Nasa hardin ngayon si Jameson na nagdadalawang-isip na tawagan ang kapatid. Ayaw niyang magmakaawa dito pero kung hindi niya susubukan, baka hindi niya na muling makita ang asawa. Naiinis niyang inilabas ang kanyang phone sa bulsa at tinawagan si Devon na kaagad naman siyang sinagot. "I need your help, Devon." Desperado niyang pagkakasabi. Sa kabila ay nanatili si Devon kasama si Roxanne na mahimbing ng natutulog sa kama. "Why do you need my help now?" Mahina niyang tugon upang hindi magising si Roxanne. "Gusto kong malaman kung saan mo dinala ang asawa ko?" Tanong ni Jameson. "Nais kong masigurado kung nasa maayos ba siyang lagay." "I'm sorry, Jameson pero mas mabuting lumayo ka muna sa kanya. Nasa mabuting kamay siya ngayon kaya huwag kang mag-alala. Wala naman akong gagawing masama sa asawa mo." Mahinahong sagot ni Devon. Napalabas ito ng kwarto para magpahangin dahil medyo mainit sa loob. Napabuntong-hininga si Jameson na sinusubukang maging kalmado. "Devon, please
Nagising si Roxanne sa kanyang kama at nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa kanyang noo at naramdaman na mainit pa rin siya. Kagabi pa siya nilalagnat matapos na maulanan. Napatingin siya sa orasan at may isang oras pa siya para maghanda sa trabaho. Pinili niyang pumasok kaysa um-absent dahil ayaw niyang mabawan ang kanyang sweldo. Inaalala niya rin na mayroon pa silang mga tatapusing research at experiment sa laboratory. Pagtayo niya, napatingin siya sa mesa na mayroong mga nakahandang pagkain. May isang note din siyang nakita na nakadikit sa isang tupperware. [Eat well and get well soon.-Devon] Bigla siyang napangiti dahil sa nabasa, napaupo rin siya sa upuan at nagsimulang kumain ng agahan. Sariwa pa sa kanya ang mga nangyari kagabi, nakita niya rin na mayroon siyang galos sa kamay na natamo niya ng sapilitan siyang dalhin ni Jameson sa mansyon. Natatakot siya na alalahanin kung ano ang hitsura ng asawa na muntikan na pinipilit siyang buntisin. Mabuting dumating si
Nanatili si Elaine Garcia sa loob ng kompanya at pinuntahan ang CEO na si Doc. Peter Tan, ang kanyang pinsan. Nagsumbong ito sa nangyari at humingi ng tulong na hindi siya i-suspende. "Don't let them do this to me? I didn't do anything wrong. Believe me." Pangungumbinsi ni Elaine. Nakaupo si Peter sa kanyang swivel chair habang ina-analyze ang problema, "Elaine, I knew you're the one who tampered with the experiment and you framed Roxanne. The company can't just turn a blind eye to that." "Come on, Peter, like you've never cut corners before. You know you can't let them suspend me. Hindi ako makakapayag and I know you can do something to help me." Dikta ni Elaine. Makapal ang mukha nitong magpalaban sa kanyang pinsan. "I know you're my cousin pero hindi tama na i-tolerate ko ang ginawa mo. You see, other employers believed Roxanne so I can't risk losing their trust on me kung lagi kitang pinapanigan." Seryosong sabi ni Peter tsaka tinignan ang mga documents na nasa kanyang me
Napapikit si Roxanne na isinandal ang kanyang likuran sa malambot na backrest. Napaisip din siya sa katangahan niya na ipinaalam kay Jameson kung saan siya nakatira at hindi niya maintindihan kung bakit nanlalambot pa rin ang puso niya sa lalaki. "So dito kalang pala nakatira." Ani ni Jameson at pinarada ang kanyang sasakyan sa tapat. Bumaba silang mag-asawa habang inutusan ni Jameson ang dalawa niyang bodyguard na dalhin ang mga gamit sa kanyang kwarto. Inalalayan niya rin si Roxanne sa hagdan na napahawak sa railings, pero nagulat siya nang bigla itong natumba at mabuting kaagad niya itong nasalo. "Roxanne!" Naramdaman niya ang mainit niyang balat kaya dali-dali niya itong dinala sa loob ng kwarto para ihiga sa kama. Pinaalis niya na ang mga guwardiya kaya silang dalawa lang ang natira sa loob. Inasikaso niya ngayon ang asawa at nagpunta sa salas para kumuha ng maaligamgam na tubig at pamunas. Inayos niya ang mesa at napansin ang isang papel na nakadikit sa dingding.
