Parang binuhusan si Jameson ng malamig na tubig nang makita ang mensahe. Hindi siya makapaniwala kung papaano niya nabuntis ang sekretarya dahil palagi siyang nagsusuot ng condom ngunit naisip niyang baka iniisahan siya ng sekretarya upang panagutan niya ito. Kaagad tinawagan ni Jameson si Savannah para kausapin, "Nasaan ka ngayon?" Bakas sa boses nito ang inis. "Buntis ako, bakit hindi ka masaya? Diba iyon ang gusto mo? Ang magka-anak?" Tugon ni Savannah. "Huwag mo akong pinagloloko, Savannah. Kilala kitang maraming lalaki kaya hindi mo ako mabibilog." Dikta niya. "Ano? Hindi 'yan totoo. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko." Depensa ni Savannah. "Hindi akin ang dinadala mo." Nanlumo ang babae nang marinig ito.Walang balak si Jameson na magkaroon ng anak sa ibang babae dahil magiging kahihiyan siya sa buong pamilya kapag nagkaroon siya ng isang bastardo. Kay Roxanne niya lang nais na magka anak ngunit alam niyang malabo na ito ngayon na mangyari. Hindi niya rin maisip na pakasalan
Napahagulhol si Savannah at nagmamakaawa kay Jameson na paniwalaan siya na ang kanyang dinadalang tao ay pag-aari niya. "Please, maniwala ka. Anak mo ito." Nadismaya si Jameson dahil nakikita niya sa mukha ng babae na pera lang ang habol nito sa kanya. May kinuha siyang isang credit card sa bulsa at itinapon sa mesa, "Limang milyon ang loob n'yan at gusto kong kunin mo ang pera at pumunta sa hospital para i-abort ang bata."Nagdalawang-isip si Savannah at hinawakan ang credit card, "Sige, gagawin ko ang gusto mo." Napatayo ang babae sa kanyang upuan at hindi na lumingon pa. Habang sinenyasan ni Jameson ang kanyang mga bodyguard na sundan ito para masiguro na sinunod nito ang kanyang utos. Nakita niya naman ang litrato ng asawa sa kanyang phone screen at naisipan niya itong tawagan pero hindi siya nito kaagad sinagot. Tumawag siya ulit at sinagot na siya ni Roxanne, "Ano?" "Papauwi ka na ba? Baka gusto mong sunduin kita." "Huwag na. May sasakyan naman ako." Nanatiling nakaupo
Naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jameson nang balewalain ni Roxanne ang kanyang supresa. "Hindi mo ba nagustuhan?" Nalulungkot niyang tanong. Iniharap niya rin ang asawa na umiwas ng tingin."Tigilan mo ako sa mga pakulo mo, Jameson." Kagad itong naglakad papalabas ng kwarto. Nakasunod na naman si Jameson na parang buntot ng aso. "Ma'am, Sir, handa na po ang inyong hapunan." Narinig nilang sabi ni Nanay Hilda, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Sige po, Nay Hilda." Nginitian siya ni Roxanne na bumaba na para kumain ng hapunan. Napapansin ni Nanay Hilda na parang hindi magkasundo ang dalawa. Tahimik lamang sila sa mesa na animo'y hindi nila nakikita ang isa't-isa. "Ma'am, gusto niyo po bang iligpit ko ang mga bulaklak sa inyong kama sa vase?" Tanong ni Nanay Hilda."Pakitapon nalang po." Sagot ni Roxanne. Napatingin ang matanda kay Jameson na walang reaksyon, "Sundin mo nalang ang gusto niya." Naguguluhan si Nanay Hilda at hindi sanay na makita silang nagkakalabuan. Sinunod ni
Nagulat si Grace sa malakas na paghila ni Jameson sa kanyang braso. "Ano bang problema mo?!""Alam kong alam mo kung nasaan si Roxanne." Pinandilatan siya nito ng mata. "Wala akong alam kung nasaang planeta 'yun pumunta kaya huwag mo akong guguluhin dito sa trabaho ko." Naiinis nitong sabi tsaka bumalik sa counter. "Sasabihin mo o ipapasarado ko ang illegal mong negosyo." Pananakot ni Jameson. Nanlaki ang mata ni Grace pero hindi niya magagawang traydurin ang kaibigan kahit na mapahamak siya, "Kahit idamay mo negosyo ko, hindi ko alam kung nasaan si Roxanne." "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito dahil hindi mo magugustuhan kung ilalabas ko ang baho mo." Banta ni Jameson tsaka umalis. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at patuloy na hinanap si Roxanne kasama ang kanyang bodyguards. Sinubukan niya rin itong tawagan ngunit hindi ito maabot kaya pinaghahampas ni Jameson ang manobela.Nang biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita ang isang unknown number. Nagliwanag nama
