Naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jameson nang balewalain ni Roxanne ang kanyang supresa. "Hindi mo ba nagustuhan?" Nalulungkot niyang tanong. Iniharap niya rin ang asawa na umiwas ng tingin. "Tigilan mo ako sa mga pakulo mo, Jameson." Kagad itong naglakad papalabas ng kwarto. Nakasunod na naman si Jameson na parang buntot ng aso. "Ma'am, sir, handa na po ang inyong hapunan." Narinig nilang sabi ni Nanay Hilda, ang kanilang tagapagluto sa mansyon. "Sige po, Nay Hilda." Nginitian siya ni Roxanne na bumaba na para kumain ng hapunan. Napapansin ni Nanay Hilda na parang hindi magkasundo ang dalawa. Tahimik lamang sila sa mesa na animo'y hindi nila nakikita ang isa't-isa. "Ma'am, gusto niyo po bang ilipat ko sa vase ang mga bulaklak sa inyong kama ?" Tanong ni Nanay Hilda. "Pakitapon nalang po." Sagot ni Roxanne. Napatingin ang matanda kay Jameson na walang reaksyon, "Sundin mo nalang ang gusto niya." Naguguluhan si Nanay Hilda pero sinunod niya nalang ang utos ng ba
Nagulat si Grace sa malakas na paghila ni Jameson sa kanyang braso. "Ano bang problema mo?!" "Alam kong alam mo kung nasaan si Roxanne." Pinandilatan siya nito ng mata. "Wala akong alam kung nasaang planeta 'yun pumunta kaya huwag mo akong guguluhin dito sa trabaho ko." Naiinis na sabi ni Grace tsaka bumalik sa counter. "Sasabihin mo o ipapasarado ko itong illegal mong negosyo." Pananakot ni Jameson. Nanlaki ang mata ni Grace pero hindi niya magagawang traydurin ang kaibigan kahit na mapahamak siya, "Kahit idamay mo negosyo ko, hindi ko alam kung nasaan si Roxanne." "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito dahil hindi mo magugustuhan kung ilalabas ko ang baho mo." Banta ni Jameson tsaka umalis. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at patuloy na hinanap si Roxanne kasama ang kanyang bodyguards. Sinubukan niya rin itong tawagan ngunit hindi na ito maabot kaya pinaghahampas niya ang manobela. Nang biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita ang isang unknown number
"O-okay." Hindi alam ni Roxanne kung anong nangyayari sa sarili dahil hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. Hinawakan naman ni Devon ang payong sa kabilang kamay at dumikit sa babae para hindi mabasa ng ulan. "Gusto mo bang magkalagnat?" Kumalabog ang puso ni Roxanne dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan at parang kinukuryente. Pagpasok nila sa building ay kinuha na ni Roxanne ang kanyang mga groceries, "Salamat talaga Kuya Devon pero kaya ko na ito." "Magkano ba ang renta mo dito?" Biglang tanong ni Devon at naguguluhan si Roxanne kung bakit ang dami niyang tanong. "Kuya, okay na ako. Hindi mo na kailangan alamin ang lahat." Seryosong sabi ni Roxanne. Hindi na rin napigilan ni Devon na malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Jameson, "Narinig ko kayo noong gabing iyon, at totoo bang nagloloko ang asawa mo?" Napapikit si Roxanne dahil napapagod siyang magpaliwanag at ayaw niyang may nakikisaling ibang tao. "Wala ka ng pakialam sa kung anong pr
Sa ika-limang araw ni Roxanne sa laboratory ay nagpatuloy sila sa pag-develop ng isang gamot para sa mga cardiovascular diseases, at malapit na nila itong makompleto. Nagpapalit si Roxanne ng kanyang lab coat at nilapitan siya ni Dr. Santos. "Kamusta Roxanne? Sana ay nakapag-adjust ka na ng maayos dahil marami pa tayong gagawing projects." "Okay lang po, Sir. Hinanda ko na po ang sarili ko sa mga projects tsaka ano po ba ang mga plano natin ngayong araw?" Tanong ni Roxanne. "Tutuloy tayo sa experimental stage na kung saan ay gagamitin natin ang mga daga para subukan ang ating gamot. Si Elaine pa rin ang mag-hahandle nito habang ikaw ang taga-pag-oberba." Paliwanag niya. Tumango si Roxanne na pamilyar na sa ganitong proseso na napagdanan niya noong college pero kailangan niyang maging maingat. Ngayon ay sinundan niya si Elaine na tahimik lamang na nagsisimula sa task. Nasa gilid lang si Roxanne at napapansin niyang nahihirapan ito na hindi maayos ang pagkakaturok sa daga
