Kusa akong nagising. Isa lang itong ordinaryong araw ko. Binati ko ng good morning ang girlfriend ko sa Girlfriend. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para magluto na para sa breakfast. Dinala ko ang laptop ko sa kusina para tingnan kung may update ba sa office.
Kumunot ang noo ko ng may nag email sa akin. Bago ko la tiningnan iyun tumunog ang cellphone ko na nasa sala kaya mabilis ko itong kinuha para tingnan kong sino. Nakita ko namang si Juyeth iyun. Ano naman ang kailangan nitong babaeng to? tamad ko itong sinabi. "[Dinnese!]" masiglang bungad niya sa akin. "Ano?" tamad kong tanong nito medyo nagtataka sa kanyang masayang boses. Ngumisi ako ng may inisip. "Bakit ka masaya? masarap siguro ang gabi niyong mag-asawa no?" nakangising tanong ko. Narinig kong humahalakhak siya. "[Gabi gabi yan masarap Dinnese, ikaw lang iyung boring ang gabi,]" natatawang pang-aasar niya. Nawala ang ngisi ko sa huling sinabi niya. "Minsan inisip kong may gusto ka sa akin these past few days, palagi kang tumawag sa akin," pag iiba ko sa usapan. "Boring ba yang asawa mo?" nakangising tanong ko. "[Fvck you Dinnese!]" rinig kong sigaw ni Dexter sa kabilang linya. "[Shut up Dexter, maririnig ka ni Jazz!]" "[Tulog pa.]" "Bakit ka ba tumawag Dam," pang gagaya ko sa kanilang call sign. "[Yakk Dinnese! tumigil ka!]" nandidiring sabi ni Juyeth. Tumawa ako ng malakas. "[Alam mo tingnan mo nalang ang email mo kung nag email ba Mr. Villiary sayo.]" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at biglang naalala ang email na dumating kanina. Hinain ko muna yung hatdog bago ko binalikan ang laptop. "Bakit siya mag email?" seryosong tanong ko. "[Basahin mo nalang boy! thanks me later.. bye!]" masiglang sabi nito. Kumunot ang noo ko at binaba ang cellphone. Nagulat ako ng makitang kompanya nga ito ng mga Villiary. Villiahotelry's.company715@g***l.com. Pinindot ko ito at binabasa ang laman. Kumurap kurap ako at ilang beses kong inulit ang letter galing sa kompanya ng Villiary. Tinawagan ko si Juyeth. "Anong ginawa mo?" agad kong tanong ng sinagot niya ito agad sa isang ring palang. Parang inaabangan ang tawag. "[Naghahanap yan sila ng Engineer, naalala lang kita,]" simpleng sabi nito. Alam ko kung bakit niya ito ginawa kaya tinanong ko na siya. "Anong kailangan mong gawin ko?" tanong ko habang nakangisi na. Ito ang gusto kong trabaho. Kaya kong mag turo sa bata nilang anak habang Engineer naman nila ako. "[Balitaan mo lang ako tungkol kay Irriene,]" seryosong sabi nito. Simple. "K." tipid kong sagot habang hindi na mawala ang ngisi labi. Makikita ko na ang anak nila. Kagabi ilang oras kong naghanap ng picture pero wala akong makita, ito ang panahon para makita ko kung anong itsura ng batang iyun. Marami akong meetings ngayong araw for renovation sa bahay nila. Pagkatapos ng schedule ko dederitso na ako sa kompanya ng Villiary para magpasa ng resume. Iyun ang sinabi sa email, kailangan parin nila tingnan ang background ko. Sinuot ko ang pinakamagandang suit para ngayong araw. Pinagmasdan ko ang kabuohan sa sa whole body na salamin. "Hindi kapa pwedeng magpakasal, simula pa lang ito sa mga achievements mo. So far sa dalawang taon mong Engineer renovation ng bahay sa President pa lang ang na abot, ngayon nadagdagan na. Gumawa ka ng sarili mong pangalan Dinnese, wag mong isipin ang kasal na iyan." Nakangisi kong kinausap ang sarili ko. Maraming naging Engineer ang Villiary na hinabol na ng mga bigating negosyante pagkatapos. Nakita ko iyun sa isang article kagabi kaya ganito ako kasaya ngayon. Tinawagan ko si mama na nasa probinsya. Hindi ko sila natawagana kahapon. "Ma." "[Anak Dinnese, kumusta kana diyan? hindi ka tumawag kahapo.]" "[Si kuya Dinnese yan mama?]" rinig kong tanong ng bunsong kapatid ko. "[Oo,]" sagot nito. Hindi nagsalita ang bunso namin, binigay ulit ni mama ang attention sa akin. "[Bakit ka napatawag Dinnese?]" "Bukas uuwi ako diyan, may magandang balita ako sa inyo," nakangiting sabi ko. "[Ikakasal kana?]" Humahalakhak ako sa sinabi niya. Bago ko palang sinabi sa sarili nq tsaka na iyan yun may ipagmamayabang na pangalan. "[Hindi,]" natatawang sagot ko. Kinulit pa ako ni mama kung anong sasabihin