Natahimik si Miss Perez sa naging desisyon ni Roxanne na ipahuli ang ka-trabaho nila. "Sigurado ka ba sa sagot mo, Roxanne? Baka may iba pang paraan kaysa isapubliko ito. Alam mong makakasira ito sa ating reputasyon." "Miss Perez, naaawa ako kay Lily pero ayaw kong i-tolerate ang ginawa niyang iyon. Muntik ng malapnos ang kamay ko kanina at, papaano kung natamaan ako sa mata at mabulag? May magagawa ba siya?? Tama lang itong desisyon ko at gusto kong managot siya." Pagkaklaro ni Roxanne. Hindi na nagsalita si Miss Perez kaya ibinaba na ni Roxanne ang kanyang phone. Hinanap niya naman ang numero ni Lily at sinubukan itong tawagan para tanungin ng direkta kung may kinalaman ba si Elaine dahil kung may kinalaman nga ang dating kaibigan, iaatras niya ang kaso kay Lily. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi siya sinagot, isa lang iyong senyales na ayaw nitong makipag-cooperate at pinagtatakpan si Elaine. Bumalik siya sa kanyang mga kinakain sa mesa at kain nalang siya ng k
"Wow. Nagawa mo pang makipaglandian sa mga babae bago mo ako puntahan dito? How sweet of you." Pinagtaasan siya ni Roxanne ng kilay. Kumunot ang noo ni Jameson sa sinabi nito. "Huh? A-ano na namang sinasabi mo, hon?" "Akala ko tumino ka na pero magaling ka lang palang magpanggap. Hays, sa susunod siguraduhin mong walang maiiwang marka ang babae mo." Ani ni Roxanne at tinuro ang damit nito na kung saan ay may mantsa. Napatingin din doon si Jameson at sinubukan itong alisin pero huli na dahil nahuli na naman siyang nagloloko. Tinalikuran siya ni Roxanne at hinabol niya ito para magpaliwanag. Nasira ngayon ang mga plano niya ng dahil lang sa markang iyon kaya ngayon nanumbalik ang panlalamig ni Roxanne. Sumakay na si Roxanne ng taxi at doon niya rin natanggap ang isang mensahe mula na naman sa hindi malamang account. Nagpadala ito ng mga larawan nina Jameson at Savannah na naghahalikan. Nanikip ang kanyang mga dibdib na tingnan ang mga ito. Ilang beses niya ng nakita ang
Namumulang parang kamatis ang pisnge ni Roxanne dahil sa naging tanong ni Tricia. Never siyang nag-isip ng ganoong bagay sa kanyang brother-in-law. "Ano ka ba, Tricia. Normal lang 'yung no. Tinulungan niya ako kasi asawa ako ng kapatid niya." "Huh?? OMG! Asawa mo pala si Jameson Delgado?" Nanlaki ang mga mata ni Tricia. "Tama, Guevarra-Delgado nga ang nasa resume mo." Namangha si Tricia na malaman iyon. "Oo, Tricia, kaya huwag mo kaming pag-isipan ng gano'n kasi impossible na magkagusto si Devon sa'kin dahil may asawa na ako." Naningkit ang mga mata ni Tricia na parang ayaw maniwala. "Hmm...pero iba talaga ang tinginan ninyong dalawa." Panunukso pa nito. Napailing si Roxanne at itinataboy ito pabalik sa kanyang upuan. "Hays nako, Tricia! Tigilan mo na ako at bumalik ka na sa trabaho mo." Alas dose na at hudyat na para kumain ng pananghalian ang lahat. May dalang baon si Roxanne upang hindi na bumili ng pagkain sa cafeteria. Nag-ring naman ang kanyang phone at natutuw
May kasabihang 'Once a cheater, always a cheater' at pinapatunayan ito ng asawa ni Roxanne na paulit-ulit nalang siyang niloloko. "Roxanne, maniwala ka man o sa hindi. Wala akong nararamdaman kay Savannah. Nandirito ako sa harapan mo dahil ikaw ang pinipili ko." Ani ni Jameson. "Pinili para saan? Para saktan at tapak-tapakan? Jameson, hindi ko na masikmura na tignan kang nagpapanggap na mabuting asawa sa harapan ko pero nagloloko ka sa pagtalikod ko." Nanlulumo lalo si Roxanne na makita ang asawang sobrang layo sa nakilala niya noon. Sinusubukan niyang hanapin ang dating minahal niyang lalaki pero mukhang hindi niya na ito muling masisilayan. "Hindi ka na ba naniniwala sa akin, Roxanne? K-kaya kong magbago, sinusubukan ko pero madaming bagay ang gumugulo sa isipan sa isipan ko." Nalulungkot si Jameson na makita ang mga mata nitong kinasusuklaman siya. "Pagod na pagod ako galing trabaho at gusto kong magpahinga." Ani ni Roxanne at tinalikuran ito at nagpatuloy sa kanyang kwar
