Inihatid ngayon ni Roxanne si Grace sa kanyang condo, hindi rin siya nagtagal doon at nagpaalam para umuwi sa boarding house. Paglabas niya sa elevator. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa labas na kanina pa siya hinahanap. "Roxanne, kailangan nating mag-usap." Kaagad siyang hinila ni Jameson at dinala siya sa parking lot. May inilabas si Jameson na mga larawan at ipinakita sa kanya. "Anong ibig sabihin nito?" Medyo madilim ang paligid kaya nahihirapan si Roxanne na tignan ito pero naaninag niya na litrato ito kung saan ay lumabas siya sa isang hotel at sa isang litrato naman ay makikita si Devon na sumunod na lumabas doon. Napatingin si Roxanne sa lalaki na alam niyang pinag-iisipan siya ng masama. "At anong problema mo d'yan?" "Tsk. Hindi ako tanga, Roxanne. May nangyari sa inyong dalawa noong gabing iyon, tama ba?" Nais niyang kumpirmahin ni Roxanne ang kanyang pagdududa. Nalaman din ni Jameson na burado ang surveillance footage ng hotel noong gabing iyon
"W-wala nga tayong dapat na ipangamba pero papaano natin ipapaliwanag kung sakaling may makaalam na m-magkasama tayo sa iisang kwarto nun?" Pag-aalala ni Roxanne. "Then tell them you entered the wrong room and may black out that night." Ani ni Devon. Napag-usapan din nila na dumistansya muna sila sa isa-isa upang timigil si Jameson sa pagdududa na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Pagdaan ng linggo, natapos na ang suspensyon ni Roxanne kaya nakabalik na siya sa trabaho. Pagpasok niya sa office, napansin niya na mayroong nakapatong sa kanyang mesa. Isa itong bouquet ng rosas at mayroon ding maliit na pulang box. Binuksan niya ito at nakita na ang laman nito ay mamahalin kwintas na mayroong diamond. May card din na nakaipit sa loob ng bulaklak kaya binasa niya ito. [Your beauty enchants me like a rose in bloom. With each rose, I offer you my heart and soul.-Jameson] "Taray mo, Roxanne. Ang yaman naman ng manliligaw mo." Ani ni Lily, ang kanyang isang workmate na sin
Nakapagbihis na si Roxanne at humiga sa kama pero bigla siyang may naisip kaya kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan na isang kakilalang ahente upang ipagkatiwala na ibenta ang isang mansyon. "I'll tell you the address Mang Ruel, and pwede mong samahan ang buyer para tignan ang mansyon. If ever makabenta tayo then I'll give you 3% of the price commission." Nagkakahalaga ng walong milyon ang mansyon na kanilang ibebenta kaya malaki-laking komisyon ang mabibigay niya sa ahenteng tutulong sa kanya para maghanap ng bibili nito. Bago matapos ang kanilang pag-uusap may itinanong sa kanya ang ahente. "Ma'am, bakit pa po kayo tumitira sa isang boarding house kung mayroon kayong malaking mansyon?" Ayaw ni Roxanne na may malaman ito kaya gumawa siya ng kapani-paniwalang rason. "Sorry but hindi akin ang bahay na 'yon. Sa kaibigan ko 'yon." Sagot niya. Ibinaba na ni Roxanne ang phone niya tsaka naman ipinadala ang mga detalye ng mansyon na kanilang ibebenta. Alas-nuebe na p
Namumutla si Lily na pumasok sa laboratory upang sundin ang iniutos ni Elaine. Maling mali na maging sunud-sunuran siya sa kaibigan pero ayaw niyang mawalan ng trabaho dahil kinakailangan siya ng ina niyang nagpapagamot sa hospital matapos na ma-aksidente. Natatakot siya kay Elaine dahil isa itong tusong babae na may mga koneksyon sa paligid na maari niyang gamitin para patalsikin siya sa mga Laurell. "Lily, if you do this for me, I'll take care of your mom's medical expenses." Iyon ang ipinangako ni Elaine sa kanya kaya siya naging desperado. Pasimple siyang dumaan sa likuran ni Roxanne na hindi siya napansin dahil busy ito sa paghahalo ng mga pulbo ng gamot sa beaker. Hinahalo ng maigi ni Roxanne ang pulbo gamit ang stirring rod para malusaw ito sa tubig. Nagsusulat din siya sa experimental notebook para ma-record ang oras sa hakbang ng operasyon. Pagkatapos niya sa mga mixtures, naglakad siya papunta sa storage room para kumuha ng reagent at ilang kaunting dilute sulf
