Share

CHAPTER 6-FAKE IT

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-06-28 09:59:08

Hindi ugali ni Roxanne na magsinungaling kaya nag-isip siya ng magandang isasagot. "Naghahanap po muna ako ng trabaho ngayon kaya hindi pa ako ready na magbuntis." Paliwanag ni Roxanne at naramdaman niya ang pagbaon ng kuko ni Jameson sa kanyang balat ngunit hindi siya nagpahalatang nasasaktan.

"At bakit mo pa kailangang magtrabaho? Isang CEO ang asawa mo at kaya kang buhayin pati pamilya mo sa bukid." Dikta ni Grandpa Gerald.

Sinenyasan ni Jameson si Roxanne na manahimik ngunit hindi ito nakinig, "Pasensiya na po pero hindi ako laging umaasa sa tulong ng ibang tao. Kaya ko naman buhayin ang sarili ko kahit hindi ko napangasawa ang apo niyo." Giit ni Roxanne at pinagtawanan siya ng mga ito.

"Excuse me? Sinasabi mo bang hindi mo kailangan ang asawa mo? Baka nakakalimutan mong si Jameson ang nagtakas sayo sa kahirapan. At siya rin ang nagligtas sa buhay ng ama mo." Sarkastikong sabi ni Auntie Diana habang naghihiwa ng pagkain sa plato.

Tahimik lang si Devon sa kanyang kinauupuan pero nakatitig siya sa namumulang mukha ni Roxanne. Alam niyang mayroong ginagawa ang kanyang kapatid pero ayaw niyang makialam sa buhay nilang mag-asawa.

"Ija, trabaho niyong mga babae na paramihin ang angkan naming mga Delgado kaya hindi mo iyon dapat ipagdamot sa asawa mo" Dagdag pa ng matanda na atat magkaroon ng mga apo sa tuhod.

Sumingit naman si Madame Julie na hindi nagustuhan ang pananalita ng ama sa kanyang manugang, "Papa, may mahaba pa silang panahon at kailangan muna nilang magplano ng mabuti dahil hindi isang madaling bagay ang pagbubuntis."

"Alam ko, Juliette, huwag mo akong pagsabihan. Ang gusto ko lang ay masiguro ang mga magiging tagapagmana natin kapag isa-isa na tayong lumisan sa mundo." Mabuting tumigil na sila sa pang-uusisa sa buhay ng mag-asawa, at hinila ni Jameson si Roxanne papalabas sa dining area papunta sa hardin.

"Gusto mo talaga akong ipahiya sa harapan ng pamilya ko, ha?!" Nasasaktan si Roxanne sa panghihila nito sa kanyang braso.

"Kung puwede ko lang sabihin ang totoo, gagawin ko!"

"At tingin mo may magbabago? Roxanne, wala silang magagawa dahil ako ang may karapatan sa buhay ko. Walang tutulong sayo."

"Jameson, you cheated on me. Nagkasala ka and you expect me to forgive you that easily? Kahit siguro mapatawad kita, hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo. Nakabaon na ang sakit dito sa puso ko." Turo ni Roxanne sa dibdib.

"Maghihintay ako na mapatawad mo pero pinapangako kong hindi ko na ulit iyon gagawin. At tatangalin ko na si Savannah sa kompanya, I assure you, lulubayan ko na siya." Patuloy nitong panunuyo.

"Ayaw ko ng magpakatanga, Jameson. Sinira mo ang lahat at kahit ayusin mo man ang nagpira-pirasong puso ko, hindi na ulit ito titibok tulad ng dati." Ani ni Roxanne.

Nalulungkot si Jameson na marinig ito, "Honey, tao lang din ako na nagkakamali pero handa akong magbago dahil mahal kita. Papatunayan ko basta huwag mo lang akong iwan."

Bakas sa mukha ni Roxanne na hindi siya kumbinsido, wala rin siyang balak na magbigay pa ng isa pang pagkakataon dahil parang binigyan niya lang ito ng permiso na saktan siya ulit.

"Jameson, hindi iyon isang pagkakamali. Alam mong masasaktan ako pero ginawa mo pa rin. At papatunayan mong mahal mo ako matapos mo akong durugin?"

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa mata ni Roxanne. At pakiramdam niya nagsasayang lang siya laway dahil hindi naman siya nito naiintindihan.

Hindi makapagsalita si Jameson, may namumuo ring luha sa kanyang mga mata. Ngunit ramdam niyang mayroon pang natitirang pagmamahal si Roxanne sa kanya, at tingin niya na lilipas lang ang lahat at hindi sila maghihiwalay.