Pumintig ang mga taenga ni Jameson ng marinig iyon at hindi siya naniniwalang baog ang asawa. "That's not true, hindi lang siya handa na magbuntis. At kahit wala kaming anak, hindi iyon rason para maghiwalay kami dahil mahal na mahal ko siya." "You're a fool, Jameson. If you truly love your wife then why did you fuck your secretary, huh? Wala ka talagang pinagkaiba sa tarantadong ama mong si Emerson, nakikita ko ang pagmumukha niya sayo!" Pang-iinsulto ni Lolo Gerald. Kinamumuhian niya ang ama nila na niloko si Juliette noon at ipinagpalit sa ibang babae. "Dad! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko!" Suway ni Madame Julie na bumaba ng hagdan at nilapitan si Jameson na nilalamon na ng kanyang emosyon. Ipinaupo niya ang anak sa couch at kinausap, "Jameson, you need to calm down. That's not true okay? H-hindi ka katulad ng ama mo." Nasasaktan din siya bilang ina na makita ang anak niyang nagkakaganoon. Napabunting-hininga si Lolo Gerald at tumingin sa apo, "Akala ko ba
"Let's go home." Hinawakan ni Devon ang kamay ni Roxanne at akmang aalis pero napahinto siya dahil mayroong ipinahabol si Grandpa Gerald. "Mas pinapanigan mo ang babaeng 'yan kaysa sa kapatid mo. Wala ka talagang kwenta!" Bulyaw nito at inunahan silang makaalis doon. Hindi na ito pinansin ni Devon at dumeretso sa labas. Pinagbuksan niya si Roxanne ng pinto para makapasok sa loob ng sasakyan at para ihatid sa kanyang tinitirhan. "Sa susunod, huwag ka basta-bastang sasama sa kahit na sino." Seryosong sabi ni Devon habang iniikot ang manobela. Tumango si Roxanne na hinuhubad ang kanyang basang blouse. May suot naman siya na manipis na sando at nakikita ang strap ng kanyang kulay itim na bra sa balikat. Sinusubukan ni Devon na ituon ang atensiyon sa kalsada pero hindi niya maiwasan na maakit sa hitsura ni Roxanne na biglang nagpainit sa kanyang katawan. "Wear your clothes." Utos niya. "Kita mo namang basa ang blouse ko, diba?" Taas kilay niyang tugon at napansin na nai
Kanina pa tumatawag si Grace kay Roxanne para kamustahin ito ngunit hindi ito sumasagot. Nasanay siya na kaagad sinasagot ng kaibigan ang kanyang tawag. Hindi niya maiwasang mag-alala kaya naisipan niyang puntahan ito para kamustahin. Pagdating niya doon, nagulat siya nang makita si Jameson Delgado na kakalabas lang ng building kaya dali-dali siyang nagtago sa likod ng punongkahoy. Siguradong malilintikan siya ng lalaki na sinabihan niyang wala siyang alam sa kinaroroonan ni Roxanne. "Oh my gosh. Papaano niya nalaman 'to?" Tanong niya tsaka napakamot sa ulo. Nang makaalis si Jameson, magmadali siyang umakyat sa building at narating ang pintuan. "Roxanne? Si Grace 'to. Nandyan ka ba?" Kumakatok siya ng ilang beses. Nang mabuksan ang pinto, nakita niya si Roxanne na magang-maga ang mata dahil sa kakaiyak. "Anong nangyari sayo??" Nilapitan niya ito para yakapin. "W-wala lang." Pinipilit ni Roxanne na ngumiti ngunit namumutawi ang lungkot sa kanyang mga mata. "Anong wala la
Kinakabahan si Grace sa sinabi ng babae na nagpakilalang girlfriend ni Liam Bautista dahil ang totoo ay boyfriend na tinutulungan siya sa kanyang negosyong bar. Hinawakan ni Roxanne ang malamig niyang kamay at hinila. "Hayaaan mo na yan, besh. Papansin lang 'yan." Tumango naman si Grace. "Oo nga. Nagsasayang lang tayo ng oras dito." Sa pagtalikod ng dalawa nakita nila ang isang lalaking pumasok sa loob ng store. Natigilan si Grace ng mamukhaan na ito ay si Manuel. Ang assistant ng kanyang boyfriend. Nagmamadali ito na lumapit sa babae na mahigpit ang hawak sa bag na naglalaman ng dress na nais niyang bilhin. "Miss Naomi, mayroon pong inaasikaso si Sir Liam kaya ako ang ipinadala niya ngayon." Ani ni Manuel. "Ano po pala ang problema Miss?" "Ang mga babaeng 'to kasi, inaagawan ako." Turo niya sa gawi nila Roxanne at Grace. Napatingin si Manuel sa kanila at nanlaki ang mata niya nang mapansin ang nakabusangot na mukha ni Grace. "Miss Grace?" Usal ni Manuel na nakaramdam n
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hu
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadi
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga securit
