Share

KABANATA 1

Kumain kami habang inasar ako sa mag-asawa. Hindi naman ako napipikon kahit yung pang-aasar nila sinali si Sam, kung paano ito nagseselos kay Juyeth.

"Feeling ko makahanap ka pa ng ibang babae Dinnese," biglaang sabi ni Juyeth pagkatapos nila akong patawanan.

"Shut up," I simply said. Ngumisi siya at tinuro ako sa kanyang kutsara na hinawakan niya.

"Hindi man lang naapektuhan," natatawang puna niya at binaba ang kamay pagkatapos binaling ang attention sa anak nila. Umiling lang ako at hindi na nagsalita.

"Tito where's tita sam?" tanong ni Jezz sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.

"Nasa condo niya Jezz, bakit?" tanong ko. Mas mabuting kausapin nalang ang bata kaysa kausapin ang magulang nito na puro pang-aasar lang sa akin. Akala ko sasagot siya pero umiling lang sa akin kaya si Dexter naman ang nagsalita.

"Maraming babae iyan dati pero nagbago iyan dahil kay Sam," patuloy ni Dexter sa pinagusapan namin. Talagang binalik niya ng mapansing iniwasan ko ang tanong nila tungkol kay Sam.

"Yeah, naging babae ko nga yang asawa mo," nakangising sabi ko at tumawa pagkatapos makita ang mukha ni Dexter na natatae.

"Iww! feeling," agad namang kontra ni Juyeth. Ngumisi lang ako sa kanya. Ako ang unang nakilala niya bago si Dexter. Ako na ang nagpakilala sa kanya sa matalik kong kaibigan. Plano ko siyang ligawan dati pero itong kaibigan ko sobrang bilis pa sa kabayo. Hinayaan ko na sila, hindi naman ako seryoso sa kanya that time, and beside gusto na niya rin si Dexter sa unang pagkikita nila. Love at first sight kung tatawagin nila.

Ngumisi si Dexter sa akin sa sagot ng asawa pero hindi nagsalita.

"Ano bang kailangan mo sa akin? pinapunta mo ba ako dito para pagtulungan niyo lang?" tanong ko na sa kanya. Kanina pa ako dito pero wala silang ginawa kundi asarin ako sa love life ko, edi sila na ang happily married.

"Hindi. Mamaya na pagkatapos kumain," sabi niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Naiba ang usapan namin, tungkol na sa trabaho.

"Hindi ba kayo magkasama?" takang tanong ni Juyeth ng mapansing iba iba ang sinabi namin. Umiling kaming dalawa ni Dexter at ako na ang nagpaliwanag.

"Head na iyang asawa mo," simpleng sabi ko.

"Eh ano ngayon?" tanong niya parin.

"Syempre titingnan niya ang mga members niya sa kanyang department kung maayos ba ang trabaho," paliwanag ko pa.

"Hindi ka ba siya ang head mo?" tanong nito. Umiling lang ako sa kanya.

"Hindi," tipid kong sagot.

"Buti hindi ka naging head," sabi niya ulit kaya sinamaan ko siya ng tingin. Talagang babaeng to.

"Ang sama mo," sabi ko pero hindi naman umepekto sa akin ang sinabi niya. Mas kailangan talaga nila iyung promotion na iyun kaysa sa akin. May girlfriend ako pero wala pa naman sa isipan ko ang magkaroon ng sariling pamilya.

"May offer ako sayo," seryosong sabi nito at tumayo na. Tumayo na rin ako. Kanina pa ako tapos kumain, hinintay ko lang silang matapos bago tumayo. Hindi muna dinugtungan ni Juyeth ang sinabi dahil niligpit pa ang mga mesa nila kaya pumunta muna ako sa sala nila at doon nanuod ng tv. Nilipat ko pa iyun.

Nakita ko si Dexter dinala na si Jezz sa itaas para patuligin na ito. Mabilis lang iyun makatulog. Nasulyapan ko ang mga katulong na lumabas para siguro tulungan si Juyeth sa kusina. Ilang sandali pa lumabas na si Juyeth sa kusina at saktong bumaba na rin si Dexter.

Pinatay ko na ang tv nila at hinintay silang makaupo. Ano jaya ang offer na sinabi ni Juyeth? kontento na naman ako sa buhay ko ngayon pero yung pangarap ko sa abroad hindi ko na inisip iyun. Hindi pumayag si Sam.

"Alam mo naman sigurong ako yung English teacher ng anak ng mga Villiary," seryosong sabi nito. Tumango ako ng maalala ang narinig na isip bata ito kahit twenty years old na.

Sikat ang mga Villiary dahil sa mga famous hotel nila dito sa bansa at ganun rin sa ibang bansa. Marami silang negosyo, isa rin ang mga Villiary sa mga shareholders sa mga mall sa iba't ibang bansa at dito rin sa bansa namin. Kilala ang pangalan nila kaya hindi rin maalis ang usapang baliw ang anak nila.

Pero si Juyeth sinabi nitong sa amin na hindi, kilos bata siya sa edad niyang twenty years old pero hindi siya baliw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status