Share

Chapter V

Halos hindi magkamayaw ang mga empleyado ng MCD sa dami ng pagkain na dumating. Pablow out iyon ni Magnus dahil nakuha na naman niya ang deal. Sa kaniya mag-iinvest ang businessman na si Mr. Wang.

"Ganyan kagalante si Sir," bulong ni Connie kay Serenity.

Dahil bago pa lamang si Serenity sa kompanya ay medyo naiilang pa siya sa ibang nagtatrabaho roon. Pasalamat na lamang siya at hindi siya pinababayaan ni Connie.

Masayang nagkainan ang mga empleyado, malaya ring nakakapagkwentuhan ang mga ito. Tila isa iyong panandaliang break para sa kanilang lahat. Sa kabilang gilid ay nakabukod ang matataas ang posisyon sa kompanya. Ang mga analyst at board members kasama ang may-ari na si Magnus.

Sinalubong agad ni Magnus ang kadarating na naman niyang kaibigan. Si Veruz iyon, agad silang pumasok sa opisina upang doon mag-usap.

"Another victory Conde," papuri ni Veruz.

"You know me Ver talagang hindi ko pakakawalan si Mr. Wang hanggat hindi ko sya napapayag na sa atin mag-invest," tugon nito. Nagsalin ng wine si Magnus at inabot sa kaibigan.

"Bilib na talaga ko sa'yo Conde. Cheers for you!" sabay taas ng baso ng dalawa.

tok tok..

"Come in," utos ni Magnus sa kumakatok.

"Sir heto na po yung mga documents," wika ni Serenity habang inaabot ang folder.

"Serenity!?" medyo nanlaki pa ang mata ni Veruz nang makita ang dalaga. Hindi niya maaring makalimutan ito dahil sila ang magkakwentuhan nang gabing iyon sa bar.

"Sir Veruz," tanging nabanggit ni Serenity. Bahagya pa itong yumuko tanda ng paggalang sa kaharap.

"Thank you," sabi ni Magnus sa dalaga hudyat na pinalalabas na niya ito.

"Kelan pa s'ya dito? Hindi mo yata nabanggit Conde," sabi ni Veruz pagkalabas ni Serenity.

"Ilang araw pa lang."

"Baka lalo kang hindi makatakas sa pangungulit ni Athena n'yan," pag-aalala ni Veruz.

"Mapapagod din si Athena, at si Serenity mukhang hindi naman sila ganoon kalapit."

"Ehem...mukang may nararamdaman na naman ako sa 'yo Conde ah," panunudyo ni Veruz.

Napakalakas talaga ng pakiramdam ng kaibigan niyang si Veruz. Kahit utot yata niya ay kabisado na nito.

"Alam mo bang nachachallenge ako sa babae na 'yan," pagbawi ni Magnus.

"Why? What happened?"

"I heard them talking," panimula ng kwento ni Magnus.

"Anong bago? E halos lahat naman ng empleyada mo may lihim na kilig sayo haha."

"She said that she's not attracted to me," dagdag ni Magnus.

Malakas na tawa ang pinakawalan ni Veruz. "Syempre pakipot pa 'yan sa una," kumento ni Veruz. "Pero alam mo maganda si Serenity tapos iba ang hubog ng katawan men." dagdag nito habang iminomostra ang hubog nito.

"I can get her if I want," mayabang na sabi ni Magnus.

"Kung sinabi na nga niyang hindi Conde malamang hindi ka type," wika ni Magnus na parang iniinis pa ang kaibigan. "Maybe that girl is a man hater."

Tumahimik panadalian si Magnus na parang malalim ang iniisip. "Gusto ko maglibang," nakakaloko ang tingin ni Magnus sa kaibigan.

"Alam ko nasa isip mo Conde pero I think Serenity is not just that kind. Napansin ko 'yon the night na magkausap kami."

Nasabi iyon ni Veruz dahil kahit lasing si Serenity ay hindi ito naging malandi sa kanya.

"Pinagana mo na naman ang pagka-phsyco mo," ani Magnus.

Hinila ni Magnus ang drawer niya at inilabas ang isang susi. "Let's make a bet," sabi nito.

"F*ck! Talagang ipupusta mo si Blue?" gulat na tanong ni Veruz.

"Hindi ba't matagal mo ng gusto yan? Daanin natin sa pustahan. Kapag hindi bumigay sa akin si Serenity ay panalo ka," paghahamon nito.

