Juyeth POV
Inasahan ko ng hindi papayag si Dinnese kahit anong pilit ko. Ngayon pupunta ako sa mansyon ng Villiary. Namiss ko si Irriene dahil hindi ako pinapasok ng dalawang araw ni Mrs. Villiary para makapagpahinga si Irriene. Nakarating ako sa mansyon, hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa gate nilang sobrang taas. Automatic lang itong bumukas kong naka register iyun mukha mo. Apat na buwan lang ako dito, tatanggalin rin nila iyan pagkatapos kong turuan si Irriene. Nakapasok pa ako at kailangan ko pang mahabang byahe bago makarating talaga sa mansyon nila. Noong unang beses ko dito, nagpahatid lang ako sa asawa ko. Ending naglakad lang ako sa mahabang bakuran nila. Nakakahiya iyun, first day ko pero sobrang late. Nagpaliwanag naman agad ako. Nag-alala pa si Irriene bakit daw hindi tinawagan ang driver nila. Kaya kahit anong sabihin nilang baliw si Irriene, hindi ako naniwala. Kilalanin muna nila ang inosente kong studyante bago nila sabihan ng ganun. Pinagmasdan ko ang malawak nilang bakuran na madaming bulaklak. Hindi naman kami mahirap dahil may magandang trabaho ang asawa ko pero pag nandito ako sa mga Villiary sinampal ako sa kahirapan. Napailing nalang ako at naalala si Irriene, hindi naman din ata masayang maging mayaman. Mukhang masaya tingnan si Irriene ngayon pero pag nakaisip iyun, tingnan natin kung hindi iyun magagalit sa parents niya. Nakarating ako sa harap ng mansyon nila. Bumaba na ako sa sasakyan ko at may sumalubong agad sa akin na bodyguards para samahan akong papasok. Ito ang ayaw ko sa mansyon nila, isang galaw mo lang may bodyguard susunod sayo. Maging masaya lang siguro ako pag nasa loob na ako kasi wala na akong makitang nakaitim na nakasunod sa akin. Noong bago pa ako dito hindi ko mapigilang isipin na holdapers sila. Pumasok ako sa mansyon, nakita ko kong gaano ka dami ang kanilang katulong, naglilinis. Dumating ang mayordoma ng mansyon. Agad silang huminto at pumunta sa harapan nito. "Kakain na ang mga Villiary," formal nitong sabi sa mga katulong. Agad silang humiwalay sa isa't isa para pumunta sa headquarters and iba, habang ang iba hinanda na ang pagkain ng mga Villiary. Kumurap ako sa nakita. Ngayon ko lang nasaksihan iyun sa apat na buwan ko dito. Jusko. Tumingin sa akin at mayordoma at lumapit. Hindi kagaya ng palagi nating napanood na mayordoma ay pwede nating makausap pero itong papalapit sa akin parang papanis ang laway ko dito. Yumuko pa ito kaya awkward akong ngumiti sa kanya. "Pwede kang umupo sa sofa ma'am Juyeth," formal nitong sabi habang tinuro ang sofa. Agad ko namang sinunod, ayaw kong makipagtalo. Yumuko ulit ito sa akin bago umalis. Hindi parin ako sanay sa kanya. Yuyuko talaga ang mga katulong dito, parang nasa pelikula lang ang peg. Narinig kong may yapak pababa sa hagdan. Agad akong tumayo at inaabangan kung sino man sa Villiary ang pababa. Pero base sa mabilis na yapak, kilala ko na kung sino ito kaya agad akong napangiti. Ilang sandali pa lumabas na ang ulo nito na may malaking ngiti sa labi. "Ma'am Juyeth!" sigaw nito at agad tumakbo sa akin para yakapin ako. Natawa akong niyakap siya mabalik hinaplos ang ulo niya. "How are you Irriene?" nakangiting tanong ko. "Very very fine ma'am! I miss you," parang batang sabi niya. "I miss you," nakangiting sabi ko. Ilang sandali pa narinig ulit namin ang yakap, parang dalawang tao ang baba. Alam ko na kung sino ito. Umayos ako ng tayo habang si Irriene bumalik kung saan ang huli