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n
Nanlumo si Daphne sa narinig. “Vincent! Huwag mo akong tratuhin ng ganito please?? Hayaan mo akong bumawi sayo.” Pagmamakaawa niya pa.Nakita ni Vincent ang itsura niya at wala siyang naramdaman kundi matinding pagkasuklam. "Daphne, ilang beses na kitang binigyan ng chance pero pinatunayan mo lang kung gaano ka kasama.”"Vincent, please!" Piliting itinukod ni Daphne ang kanyang sarili sa sahig at gumapang papunta sa pinto, ngunit bago pa siya makarating doon, dalawang lalaking naka-itim ang humawak sa kanya at marahas siyang hinila palayo. "Hindi! Vincent, pakiusap, palayain mo ako! Pakiusap..." Unti-unting humina ang kanyang mga sigaw hanggang sa tuluyang mawala. Sa ilalim ng malamig na titig ni Vincent, hindi maiwasang bumigat ang dibdib ng kanyang sekretarya na mayroong koneksyon kay Daphne. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang kamao, pinaglalabanan ang sarili. Kung malalaman ni Vincent ang totoo, tiyak na hindi na siya makakabalik pa. Pero kahit hindi niya sabihin, siguradong m
Si Vincent ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kasosyo sa negosyo nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Devon, malamig ang aura at puno ng tensyon ang mukha. Sumunod naman sa kanya ang secretary na halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Sir Vincent, hindi ko mapigilan si Sir Devon..." Tinapunan lang ni Vincent ng tingin si Devon, "Alam ko, lumabas ka muna." Ang kasosyong negosyante sa tabi niya ay kilala rin si Devon, ngunit sa hitsura nito ngayon, hindi siya naglakas-loob lumapit at makipagsapalaran. Agad siyang tumayo at nagpaalam. Nang silang dalawa na lang sa opisina, agad bumigat ang hangin sa paligid. Tinitigan ni Vincent si Devon, alam niyang hindi na niya ito matatakasan. Alam din niyang matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan nila, ito na ang katapusan. "Ang aksidente sa sasakyan ni Roxanne, ako ang may kagagawan... pero hindi ko inakalang hahantong ito sa ganito. Devon, hindi ko—" Bago pa siya matapos, dumapo na ang kamao ni Devon sa kanyan
Gustong lumapit ni Devon, pero mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki. "Boss, tumalon na si Roxanne... Kahit sumunod ka sa kanya ngayon, wala rin itong silbi..." "Bitawan niyo ako!" Ramdam ang matinding galit na bumalot sa buong katawan ni Devon, dahilan para manginig sa takot ang mga nakapaligid sa kanya. Naramdaman ng dalawang bodyguard ang malamig na aura niya, pero hindi pa rin sila naglakas-loob na pakawalan siya. Habang nagkakainitan ang sitwasyon, biglang dumating si Secretary Kenneth. Lumapit siya at tiningnan si Devon. "Boss Devon, nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Magkakaroon din tayo ng balita sa lalong madaling panahon." Nang makita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon ni Devon, tumingin si Secretary Kenneth sa mga bodyguard. "Sige, bitawan niyo si Boss Devon." Nag-atubili ang dalawang bodyguard, pero matapos ang ilang segundo, binitawan din nila si Devon. Gayunpaman, hindi nila inalis ang tingin sa kanya upang maiwasan ang anumang hindi inaas
Tumunog ang telepono nang matagal bago sinagot ng kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?" Paos ang boses at malamig ang tono, halatang masama ang pakiramdam. Malamig na sinabi ni Jameson, "Devon, alam mo na ba ang tungkol sa aksidente ni Roxanne? Malaki ang posibilidad na si Daphne ang may kagagawan nito!" Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, sumagot si Devon, "May pruweba ka ba?" May pang-uuyam sa tono ni Jameson. "Pruweba? Sinuri ko ang call records ni Savannah. Ilang beses siyang tumawag sa isang empleyado ng Pharmanova. Sa araw mismo ng aksidente ni Roxanne, nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Bukod doon, may natanggap akong mensahe mula kay Savannah hindi pa gaanong katagal. Pitong salita lang iyon, pero sigurado akong may kinalaman iyon kay Daphne!" Pagkasabi niya noon, biglang ibinaba ang telepono. Tinawag ni Devon si Secretary Kenneth sa opisina. "Alamin mo kung may koneksyon sina Savannah at Daphne kamakailan. At isa pa... imbestigahan mo rin si Vincent." Nagulat si