Sa pangatlong araw ni Roxanne sa laboratory ay nagpatuloy sila sa pag-develop ng isang gamot para sa mga cardiovascular diseases, at malapit na nila itong makompleto. Nagpapalit si Roxanne ng kanyang lab coat at nilapitan siya ni Dr. Santos. "Kamusta Roxanne? Sana ay nakapag-adjust ka na ng maayos dahil marami pa tayong gagawin na projects." "Okay lang po, Sir. Hinanda ko na po ang sarili ko sa mga projects tsaka ano po ba ang mga plano natin ngayon?" Tanong ni Roxanne. "Tutuloy tayo sa experimental stage na kung saan ay gagamitin tayo ng mga daga para subukan ang ating gamot. Si Ms. Garcia pa rin ang mag-hahandle nito habang ikaw ang taga-pag-oberba." Paliwanag niya. Tumango si Roxanne na pamilyar na sa ganitong proseso na napagdanan niya noong college pero kailangan niyang maging maingat. Ngayon ay sinundan niya si Elaine na tahimik lamang na nagsisimula sa task. Nasa gilid lang si Roxanne at napapansin niyang nahihirapan ito na hindi maayos ang pagkakaturok sa daga na maari si
Natatawa si Roxanne ngayon na titigan ang mukha ni Devon dahil para itong batang nahuli ng nanay na nangungupit. "Oh, sister-in-law talaga? Eh, Hindi ka nga sumipot sa kasal namin ni Jameson," Napailing si Roxanne dahil naninibago sa ikinikilos ni Devon na kilala niyang mailap sa mga tao. "Hindi ako inimbita ni Jameson kaya bakit ako pupunta?" Natatawang sabi ni Devon. "Pero inimbita naman kita." Nagkatinginan silang dalawa saglit at kaagad silang nag-iwasan ng tingin. Nanumbalik ang kirot sa dibdib ni Roxanne dahil naaalala niya ulit ang masasayang araw na mananatili nalang sa nakaraan at ngayon sa kasalukuyan ay naging magulo na ang lahat. "Umm, Roxanne, gusto mo bang manatili muna ako dito?" Tanong ni Devon na nagdadalawang-isip na umalis. "Bakit aalis ka na ba?" "Oo pero parang delikado na iwan kita dito na mag-isa. Sobrang tahimik pala ng lugar na 'to, parang wala kang ibang taong makikita sa paligid." Isang liblib na lugar ang nilipatan ni Roxanne kaya nag-aal
"Paulit-ulit mong sinasabi na mahal mo ako, na gagawin mo ang lahat para maging masaya ako pero sinasaktan mo lang ako sa mga pinangagawa mo. So anong klaseng pag-ibig 'yun?" Naguguluhang tanong ni Roxanne. Hindi makatingin si Jameson na siya ring naguguluhan sa sarili. "H-hindi ko alam k-kung bakit nagagawa ko ang mga ito. " "Hindi mo alam kung bakit? Jameson, matanda ka na. Hindi ka na bata para pagsabihan kung ano ang tama o mali. Alam mong maling-mali na nagtaksil ka sa akin at paulit-ulit ka pang nagsisinungaling." Parang sinasaksak siya sa puso nang mahuli niya itong kasama ang kabit na sinabi niyang tinanggal niya na sa kompanya. "Roxanne, nahihirapan din ako. Nawawala na ako sa sarili ko." Ani ni Jameson na napasabunot sa kanyang buhok. "Papaano naman ako? Tingin mo hindi rin ako nawawala sa sarili? Kung magpapalit tayo ng sitwasyon ngayon, hindi ka talaga matutuwa, Jameson. Dinamay mo pa ang tatay ko na isang inosenteng tao. Ganoon ka na ba talaga ka-desperado?" Namum
Pinagmasdan ni Jameson ang kapatid na kinuha ang kanyang asawa sa kama. Gusto niyang pigilan si Devon ngunit natatakot siya na baka isiwalat nito ang kanyang mga kalokohan. Naiwan siya sa loob ng kwarto at hindi siya mapakali ngayon kung ano ang susunod na gagawin. Nahuli na siya ng kapatid na gagamitin ang kanyang sekreto laban sa kanya, tsaka kinuha pa nito ang kanyang asawa. Sa sobrang pagkalito, pinagsusuntok niya ang pader kaya nagdurugo ang kanyang mga kamao. Nag-ring bigla ang kanyang phone sa kama pero wala siyang balak na sagutin ito. Ngunit hindi tumigil sa pag-ring ang phone kaya napilitan siyang kunin ito, napalunok naman siya ng laway na makitang ina niya pala ang tumatawag. "Yes mom?" "Kailangan mong pumunta dito sa Valencia." Seryosong utos ni Madame Julie. "Why? I-is there something wrong?" Kinakabahan siya na baka nakarating sa kanila ang isyu nila ni Roxanne. "You're former secretary is here."Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig ito. Mas lal