para salubungin ang parents niya. Malaki ang ngiti niya at niyakap ang dalawa at hinalikan sa kanilang pisngi. "Mommy, nandiyan si ma'am Juyeth," masayang sabi nito. Sabay silang lumingon sa akin. Yumuko ako kunti, parang ginaya lang ang katulong nila. Niyaya nila akong kumain. Kahit busog hindi ako tumanggi. Nakakahiya silang tanggihan. Habang nasa hapag panay kwento ni Irriene sa kanyang magulang sa cartoon na pinanuod niya. Nakikinig naman ang dalawa habang ako seryoso lang pinagmasdan si Irriene na masayang nagkwento. Kung alam lang ng dalagitang ito ang kailangan niyang matutunan. "Hon, kulang yung Engineer," sabi ni Mr. Villiary pagkatapos mag kwento si Irriene at tinanong siya ng kanyang asawa tungkol sa bagong itatayo nilang hotel sa bago nilang bili na island. Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Mr. Villiary. Parang alam ko na kung paano ko mapapayag si Dinnese. Bad boy iyun tingnan pero magaling iyun na Engineer. Magna Cum laude yun noong grumaduate.Bakit ko nga ba gustong maging math teacher ni Irriene si Dinnese? gaya ng sinabi ko magaling iyun si Dinnese at gusto kong kilala ko ang magiging teacher niya para makibalita ako kung anong nangyari sa loob ng mansyon. Ayaw kong maputol ang connection namin ni Irriene.Para ko na siyang anak, palagi kong kinwento ni Jazz si Irriene at gusto na niya itong makita. Makikita niya si Irriene pero hindi ko pa alam kung kailan, sinabi ko nalang sa anak ko na maghintay na lang siya kung kailan pwede.Kinabahan ako pero nagsalita ako ng may binanggit si Mrs. Villiary na mga Engineer. Professional rin at magagaling, at alam kong mapapantayan iyun ni Dinnese."May kilala akong Engineer," singit ko sa kanila kahit kinabahan ginawa ko parin ang lahat para hindi mag mukhang kabahan sa harap nila. Mababait naman sila pero kapag inisip ko kung gaano kalaki ang pagitan ng pamumuhay namin, hindi ko mapigilang kabahan dahil mataas ang tingin ko sa kanila."Oh right, naalala kong binanggit mong Engineer
Kusa akong nagising. Isa lang itong ordinaryong araw ko. Binati ko ng good morning ang girlfriend ko sa Girlfriend. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para magluto na para sa breakfast. Dinala ko ang laptop ko sa kusina para tingnan kung may update ba sa office.Kumunot ang noo ko ng may nag email sa akin. Bago ko la tiningnan iyun tumunog ang cellphone ko na nasa sala kaya mabilis ko itong kinuha para tingnan kong sino. Nakita ko namang si Juyeth iyun. Ano naman ang kailangan nitong babaeng to? tamad ko itong sinabi."[Dinnese!]" masiglang bungad niya sa akin."Ano?" tamad kong tanong nito medyo nagtataka sa kanyang masayang boses. Ngumisi ako ng may inisip. "Bakit ka masaya? masarap siguro ang gabi niyong mag-asawa no?" nakangising tanong ko. Narinig kong humahalakhak siya."[Gabi gabi yan masarap Dinnese, ikaw lang iyung boring ang gabi,]" natatawang pang-aasar niya. Nawala ang ngisi ko sa huling sinabi niya. "Minsan inisip kong may gusto ka sa akin these past few days, palagi kang
