"Kasi tapos kana niyang turuan," sagot ni daddy sa akin, para talagang wala akong alam.
"Pero daddy, gusto ko si ma'am Juyeth lang teacher ko," malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ba pwedeng siya nalang daddy forever?" malungkot kong dagdag.Sana siya nalang para malaman ko ang mga dapat kong malaman. May mga advice na sinasabi si ma'am Juyeth sa akin, hindi niya alam na nakikinig ako at nilagay sa utak para hindi makalimutan ang mga sinabi. Kaya doon ako natuto."Hindi pwede anak, iba ang teacher mo sa math," sabi ni Daddy kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na kailangan pang pilitin siya.Sabi ni ma'am hindi niya ako iiwan pero naintindihan ko kung bakit niya gagawin ang pag-alis ngayon. Inisip ko, paglabas ko rito siya ang unang pupuntahan ko."Anak, wag kang malungkot may bago ka namang teacher," mahinahong sabi ni mommy, inisip niyang nagtatampo ako."Pero mommy gusto ko si ma'am Juyeth," malungkot kong sabi"Talaga po?" inosenteng tanong ko habang pinahid ang luha ko sa mga mata. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakita ko si ma'am Juyeth doon, pinagmasdan kami habang ang mata nuya naaawa sa akin. Mapait akong ngumiti, next day may bago akong teacher.. kaibigan ni ma'am na engineer. Lalaki ata base sa narinig ko, pero hindi ko lang alam kung itutuloy iyun nila daddy. Kung matutuloy siya, first time kong magkaroon ng lalaking teacher."Yes anak," sagot ni daddy. Tumango ako at bumugtong hininga. Bakit ba ako nagkaganito? "Tumahan kana anak, tapusin mo ang pagkain mo," mahinahong sabi ni mommy at bumalik sa kanyang upuan.Kanina ko pa napansin si ma'am pero wala akong lakas para batiin ito ng masaya na boses pero ngayong napansin na siya ni daddy lumingon ako sa pintuan para tingnan siya at ngumiti ng malaki kunwari hindi siya napansin kanina."Ma'am Juyeth," masayang tawag ko sa kanga nang makita ko ito. "Good morning ma'am, sir.. good morning Irriene," nakangiting bati niya sa amin.
"Wala na akong ibang rason para pumunta pa dito Irriene. Nandito ako para turuan ka at tapos na tayo kaya hindi na ako babalik dito," seryosong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan sa narinig."Hindi na tayo magkikita ulit?" gusto ko pang marinig ang mga paliwanag niya sa mga bagay na hindi ko alam. Sa paraan na iyun natuto ako at naintindihan ko lahat."Magkikita tayo sa labas," seryoso sabi ni ma'am habang nakatitig sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya, hindi naman ako makakalabas, alam niya iyun."Bawal po ako sa labas," malungkot kong sabi. Totoong lungkot ang naramdaman ko sa kaalamang hindi ako pwede sa labas. Tanggap ko na pero hindi ako makakahinga sa higpit ng kapit nila sa akin para lang hindi ako makalabas. Wala na silang paki kung maipit ako dito para dito lang ako sa loob.Sobrang laki ng mansyon pero para akong naiipit, hindi ako makahinga dito.. kailangan ko ng hangin sa labas pero hindi pwede kahit mamatay ako dito sa loob.Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawaka
Tumango lang ako sa sinabi ni ma'am at nag kunwari na lang na wala akong alam sa sinabi niya. Ang hirap ng buhay na ganito. Kailangan mo pang makahanap ng kagaya ni ma'am Juyeth na maawa sa kalagayan mo para maintindihan ka nila at ipaliwanag ang mga bagay na hindi ko naintindihan.Sinalubong kami ni daddy at mommy nang makababa na kami. Nagkaharap sila daddy, mommy at ma'am Juyeth. Tumabi ako kay mommy at hinarap na rin si ma'am Juyeth."Salamat ma'am sa pagtuturo sa anak namin," pasalamat ni mommy kay ma'am. Tumango si ma'am at sumulyap sa akin bago sumagot."Nahanda ako parati para kay Irriene. Tawagin niyo lang ako kung gusto niyo ulit akong magturo kay Irriene," nakangiting sabi ni ma'am. Nagtaas ako ng kamay bigla. Tumingin silang tatlo sa akin.. tumingin rin sa akin ang mga kasambahay namin habang nakikinig."Ako ma'am gusto ko," nakangiting sabi ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at binaba ito. Ngumuso ako at tumingin nalang ulit kay ma'am Juyeth."Thank you," nakangiting sab