Sa sobrang galit ay naitapon ni Elaine ang kanyang phone sa dingding. Napasigaw rin siya sa inis dahil nabigo na naman siya sa kanyang plano. "Bakit?! Bakit?!" Nagwawala ito sa kanyang kwarto. Naririnig niyang nag-ring pa ang kanyang phone kahit basag na ang screen nito. Pinulot niya ito at nakita na tumatawag ang taong kanyang inatasan na mag-edit ng video na gumamit ng isang marketing account para marami ang makapanood ng video. Inutusan niya ito na burahin ang video ngunit nagkaroon ito ng problema dahil biglang nag-freeze ang kanyang account at hindi makapag-log in. "ANG BOBO MO!" Sigaw niya rito. Ngayon ay nababahala siya na baka mahuli na siya at tingin niya si Jameson ang dahilan kung bakit hindi mabuksan ang account. Umalis kaagad si Elaine at pinuntahan ang kanyang amang si Robert na nasa kanilang mansyon. Matalim ang tingin ng kanyang ama na nalaman ang lahat ng kanyang mga ginawang bagay dahil isiniwalat ito ni Peter. "Dad, I need your help." Sabi niya a
Pinunasan ni Roxanne ang kanyang basang mata at inayos ang magulo niyang buhok. Tumayo siya sa kama at pumunta sa kusina para maghilamos. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hindi na magpapa-apekto sa kanyang asawa pero kahit anong gawin niya, nalulungkot pa rin siya dahil walong taon ang pinagsamahan nila Jameson mula pa college. Tingin niya kailangan niya ng higit pa sa taong iyon para makapag-move on. Hindi rin makatulog si Jameson na nakahiga lang sa kanyang kama, nagdaramdam ito sa sinabi ng asawa at nais niya itong tawagan ulit para magpaliwanag pero alam niyang hindi na iyon tama at nakaka-distorbo na siya. Ibinaon niya nalang ang kanyang mukha sa unan, nalulungkot din ito na nabigo siya sa kanyang plano para makabawi sa asawa at para manumbalik sila sa dating gawi. Dinadalaw na siya ng antok pero nawala ito dahil nakatanggap siya ng mensahe sa kanyang secretary. [Boss, si Elaine Garcia po ang nasa likod ng pag-post ng video at malamang may kinalaman din siya
Unti-unting ibinuka ni Roxanne ang kanyang mga mata at nahihilo siyang igalaw ang ulo. Nagkaroon lamang siya ng mild concussion mula sa pagkakahulog at nabagok ang kanyang ulo sa tiles. Naaninag niyang may taong nakaupo sa tabi at naisip niyang ito ang kanyang kaibigan. "Grace? N-nauuhaw ako." Usal niya. Narinig ni Jameson ang kanyang sinabi kaya kinuha niya ang water bottle na nakapatong sa mesa. Binuksan niya ang takip nito at inalalayan siyang makainom. "Dahan-dahan lang..." Itinaas niya ang water bottle at maraming nainom si Roxanne na nakaginhawa ng maluwag pero namumutla pa rin ito at naliligo sa pawis. Kumuha rin ng tissue si Jameson at pinunasan ang noo, mukha at leeg ng asawa. Naging klaro ulit ang pananaw ni Roxanne at nakita niya ng malapitan ang mukha ng lalaki na nag-aaalala. Pumasok din sa loob si Grace na may dalang tray ng pagkain. Tumaas ang kanyang kilay na tignan ang ginagawa ni Jameson. "Himalang pinuntahan mo ang asawa mo. " Sarkastikong sabi ni Gra
Lumabas si Jameson sa kwarto ng asawa para kausapin si Savannah. Saglit lang silang nag-usap dalawa kaya bumalik siya sa loob para magbantay. Nanatili din sa loob si Grace na hindi komportable na makita ang pagmumukha ng lalaki na walang hiyang nakikipag-usap sa kabit. "Bakit hindi mo nalang hiwalayan si Roxanne?" Wala sa sariling tanong ni Grace. "Manahimik ka nga." Tanging tugon ni Jameson na lumabas ulit para manigarilyo. Ginulungan ito ng mata ni Grace at bumaling sa kaibigan na nagising. "Besh? Kamusta? Hindi ka na ba nahihilo?" Tumingin sa kanya si Roxanne at ngumiti ng mapait. "Medyo nahihilo ako ng kaunti." "Pupuntahan ka ni Tita Martha mamayang hapon at magdadala siya ng paborito mong mga kakanin." Balita pa ni Grace na hinahanap ang kanyang pananghalian. Pagbalik ni Jameson sa loob, nasurpresa siyang makita na nagising ulit si Roxanne. Nilapitan niya ito para kausapin. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Nakasimangot lang si Roxanne na nakatingin sa kabilang