Irriene Fay Villiary"Miss Irriene tinawag kana po ng daddy niyo," sigaw ng katulong namin galing sa labas ng kwarto ko."Yes po lalabas na!" sigaw ko pabalik at pinagmasdan ulit ang sarili ko sa salamin. Palagi kong naririnig na maganda ako pero inosente pa. Well.. I understand why, ikaw kaya nasa mansyon lang for 20 years. Hindi ako hinayaan nila mommy at daddy ma lumabas ng mansyon. May narinig na akong balita na akala ng lahat baliw ako kaya hindi ako nilabas ng mansyon. Nasasaktan pero wala akong nagagawa kundi sundin sila. Maghintay na lang ako kung kailan na ako pwede.Home school lang at sobrang boring sa bahay. Hindi rin ako natutong mag ayos ng sarili dahil para saan pa? hindi rin naman ako makalabas ng bahay.. alangan naman mag-ayos ako para ma impressed sa akin ang mga katulong at driver namin.Ngumuso ako habang pinagmasdan ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko.Tiningnan ko ang mata kong kulay gray.. nag mana ako kay mommy, dahil si daddy brown eyes siya. Yung balat ko
"Bakit ka natagalan?" mahinahong tanong agad ni Daddy sa akin nang makaupo ako. Natatakot ako kay daddy kaya sinunod ko lahat ng gusto nila."Kasi po tiningnan ko po ang sarili ko sa salamin," nakangiting sabi ko. Kung gusto nila akong maging bata kahit twenty years old na, maging bata ako para sa kanila kahit pa palagi akong pinagchismissan ng mga katulong namin. Akala siguro nila hindi ko sila maintindihan."Bakit?" takang tanong ni mommy sa akin. Ngumiti ako ng mas malaki sa kanya."Kasi mommy ang ganda ko!" masayang sabi ko na parang bata talaga. Natawa naman sila mommy sa akin at umiling sila."Saan nagmana ang baby Irriene namin?" nakangiting tanong ni mommy sa akin para bang isa akong bata.Palagi silang ganito pero hindi ako nag reklamo dahil inisip kong alam nila kung ano ang nakakabuti sa akin, kaya susundin ko sila. Ngumuso akong tiningnan silang dalawa."Mommy! pareho ko kayong love kaya nagmana ako sa inyon
"Kasi tapos kana niyang turuan," sagot ni daddy sa akin, para talagang wala akong alam."Pero daddy, gusto ko si ma'am Juyeth lang teacher ko," malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ba pwedeng siya nalang daddy forever?" malungkot kong dagdag.Sana siya nalang para malaman ko ang mga dapat kong malaman. May mga advice na sinasabi si ma'am Juyeth sa akin, hindi niya alam na nakikinig ako at nilagay sa utak para hindi makalimutan ang mga sinabi. Kaya doon ako natuto."Hindi pwede anak, iba ang teacher mo sa math," sabi ni Daddy kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na kailangan pang pilitin siya.Sabi ni ma'am hindi niya ako iiwan pero naintindihan ko kung bakit niya gagawin ang pag-alis ngayon. Inisip ko, paglabas ko rito siya ang unang pupuntahan ko."Anak, wag kang malungkot may bago ka namang teacher," mahinahong sabi ni mommy, inisip niyang nagtatampo ako."Pero mommy gusto ko si ma'am Juyeth," malungkot kong sabi
"Talaga po?" inosenteng tanong ko habang pinahid ang luha ko sa mga mata. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakita ko si ma'am Juyeth doon, pinagmasdan kami habang ang mata nuya naaawa sa akin. Mapait akong ngumiti, next day may bago akong teacher.. kaibigan ni ma'am na engineer. Lalaki ata base sa narinig ko, pero hindi ko lang alam kung itutuloy iyun nila daddy. Kung matutuloy siya, first time kong magkaroon ng lalaking teacher."Yes anak," sagot ni daddy. Tumango ako at bumugtong hininga. Bakit ba ako nagkaganito? "Tumahan kana anak, tapusin mo ang pagkain mo," mahinahong sabi ni mommy at bumalik sa kanyang upuan.Kanina ko pa napansin si ma'am pero wala akong lakas para batiin ito ng masaya na boses pero ngayong napansin na siya ni daddy lumingon ako sa pintuan para tingnan siya at ngumiti ng malaki kunwari hindi siya napansin kanina."Ma'am Juyeth," masayang tawag ko sa kanga nang makita ko ito. "Good morning ma'am, sir.. good morning Irriene," nakangiting bati niya sa amin.