KINABUKASAN May kumatok sa pintuan bago ko narinig ang sigaw ng kasambahay namin"Miss tinawag kana po ng daddy niyo para sa Lunch niyo," sigaw nito galing sa labas ng pintuan ko. Tumingin ako sa pintuan habang nakahiga lang. "Opo magbihis lang po ako," sigaw ko pabalik. Nakauwi na pala sila Daddy, kanina kasi maaga ang lakad nila. Hindi na ako nagtaka dahil, sanay na naman ako sa kanila. Ito ang tinuro nila sa akin, ang masanay sa mga bagay na araw-araw nilang ginawa at sinabi sa akin. Masanay sa mga tinuro nilang katangahan sa akin.Tumayo ako para maligo, hindi pa ako tumayo kanina para maligo dahil inisip ko na naman ang sarili at paano ako matuto sa kaibigan ni ma'am.Nagbihis ako at inayos ang buhok. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin nang makitang maayos na lahat, bumaba na ako. Hindi ko na hinintay na tawagin ulit ako ng katulong namin. Dumiretso ako sa kusina at nakita sila mommy at daddy na nadoon na naghihintay sa akin. May bisita pero hindi ko iyun pinansin."Hi mom
Nilagay na sa mga katulong ang mga pagkain sa mesa. Ngumuso ako at nilibot nalang ang tingin habang nilagay nila, hindi na ako tumingin sa lalaki sa harap na nakatitig pa rin sa akin.Napansin ko ang isang kasambahay namin na dalaga pa kaysa ibang kasambahay namin. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito. Madalas naman kasi mga katulong namin is matanda na, pero siya parang nag-aaral pa. I think bago pa siya dito. Napansin ko panay tingin niya sa cellphone niya na nasa bulsa niya. Ngumuso ako at napatingin kay daddy at mommy. Hindi ata nila napansin. Bawal yun, lagot siya pag nakita siya.Binalik ko ang tingin sa kanya na ganun parin ang ginawa niya. Napansin ata ng katabi niya na nakatingin ako sa kanya siniko siya ng katabi niya. Nagtaka pa ito nung una pero ngumuso ang katabi niya sa banda ko. Nakita niyang nakatingin ako kaya umayos siya ng tayo at hindi na ulit hinawakan ang cellphone. Malalagot talaga siya pag nahuli siya nila mommy buti tigilan na niya. Buti nga ako lang a
Hindi na ako tumingin kay sir, alam ko namang wala rin siyang pakialam sa akin. "Excuse me, aakyat na ako sa kwarto," sabi ko habang nakatingin kay mommy at daddy, iniwasan na tumingin kay sir. Ayaw niya akong kausapin edi hindi ko rin siya titingnan. Ayaw ko rin sa kanya."May lakad kami ngayon anak," sabi ni mommy bago ako makaalis. Tumingin ako sa kanya. May naisip ako, hindi ko sinubukan sabihin ito ni mommy pag may lakad sila, ngayon ko lang gagawin, gusto kong marinig ang sasabihin nila ngayon sa akin."Mom, can I come?" maingat kong tanong. First time ko itong itanong sa kanila. Medyo kinabahan pa ako kahit alam ko na ang sasabihin nila."No," si daddy na ang sumagot. Tumango agad ako sa kaniya at tinaggap nalang ang desisyon nila. Masakit man isipin na hanggang ngayon kinulong pa rin nila ako pero gaya ng sinabi ni daddy, wala akong magawa kundi sundin sila.Naglakad ako paakyat habang yung puso ko parang nadudurog. Pakiramdam ko pati si sir Dinnese ang tingin niya rin sa ak
"Ano pong pagusapan natin sir?" inosenteng tanong ko. Hindi ko na kayang manahimik pa. Akala ko hindi siya magsasalita dahil tahimik lang siyang nakatitig sa akin kaya hindi ako makatingin sa kanya ngayon, pero ilang sandali pa sinagot na niya ako."Inisip ko lang kung may tanong ka pa sa akin," sabi nito. Inosente parin akong tumingin sa kanya at pinakita ang pagtataka para mag kunwaring hindi siya maintindihan. Alam ko ang ginawa niya."Bakit po sir?" tanong ko sa kanya na may kunting pagtataka sa boses para hindi niya mahalatang alam ko ang ginawa niya."Akala ko may hindi ka pa natanong kanina," sagot nito. Inisip talaga nitong tanga ako."Ginawa ko lang naman yung tanong sir para kausapin mo ako," nakangusong sabi ko. Wala namang masama sa sinabi ko dahil alam kong inisip niyang bata pa lang ako pero kinabahan pa rin ako. "Ang sungit mo po sir kaya ayaw ko na sayo, gwapo ka pa naman," pag-aamin na sabi ko. Gusto kong ngumisi habang tiningnan ang gulat sa mukha niya."Anong ginawa
Dinnese POVNagmadali akong lumabas sa mansyon ng mga Villiary at agad sumakay sa sasakyan. Hindi ko alam ang ginawa ko ngayon, hindi ko alam kung bakit hinalikan ko siya. Alam kong iyun ang sinabi niya may girlfriend ako.Pumikit ako ng mariin at pinatakbo na ang sasakyan. Nang makalabas na sa gate agad akong dumeritso sa bahay ni Juyeth. Dahil sa nangyari hindi na mawala ang malambot nitong labi sa labi ko kaya kailangan ko ng distraction para mawala yun sa isipan ko. Baka pag sa condo ako, makakalimutan kong nay girlfriend ako.Sht, hindi ko naisip si Sam kanina, basta ko lang siyang hinalikan, larang wala sa sarili. Agad nag react ang buong katawan ko, naiinitan agad kahit malakas ang aircon kanina. Buti nalang at napigilan ko pa ang sarili ko. Sa susunod nito hindi na.Biglang pumasok sa isipan ko si Sam pero bumalik ulit babaeng huling hinalikan ko. Bumaba agad ako pagkarating ko sa bahay nila at nag doorbell. Nakita kong kumabas si Juyeth, sinalubong niya ako ng ngiti habang