Nakarating si Jameson sa mansyon ng kanilang pamilya sa Valencia. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa entrance. Habang naglalakad ay hinanda niya na ang kanyang sarili dahil hindi magiging maganda ang kanilang pag-uusapan. Pagpasok niya sa living room, nakita niya si Savannah kasama ang kanyang ina at lolo na hindi natutuwang makita siya. Hindi niya naman maalis ang tingin kay Savannah. "Maupo ka." Utos ni Grandpa Gerald. Sumunod si Jameson at naupo sa tapat ni Savannah na katabi si Madame Julie. "Gusto kong ipaliwanag mo sa amin kung bakit ka nagtaksil sa asawa mo? Papaano mo iyon nagawa?" Seryosong tanong ni Madame Julie na labis na na-disappoint sa anak. "Mom, inaamin kong nagkamali ako pero hindi ko naman iyon sinasadya. Nadala lang ako sa tukso at nilalasing ako ng babaeng 'yan." Pag-rarason niya. "Hindi po 'yan totoo, pareho naming ginusto na mangyari iyon." Dikta ni Savannah. Sumabat naman si Madame Julie, "Jameson, responsibilidad mong maging mabuting
Sa tatlong taong pagsasama ng mag-asawang Delgado ay ngayon lang sila naging handa na magkaroon ng anak dahil sa dami nilang pinagkaka-abalahan. Nakahiga ngayon sa malambot na kama si Roxanne at naghihintay kay Jameson na naliligo pa sa banyo. "Magugustuhan niya kaya ito?" Nakasuot siya ng isang sexy outfit para ganahan ang kanyang asawa na makipagtalik. Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng phone ni Jameson sa mesa kaya kinuha niya ito. Binuksan niya ang messaging app at nanlaki ang kanyang mga mata sa mensaheng nakita. *Come here, daddy. Treat me like your one and only whore.* Kasama ng mensahe ay malaswang litrato ng babae. Namumukhaan niya naman na ito ay ang sekretarya ng kanyang asawa. Nagulat naman si Roxanne nang maramdaman ang biglang pagyakap ni Jameson mula sa likuran at nakikiliti siya sa pagkagat nito sa kanyang taenga. "Come on, honey. Hindi na ako makapag-hintay na magka-anak tayo." Bulong nito at patuloy siyang hinahalikan pababa sa kaniyang
Dumaan ang kalahating oras, nalunod na sa kalasingan si Roxanne at pinalibutan siya ng mga lalaking pinipilit siyang isama pero mabuting bumalik si Grace. "Excuse me! Magsi-alis nga kayo!" Itinaboy niya ang mga lalaki. "Besh? Baka gusto mo ng umuwi. Ihahatid na kita." Umiiling si Roxanne at umakbay sa kaibigan, "Ayaw kong umuwi doon. Baka mandilim ang paningin ko 'pag nakita ang pagmumukha ni Jameson." Kahit lasing na ay hindi pa rin maalis sa isipan ang nakita niyang kababuyan ng asawa. "Oo nga naman. Baka mabalitaan kong nakakulong ka na bukas. Hay nako! Ako na nga bahala sayo." Walang choice si Grace kung hindi iwan muna ang trabaho para tulungan ang wasak na kaibigan dahil noong mga panahong siya rin ang sawi ay sinamahan siya ni Roxanne. Nag-book kaagad ng ticket si Grace sa isang five star hotel na ilang kanto lang ang layo. Idinala niya doon ang lasing na babae na nagsusuka sa loob ng kaniyang sasakyan. "Kadiri naman to!" Reklamo ni Grace. Nang maibaba niya ito doon
Pagsapit ng alas sais ng umaga, naisipan ni Roxanne na bumalik sa mansiyon kahit hindi niya gustong makita ang asawa. Tinatawagan din siya nito pero hindi niya sinasagot dahil baka makabitaw siya ng masasamang salita. Naglalakad siya papalabas ng hotel at bigla siyang napatago sa gilid nang makita si Devon na naglalakad papunta sa nakaparadang sasakyan. "Jusko. Muntik na talaga 'yun kagabi." Usal niya, hindi pa rin makalimot sa kabaliwang nangyari kagabi. Dali-daling sumakay si Roxanne ng taxi na nakaparada sa labas at nagpahatid pabalik sa Orange Groove village. Nag-ring ulit ang kanyang phone dahil sa katatawag ng asawa pero pinatayan niya ito pero nang makita ang pangalan ni Grace sa caller ID ay kaagad niya itong sinagot. "Kamusta besh? Umuwi ka na ba sa asawa mo. Este sa soon to be ex-husband mo?" Tanong ni Grace. "No choice, besh. Uuwi ako sa ngayon pero aalis din ako kaagad. Hindi ako mananatili doon. Tsaka nga pala, may nakakaloka akong ikukuwento sayo sa susunod. Tu