"Wala na akong ibang rason para pumunta pa dito Irriene. Nandito ako para turuan ka at tapos na tayo kaya hindi na ako babalik dito," seryosong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan sa narinig."Hindi na tayo magkikita ulit?" gusto ko pang marinig ang mga paliwanag niya sa mga bagay na hindi ko alam. Sa paraan na iyun natuto ako at naintindihan ko lahat."Magkikita tayo sa labas," seryoso sabi ni ma'am habang nakatitig sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya, hindi naman ako makakalabas, alam niya iyun."Bawal po ako sa labas," malungkot kong sabi. Totoong lungkot ang naramdaman ko sa kaalamang hindi ako pwede sa labas. Tanggap ko na pero hindi ako makakahinga sa higpit ng kapit nila sa akin para lang hindi ako makalabas. Wala na silang paki kung maipit ako dito para dito lang ako sa loob.Sobrang laki ng mansyon pero para akong naiipit, hindi ako makahinga dito.. kailangan ko ng hangin sa labas pero hindi pwede kahit mamatay ako dito sa loob.Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawaka
Tumango lang ako sa sinabi ni ma'am at nag kunwari na lang na wala akong alam sa sinabi niya. Ang hirap ng buhay na ganito. Kailangan mo pang makahanap ng kagaya ni ma'am Juyeth na maawa sa kalagayan mo para maintindihan ka nila at ipaliwanag ang mga bagay na hindi ko naintindihan.Sinalubong kami ni daddy at mommy nang makababa na kami. Nagkaharap sila daddy, mommy at ma'am Juyeth. Tumabi ako kay mommy at hinarap na rin si ma'am Juyeth."Salamat ma'am sa pagtuturo sa anak namin," pasalamat ni mommy kay ma'am. Tumango si ma'am at sumulyap sa akin bago sumagot."Nahanda ako parati para kay Irriene. Tawagin niyo lang ako kung gusto niyo ulit akong magturo kay Irriene," nakangiting sabi ni ma'am. Nagtaas ako ng kamay bigla. Tumingin silang tatlo sa akin.. tumingin rin sa akin ang mga kasambahay namin habang nakikinig."Ako ma'am gusto ko," nakangiting sabi ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at binaba ito. Ngumuso ako at tumingin nalang ulit kay ma'am Juyeth."Thank you," nakangiting sab
Ilang oras bago kami natapos at nakita kong nagmamadali siyang magligpit sa kanyang gamit, halatang iniiwasan ako at ayaw akong kausapin. Bago siya makaalis nagsalita na ako."Sorry sir," mahinahong sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nakita niya ang mukha kong seryoso parang natigilan pa siya pero hindi ko na siya tiningnan ulit at na una ng lumabas sa kanila. Tumigil pa ako ng tinawag niya ang pangalan ko."Irriene," tawag niya sa akin. Huminto ako pero hindi lumingon sa kanya. Nasa labas na kami ng kwarto kaya makikita na kami ng mga kasambahay namin. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Dumiretso na ako sa kwarto, humiga agad ako sa kama at niyakap ang human size na teddy bear na binigay nila mommy sa akin.Nasasaktan ako kahit tama naman si sir. Hindi ko mapigilan umiyak kaya niyakap ko yun ng mahigpit para doon ilabas ang sakit na naramdaman. Ganun lang ginawa ko hanggang sa nakatulog ako dahil sa pag-iyak at sa mga inisip. Nagising ako
Sa gitna ng klase may kumatok sa pintuan kaya huminto muna si sir at pinuntahan yun para tingnan kung sino ang kumatok. Nagugutom ako, baka snack na iyan. Palagi namang hahatiran kami ng snack kahit nasa gitna kami ng klase. Pagbalik ni sir nakita kong may bitbit na siya kaya tama ang hinala ko. Hinatidan kami ng snack kaya huminto muna si sir at umupo sa kanyang upuan habang ako kinain na rin ang binigay nila habang nakatingin kay sir. Nagugutom ako pero busog lalo ako habang nakatingin kay sir.Napangiti ako sa na isip ko. "Sir anong ibig sabihin pag malakas ang tibok ng puso?" tanong ko sa kanya. Umalis kasi siya kanina habang sinabi ko iyun, hindi ako sinagot. Tumingin siya sa akin, deritso lang sa mata ko ang tingin niya parang may iniwasan. Paniguradong dibdib ko ang iniwasan niyang tingnan."Kinabahan ka lang," seryosong sagot nito. Eh?"Bakit naman ako kinabahan sayo?" tanong ko ulit sa kanya. Nagiwas na siya ng tingin sa akin at hindi sumagot. Tumayo siya kahit hindi pa ta
