Share

KABANATA 2

"Ah yung baliw," wala sa sariling sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas ng malakas. Tumawa si Dexter sa sinabi ko kaya pati siya nahampas.

"Mga siraulo," inis niyang sabi at pareho kaming sinamaan ng tingin.

"What's wrong with you? it's over the news," natatawang sabi ko kay Juyeth. Asar na asar talaga siya sa akin kaya tumayo siya para hampasin niya ako ng unan.

"Tama na iyan," nakangiting sabi ni Dexter. Natatawa rin pero pigilan lang ang tawa kaya siya nakangiti lang.

"Isa ka pa!" hinampas rin siya ng unan ni Juyeth. Pareho naming hinihimas ang ulo namin.

"Totoong iyun ang sinabi ng balita," pilit ko pa. Sinamaan niya ako ng tingin pero umupo nalang. Alam kong alam niya iyun, hindi lang niya matanggap.

"Nakasama niyo na ba siya? nakita niyo na?" inis niyang tanong sa amin.

"Hindi," simpleng sagot ko at naalalang wala ngang kumalat na picture ng batang iyun. Nagkibit balikat lang ako at tumingin kay Juyeth. "What about her?" tanong ko. Nakalimutan na niya ata ang sadya sa akin.

"It's my last week to teach her," seryosong sabi niya. "Naghanap sila ng math teacher so na isip kong kunin mo ang opportunity na iyun," sabi niya. Tumawa ako at napailing sa kanya.

"I'm Engineer Juyeth, not a math teacher," natatawang sagot ko at napailing nalang. Hindi ata siya nag-isip.

"I know," sabi niya.

"Bakit ba ikaw ang naghanap? inutusan ka?" takang tanong ko sa kanya. Sa nakita ko sa mukha niya parang problemado talaga.

"Parang anak na ang turing ko kay Irriene. Kung makakasama niyo lang siya, masasaktan kayong makita nito ang bata iyun," malungkot niyang sabi.

"Let her go dam," sabi ni Dexter.

"Gusto ko lang makibalita sa kanya kaya si Dinnese ang naisip kong paraan. Pagkatapos ko doon hindi ko na siya makikita dahil hindi naman iyun pinayagan lumabas ng mansyon nila," malungkot paring sabi niya.

"Ayaw kong magbantay ng bata Juyeth," sabi ko. Umiling siya sa akin parang mali ang inisip ko.

"Hindi siya bata, she's already twenty years old Dinnese," sabi niya para bang magbabago ang tingin ko sa babaeng iyun sa sinabi niyang edad. Alam kong twenty years old na iyun pero isip bata siya kaya iisipin ko talagang bata iyun pero malaking tao lang. Ngumisi ako sa naisip. Hirap maging mayaman.

"Habang buhay ba yun nila itago?" wala sa sariling sagot ko. Malungkot ulit ngumiti si Juyeth.

"Hindi at kapag makalabas na si Irriene, paniguradong bago sa kanya ang lahat, kailangan niyang mag adjust, kailangan niya ring matuto sa mga bagay na hindi niya alam. Nasasaktan ako habang inisip na ganun ang maranasan niya pag dadating man ang panahon na mawala ang kanyang magulang."

Hindi ako nagsalita at napatitig nalang sa kawalan. Inisip pa lang ang batang inosente para na rin ako naawa. Naintindihan ko ang naramdaman ni Juyeth pero umiling parin ako sa kanya.

"Ayaw ko paring magturo."

Napailing nalang si Juyeth sa akin at hindi na ako pinilit.

"Anong dahilan nila, bakit kinulong nila ang nag-iisa nilang anak?" tanong ni Dexter sa kanyang asawa. Iyan ang tanong ng maraming tao pero walang sinagot si Mr. Villiary, ang ama ng batang iyun.

"Ayaw masaktan.. marami sigurong threats sa buhay nila dahil sa sobrang yaman, ayaw lang nilang madamay si Irriene," sagot nito sa asawa niya.

"Sa tingin nila hindi sila mapapasok sa bahay nila?" tanong ko kay Juyeth.

"Subukan mong pumasok na hindi nila nalalaman, mahihiwalay yang ulo mo sa katawan," seryosong sabi nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi.

"Papatayin ng nga nagbabantay?" takang tanong ko. Umiling siya at lumapit bumulong.

"May invisible laser sa gate nila," seryosong bulong nito. Napanganga ako sa pagkamangha at natigilan ng kaunti. Kahit wala ng bodyguard kung may laser, feeling ko safe na safe na ang mga tao sa loob.

"Yun lang ang security nila?" tanong ko. Umiling siya.

"May mga army na nakapalibot para magbantay sa mansyon," bulong ulit nito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Dexter. Pareho kaming seryoso nakikinig sa kanyang asawa, pareho rin kaming walang masabi pagkatapos marinig ang mga iyun.

"Ano kaya itsura sa loob nila," wala sa sariling sabi ko at inimagine ang batang tumakbo sa loob.

"Pumayag kana sa offer ko, makapasok ka," nakangising sabi ni Juyeth. Umiling lang ako.

"No thanks."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status