Hinawakan ni Veruz ang susi ng porsche sportscar ni Magnus na inaasam niya. "Ano naman kapalit kung matatalo ako?" tanong ni Veruz.

"BMW F 800 lang," sagot ni Magnus sa kaibigan. "Hindi ka na lugi riyan," dagdag pa nito na parang sigurado siyang mananalo.

Madalas na ginagawa ni Magnus at Veruz ang magpustahan. At hindi biro ang mga taya, katulad na lamang ng huli silang maglaro ng golf.

"Mukhang masusundan ang iphone 14 pro ko ah," pang-aasar ni Veruz sa kaibigan.

"Let's see."

"O sige Conde, tutal naman ay pumayag ka noong nakaraan kahit alam mong mas magaling talaga ko sa 'yo sa golf. Ngayon papayag din ako kahit alam kong expert ka mambabae," patawa-tawang sabi ni Veruz.

"Dami mong satsat, Deal?"

"Ok deal. Sa birthday ko isasama mo si Serenity, kapag nabokya ka sa party panalo na 'ko. So my 15 days ka pa para magmoves," wika ni Veruz.

Nakakalokong ngisi lamang ang isinagot ni Magnus sa kaibigan. "Cheers," wika niya bilang pagsasara ng kanilang naging kasunduan.

***

Mabilis ang paglakad na ginagawa ni Serenity upang makalayo sa lalaking sumusunod sa kanya. Dinadaluyan na ang katawan niya ng matinding takot ngunit tuloy lamang ang ginagawa niyang paglakad. Inabot siya ng gabi dahil dumaan la siya sa botika upang bumili ng gamot ng kanyang Nanay Nelia.

"Psst..." sutsot sa kanya ng lalaki.

Hindi niya ito pinansin at binilisan pa ang paglakad. Alam niyang kapahamakan ang nakaamba sa kanya nang mga oras na iyon.

Mas nilakihan ng lalaki ang kanyang mga hakbang at bigla itong umakbay sa kanya "Miss ihahatid na kita," wika nito.

Halos bumigay ang tuhod ni Serenity sa sobrang takot. Nanggigilid na rin ang luha niya na parang gusto na niyang pumalahaw. Hindi niya kaya lingunin ang tila patalim na nakatutok sa kanyang tagliran.

"K-kuya a-ano pong kailangan ninyo? Ibibigay ko po huwag n'yo lamang po ako sasaktan," sabi ni Serenity habang nginig ang boses nito.

"Basta't ituloy mo lang ang paglakad mo at wag kang magpahalata. Huwag mo ng tangkaing sumigaw dahil hindi ako magdadalawang isip na saksakin ka," banta ng lalaki. Amoy na amoy ni Serenity ang alak sa hininga nito. Halos lumapat ang mga labi nito sa pisngi at leeg niya.

Isa, dalawa, ilang sasakyan ang dumaraan ngunit hindi magawa ni Serenity ang sumigaw. Hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Nakayuko siyang naglalakad tulad ng utos ng lalaking nakaakbay pa rin sa kanya.

"Boss, pwedeng magtanong," wika ng lalaki sa humintong kotse.

Nabuhayan ng loob si Serenity ngunit hindi niya magawang lumingon sa nagsalitang lalaki dahil lihim pa ring nakatutok sa kanya ang patalim. Dalangin na lamang niya na mapansin ng lalaki ang sitwasyon niya.

Hindi inalis ng lalaki ang pagkakaakbay nito sa kanya. "Ano yon?" naiinis nitong tanong. Halata na rin ang pagkabalisa nito.

Binuksan ng lalaki sa kotse at agad na sinipa ang nakaakbay sa dalaga. Tumumba ito at tumilapon ang patalim na hawak. Laking pasalamat ni Serenity ng mabilis na tumakbo ang lalaki upang tumakas.

Napaupo si Serenity sa daan sa sobrang panlalambot ng tuhod niya. Agad na inalalayan siya ng lalaki na tumulong sa kanya. Halos mapayakap siya rito nang makilala ang lalaking nagligtas ng buhay niya. Si Magnus iyon.

"S-sir M-agnus..." nag-unahan ang pagbagsak ng mga luha niya. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng seguridad.

"Stop crying, it's okay wala na s'ya," wika nito. Hinimas pa ni Magnus ang ulo niya.