ko bago niya pinatay ang tawag. Noong nabasa ko ang mga article tungkol sa Villiary, doon ako na inspire na gumawa ng sariling pangalan.. ni minsan hindi ko na isip dati. Lalo na yung article tungkol sa gusto nilang lalaki para sa anak. Kailangan mapantayan sila.Irriene Fay Villiary"Miss Irriene tinawag kana po ng daddy niyo," sigaw ng katulong namin galing sa labas ng kwarto ko."Yes po lalabas na!" sigaw ko pabalik at pinagmasdan ulit ang sarili ko sa salamin. Palagi kong naririnig na maganda ako pero inosente pa. Well.. I understand why, ikaw kaya nasa mansyon lang for 20 years. Hindi ako hinayaan nila mommy at daddy ma lumabas ng mansyon. May narinig na akong balita na akala ng lahat baliw ako kaya hindi ako nilabas ng mansyon. Nasasaktan pero wala akong nagagawa kundi sundin sila. Maghintay na lang ako kung kailan na ako pwede.Home school lang at sobrang boring sa bahay. Hindi rin ako natutong mag ayos ng sarili dahil para saan pa? hindi rin naman ako makalabas ng bahay.. alangan naman mag-ayos ako para ma impressed sa akin ang mga katulong at driver namin.Ngumuso ako habang pinagmasdan ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko.Tiningnan ko ang mata kong kulay gray.. nag mana ako kay mommy, dahil si daddy brown eyes siya. Yung balat ko
"Bakit ka natagalan?" mahinahong tanong agad ni Daddy sa akin nang makaupo ako. Natatakot ako kay daddy kaya sinunod ko lahat ng gusto nila."Kasi po tiningnan ko po ang sarili ko sa salamin," nakangiting sabi ko. Kung gusto nila akong maging bata kahit twenty years old na, maging bata ako para sa kanila kahit pa palagi akong pinagchismissan ng mga katulong namin. Akala siguro nila hindi ko sila maintindihan."Bakit?" takang tanong ni mommy sa akin. Ngumiti ako ng mas malaki sa kanya."Kasi mommy ang ganda ko!" masayang sabi ko na parang bata talaga. Natawa naman sila mommy sa akin at umiling sila."Saan nagmana ang baby Irriene namin?" nakangiting tanong ni mommy sa akin para bang isa akong bata.Palagi silang ganito pero hindi ako nag reklamo dahil inisip kong alam nila kung ano ang nakakabuti sa akin, kaya susundin ko sila. Ngumuso akong tiningnan silang dalawa."Mommy! pareho ko kayong love kaya nagmana ako sa inyon
"Kasi tapos kana niyang turuan," sagot ni daddy sa akin, para talagang wala akong alam."Pero daddy, gusto ko si ma'am Juyeth lang teacher ko," malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ba pwedeng siya nalang daddy forever?" malungkot kong dagdag.Sana siya nalang para malaman ko ang mga dapat kong malaman. May mga advice na sinasabi si ma'am Juyeth sa akin, hindi niya alam na nakikinig ako at nilagay sa utak para hindi makalimutan ang mga sinabi. Kaya doon ako natuto."Hindi pwede anak, iba ang teacher mo sa math," sabi ni Daddy kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na kailangan pang pilitin siya.Sabi ni ma'am hindi niya ako iiwan pero naintindihan ko kung bakit niya gagawin ang pag-alis ngayon. Inisip ko, paglabas ko rito siya ang unang pupuntahan ko."Anak, wag kang malungkot may bago ka namang teacher," mahinahong sabi ni mommy, inisip niyang nagtatampo ako."Pero mommy gusto ko si ma'am Juyeth," malungkot kong sabi
"Talaga po?" inosenteng tanong ko habang pinahid ang luha ko sa mga mata. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakita ko si ma'am Juyeth doon, pinagmasdan kami habang ang mata nuya naaawa sa akin. Mapait akong ngumiti, next day may bago akong teacher.. kaibigan ni ma'am na engineer. Lalaki ata base sa narinig ko, pero hindi ko lang alam kung itutuloy iyun nila daddy. Kung matutuloy siya, first time kong magkaroon ng lalaking teacher."Yes anak," sagot ni daddy. Tumango ako at bumugtong hininga. Bakit ba ako nagkaganito? "Tumahan kana anak, tapusin mo ang pagkain mo," mahinahong sabi ni mommy at bumalik sa kanyang upuan.Kanina ko pa napansin si ma'am pero wala akong lakas para batiin ito ng masaya na boses pero ngayong napansin na siya ni daddy lumingon ako sa pintuan para tingnan siya at ngumiti ng malaki kunwari hindi siya napansin kanina."Ma'am Juyeth," masayang tawag ko sa kanga nang makita ko ito. "Good morning ma'am, sir.. good morning Irriene," nakangiting bati niya sa amin.