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia."I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't cooperate
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin."Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi.""Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya."Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depensa ni
Naglakad si Roxanne papalapit sa kama ng ama at naupo sa kanyang tabi. "Opo, Papa. K-kinakailangan kong dalhin kayo sa ibang bansa para mas masiguro ang iyong pagaling. Ngunit sa ngayon, kailangan muna naming mag-usap ng iyong doktor bago ka payagan na mag-flight. Ako na rin ang bahala na bumili ng plane ticket niyo ni Tita Martha." Paliwanag niya. Natahimik si Emmanuel na bakas sa mukha na hindi siya sumasnag-ayon sa kanyang plano. "Hindi. Mananatili ako dito." Nadismaya si Roxanne sa sinabi nito. "Papa, hindi kayo gagaling kung mananatili kayo rito, mas maganda na mailagay kita sa mas maayos na hospital." "Hindi kita p'wedeng iwan dito ng mag-isa lalo na't mainit ang mata ng mga Delgado sa iyo." Rason ni Emmanuel. Napailing si Roxanne, "Huwag niyo na po akong alalahanin, ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo. Wala na akong anuman na koneksyon sa mga Delgado." "Huwag kang magsinunggaling sa akin!" Galit na sabi ni Emmanuel at nahampas ang kanyang maliit na mesa at m
Nadala si Devon sa bugso ng damdamin at nalimutan na agad ang kanyang limitasyon. Naging malikot ang kanyang mga kamay na pumasok na sa loob ng palda ni Roxanne. "Devon!" Suway ni Roxanne na tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang hita. "Sabi kong tama na." Pinandilatan niya rin ito ng mata. Natakot naman si Devon na baka makagat nito kaya siya umayos. "S-sorry, nadala lang." Aniya at napakamot sa ulo. Inayos agad ni Roxanne ang kanyang nagusot na damit at napatingin sa salamin para ayusin ang kanyang nagulong lipstick. "Kalmahan mo nga, Devon. Hindi tama na gumawa tayo ng ganito sa publiko." Seryosong sabi ni Roxanne, hindi ibig sabihin ay wala na silang pakialam sa sasabihin ng iba, kailangan pa rin nilang maging maingat sa kanilang mga galaw. *** Sa kabilang banda, bumalik si Jameson sa kanyang sariling bahay at pagpasok niya, nakita niya si Savannah na nakaupo sa couch habang nanonood ng telebisyon. "Ano? Nakabalik ka na ba sa kompanya?" Tanong ni Savannah na nanatili
Napalingon si Devon sa kanya at ngumiti. "Oo naman? At bakit parang ayaw mong maniwala?" "Nakakapagtaka lang kasi nga, sino ba naman ako para piliin mo kaysa sa iyong pamilya." Usal ni Roxanne. "Tsaka, hindi ka tuloy makakatanggap ng mana nang dahil sa akin." "Huwag mo na iyong problemahin, wala na sa akin ang bagay na 'yon. Kung gusto mong malaman kung anong dahilan kung bakit kita pinili, iyon ay dahil mahal kita." Seryoso niyang sabi at kinuha bigla ang isang kamay ni Roxanne at hinalikan. Napatulala ang babae na napaisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito, hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan na sila na nitong gwapong nilalang at ngayon hawak ang kanyang kamay. "Ang bilis kasi ng lahat, nalilito ako kung trip mo lang ba ito para inisin si Jameson o seryoso ka ba talaga sa akin??" Inagaw ni Roxanne ang kanyang kamay para mapakamot sa ulo. Napansin naman ni Devon ang kanyang pagkalito kaya handa na siyang magpaliwanag. "Seryoso ako sayo, Roxanne. But I want to