"W-what?" nautal niyang ulit sa sinabi kanina dahil sa huling sinabi ko. Wala pa rin sa sarili si sir kaya ngumuso ako sa kanya habang pinagmasdan siyang nagugulat. Hindi ko alam kong anong nakakagulat sa sinabi ko, nagsasabi lang naman aki ng totoo."Anong what sir?" tanong ko at medyo hindi na magustuhan ang pabalik balik na sinabi niya. Naiinis na ako, wa siyang ibang sinabi kundi what. Napansin ko ngayon na nakatingin na siya sa dibdib ko na medyo kita ang cleavage dahil sa suot kong damit, malaki kasi dibdib ko nagmana kay mommy kaya makikita mo talaga lalo na sa suot ko. Tumingin ako sa dibdib ki na may pagtataka at bumaling ulit kay sir na nakaiwas na ang tingin sa akin. May binulong siya sa kanyang sarili, pero hindi ko marinig."Mag cr lang ako Irriene, pagbalik ko magsimula na tayo," malamig nitong sabi. Tumango naman ako at nagtakang sinundan siya ng tingin. Ngumuso ulit ako habang tiningnan ang sarili sa salamin dito sa kwarto na ito.Pangit ba ang suot ko? umikot ako sa
"Sir!" gulat kong wika at napatayo pa bago bumati sa kanya, "good afternoon sir," bati ko, tumango naman siya sa akin. Nagiwas ako ng tingin at lumakas ulit ng kabog sa dibdib ko. Ito na naman tayo, lumakas talaga pag nandiyan si sir."Afternoon," tipid nitong sagot. Napatingin ulit ako sa kanya nang may naramdaman akong kalamigan sa boses niya. May nangyari ba?Dumating naman ang mga katulong para ilagay ang ibang pagkain."K-Kain po tayo sir," sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain. Umupo siya sa harap ko habang nakatingin sa akin. Nasa pagkain lang ang tingin ko hanggang, umalis ang mga katulong at nagsimula na rin akong kumain ulit pero hindi makatingin kay sir. "Tapos na ako," malamig pa ring sabi niya. Hindi na ako tumingin sa kanya at hinayaan nalang siyang panuorin ako. Hindi ako kumportable pero tiniis ko iyun, hindi ko yun pinahalata sa kanya lalo na't malamig ang pakikitungo niya sa akin ngayon parang hindi nangyari ang halik kagabi.Hindi na nagsalita si sir at tiningna
"Miss aalis ka po?" tanong ng isang katulong na nakasalubong ko medyo nagulat pa ang mukha niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."Po? hindi po yaya sinuot ko lang to kasi—" naputol ang sasabihin ko ng tumingin ako kay yaya na may na realize ako. Gaya ni mommy ayaw kong sabihin kay sa kanya na kaya ko ito sinuot para kay sir. "—kasi yaya naiinitan ako sa pajama," pagsisinungaling ko. Hindi dapat nila malaman baka paalisin nila si sir.Nagtaka pa ito at sumulyap sa aircon namin, nagtaka siguro bakit ako naiinitan pero wala naman siyang sinabi pa at hinayaan na akong dumeritso sa kusina. Gaya ng inasahan ko wala na sila mommy doon. Tumingin ako sa isang katulong na lumalapit sa akin."Where's mommy and daddy?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung na saan sila."Miss may emergency po silang nilakad ngayon at hindi sila nakapagpaalam dahil natutulog ka pa," paliwanag nito sa akin. Tumango ako sa kanya at hinawakan ko ang tiyan ko para ipakita sa kanya na nagugutom ako."Yaya I'm
