Kanina pa tumatawag si Grace kay Roxanne para kamustahin ito ngunit hindi ito sumasagot. Nasanay siya na kaagad sinasagot ng kaibigan ang kanyang tawag. Hindi niya maiwasang mag-alala kaya naisipan niyang puntahan ito para kamustahin. Pagdating niya doon, nagulat siya nang makita si Jameson Delgado na kakalabas lang ng building kaya dali-dali siyang nagtago sa likod ng punongkahoy. Siguradong malilintikan siya ng lalaki na sinabihan niyang wala siyang alam sa kinaroroonan ni Roxanne. "Oh my gosh. Papaano niya nalaman 'to?" Tanong niya tsaka napakamot sa ulo. Nang makaalis si Jameson, magmadali siyang umakyat sa building at narating ang pintuan. "Roxanne? Si Grace 'to. Nandyan ka ba?" Kumakatok siya ng ilang beses. Nang mabuksan ang pinto, nakita niya si Roxanne na magang-maga ang mata dahil sa kakaiyak. "Anong nangyari sayo??" Nilapitan niya ito para yakapin. "W-wala lang." Pinipilit ni Roxanne na ngumiti ngunit namumutawi ang lungkot sa kanyang mga mata. "Anong wala la
Kinakabahan si Grace sa sinabi ng babae na nagpakilalang girlfriend ni Liam Bautista dahil ang totoo ay boyfriend na tinutulungan siya sa kanyang negosyong bar. Hinawakan ni Roxanne ang malamig niyang kamay at hinila. "Hayaaan mo na yan, besh. Papansin lang 'yan." Tumango naman si Grace. "Oo nga. Nagsasayang lang tayo ng oras dito." Sa pagtalikod ng dalawa nakita nila ang isang lalaking pumasok sa loob ng store. Natigilan si Grace ng mamukhaan na ito ay si Manuel. Ang assistant ng kanyang boyfriend. Nagmamadali ito na lumapit sa babae na mahigpit ang hawak sa bag na naglalaman ng dress na nais niyang bilhin. "Miss Naomi, mayroon pong inaasikaso si Sir Liam kaya ako ang ipinadala niya ngayon." Ani ni Manuel. "Ano po pala ang problema Miss?" "Ang mga babaeng 'to kasi, inaagawan ako." Turo niya sa gawi nila Roxanne at Grace. Napatingin si Manuel sa kanila at nanlaki ang mata niya nang mapansin ang nakabusangot na mukha ni Grace. "Miss Grace?" Usal ni Manuel na nakaramdam n
Inihatid ngayon ni Roxanne si Grace sa kanyang condo, hindi rin siya nagtagal doon at nagpaalam para umuwi sa boarding house. Paglabas niya sa elevator. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa labas na kanina pa siya hinahanap. "Roxanne, kailangan nating mag-usap." Kaagad siyang hinila ni Jameson at dinala siya sa parking lot. May inilabas si Jameson na mga larawan at ipinakita sa kanya. "Anong ibig sabihin nito?" Medyo madilim ang paligid kaya nahihirapan si Roxanne na tignan ito pero naaninag niya na litrato ito kung saan ay lumabas siya sa isang hotel at sa isang litrato naman ay makikita si Devon na sumunod na lumabas doon. Napatingin si Roxanne sa lalaki na alam niyang pinag-iisipan siya ng masama. "At anong problema mo d'yan?" "Tsk. Hindi ako tanga, Roxanne. May nangyari sa inyong dalawa noong gabing iyon, tama ba?" Nais niyang kumpirmahin ni Roxanne ang kanyang pagdududa. Nalaman din ni Jameson na burado ang surveillance footage ng hotel noong gabing iyon
"W-wala nga tayong dapat na ipangamba pero papaano natin ipapaliwanag kung sakaling may makaalam na m-magkasama tayo sa iisang kwarto nun?" Pag-aalala ni Roxanne. "Then tell them you entered the wrong room and may black out that night." Ani ni Devon. Napag-usapan din nila na dumistansya muna sila sa isa-isa upang timigil si Jameson sa pagdududa na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Pagdaan ng linggo, natapos na ang suspensyon ni Roxanne kaya nakabalik na siya sa trabaho. Pagpasok niya sa office, napansin niya na mayroong nakapatong sa kanyang mesa. Isa itong bouquet ng rosas at mayroon ding maliit na pulang box. Binuksan niya ito at nakita na ang laman nito ay mamahalin kwintas na mayroong diamond. May card din na nakaipit sa loob ng bulaklak kaya binasa niya ito. [Your beauty enchants me like a rose in bloom. With each rose, I offer you my heart and soul.-Jameson] "Taray mo, Roxanne. Ang yaman naman ng manliligaw mo." Ani ni Lily, ang kanyang isang workmate na sin