Namutawi sa mukha ni Madame Julie at Lola Ofelia ang pandidiri nila kay Roxanne na tingin nila ay isang linta na dumudikit kay Devon. "Hindi ka ba nahihiya, Roxanne?? Hiniwalayan mo na ang anak kong si Jameson at ngayon naman si Devon ang isusunod mo? Anong klaseng babae ka?!" Dikta ni Madame Julie. "Madame Julie, isipin mo ang gusto niyong isipin pero hindi ako ganoon katinik na babae na two-timer, o kung ano man ang tingin niya sa akin. Wala akong masamang intensyon kay Devon at hindi ko kasalanan kung bakit niya ako pinili." Paliwanag ni Roxanne. "Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingan mo, Roxanne?? Or you're using him for your own gains like what you did to Jameson??" Dagdag pa ni Madame Julie na nakakrus ang mga braso. "I said, believe what you want to believe. Wala na akong pakialam." Malamig na sabi ni Roxanne. Tumingin naman ang lahat kay Lola Ofelia na napabuntong-hininga. "Roxanne, kung hindi mo hihiwalayan si Devon, sisirain mo lang ang buhay niya at mailalayo
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, lumabas na si Roxanne sa laboratory at nagpunta sa opisina ni Devon para samahan itong mananghalian. Pagpasok niya doon, wala siyang makitang bakas ni Devon sa loob. Tanging makikita niya lang ay si Secretary Kenneth na nakaupo sa swivel chair ng boss niya habang nag-aasikaso ng mga papeles. "Si Sir Devon ba hanap niyo Ma'am Roxanne? Hala, umalis 'yun, eh. Paalam niya sa'kin, papunta daw siya sa Valencia." Sabi ni Kenneth. Kinabahan naman si Roxanne na nag-aalala na baka si Devon na naman ang paglabasan ng galit ng kanyang pamilya. "Okay, thank you. Balik na muna ako sa laboratory." "Teka pala, Ma'am Roxanne. M-may ipapabigay lang sana ako kay Frizza. Hehe." Nahihiyang sabi ni Kenneth at mayroong inilahad na tupperware. Tinanggap ito ni Roxanne na hindi inasahanan na popormahan nito ang kanyang assistant na si Frizza. Bumalik ngayon si Roxanne sa laboratory para yayain si Frizza na mananghalian sa cafeteria tsaka binigay niya rito ang pinab
Napairap si Roxanne dahil sa kalandian nitong si Devon. "Sure ka ba talaga d'yan? Huwag kang umasa baka ma hopia ka lang sa huli." Dikta niya. Matapos mag-umagahan ng dalawa, agad silang naghanda at nagbihis para pumunta sa kompanya. Pagkarating nila sa tapat, nagdadalawang isip si Roxanne na lumabas mula sa sasakyan. "Hmm? What's the matter?" Napansin ni Devon na hindi siya komportable. "Ayaw ko lang kasi na makita tayo ng ibang tao na magkasama. Alam mo na, may masasabi na naman silang masama sa atin." Pag-aalala niya. "Who cares what other people says?" Nakataas kilay na sabi ni Devon. "I know I shouldn't care about what they'll say, but obvious naman na gagawan tayo ng issue. Kaya we should be careful with our actions." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. "What actions??" May pagtataka sa mukha ni Devon kaya kumunot ang kanyang noo. Napaisip ng ilang segundo si Roxanne tsaka napalunok ng laway bago sumagot. "You know what I mean..'yung mga yaka
Nakarating kina Jameson ang kumakalat na articles sa social media tungkol sa kataksilan niya at agad niyang tinawagan si Roxanne pero hindi niya na ito maabot. "Humanda ka sa aking babae ka." Galit na usal ni Jameson habang umiinom ng alak. Nagluluto naman si Roxanne ng kanyang hapunan sa kusina pero napahinto siya sa ginagawa nang marinig na may kumakatok sa pinto. Naglakad siya papalapit doon at sumilip sa peephole para macheck kung sino ang taong bumisita. Nakita niyang si Devon lang pala kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. "Want some dinner?" Nakangiting tanong ni Devon habang pinakita sa kanya ang dalang pagkain. "Nagluto ako, eh." Sabi ni Roxanne tsaka pinapasok ito. Namangha si Devon na naglakad papasok at naaamoy ang masarap nitong niluluto na kaldereta. Naupo siya agad sa mesa habang naghahanda si Roxanne ng plato at kutsara. Bago kumain, nagdasal muna ang dalawa at pagkatapos nilagyan ni Roxanne ng kaldereta ang bowl. "Marunong ka rin palang magluto, ah."