Bakit ko nga ba gustong maging math teacher ni Irriene si Dinnese? gaya ng sinabi ko magaling iyun si Dinnese at gusto kong kilala ko ang magiging teacher niya para makibalita ako kung anong nangyari sa loob ng mansyon. Ayaw kong maputol ang connection namin ni Irriene.
Para ko na siyang anak, palagi kong kinwento ni Jazz si Irriene at gusto na niya itong makita. Makikita niya si Irriene pero hindi ko pa alam kung kailan, sinabi ko nalang sa anak ko na maghintay na lang siya kung kailan pwede. Kinabahan ako pero nagsalita ako ng may binanggit si Mrs. Villiary na mga Engineer. Professional rin at magagaling, at alam kong mapapantayan iyun ni Dinnese. "May kilala akong Engineer," singit ko sa kanila kahit kinabahan ginawa ko parin ang lahat para hindi mag mukhang kabahan sa harap nila. Mababait naman sila pero kapag inisip ko kung gaano kalaki ang pagitan ng pamumuhay namin, hindi ko mapigilang kabahan dahil mataas ang tingin ko sa kanila. "Oh right, naalala kong binanggit mong Engineer ang asawa mo," mahinahong sabi ni Mrs. Villiary. "Kaibigan niya po ma'am." Tumingin si Mr. Villiary sa akin. "Sino?" malamig nitong tanong. Lumakas ang kabog ng dibdib ko pero ngumiti ako para hindi nila mahalata. "Dinnese Gray Tveros," banggit ko sa buong pangalan ni Dinnese. Tiningnan ko si Irriene na nakikinig na sa amin noong nabanggit ko ang pangalan ni Dinnese. Hindi siya nakikinig sa usapan ng parents niya, ngayon niya iyan ginawa. Do you like his name Irriene? he's your next math teacher. "That's familiar," sabi ni Mrs. Villiary habang inisip kong saan niya narinig ang pangalan ni Dinnese. "Siya po ang Engineer noong nag renovate ng bahay ang President sa pilipinas," sabi ko. Bigla namang may naalala si Mrs. Villiary. "Naalala ko na, nakita ko iyun sa isang vlog ng atista na nag house tour sa bahay ng president, na banggit niya ang pangalan na iyun," nakangiting sabi ni Mrs. Villiary. Tipid akong ngumiti. "Kung ganun magaling iyang kaibigan mo," sabi ni Mr. Villiary. Tumango ako. "Pwede rin siyang maging guro ni Irriene," suggestions ko ulit. Napaisip naman si Mrs. Villiary bago tumangong tumingin sa kanyang asawa. "Pwede hon, math teacher ang hanap natin para kay Irriene," mahinahong sabi ni Mrs. Villiary. "Kung iyun ang gusto mo," sabi ni Mr. Villiary sa kanyang asawa at tipid na ngumiti. Palihim naman akong nag diriwang sa narinig. Alam kong hindi ito tanggihan ni Dinnese pag nag reached out na sa kanya sa Mr. Villiary. Tanga ang lalaking iyun kung tatangihan niya, sobra pa sa promotion to. Dinnese POV Nakarating ako sa condo, hindi ko mapigilang tingnan sa internet ang pamilyang Villiary. Kanina pa naglalaro sa utak ko ang anak nilang babae. Nawawala lang noong nakasama ko si Sam pero ngayon hindi ko mapigilan ang sarili ko, parang may nagtulak sa akin na alamin ang balita tungkol sa kanya. Kinuha ko ang laptop sa kwarto at dinala sa sala at doon tumingin ng information ng mga Villiary. Hindi na ako nagulat kung madaming lumabas tungkol sa kanila, iba't ibang website. May mga picture ng mag-asawang Villiary pero ni isa wala akong makitang picture ng anak nila. May nabasa akong isang article kung saan nakasulat doon na may kumalat na picture sa anak nilang babae pero wala pang isang araw na delete agad ito. Kahit yung mga screenshot ng mga cellphone na nakakita, nawala lahat. Nakita ko rin isang article kung saan nasa interview ang dalawang asawa at tinanong sila tungkol sa anak nilang babae. May video iyun kaya pinanuod ko iyun. "Maraming nagtataka Mr. & Mrs. Villiary kung bakit hindi niyo pinalabas ang anak niyong babae." Reporter ang nagsabi noon. Nakita ko kanina na binansagan siyang 'Brave reporter' dahil nakaya niyang itanong iyun sa harap ng Villiary. Ngayon naintindihan ko na kung bakit siya tinawag na ' Brave reporter'. "Para saan pa? para paglaruan? at para masaktan?" malamig na tanong ni Mr. Villiary sa reporter. Ngumiti si Mrs. Villiary sa camera at sa reporter para humingi ng paumanhin sa inasta ng kanyang asawa. "I'm sorry to say this pero hindi kasali ang anak namin dito sa interview na ito," mahinahong sabi ni Mrs. Villiary. Habang pinanuod ko ang isang buong interview napansin ko kung paano nila protektahan ang anak nila. Ngumisi ako at sumandal sa likod ng sofa. Dapat lang talagang protektahan ang anak nila.. bata pa ito.Kusa akong nagising. Isa lang itong ordinaryong araw ko. Binati ko ng good morning ang girlfriend ko sa Girlfriend. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para magluto na para sa breakfast. Dinala ko ang laptop ko sa kusina para tingnan kung may update ba sa office.Kumunot ang noo ko ng may nag email sa akin. Bago ko la tiningnan iyun tumunog ang cellphone ko na nasa sala kaya mabilis ko itong kinuha para tingnan kong sino. Nakita ko namang si Juyeth iyun. Ano naman ang kailangan nitong babaeng to? tamad ko itong sinabi."[Dinnese!]" masiglang bungad niya sa akin."Ano?" tamad kong tanong nito medyo nagtataka sa kanyang masayang boses. Ngumisi ako ng may inisip. "Bakit ka masaya? masarap siguro ang gabi niyong mag-asawa no?" nakangising tanong ko. Narinig kong humahalakhak siya."[Gabi gabi yan masarap Dinnese, ikaw lang iyung boring ang gabi,]" natatawang pang-aasar niya. Nawala ang ngisi ko sa huling sinabi niya. "Minsan inisip kong may gusto ka sa akin these past few days, palagi kang
Irriene Fay Villiary"Miss Irriene tinawag kana po ng daddy niyo," sigaw ng katulong namin galing sa labas ng kwarto ko."Yes po lalabas na!" sigaw ko pabalik at pinagmasdan ulit ang sarili ko sa salamin. Palagi kong naririnig na maganda ako pero inosente pa. Well.. I understand why, ikaw kaya nasa mansyon lang for 20 years. Hindi ako hinayaan nila mommy at daddy ma lumabas ng mansyon. May narinig na akong balita na akala ng lahat baliw ako kaya hindi ako nilabas ng mansyon. Nasasaktan pero wala akong nagagawa kundi sundin sila. Maghintay na lang ako kung kailan na ako pwede.Home school lang at sobrang boring sa bahay. Hindi rin ako natutong mag ayos ng sarili dahil para saan pa? hindi rin naman ako makalabas ng bahay.. alangan naman mag-ayos ako para ma impressed sa akin ang mga katulong at driver namin.Ngumuso ako habang pinagmasdan ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko.Tiningnan ko ang mata kong kulay gray.. nag mana ako kay mommy, dahil si daddy brown eyes siya. Yung balat ko
"Bakit ka natagalan?" mahinahong tanong agad ni Daddy sa akin nang makaupo ako. Natatakot ako kay daddy kaya sinunod ko lahat ng gusto nila."Kasi po tiningnan ko po ang sarili ko sa salamin," nakangiting sabi ko. Kung gusto nila akong maging bata kahit twenty years old na, maging bata ako para sa kanila kahit pa palagi akong pinagchismissan ng mga katulong namin. Akala siguro nila hindi ko sila maintindihan."Bakit?" takang tanong ni mommy sa akin. Ngumiti ako ng mas malaki sa kanya."Kasi mommy ang ganda ko!" masayang sabi ko na parang bata talaga. Natawa naman sila mommy sa akin at umiling sila."Saan nagmana ang baby Irriene namin?" nakangiting tanong ni mommy sa akin para bang isa akong bata.Palagi silang ganito pero hindi ako nag reklamo dahil inisip kong alam nila kung ano ang nakakabuti sa akin, kaya susundin ko sila. Ngumuso akong tiningnan silang dalawa."Mommy! pareho ko kayong love kaya nagmana ako sa inyon
"Kasi tapos kana niyang turuan," sagot ni daddy sa akin, para talagang wala akong alam."Pero daddy, gusto ko si ma'am Juyeth lang teacher ko," malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ba pwedeng siya nalang daddy forever?" malungkot kong dagdag.Sana siya nalang para malaman ko ang mga dapat kong malaman. May mga advice na sinasabi si ma'am Juyeth sa akin, hindi niya alam na nakikinig ako at nilagay sa utak para hindi makalimutan ang mga sinabi. Kaya doon ako natuto."Hindi pwede anak, iba ang teacher mo sa math," sabi ni Daddy kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na kailangan pang pilitin siya.Sabi ni ma'am hindi niya ako iiwan pero naintindihan ko kung bakit niya gagawin ang pag-alis ngayon. Inisip ko, paglabas ko rito siya ang unang pupuntahan ko."Anak, wag kang malungkot may bago ka namang teacher," mahinahong sabi ni mommy, inisip niyang nagtatampo ako."Pero mommy gusto ko si ma'am Juyeth," malungkot kong sabi
"Talaga po?" inosenteng tanong ko habang pinahid ang luha ko sa mga mata. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakita ko si ma'am Juyeth doon, pinagmasdan kami habang ang mata nuya naaawa sa akin. Mapait akong ngumiti, next day may bago akong teacher.. kaibigan ni ma'am na engineer. Lalaki ata base sa narinig ko, pero hindi ko lang alam kung itutuloy iyun nila daddy. Kung matutuloy siya, first time kong magkaroon ng lalaking teacher."Yes anak," sagot ni daddy. Tumango ako at bumugtong hininga. Bakit ba ako nagkaganito? "Tumahan kana anak, tapusin mo ang pagkain mo," mahinahong sabi ni mommy at bumalik sa kanyang upuan.Kanina ko pa napansin si ma'am pero wala akong lakas para batiin ito ng masaya na boses pero ngayong napansin na siya ni daddy lumingon ako sa pintuan para tingnan siya at ngumiti ng malaki kunwari hindi siya napansin kanina."Ma'am Juyeth," masayang tawag ko sa kanga nang makita ko ito. "Good morning ma'am, sir.. good morning Irriene," nakangiting bati niya sa amin.