"Miss okay lang ba kayo?" tanong ni yaya galing sa labas."Yes, yaya. Sabihin mo lang kay mommy na gusto ko pang matulog," sabi ko. Ilang sandali pa narinig ko ang yapak niyang paalis.Pumikit ako at ilang sandali pa lang nakatulog na ako. Hindi rin nagtagal may humaplos sa mukha ko kaya nagising rin agad at napatingin kay mommy na nag-alalang tumingin sa akin."What happened anak?" nag-alalang tanong nito. Akala ata siguro niya may sakit ako."Matagal ako nakatulog kagabi mommy," pagsasabi ko ng totoo at tinuro ang eyebags ko, "ang laki ng eyebags ko, gusto kong matulog muna para mawala ito," dugtong kong sabi."Hindi ka ba nakatulog kagabi?" nag-alala pa rin niyang tanong sa akin. Hindi ako nakapagsalita agad. Nag-isip ako ng idahilan. Hindi pwedeng sabihin kong hinalikan ako ni sir."May pinanuod ako kagabi," pagsisinungaling kong sagot. Medyo na guilty ako pero ayaw kong malalagot sa kanya o hindi kay daddy si sir."Diba sinabi ko naman sayong wag kang manuod pag gabi na," seryoso
Irriene POVHindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa halik, hindi rin mawala ang ngisi sa labi ko habang inisip ang malambot na labi ni sir. I like it. Hanggang ngayon pag na isip ko ang halik lumakas ang tibok ng puso ko kaya napakagat ako sa labi ko, natakot ako baka nagkasakit na ako ngayon. Sumilip sa labas para tingnan kung may katulong bang naglilinis. Nakita ko si yaya dumaan kaya tinawag ko ito."Yaya," tawag ko sa kanya. Nakita king nagulat siya sa pagtawag ko at lumapit sa akin."Bakit po miss?" "Yaya, malakas po ang tibok ng puso ko," sumbong ko habang nakanguso. Hindi niya maintindihan ang sinabi ko, medyo nalilito pa."Po?""Kinabahan ako," sabi ko pa."Bakit ka po kinabahan? may nangyari ba sa loob ng kwarto mo?" natarantang sabi niya at sumilip sa loob. Umiling ako sa kanya at inisip kung sasabihin ko ba sa kanya na hinalikan ako ni sir kagabi kaya malakas ang tibok ng puso ko.Dapat talaga nanduto si ma'am Juyeth para siya ang sabihan ko."W-wala naman, ahm inisip k
"Anong paano si Sam? edi girlfriend niya pa rin," agad na sabi ni Juyeth. Tutol talaga siya sa akin para sa alaga niyang si Irriene. "Yeah pero sa ginawa niya matatawag yan ng cheating," seryosong sabi ni Dexter habang nakatingin ng deritso sa akin. Hindi ako makatingin kaya pumikit nalang ulit ako at nakikinig sa sagutan nila. Unang araw pero nagsimula na nitong ginulo ang buhay ko. May pakiramdam akong hindi lang ngayon ito mangyayari."Alam kong hindi na gagawin yun ni Dinnese," seryosong sabi ni Juyeth parang pinalakas ang loob ang kanyang sarili. Binuksan ko ang dalawang mata ko at deritsong tiningnan silang dalawa."Bakit sobrang protective mo sa babaeng yun?" seryosong tanong ko kay Juyeth."Babae ha," parang naiinis na sabi ni Dexter."What?""Na saan yung 'bata'?" inis niyang tanong."She's not a kid," seryosong sabi ko habang deritso ang tingin sa kanila."Yeah, she's not, but you can see in her eyes that she needs someone who can understand her," seryosong sabi ni Juyeth a
Dinnese POVNagmadali akong lumabas sa mansyon ng mga Villiary at agad sumakay sa sasakyan. Hindi ko alam ang ginawa ko ngayon, hindi ko alam kung bakit hinalikan ko siya. Alam kong iyun ang sinabi niya may girlfriend ako.Pumikit ako ng mariin at pinatakbo na ang sasakyan. Nang makalabas na sa gate agad akong dumeritso sa bahay ni Juyeth. Dahil sa nangyari hindi na mawala ang malambot nitong labi sa labi ko kaya kailangan ko ng distraction para mawala yun sa isipan ko. Baka pag sa condo ako, makakalimutan kong nay girlfriend ako.Sht, hindi ko naisip si Sam kanina, basta ko lang siyang hinalikan, larang wala sa sarili. Agad nag react ang buong katawan ko, naiinitan agad kahit malakas ang aircon kanina. Buti nalang at napigilan ko pa ang sarili ko. Sa susunod nito hindi na.Biglang pumasok sa isipan ko si Sam pero bumalik ulit babaeng huling hinalikan ko. Bumaba agad ako pagkarating ko sa bahay nila at nag doorbell. Nakita kong kumabas si Juyeth, sinalubong niya ako ng ngiti habang