Nagulat si Grace sa malakas na paghila ni Jameson sa kanyang braso. "Ano bang problema mo?!" "Alam kong alam mo kung nasaan si Roxanne." Pinandilatan siya nito ng mata. "Wala akong alam kung nasaang planeta 'yun pumunta kaya huwag mo akong guguluhin dito sa trabaho ko." Naiinis na sabi ni Grace tsaka bumalik sa counter. "Sasabihin mo o ipapasarado ko itong illegal mong negosyo." Pananakot ni Jameson. Nanlaki ang mata ni Grace pero hindi niya magagawang traydurin ang kaibigan kahit na mapahamak siya, "Kahit idamay mo negosyo ko, hindi ko alam kung nasaan si Roxanne." "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito dahil hindi mo magugustuhan kung ilalabas ko ang baho mo." Banta ni Jameson tsaka umalis. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at patuloy na hinanap si Roxanne kasama ang kanyang bodyguards. Sinubukan niya rin itong tawagan ngunit hindi na ito maabot kaya pinaghahampas niya ang manobela. Nang biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita ang isang unknown number
"O-okay." Hindi alam ni Roxanne kung anong nangyayari sa sarili dahil hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. Hinawakan naman ni Devon ang payong sa kabilang kamay at dumikit sa babae para hindi mabasa ng ulan. "Gusto mo bang magkalagnat?" Kumalabog ang puso ni Roxanne dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan at parang kinukuryente. Pagpasok nila sa building ay kinuha na ni Roxanne ang kanyang mga groceries, "Salamat talaga Kuya Devon pero kaya ko na ito." "Magkano ba ang renta mo dito?" Biglang tanong ni Devon at naguguluhan si Roxanne kung bakit ang dami niyang tanong. "Kuya, okay na ako. Hindi mo na kailangan alamin ang lahat." Seryosong sabi ni Roxanne. Hindi na rin napigilan ni Devon na malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Jameson, "Narinig ko kayo noong gabing iyon, at totoo bang nagloloko ang asawa mo?" Napapikit si Roxanne dahil napapagod siyang magpaliwanag at ayaw niyang may nakikisaling ibang tao. "Wala ka ng pakialam sa kung anong pr
Sa ika-limang araw ni Roxanne sa laboratory ay nagpatuloy sila sa pag-develop ng isang gamot para sa mga cardiovascular diseases, at malapit na nila itong makompleto. Nagpapalit si Roxanne ng kanyang lab coat at nilapitan siya ni Dr. Santos. "Kamusta Roxanne? Sana ay nakapag-adjust ka na ng maayos dahil marami pa tayong gagawing projects." "Okay lang po, Sir. Hinanda ko na po ang sarili ko sa mga projects tsaka ano po ba ang mga plano natin ngayong araw?" Tanong ni Roxanne. "Tutuloy tayo sa experimental stage na kung saan ay gagamitin natin ang mga daga para subukan ang ating gamot. Si Elaine pa rin ang mag-hahandle nito habang ikaw ang taga-pag-oberba." Paliwanag niya. Tumango si Roxanne na pamilyar na sa ganitong proseso na napagdanan niya noong college pero kailangan niyang maging maingat. Ngayon ay sinundan niya si Elaine na tahimik lamang na nagsisimula sa task. Nasa gilid lang si Roxanne at napapansin niyang nahihirapan ito na hindi maayos ang pagkakaturok sa daga
Natatawa si Roxanne ngayon na titigan ang mukha ni Devon dahil para itong batang nahuli ng nanay na nangungupit. "Oh, sister-in-law talaga? Eh, Hindi ka nga sumipot sa kasal namin ni Jameson," Napailing si Roxanne dahil naninibago sa ikinikilos ni Devon na kilala niyang mailap sa mga tao. "Hindi ako inimbita ni Jameson kaya bakit ako pupunta?" Natatawang sabi ni Devon. "Pero inimbita naman kita." Nagkatinginan silang dalawa saglit at kaagad silang nag-iwasan ng tingin. Nanumbalik ang kirot sa dibdib ni Roxanne dahil naaalala niya ulit ang masasayang araw na mananatili nalang sa nakaraan at ngayon sa kasalukuyan ay naging magulo na ang lahat. "Umm, Roxanne, gusto mo bang manatili muna ako dito?" Tanong ni Devon na nagdadalawang-isip na umalis. "Bakit aalis ka na ba?" "S-sana, pero parang delikado na iwan kita dito na mag-isa. Sobrang tahimik din ng lugar na 'to, parang wala kang ibang taong makikita sa paligid." Isang liblib na lugar ang nilipatan ni Roxanne kaya nag