Nasurpresa ang iba sa pagiging concern ni Devon kay Roxanne tingin ay walang pakialam sa mga tao sa kanyang paligid kaya sila namamangha sa ikinikilos nito ngayon. Habang nakaramdam ng inggit si Elaine na tingnan ang dalawa. Alam niya na brother-in-law ni Roxanne si Devon na kapatid ng kanyang asawang si Jameson Delgado. Matagal na ring humahanga si Elaine kay Devon dahil sa angkin nitong kagwapuhan at talino pero mas nahulog ang kanyang loob kay Jameson dahil sa galing nitong magluto. Pero ngayon, naiisip niyang magandang plano ay ang kunin ang atensyon ni Devon upang magamit niya para makaganti sa mag-asawa. "Ako na po ang bahala sa kanya, Sir Devon." Biglang sabat ni Elaine at napatingin sa kanya si Roxanne na nagtataka. "Ayos lang ako, Elaine. Kaya ko na 'to mag-isa." Seryosong sabi ni Roxanne tsaka tumayo sa kama. Naglakad siya papalabas ng clinic at sinundan siya ni Devon pumasok ng elevator. "Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Sabi ng ihatid na kita." Tinabihan niya si
Naging seryoso ang expresyon ng mukha ni Devon matapos marinig ang sinabi ng kapatid. "I think there's nothing wrong between me and your wife. I'm his brother-in-law and I'm willing to help her if she's in danger. Ikaw? Nasaan ka ba sa mga oras na kailangan ka ng asawa mo?" Natawa si Jameson sa inaasal ng kapatid. "Stop acting like you care. Kilala kita, Devon. Hindi ka naman talaga mabait sa mga babae. Pakitang tao ka lang and now you're acting like a superhero in front of my wife? Para ano? Nagpapabango ka ng pangalan?" Dikta ni Jameson. Naging matalim ang tingin ni Devon sa kapatid pero ikinalma niya ang sarili dahil nasa loob sila ng hospital. "At least I'm not cruel like you. I may look fiery but you don't really know me. And let me tell you this, you're the one who's supposed to protect your wife but look? Hinahayaan mo lang siyang ina-agrabyado ng ibang tao." "You have no idea, I'm doing something for her. Alam ko rin kung anong nangyayari so hayaan mo na akong gawin ang
Nakita nilang lumitaw si Lily Devilla sa surveillance camera ng ilang beses at napapansin ang kakaibang ikinikilos nito. Nagtinginan si Miss Perez at Peter na pinagdududahan ngayon si Lily na posibleng nagpalit sa label ng chemical na naging sanhi ng pagsabog sa experiment ni Roxanne kanina. Magkasama ngayon si Lily at Elaine na nagpapatuloy sa kanilang trabaho pero biglang may pumasok sa loob ng kanilang office at nagsabing ipinapatawag si Lily sa taas. Kinabahan si Lily ng matindi at napatingin kay Elaine na sinenyasan siyang sumama at huwag magpahalata. Napa-usapan na nilang dalawa ang bagay na ito at tinuruan na siya ni Elaine sa mga sasabihing palusot at tinakot niya rin si Lily na huwag siyang pagtaksilan dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin nito sa kanyang ina. Nakarating na si Lily sa office ng CEO at doon napaupo siya sa harapan nila Miss Perez na may mga malalaking katanungan. "Lily, nakita ka namin na pabalik-balik malapit sa storage room kaninang alas
Parang tumalon ang puso ni Jameson sa tuwa ng marinig ang pagtawa ni Roxanne sa kabilang linya. Inutusan niya si Brian na ihatid ang kanyang mga iniluto tsaka pinagsabihan na iwanang bukas ang linya ng kanyang phone para marinig niya kung ano man ang sasabihin ni Roxanne. Iniabot ni Brian ang pagkain kay Roxanne at nagpasalamat ito. "Salamat sa pagdala nito sa'kin tsaka pakisabi na rin sa asawa ko na salamat sa pagluto ng mga ulam na ito." Mas lalong napapangiti si Jameson na marinig na binabanggit pa rin siya nito bilang asawa. Pag-alis ni Secretary Brian, bumalik si Roxanne sa loob at inilapag ang limang putahe ng ulam sa mesa. Ito ay limang masasarap na putahe; Adobong manok, Giniling, Bopis, Kare-kare at Pinakbet. Naiinis man siya sa asawa pero hindi niya magagawang tanggihan ang grasya. "Papaano niya ito niluto lahat?" Namangha si Roxanne sa dami nitong niluto, at alam niyang marunong magluto si Jameson kaya isa ito sa katangian nito na nagustuhan niya noon. Akala