"Honey, gusto kong magsimula ulit tayo pero hindi kita pipilitin na magka-anak. Kailangan muna nating maghanda. Tsaka gusto mo ng trabaho? Ako na ang bahalang magbigay sayo ng posisyon sa kompanya. You can be my new secretary." Pang-eenganyo ni Jameson.

"Seryoso ka? Gagawin mo akong tuta ng kompanya mo? Tapos ipapalit mo ako sa posisyon ng kabit mo? Anong kagaguhan to, Jameson?!" Punong-puno na si Roxanne sa mga kabaliwan ng lalaki. Hindi niya tuloy mapigilan na matawa.

Kinukurot ang puso ni Jameson na marinig ang kanyang halakhak, "Roxanne, tinutulungan lang kita. Gusto mo ng trabaho, bukas ang kompanya ko, kahit anong posisyon pa ang gusto mo. Sinusubukan kong maging mabuting asawa kaya anong nakakatawa?" Binabaliktad siya ngayon ni Jameson upang siya ang ipalabas na masama.

"Tama na, Jameson. Divorce lang ang kahahantungan natin kaya bakit mo pa ba ito patatagalin? Kasi kung isa kang mabuting asawa, hindi mo magagawang manloko."

Walang emosyon ang mukha ni Jameson na humahakbang papalapit sa kanya, "Roxanne, kahit sinong abogado ang lalapitan mo, walang maniniwala sa sasabihin mo dahil wala kang ebidensiya."

"Oo, alam kong gagamitin mo ang pera mo para baluktutin ang batas. Alam kong mahirap pero gusto kong linawin sayo na tapos na tayo. Na kahit anong pilit mo wala na akong nararamdamang pagmamahal sayo." Gusto ni Roxanne na marinig niya iyon para matauhan.

Nangilabot siya ng makita ulit ang mata nitong nag-aapoy sa galit. Nasampal siya nito kanina at ramdam niya pa rin ang palad nito sa kanyang pisnge.

"Sasaktan mo na naman ba ako? Sige, ipakita mo kung gaano ka kasamang tao." Panghahamon ni Roxanne. Ngunit biglang nanlambot ang mga mata ni Jameson at hinahaplos ang pisnge niya.

"Nagiging masama akong tao dahil sa ipinaparamdam mo. Sabihin mo ulit iyon, higit pa sa sampal ang aabutin mo."

Itinanggal ni Roxanne ang kanyang pagkakahawak, "Wala ka ba talagang konsensiya? Hindi mo matanggap ang totoo-"

Hindi siya pinatapos ni Jameson dahil bigla siya nitong hinalikan sa labi. Nagkalat na ang lipstick ni Roxanne at pilit niya mang kumawala pero mahigpit na hinawakan ni Jameson ang kanyang baba.

Naging marahas si Jameson at itinaas ang suot niyang dress kaya nanlaki ang mga mata ni Roxanne. "Jameson, nasisiraan ka na ba ng ulo?"

"Tuturuan lang kita ng leksyon." Tugon ni Jameson.

May lalaki namang nakatayo sa hindi kalayuan na kanina pa nakikinig sa kanilang alitan. Napangisi itong naglakad papalapit sa kanilang direksiyon.

"May nadistorbo ba ako?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arnold Gatchalian Salas
Still on the process of reading
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 7-PLANS

    Nanigas si Jameson sa kanyang kinatatayuan nang makita si Devon. Binitiwan niya rin si Roxanne na inaayos ang nagusot niyang damit. "What are you doing here?" Tanong ni Jameson. "Napadaan lang ako and I notice you're harassing your wife." Sagot ni Devon at napatingin sa hitsura ni Roxanne na kanina niya pa napapansin na wala sa sarili. Naningkit ang mga mata ni Jameson na hindi nagustuhan ang narinig, "Ano bang pinagsasabi mo? I'm just having a good time with my wife. Right?" Nilingon niya si Roxanne na napipilitang tumango. "Really? It seems like she's not happy at all. She looks miserable." Pinagtaasan siya ni Devon ng kilay. "Tsk. I already warned you, Devon. Huwag na huwag kang mangingialam sa buhay ko. Lalo na sa asawa ko." Paalala ni Jameson. Kinuha niya ang kamay ni Roxanne at akmang aalis pero hinarangan siya ng kapatid. "You're right. Wala akong karapatan na mangialam, but I won't tolerate you hurting a woman." Sambit nito at binigyan siya ng isang matalim na

    Last Updated : 2024-07-01
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 8-LUNCH