"Paulit-ulit mong sinasabi na mahal mo ako, na gagawin mo ang lahat para maging masaya ako pero sinasaktan mo lang ako sa mga pinangagawa mo. So anong klaseng pag-ibig 'yun?" Naguguluhang tanong ni Roxanne. Hindi makatingin si Jameson na siya ring naguguluhan sa sarili. "H-hindi ko alam k-kung bakit nagagawa ko ang mga ito. " "Hindi mo alam kung bakit? Jameson, matanda ka na. Hindi ka na bata para pagsabihan kung ano ang tama o mali. Alam mong maling-mali na nagtaksil ka sa akin at paulit-ulit ka pang nagsisinungaling." Parang sinasaksak siya sa puso nang mahuli niya itong kasama ang kabit na sinabi niyang tinanggal niya na sa kompanya. "Roxanne, nahihirapan din ako. Nawawala na ako sa sarili ko." Ani ni Jameson na napasabunot sa kanyang buhok. "Papaano naman ako? Tingin mo hindi rin ako nawawala sa sarili? Kung magpapalit tayo ng sitwasyon ngayon, hindi ka talaga matutuwa, Jameson. Dinamay mo pa ang tatay ko na isang inosenteng tao. Ganoon ka na ba talaga ka-desperado?" Nam
Pinagmasdan ni Jameson ang kapatid na kinuha ang kanyang asawa sa kama. Gusto niyang pigilan si Devon ngunit natatakot siya na baka isiwalat nito ang kanyang mga katarantaduhan. Naiwan siya sa loob ng kwarto at hindi siya mapakali ngayon kung ano ang susunod na gagawin. Nahuli na siya ng kapatid na gagamitin ang kanyang sekreto laban sa kanya, tsaka kinuha pa nito ang kanyang asawa. Sa sobrang pagkalito, pinagsusuntok niya ang pader kaya nagdurugo ang kanyang mga kamao. Nag-ring bigla ang kanyang phone sa kama pero wala siyang balak na sagutin ito. Ngunit hindi tumigil sa pag-ring ang phone kaya napilitan siyang kunin ito, napalunok naman siya ng laway na makitang ina niya pala ang tumatawag. "Yes. Mom?" "Kailangan mong pumunta dito sa Valencia." Seryosong utos ni Madame Julie. "Why? I-is there something wrong?" Kinakabahan siya na baka nakarating sa kanila ang isyu nila ni Roxanne. "You're former secretary is here." Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang
Nakarating si Jameson sa mansyon ng kanilang pamilya sa Valencia. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa entrance. Habang naglalakad ay hinanda niya na ang kanyang sarili dahil hindi magiging maganda ang kanilang pag-uusapan. Pagpasok niya sa living room, nakita niya si Savannah kasama ang kanyang ina at lolo na hindi natutuwa sa kanya. Hindi niya naman maalis ang tingin kay Savannah na ngisihan siya. "Maupo ka." Utos ni Grandpa Gerald. Sumunod si Jameson at naupo sa tapat ni Savannah na katabi si Madame Julie. "Gusto kong ipaliwanag mo sa amin kung bakit ka nagtaksil sa asawa mo? Papaano mo iyon nagawa?" Seryosong tanong ni Madame Julie na labis na nadismaya sa anak. "Mom, inaamin kong nagkamali ako pero hindi ko naman iyon sinasadya. Nadala lang ako sa tukso at nilalasing ako ng babaeng 'to." Pag-rarason niya. "Hindi po 'yan totoo, pareho naming ginusto na mangyari iyon." Dikta ni Savannah. Sumabat naman si Madame Julie, "Jameson, responsibilidad mo
Nasa hardin ngayon si Jameson na nagdadalawang-isip na tawagan ang kapatid. Ayaw niyang magmakaawa dito pero kung hindi niya susubukan, baka hindi niya na muling makita ang asawa. Naiinis niyang inilabas ang kanyang phone sa bulsa at tinawagan si Devon na kaagad naman siyang sinagot. "I need your help, Devon." Desperado niyang pagkakasabi. Sa kabila ay nanatili si Devon kasama si Roxanne na mahimbing ng natutulog sa kama. "Why do you need my help now?" Mahina niyang tugon upang hindi magising si Roxanne. "Gusto kong malaman kung saan mo dinala ang asawa ko?" Tanong ni Jameson. "Nais kong masigurado kung nasa maayos ba siyang lagay." "I'm sorry, Jameson pero mas mabuting lumayo ka muna sa kanya. Nasa mabuting kamay siya ngayon kaya huwag kang mag-alala. Wala naman akong gagawing masama sa asawa mo." Mahinahong sagot ni Devon. Napalabas ito ng kwarto para magpahangin dahil medyo mainit sa loob. Napabuntong-hininga si Jameson na sinusubukang maging kalmado. "Devon, please
Napatingin si Devon sa sekretarya at binigyan ng tingin na nagsasabing huwag siyang mangialam. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Nag-atubili si Kenneth bago sumagot, "Boss, sa tingin ko, mas mabuting pag-isipan niyo pa ito. Sa huli, ang mga balitang kumakalat sa kumpanya ay puro sabi-sabi lang. Maaari kayong maglabas ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang inyong personal na buhay, pero hindi na kailangang ipaliwanag ang relasyon niyo kay Miss Daphne." "Kung malalaman pa ng lahat ng empleyado na iniwan kayo ni Roxanne, pagpipiyestahan kayo lalo." Dagdag niya pa. Ilang segundong natahimik si Devon at napagtanto ang kanyang punto, bago sumagot, "Sige, gawin mo ang tamang bagay." Hindi nagtagal, naglabas ang opisina ng CEO ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang personal na buhay ni Devon Delgado. Sinumang mahuli ay agad na tatanggalin sa trabaho. Abala naman sina Roxanne at Frizza sa mga eksperimento buong umaga at wala silang oras para