"Wala na akong ibang rason para pumunta pa dito Irriene. Nandito ako para turuan ka at tapos na tayo kaya hindi na ako babalik dito," seryosong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan sa narinig."Hindi na tayo magkikita ulit?" gusto ko pang marinig ang mga paliwanag niya sa mga bagay na hindi ko alam. Sa paraan na iyun natuto ako at naintindihan ko lahat."Magkikita tayo sa labas," seryoso sabi ni ma'am habang nakatitig sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya, hindi naman ako makakalabas, alam niya iyun."Bawal po ako sa labas," malungkot kong sabi. Totoong lungkot ang naramdaman ko sa kaalamang hindi ako pwede sa labas. Tanggap ko na pero hindi ako makakahinga sa higpit ng kapit nila sa akin para lang hindi ako makalabas. Wala na silang paki kung maipit ako dito para dito lang ako sa loob.Sobrang laki ng mansyon pero para akong naiipit, hindi ako makahinga dito.. kailangan ko ng hangin sa labas pero hindi pwede kahit mamatay ako dito sa loob.Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawaka
Tumango lang ako sa sinabi ni ma'am at nag kunwari na lang na wala akong alam sa sinabi niya. Ang hirap ng buhay na ganito. Kailangan mo pang makahanap ng kagaya ni ma'am Juyeth na maawa sa kalagayan mo para maintindihan ka nila at ipaliwanag ang mga bagay na hindi ko naintindihan.Sinalubong kami ni daddy at mommy nang makababa na kami. Nagkaharap sila daddy, mommy at ma'am Juyeth. Tumabi ako kay mommy at hinarap na rin si ma'am Juyeth."Salamat ma'am sa pagtuturo sa anak namin," pasalamat ni mommy kay ma'am. Tumango si ma'am at sumulyap sa akin bago sumagot."Nahanda ako parati para kay Irriene. Tawagin niyo lang ako kung gusto niyo ulit akong magturo kay Irriene," nakangiting sabi ni ma'am. Nagtaas ako ng kamay bigla. Tumingin silang tatlo sa akin.. tumingin rin sa akin ang mga kasambahay namin habang nakikinig."Ako ma'am gusto ko," nakangiting sabi ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at binaba ito. Ngumuso ako at tumingin nalang ulit kay ma'am Juyeth."Thank you," nakangiting sab
KINABUKASAN May kumatok sa pintuan bago ko narinig ang sigaw ng kasambahay namin"Miss tinawag kana po ng daddy niyo para sa Lunch niyo," sigaw nito galing sa labas ng pintuan ko. Tumingin ako sa pintuan habang nakahiga lang. "Opo magbihis lang po ako," sigaw ko pabalik. Nakauwi na pala sila Daddy, kanina kasi maaga ang lakad nila. Hindi na ako nagtaka dahil, sanay na naman ako sa kanila. Ito ang tinuro nila sa akin, ang masanay sa mga bagay na araw-araw nilang ginawa at sinabi sa akin. Masanay sa mga tinuro nilang katangahan sa akin.Tumayo ako para maligo, hindi pa ako tumayo kanina para maligo dahil inisip ko na naman ang sarili at paano ako matuto sa kaibigan ni ma'am.Nagbihis ako at inayos ang buhok. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin nang makitang maayos na lahat, bumaba na ako. Hindi ko na hinintay na tawagin ulit ako ng katulong namin. Dumiretso ako sa kusina at nakita sila mommy at daddy na nadoon na naghihintay sa akin. May bisita pero hindi ko iyun pinansin."Hi mom