Natatawa si Roxanne ngayon na titigan ang mukha ni Devon dahil para itong batang nahuli ng nanay na nangungupit. "Oh, sister-in-law talaga? Eh, Hindi ka nga sumipot sa kasal namin ni Jameson," Napailing si Roxanne dahil naninibago sa ikinikilos ni Devon na kilala niyang mailap sa mga tao. "Hindi ako inimbita ni Jameson kaya bakit ako pupunta?" Natatawang sabi ni Devon. "Pero inimbita naman kita." Nagkatinginan silang dalawa saglit at kaagad silang nag-iwasan ng tingin. Nanumbalik ang kirot sa dibdib ni Roxanne dahil naaalala niya ulit ang masasayang araw na mananatili nalang sa nakaraan at ngayon sa kasalukuyan ay naging magulo na ang lahat. "Umm, Roxanne, gusto mo bang manatili muna ako dito?" Tanong ni Devon na nagdadalawang-isip na umalis. "Bakit aalis ka na ba?" "S-sana, pero parang delikado na iwan kita dito na mag-isa. Sobrang tahimik din ng lugar na 'to, parang wala kang ibang taong makikita sa paligid." Isang liblib na lugar ang nilipatan ni Roxanne kaya nag
"Paulit-ulit mong sinasabi na mahal mo ako, na gagawin mo ang lahat para maging masaya ako pero sinasaktan mo lang ako sa mga pinangagawa mo. So anong klaseng pag-ibig 'yun?" Naguguluhang tanong ni Roxanne. Hindi makatingin si Jameson na siya ring naguguluhan sa sarili. "H-hindi ko alam k-kung bakit nagagawa ko ang mga ito. " "Hindi mo alam kung bakit? Jameson, matanda ka na. Hindi ka na bata para pagsabihan kung ano ang tama o mali. Alam mong maling-mali na nagtaksil ka sa akin at paulit-ulit ka pang nagsisinungaling." Parang sinasaksak siya sa puso nang mahuli niya itong kasama ang kabit na sinabi niyang tinanggal niya na sa kompanya. "Roxanne, nahihirapan din ako. Nawawala na ako sa sarili ko." Ani ni Jameson na napasabunot sa kanyang buhok. "Papaano naman ako? Tingin mo hindi rin ako nawawala sa sarili? Kung magpapalit tayo ng sitwasyon ngayon, hindi ka talaga matutuwa, Jameson. Dinamay mo pa ang tatay ko na isang inosenteng tao. Ganoon ka na ba talaga ka-desperado?" Nam
Pinagmasdan ni Jameson ang kapatid na kinuha ang kanyang asawa sa kama. Gusto niyang pigilan si Devon ngunit natatakot siya na baka isiwalat nito ang kanyang mga katarantaduhan. Naiwan siya sa loob ng kwarto at hindi siya mapakali ngayon kung ano ang susunod na gagawin. Nahuli na siya ng kapatid na gagamitin ang kanyang sekreto laban sa kanya, tsaka kinuha pa nito ang kanyang asawa. Sa sobrang pagkalito, pinagsusuntok niya ang pader kaya nagdurugo ang kanyang mga kamao. Nag-ring bigla ang kanyang phone sa kama pero wala siyang balak na sagutin ito. Ngunit hindi tumigil sa pag-ring ang phone kaya napilitan siyang kunin ito, napalunok naman siya ng laway na makitang ina niya pala ang tumatawag. "Yes. Mom?" "Kailangan mong pumunta dito sa Valencia." Seryosong utos ni Madame Julie. "Why? I-is there something wrong?" Kinakabahan siya na baka nakarating sa kanila ang isyu nila ni Roxanne. "You're former secretary is here." Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang
Nakarating si Jameson sa mansyon ng kanilang pamilya sa Valencia. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa entrance. Habang naglalakad ay hinanda niya na ang kanyang sarili dahil hindi magiging maganda ang kanilang pag-uusapan. Pagpasok niya sa living room, nakita niya si Savannah kasama ang kanyang ina at lolo na hindi natutuwa sa kanya. Hindi niya naman maalis ang tingin kay Savannah na ngisihan siya. "Maupo ka." Utos ni Grandpa Gerald. Sumunod si Jameson at naupo sa tapat ni Savannah na katabi si Madame Julie. "Gusto kong ipaliwanag mo sa amin kung bakit ka nagtaksil sa asawa mo? Papaano mo iyon nagawa?" Seryosong tanong ni Madame Julie na labis na nadismaya sa anak. "Mom, inaamin kong nagkamali ako pero hindi ko naman iyon sinasadya. Nadala lang ako sa tukso at nilalasing ako ng babaeng 'to." Pag-rarason niya. "Hindi po 'yan totoo, pareho naming ginusto na mangyari iyon." Dikta ni Savannah. Sumabat naman si Madame Julie, "Jameson, responsibilidad mo
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hu
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadi
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga securit
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n