    Parang binuhusan si Jameson ng malamig na tubig nang makita ang mensahe. Hindi siya makapaniwala kung papaano niya nabuntis ang sekretarya dahil palagi siyang nagsusuot ng condom ngunit naisip niyang baka inisahan siya ng sekretarya upang panagutan niya ito. Kaagad tinawagan ni Jameson si Savannah para kausapin, "Nasaan ka ngayon?" Bakas sa boses niya ang galit. "Buntis ako, bakit hindi ka masaya? Diba iyon ang gusto mo? Ang magka-anak?" Tugon ni Savannah. "Huwag mo akong pinagloloko, Savannah. Kilala kitang maraming lalaki!" Dikta niya. "Ano? Hindi 'yan totoo. Ikaw lang ang lalaki sa buhay ko." Depensa ni Savannah. "No! Hindi akin ang dinadala mo." Nanlumo ang babae nang marinig ang kanyang sinabi. Walang balak si Jameson na magkaroon ng anak sa ibang babae dahil itatakwil siya ng pamilya kapag nagkaroon siya ng isang bastardo. At kay Roxanne niya lang nais na magka anak ngunit alam niyang malabo na ito ngayong mangyari. Hindi niya rin maisip na pakasalan si Savann

    Last Updated : 2024-07-01
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 9-ABORT

    Napahagulhol si Savannah at nagmamakaawa kay Jameson na paniwalaan siya na ang kanyang dinadalang tao ay pag-aari niya. "Please, maniwala ka. Anak mo ito." Nadismaya si Jameson dahil nakikita niya sa mukha ng babae na pera lang ang habol nito sa kanya. May kinuha siyang isang credit card sa bulsa at itinapon sa mesa, "Limang milyon ang loob n'yan at gusto kong kunin mo ang pera at pumunta sa hospital para i-abort ang bata." Nagdalawang-isip si Savannah at hinawakan ang credit card, "S-sige, gagawin ko ang gusto mo." Napatayo ang babae sa kanyang upuan at hindi na lumingon pa. Habang sinenyasan ni Jameson ang kanyang mga bodyguard na sundan ito para masiguro na sinunod nito ang kanyang utos. Nakita niya naman ang litrato ng asawa sa kanyang phone screen at naisipan niya itong tawagan pero hindi siya nito kaagad sinagot. Tumawag siya ulit at sinagot na siya ni Roxanne, "Ano?" "Papauwi ka na ba? Baka gusto mong sunduin kita." "Huwag na. May sasakyan naman ako."

    Last Updated : 2024-07-01
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 10-ESCAPE

    Naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jameson nang balewalain ni Roxanne ang kanyang supresa. "Hindi mo ba nagustuhan?" Nalulungkot niyang tanong. Iniharap niya rin ang asawa na umiwas ng tingin. "Tigilan mo ako sa mga pakulo mo, Jameson." Kagad itong naglakad papalabas ng kwarto. Nakasunod na naman si Jameson na parang buntot ng aso. "Ma'am, sir, handa na po ang inyong hapunan." Narinig nilang sabi ni Nanay Hilda, ang kanilang tagapagluto sa mansyon. "Sige po, Nay Hilda." Nginitian siya ni Roxanne na bumaba na para kumain ng hapunan. Napapansin ni Nanay Hilda na parang hindi magkasundo ang dalawa. Tahimik lamang sila sa mesa na animo'y hindi nila nakikita ang isa't-isa. "Ma'am, gusto niyo po bang ilipat ko sa vase ang mga bulaklak sa inyong kama ?" Tanong ni Nanay Hilda. "Pakitapon nalang po." Sagot ni Roxanne. Napatingin ang matanda kay Jameson na walang reaksyon, "Sundin mo nalang ang gusto niya." Naguguluhan si Nanay Hilda pero sinunod niya nalang ang utos ng ba

    Last Updated : 2024-07-02
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 11-THREAT

    Nagulat si Grace sa malakas na paghila ni Jameson sa kanyang braso. "Ano bang problema mo?!" "Alam kong alam mo kung nasaan si Roxanne." Pinandilatan siya nito ng mata. "Wala akong alam kung nasaang planeta 'yun pumunta kaya huwag mo akong guguluhin dito sa trabaho ko." Naiinis na sabi ni Grace tsaka bumalik sa counter. "Sasabihin mo o ipapasarado ko itong illegal mong negosyo." Pananakot ni Jameson. Nanlaki ang mata ni Grace pero hindi niya magagawang traydurin ang kaibigan kahit na mapahamak siya, "Kahit idamay mo negosyo ko, hindi ko alam kung nasaan si Roxanne." "Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito dahil hindi mo magugustuhan kung ilalabas ko ang baho mo." Banta ni Jameson tsaka umalis. Bumalik siya sa kanyang sasakyan at patuloy na hinanap si Roxanne kasama ang kanyang bodyguards. Sinubukan niya rin itong tawagan ngunit hindi na ito maabot kaya pinaghahampas niya ang manobela. Nang biglang mag-ring ang kanyang phone at nakita ang isang unknown number