"Wala na akong ibang rason para pumunta pa dito Irriene. Nandito ako para turuan ka at tapos na tayo kaya hindi na ako babalik dito," seryosong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan sa narinig."Hindi na tayo magkikita ulit?" gusto ko pang marinig ang mga paliwanag niya sa mga bagay na hindi ko alam. Sa paraan na iyun natuto ako at naintindihan ko lahat."Magkikita tayo sa labas," seryoso sabi ni ma'am habang nakatitig sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya, hindi naman ako makakalabas, alam niya iyun."Bawal po ako sa labas," malungkot kong sabi. Totoong lungkot ang naramdaman ko sa kaalamang hindi ako pwede sa labas. Tanggap ko na pero hindi ako makakahinga sa higpit ng kapit nila sa akin para lang hindi ako makalabas. Wala na silang paki kung maipit ako dito para dito lang ako sa loob.Sobrang laki ng mansyon pero para akong naiipit, hindi ako makahinga dito.. kailangan ko ng hangin sa labas pero hindi pwede kahit mamatay ako dito sa loob.Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawaka
Tumango lang ako sa sinabi ni ma'am at nag kunwari na lang na wala akong alam sa sinabi niya. Ang hirap ng buhay na ganito. Kailangan mo pang makahanap ng kagaya ni ma'am Juyeth na maawa sa kalagayan mo para maintindihan ka nila at ipaliwanag ang mga bagay na hindi ko naintindihan.Sinalubong kami ni daddy at mommy nang makababa na kami. Nagkaharap sila daddy, mommy at ma'am Juyeth. Tumabi ako kay mommy at hinarap na rin si ma'am Juyeth."Salamat ma'am sa pagtuturo sa anak namin," pasalamat ni mommy kay ma'am. Tumango si ma'am at sumulyap sa akin bago sumagot."Nahanda ako parati para kay Irriene. Tawagin niyo lang ako kung gusto niyo ulit akong magturo kay Irriene," nakangiting sabi ni ma'am. Nagtaas ako ng kamay bigla. Tumingin silang tatlo sa akin.. tumingin rin sa akin ang mga kasambahay namin habang nakikinig."Ako ma'am gusto ko," nakangiting sabi ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at binaba ito. Ngumuso ako at tumingin nalang ulit kay ma'am Juyeth."Thank you," nakangiting sab
KINABUKASAN May kumatok sa pintuan bago ko narinig ang sigaw ng kasambahay namin"Miss tinawag kana po ng daddy niyo para sa Lunch niyo," sigaw nito galing sa labas ng pintuan ko. Tumingin ako sa pintuan habang nakahiga lang. "Opo magbihis lang po ako," sigaw ko pabalik. Nakauwi na pala sila Daddy, kanina kasi maaga ang lakad nila. Hindi na ako nagtaka dahil, sanay na naman ako sa kanila. Ito ang tinuro nila sa akin, ang masanay sa mga bagay na araw-araw nilang ginawa at sinabi sa akin. Masanay sa mga tinuro nilang katangahan sa akin.Tumayo ako para maligo, hindi pa ako tumayo kanina para maligo dahil inisip ko na naman ang sarili at paano ako matuto sa kaibigan ni ma'am.Nagbihis ako at inayos ang buhok. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin nang makitang maayos na lahat, bumaba na ako. Hindi ko na hinintay na tawagin ulit ako ng katulong namin. Dumiretso ako sa kusina at nakita sila mommy at daddy na nadoon na naghihintay sa akin. May bisita pero hindi ko iyun pinansin."Hi mom
Nilagay na sa mga katulong ang mga pagkain sa mesa. Ngumuso ako at nilibot nalang ang tingin habang nilagay nila, hindi na ako tumingin sa lalaki sa harap na nakatitig pa rin sa akin.Napansin ko ang isang kasambahay namin na dalaga pa kaysa ibang kasambahay namin. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito. Madalas naman kasi mga katulong namin is matanda na, pero siya parang nag-aaral pa. I think bago pa siya dito. Napansin ko panay tingin niya sa cellphone niya na nasa bulsa niya. Ngumuso ako at napatingin kay daddy at mommy. Hindi ata nila napansin. Bawal yun, lagot siya pag nakita siya.Binalik ko ang tingin sa kanya na ganun parin ang ginawa niya. Napansin ata ng katabi niya na nakatingin ako sa kanya siniko siya ng katabi niya. Nagtaka pa ito nung una pero ngumuso ang katabi niya sa banda ko. Nakita niyang nakatingin ako kaya umayos siya ng tayo at hindi na ulit hinawakan ang cellphone. Malalagot talaga siya pag nahuli siya nila mommy buti tigilan na niya. Buti nga ako lang a