Nakapagbihis na si Roxanne at humiga sa kama pero bigla siyang may naisip kaya kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan na isang kakilalang ahente upang ipagkatiwala na ibenta ang isang mansyon. "I'll tell you the address Mang Ruel, and pwede mong samahan ang buyer para tignan ang mansyon. If ever makabenta tayo then I'll give you 3% of the price commission." Nagkakahalaga ng walong milyon ang mansyon na kanilang ibebenta kaya malaki-laking komisyon ang mabibigay niya sa ahenteng tutulong sa kanya para maghanap ng bibili nito. Bago matapos ang kanilang pag-uusap may itinanong sa kanya ang ahente. "Ma'am, bakit pa po kayo tumitira sa isang boarding house kung mayroon kayong malaking mansyon?" Ayaw ni Roxanne na may malaman ito kaya gumawa siya ng kapani-paniwalang rason. "Sorry but hindi akin ang bahay na 'yon. Sa kaibigan ko 'yon." Sagot niya. Ibinaba na ni Roxanne ang phone niya tsaka naman ipinadala ang mga detalye ng mansyon na kanilang ibebenta. Alas-nuebe na p
Namumutla si Lily na pumasok sa laboratory upang sundin ang iniutos ni Elaine. Maling mali na maging sunud-sunuran siya sa kaibigan pero ayaw niyang mawalan ng trabaho dahil kinakailangan siya ng ina niyang nagpapagamot sa hospital matapos na ma-aksidente. Natatakot siya kay Elaine dahil isa itong tusong babae na may mga koneksyon sa paligid na maari niyang gamitin para patalsikin siya sa mga Laurell. "Lily, if you do this for me, I'll take care of your mom's medical expenses." Iyon ang ipinangako ni Elaine sa kanya kaya siya naging desperado. Pasimple siyang dumaan sa likuran ni Roxanne na hindi siya napansin dahil busy ito sa paghahalo ng mga pulbo ng gamot sa beaker. Hinahalo ng maigi ni Roxanne ang pulbo gamit ang stirring rod para malusaw ito sa tubig. Nagsusulat din siya sa experimental notebook para ma-record ang oras sa hakbang ng operasyon. Pagkatapos niya sa mga mixtures, naglakad siya papunta sa storage room para kumuha ng reagent at ilang kaunting dilute sulf
Nasurpresa ang iba sa pagiging concern ni Devon kay Roxanne tingin ay walang pakialam sa mga tao sa kanyang paligid kaya sila namamangha sa ikinikilos nito ngayon. Habang nakaramdam ng inggit si Elaine na tingnan ang dalawa. Alam niya na brother-in-law ni Roxanne si Devon na kapatid ng kanyang asawang si Jameson Delgado. Matagal na ring humahanga si Elaine kay Devon dahil sa angkin nitong kagwapuhan at talino pero mas nahulog ang kanyang loob kay Jameson dahil sa galing nitong magluto. Pero ngayon, naiisip niyang magandang plano ay ang kunin ang atensyon ni Devon upang magamit niya para makaganti sa mag-asawa. "Ako na po ang bahala sa kanya, Sir Devon." Biglang sabat ni Elaine at napatingin sa kanya si Roxanne na nagtataka. "Ayos lang ako, Elaine. Kaya ko na 'to mag-isa." Seryosong sabi ni Roxanne tsaka tumayo sa kama. Naglakad siya papalabas ng clinic at sinundan siya ni Devon pumasok ng elevator. "Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Sabi ng ihatid na kita." Tinabihan niya si
Naging seryoso ang expresyon ng mukha ni Devon matapos marinig ang sinabi ng kapatid. "I think there's nothing wrong between me and your wife. I'm his brother-in-law and I'm willing to help her if she's in danger. Ikaw? Nasaan ka ba sa mga oras na kailangan ka ng asawa mo?" Natawa si Jameson sa inaasal ng kapatid. "Stop acting like you care. Kilala kita, Devon. Hindi ka naman talaga mabait sa mga babae. Pakitang tao ka lang and now you're acting like a superhero in front of my wife? Para ano? Nagpapabango ka ng pangalan?" Dikta ni Jameson. Naging matalim ang tingin ni Devon sa kapatid pero ikinalma niya ang sarili dahil nasa loob sila ng hospital. "At least I'm not cruel like you. I may look fiery but you don't really know me. And let me tell you this, you're the one who's supposed to protect your wife but look? Hinahayaan mo lang siyang ina-agrabyado ng ibang tao." "You have no idea, I'm doing something for her. Alam ko rin kung anong nangyayari so hayaan mo na akong gawin ang
Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige
"Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J
Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin
Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n