Bahagyang nagyelo ang katawan ni Roxanne na nakadikit sa harapan ni Devon. Ngunit mabilis siyang umatras at inayos ang pagkakatayo. Habang dumadaan siya sa harap nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot siya na baka gumawa ito ng anumang bagay na makatawag-pansin. Pagkatapos ng lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kanina ay nakakatakot. Pagkalabas niya ng Cafeteria, doon lamang siya nakahinga ng maluwag. "Naghiwalay na kami, pero bakit ganoon pa rin ang tingin niya sa akin?" Huminga siya nang malalim at pilit na pinaalalahanan ang sarili na huwag na itong isipin. Anuman ang mangyari, wala na silang kaugnayan sa isa’t isa. Mas mabuti nang magpanggap nalang silang hindi kilala ang isa't-isa. Maya-maya, lumabas na rin sina Frizza at Miles mula doon. Sumabay naman si Roxanne sa kanila na bumalik sa laboratory. Inihatid niya rin si Miles sa kanyang workstation at ipaliwanag ang sistema ng imbakan ng mga gamot sa laboratory. *** Mabilis na lumipa
Napayuko si Secretary Kenneth na nanginginig na ang kamay at hindi alam kung papaano magpapaliwanag. Dahil ang malaking kliyente ay isang malaking kawalan sa kompanya. Ngunit medyo naguguluhan din siya. Napaisip si Secretary kung bakit susugal ang mga Ferelll sa maliit na kompanya ni Jameson na alam nito na katunggali ito ni Devon. Puno naman ng galit ang mga mata ni Devon, "Tawagin mo ang responsable sa cooperation na ito!" "Copy, boss!" Mabilis na tumalikod si Kenneth at nagmadaling umalis, natatakot na baka tawagin siya ulit ng amo. Alam niyang mahirap pakisamahan si Devon ngayong kakahiwalay lang nila ni Roxanne. *** Bago magtanghali, magkasamang pumunta sa cafeteria sina Roxanne at Frizza upang kumain. Pakiramdam ni Frizza ay may kakaiba, kaya't hindi niya napigilang magtanong, "Ate Roxy, hindi ka ba sasabay kumain kasama si Sir Devon?" Nasanay si Frizza na makita ang dalawa na sabay kumain tuwing lunch at ngayon napansin niyang mayroong distansya sa pagitan
Nilagok muna ni Devon ang baso ng alak bago sumagot, "Last week." "At nasaan siya ngayon?" Tanong pa ni Vincent. Hinila naman ni Devon ang phone niya at walang emosyong pinatay ulit ang pagtawag ni Daphne. "Sa Cherry Hotel malapit sa Central Bank." Agad na tumayo si Vincent at umalis para puntahan si Daphne. Habang ang isa pang kaibigan ni Devon na si Derrick ay napatingin sa kanya ng seryoso. "Talagang wala ka nang nararamdaman para kay Daphne?" Noong nasa kolehiyo pa sila, alam niyang gusto ni Vincent si Daphne, kaya't lagi itong binabakuran ni Devon para walang ibang lalaking makalapit sa kanya. Ngayon mukhang wala na itong pakialam pa. "Dati lang iyon, wala na akong nararamdaman para sa kanya." Pagkaklaro ni Devon. Nang marinig ito, bahagyang ngumisi si Derrick at napailing, "Aba, naka-move on ka na pare." Noong umalis si Daphne papunta sa ibang bansa, inakala ng mga kaibigan niya ay maapektuhan si Devon pero naging normal naman ang takbo ng buhay nito na na
Nagulat si Devon sa mga sinabi nito, "K-kailan mo nalaman?" Napabutong-hininga si Roxanne bago nagpaliwanag, "Nakita kayo ni Grace sa isang restaurant at pinaalam niya sa akin na may kasama kang ibang babae." Padabog niya pang sabi tsaka tumalikod, pumasok siya sa loob ng sasakyan. Mabilis namang hinawakan ni Devon ang kanyang pulso. "Roxanne, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa’yo ito. Patawarin mo sana ako." Lumingon si Roxanne. Ang reaction ng kanyang mukha ay hindi mabasa. Hinila niya naman ang kanyang kamay mula kay Devon, "Kung gusto mo siyang balikan, umalis ka na." "Roxanne, wala naman akong babalikan dahil hindi naging kami." Depensa ni Devon. "At bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Napayuko si Devon na natakot sa kanya, "N-natakot lang ako na baka anong isipin mo." Naningkit ang mata ni Roxanne sa sinabi nito, "Pero hindi ka natakot sa kung anong mararamdaman ko? Devon, you can tell me about it, maintindihan ko naman. Sa ginawa mong ito, you just triggered all
Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?" Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kani
"Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala
Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang i
Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang pak