil nakikita niya sa mukha ng babae na pera lang ang habol nito sa kanya. May kinuha siyang isang credit card sa bulsa at itinapon sa mesa, "Limang milyon ang loob n'yan at gusto kong kunin mo ang pera at pumunta sa hospital para i-abort ang bata." Nagdalawang-isip si Savannah at hinawakan ang credit card, "S-sige, gagawin ko ang gusto mo." Napatayo ang babae sa kanyang upuan at hindi na lumingon pa. Habang sinenyasan ni Jameson ang kanyang mga bodyguard na sundan ito para masiguro na sinunod nito ang kanyang utos. Nakita niya naman ang litrato ng asawa sa kanyang phone screen at naisipan niya itong tawagan pero hindi siya nito kaagad sinagot. Tumawag siya ulit at sinagot na siya ni Roxanne, "Ano?" "Papauwi ka na ba? Baka gusto mong sunduin kita." "Huwag na. May sasakyan naman ako."
Naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jameson nang balewalain ni Roxanne ang kanyang supresa. "Hindi mo ba nagustuhan?" Nalulungkot niyang tanong. Iniharap niya rin ang asawa na umiwas ng tingin. "Tigilan mo ako sa mga pakulo mo, Jameson." Kagad itong naglakad papalabas ng kwarto. Nakasunod na naman si Jameson na parang buntot ng aso. "Ma'am, sir, handa na po ang inyong hapunan." Narinig nilang sabi ni Nanay Hilda, ang kanilang tagapagluto sa mansyon. "Sige po, Nay Hilda." Nginitian siya ni Roxanne na bumaba na para kumain ng hapunan. Napapansin ni Nanay Hilda na parang hindi magkasundo ang dalawa. Tahimik lamang sila sa mesa na animo'y hindi nila nakikita ang isa't-isa. "Ma'am, gusto niyo po bang ilipat ko sa vase ang mga bulaklak sa inyong kama ?" Tanong ni Nanay Hilda. "Pakitapon nalang po." Sagot ni Roxanne. Napatingin ang matanda kay Jameson na walang reaksyon, "Sundin mo nalang ang gusto niya." Naguguluhan si Nanay Hilda pero sinunod niya nalang ang utos ng ba
Nagulat si Grace sa malakas na paghila ni Jameson sa kanyang braso. "Ano bang problema mo?!" "Alam kong alam mo kung nasaan si Roxanne." Pinandilatan siya nito ng mata. "Wala akong alam kung nasaang planeta 'yun pumunta kaya huwag mo akong guguluhin dito sa trabaho ko." Naiinis na sabi ni Grace tsaka bumalik sa counter. "Sasabihin mo o ipapasarado ko itong illegal mong negosyo." Pananakot ni Jameson. Nanlaki ang mata ni Grace pero hindi niya magagawang traydurin ang kaibigan kahit na mapahamak siya, "Kahit idamay mo negosyo ko, hindi ko alam kung nasaan si Roxanne." "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito dahil hindi mo magugustuhan kung ilalabas ko ang baho mo." Banta ni Jameson tsaka umalis. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at patuloy na hinanap si Roxanne kasama ang kanyang bodyguards. Sinubukan niya rin itong tawagan ngunit hindi na ito maabot kaya pinaghahampas niya ang manobela. Nang biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita ang isang unknown number
"O-okay." Hindi alam ni Roxanne kung anong nangyayari sa sarili dahil hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. Hinawakan naman ni Devon ang payong sa kabilang kamay at dumikit sa babae para hindi mabasa ng ulan. "Gusto mo bang magkalagnat?" Kumalabog ang puso ni Roxanne dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan at parang kinukuryente. Pagpasok nila sa building ay kinuha na ni Roxanne ang kanyang mga groceries, "Salamat talaga Kuya Devon pero kaya ko na ito." "Magkano ba ang renta mo dito?" Biglang tanong ni Devon at naguguluhan si Roxanne kung bakit ang dami niyang tanong. "Kuya, okay na ako. Hindi mo na kailangan alamin ang lahat." Seryosong sabi ni Roxanne. Hindi na rin napigilan ni Devon na malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Jameson, "Narinig ko kayo noong gabing iyon, at totoo bang nagloloko ang asawa mo?" Napapikit si Roxanne dahil napapagod siyang magpaliwanag at ayaw niyang may nakikisaling ibang tao. "Wala ka ng pakialam sa kung anong pr
Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige
"Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J
Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin
Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n