"S-sige." Hindi alam ni Roxanne kung anong nangyayari sa sarili dahil hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. Hinawakan naman ni Devon ang payong sa kabilang kamay at dumikit sa babae para hindi mabasa sa ulan. "Gusto mo bang magkalagnat?" Kumalabog ang puso ni Roxanne dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan at parang kinukuryente siya dahil dito. Pagpasok nila sa building ay kinuha na ni Roxanne ang kanyang mga groceries, "Salamat talaga Devon pero kaya ko na ito." "Magkano ba ang renta mo dito?" Biglang tanong ni Devon at naguguluhan si Roxanne kung bakit ang dami nitong tanong. "Devon, okay na ako. Hindi mo na kailangan alamin ang lahat." Seryosong sabi ni Roxanne. Hindi na rin napigilan ni Devon na malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Jameson, "Narinig ko kayo noong gabing iyon, at totoo bang nagloloko ang asawa mo?" Napapikit si Roxanne dahil napapagod siyang magpaliwanag at ayaw niyang may nakikisaling ibang tao. "Wala ka ng pakialam sa kung anong probl
Sa pangatlong araw ni Roxanne sa laboratory ay nagpatuloy sila sa pag-develop ng isang gamot para sa mga cardiovascular diseases, at malapit na nila itong makompleto. Nagpapalit si Roxanne ng kanyang lab coat at nilapitan siya ni Dr. Santos. "Kamusta Roxanne? Sana ay nakapag-adjust ka na ng maayos dahil marami pa tayong gagawin na projects." "Okay lang po, Sir. Hinanda ko na po ang sarili ko sa mga projects tsaka ano po ba ang mga plano natin ngayon?" Tanong ni Roxanne. "Tutuloy tayo sa experimental stage na kung saan ay gagamitin tayo ng mga daga para subukan ang ating gamot. Si Ms. Garcia pa rin ang mag-hahandle nito habang ikaw ang taga-pag-oberba." Paliwanag niya. Tumango si Roxanne na pamilyar na sa ganitong proseso na napagdanan niya noong college pero kailangan niyang maging maingat. Ngayon ay sinundan niya si Elaine na tahimik lamang na nagsisimula sa task. Nasa gilid lang si Roxanne at napapansin niyang nahihirapan ito na hindi maayos ang pagkakaturok sa daga na maari si
Natatawa si Roxanne ngayon na titigan ang mukha ni Devon dahil para itong batang nahuli ng nanay na nangungupit. "Oh, sister-in-law talaga? Eh, Hindi ka nga sumipot sa kasal namin ni Jameson," Napailing si Roxanne dahil naninibago sa ikinikilos ni Devon na kilala niyang mailap sa mga tao. "Hindi ako inimbita ni Jameson kaya bakit ako pupunta?" Natatawang sabi ni Devon. "Pero inimbita naman kita." Nagkatinginan silang dalawa saglit at kaagad silang nag-iwasan ng tingin. Nanumbalik ang kirot sa dibdib ni Roxanne dahil naaalala niya ulit ang masasayang araw na mananatili nalang sa nakaraan at ngayon sa kasalukuyan ay naging magulo na ang lahat. "Umm, Roxanne, gusto mo bang manatili muna ako dito?" Tanong ni Devon na nagdadalawang-isip na umalis."Bakit aalis ka na ba?" "Oo pero parang delikado na iwan kita dito na mag-isa. Sobrang tahimik pala ng lugar na 'to, parang wala kang ibang taong makikita sa paligid." Isang liblib na lugar ang nilipatan ni Roxanne kaya nag-aalala si Devon
Sa tatlong taong pagsasama ng mag-asawang Delgado ay ngayon lang sila naging handa na magkaroon ng anak dahil sa dami nilang pinagkaka-abalahan. Nakahiga ngayon sa malambot na kama si Roxanne at naghihintay kay Jameson na naliligo pa sa banyo. "Magugustuhan niya kaya ito?" Nakasuot siya ng isang sexy outfit para ganahan ang kanyang asawa na makipagtalik. Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng phone ni Jameson sa mesa kaya kinuha niya ito. Binuksan niya ang messaging app at nanlaki ang kanyang mga mata sa mensaheng nakita. *Come here, daddy. Treat me like your one and only whore.* Kasama ng mensahe ay malaswang litrato ng babae. Namumukhaan niya naman na ito ay ang sekretarya ng kanyang asawa. Nagulat naman si Roxanne nang maramdaman ang biglang pagyakap ni Jameson mula sa likuran at nakikiliti siya sa pagkagat nito sa kanyang taenga. "Come on, honey. Hindi na ako makapag-hintay na magka-anak tayo." Bulong nito at patuloy siyang hinahalikan pababa sa kaniyang