Nanlumo si Daphne sa narinig. “Vincent! Huwag mo akong tratuhin ng ganito please?? Hayaan mo akong bumawi sayo.” Pagmamakaawa niya pa.Nakita ni Vincent ang itsura niya at wala siyang naramdaman kundi matinding pagkasuklam. "Daphne, ilang beses na kitang binigyan ng chance pero pinatunayan mo lang kung gaano ka kasama.”"Vincent, please!" Piliting itinukod ni Daphne ang kanyang sarili sa sahig at gumapang papunta sa pinto, ngunit bago pa siya makarating doon, dalawang lalaking naka-itim ang humawak sa kanya at marahas siyang hinila palayo. "Hindi! Vincent, pakiusap, palayain mo ako! Pakiusap..." Unti-unting humina ang kanyang mga sigaw hanggang sa tuluyang mawala. Sa ilalim ng malamig na titig ni Vincent, hindi maiwasang bumigat ang dibdib ng kanyang sekretarya na mayroong koneksyon kay Daphne. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang kamao, pinaglalabanan ang sarili. Kung malalaman ni Vincent ang totoo, tiyak na hindi na siya makakabalik pa. Pero kahit hindi niya sabihin, siguradong m
Si Vincent ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kasosyo sa negosyo nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Devon, malamig ang aura at puno ng tensyon ang mukha. Sumunod naman sa kanya ang secretary na halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Sir Vincent, hindi ko mapigilan si Sir Devon..." Tinapunan lang ni Vincent ng tingin si Devon, "Alam ko, lumabas ka muna." Ang kasosyong negosyante sa tabi niya ay kilala rin si Devon, ngunit sa hitsura nito ngayon, hindi siya naglakas-loob lumapit at makipagsapalaran. Agad siyang tumayo at nagpaalam. Nang silang dalawa na lang sa opisina, agad bumigat ang hangin sa paligid. Tinitigan ni Vincent si Devon, alam niyang hindi na niya ito matatakasan. Alam din niyang matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan nila, ito na ang katapusan. "Ang aksidente sa sasakyan ni Roxanne, ako ang may kagagawan... pero hindi ko inakalang hahantong ito sa ganito. Devon, hindi ko—" Bago pa siya matapos, dumapo na ang kamao ni Devon sa kanyan
Gustong lumapit ni Devon, pero mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki. "Boss, tumalon na si Roxanne... Kahit sumunod ka sa kanya ngayon, wala rin itong silbi..." "Bitawan niyo ako!" Ramdam ang matinding galit na bumalot sa buong katawan ni Devon, dahilan para manginig sa takot ang mga nakapaligid sa kanya. Naramdaman ng dalawang bodyguard ang malamig na aura niya, pero hindi pa rin sila naglakas-loob na pakawalan siya. Habang nagkakainitan ang sitwasyon, biglang dumating si Secretary Kenneth. Lumapit siya at tiningnan si Devon. "Boss Devon, nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Magkakaroon din tayo ng balita sa lalong madaling panahon." Nang makita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon ni Devon, tumingin si Secretary Kenneth sa mga bodyguard. "Sige, bitawan niyo si Boss Devon." Nag-atubili ang dalawang bodyguard, pero matapos ang ilang segundo, binitawan din nila si Devon. Gayunpaman, hindi nila inalis ang tingin sa kanya upang maiwasan ang anumang hindi inaas
Tumunog ang telepono nang matagal bago sinagot ng kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?" Paos ang boses at malamig ang tono, halatang masama ang pakiramdam. Malamig na sinabi ni Jameson, "Devon, alam mo na ba ang tungkol sa aksidente ni Roxanne? Malaki ang posibilidad na si Daphne ang may kagagawan nito!" Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, sumagot si Devon, "May pruweba ka ba?" May pang-uuyam sa tono ni Jameson. "Pruweba? Sinuri ko ang call records ni Savannah. Ilang beses siyang tumawag sa isang empleyado ng Pharmanova. Sa araw mismo ng aksidente ni Roxanne, nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Bukod doon, may natanggap akong mensahe mula kay Savannah hindi pa gaanong katagal. Pitong salita lang iyon, pero sigurado akong may kinalaman iyon kay Daphne!" Pagkasabi niya noon, biglang ibinaba ang telepono. Tinawag ni Devon si Secretary Kenneth sa opisina. "Alamin mo kung may koneksyon sina Savannah at Daphne kamakailan. At isa pa... imbestigahan mo rin si Vincent." Nagulat si