    Last Updated : 2024-07-03
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 12-EXPERIMENT

    "O-okay." Hindi alam ni Roxanne kung anong nangyayari sa sarili dahil hindi niya magawang tanggihan ang lalaki. Hinawakan naman ni Devon ang payong sa kabilang kamay at dumikit sa babae para hindi mabasa ng ulan. "Gusto mo bang magkalagnat?" Kumalabog ang puso ni Roxanne dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan at parang kinukuryente. Pagpasok nila sa building ay kinuha na ni Roxanne ang kanyang mga groceries, "Salamat talaga Kuya Devon pero kaya ko na ito." "Magkano ba ang renta mo dito?" Biglang tanong ni Devon at naguguluhan si Roxanne kung bakit ang dami niyang tanong. "Kuya, okay na ako. Hindi mo na kailangan alamin ang lahat." Seryosong sabi ni Roxanne. Hindi na rin napigilan ni Devon na malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Jameson, "Narinig ko kayo noong gabing iyon, at totoo bang nagloloko ang asawa mo?" Napapikit si Roxanne dahil napapagod siyang magpaliwanag at ayaw niyang may nakikisaling ibang tao. "Wala ka ng pakialam sa kung anong pr

    Last Updated : 2024-07-03
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 13-WORRIED

    Sa ika-limang araw ni Roxanne sa laboratory ay nagpatuloy sila sa pag-develop ng isang gamot para sa mga cardiovascular diseases, at malapit na nila itong makompleto. Nagpapalit si Roxanne ng kanyang lab coat at nilapitan siya ni Dr. Santos. "Kamusta Roxanne? Sana ay nakapag-adjust ka na ng maayos dahil marami pa tayong gagawing projects." "Okay lang po, Sir. Hinanda ko na po ang sarili ko sa mga projects tsaka ano po ba ang mga plano natin ngayong araw?" Tanong ni Roxanne. "Tutuloy tayo sa experimental stage na kung saan ay gagamitin natin ang mga daga para subukan ang ating gamot. Si Elaine pa rin ang mag-hahandle nito habang ikaw ang taga-pag-oberba." Paliwanag niya. Tumango si Roxanne na pamilyar na sa ganitong proseso na napagdanan niya noong college pero kailangan niyang maging maingat. Ngayon ay sinundan niya si Elaine na tahimik lamang na nagsisimula sa task. Nasa gilid lang si Roxanne at napapansin niyang nahihirapan ito na hindi maayos ang pagkakaturok sa daga

    Last Updated : 2024-07-03
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 14-EMERGENCY

    Natatawa si Roxanne ngayon na titigan ang mukha ni Devon dahil para itong batang nahuli ng nanay na nangungupit. "Oh, sister-in-law talaga? Eh, Hindi ka nga sumipot sa kasal namin ni Jameson," Napailing si Roxanne dahil naninibago sa ikinikilos ni Devon na kilala niyang mailap sa mga tao. "Hindi ako inimbita ni Jameson kaya bakit ako pupunta?" Natatawang sabi ni Devon. "Pero inimbita naman kita." Nagkatinginan silang dalawa saglit at kaagad silang nag-iwasan ng tingin. Nanumbalik ang kirot sa dibdib ni Roxanne dahil naaalala niya ulit ang masasayang araw na mananatili nalang sa nakaraan at ngayon sa kasalukuyan ay naging magulo na ang lahat. "Umm, Roxanne, gusto mo bang manatili muna ako dito?" Tanong ni Devon na nagdadalawang-isip na umalis. "Bakit aalis ka na ba?" "S-sana, pero parang delikado na iwan kita dito na mag-isa. Sobrang tahimik din ng lugar na 'to, parang wala kang ibang taong makikita sa paligid." Isang liblib na lugar ang nilipatan ni Roxanne kaya nag

    Last Updated : 2024-07-03

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 2

    Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2. C.1

    "Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 256-HYPNOSIS

    Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 255-FEELS

    Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 254-BLINDED

    Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 253-RECKLESS

    Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 252-DIDN'T NOTIFY

    Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 251-TIRED

    Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 250-CRUEL FATE

    "Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status