Nakadukdok si Serenity sa dibdib ng binata na parang batang nagsusumbog. "S-sir, salamat po," malakas ang hikbi niya kaysa sa salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Inalalayan ni Magnus si Serenity at isinakay sa kanyang kotse. Hinayaan niya muna itong kumalma kahit sandali. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga lalo na sa naranasan nito. Paano nga kung hindi siya dumating?

"Are you ok now?" pagbasag ni Magnus sa katahimikan.

"Y-yes sir salamat po. Utang ko sa inyo ang buhay ko," may kaunting nginig pa rin sa boses ni Serenity.

"Siguro naman next time ay madadala ka ng maglakad at umuwi mag-isa. Hindi na safe ang panahon ngayon kaya mag-iingat ka. Mabuti na lang at nakilala kita," ani Magnus.

Hindi lubos maisip ni Serenity na kung bakit sa dinami-dami ng dadaan sa gabing iyon ay si Magnus ang nakakita sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa pagsagip nito sa buhay niya.

"Maraming salamat po ulit sir. Utang ko po sa inyo ang buhay ko," wika ni Serenity sa lalaki bago tuluyang lumabas sa sasakyan.

"It's okay. Mag-ingat ka na lang sa susunod," pagkasabing iyon ay bahagya siyang ngumiti sa dalaga.

"Salamat po ulit."

"Maybe you should not go to work tommorow. Magpahinga ka muna. Pumasok ka na lang on the next day," wika ni Magnus.

"Okay lang po ako sir," pagtanggi ni Serenity.

"No you're not. Traumatizing ang nangyare sa iyo kanina. Kahit bukas lang ay magpahinga ka. Baka hindi ka rin makapagfocus sa office," sabi ng binata.

Hindi malaman ni Magnus kung bakit iba ang epekto sa kanya ng makita niyang luhaan ang dalaga. Kung may pagkakataon lamang na mahabol niya ang lalaking nagtangka rito ay bibigyan niya ito ng leksyon.

"Yes sir...m-maraming salamat po."

Bago pumasok sa bahay nila ay inayos ni Serenity ang kanyang sarili. Ayaw na niyang malaman pa iyon ng kanyang nanay at kapatid.

Kinaumagahan ay hindi nga pumasok si Serenity sa opisina. Nakaupo si Magnus at iniisip na sana ay ayos na nga ang dalaga. Kinuha niya ang kanyang cellphone at naisipan niyang imessage ito ngunit natigilan siya. Bakit nga ba ganoon na lamang siya mag-alala?

Kahit anong baling ni Magnus sa kanyang trabaho ay hindi siya makapagfocus. Marami siyang dapat gawin ngunit tila wala siyang natatapos. "Hay Magnus ano nangyayari sa 'yo," singhal niya sa sarili.

Hindi na tinapos ni Magnus ang araw at kinuha ang coat niya. Isinuot niya iyon at tuluyan siyangng lumabas ng opisina. "I will leave early," pagpapaalam niya sa sekretarya niya. Tuloy-tuloy lamang siyang lumabas.

Pagdating sa bahay ay agad na napansin siya ni Manang Norma. "Napaaga ata ang uwi mo anak," bati nito sa kanya.

"May aasikasuhin lang po ako," sagot ni Magnus. Tuloy-tuloy siyang umakyat sa kwarto na parang nagmamadali.

Agad siyang nagbihis at nagpalit ng damit. Binuksan niya ang kanyang drawer na espesyal para sa mga susi ng kanyang koleksyon. Nagsuot din siya ng full motor gear at kinuha ang kanyang mamahaling helmet.

Dali-dali niyang sinakyan ang kanyang big bike at tinahak ang daan papunta sa bahay nila Serenity. Gusto niyang malaman kung ayos nga ba ito. Hindi rin alam ni Magnus kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan niyang masigurong ayos lamang ang dalaga.

Ipinarada ni Magnus ang kanyang sasakyan sa parte na tanaw niya ang bahay ng pakay niya. Hindi niya hinuhubad ang kanyang helmet upang hindi siya makilala kung sakali man.

"F*ck! Anong kalokohan ito Magnus," sambit niya sa sarili.

Sa hindi kalyuan ay tanaw na niya ang bakuran ng bahay nila Serenity. Maliit lamang iyon at simple. Nabilis lamang natunton ng mga mata ni Magnus ang hinahanap niya. Si Serenity.

May kung anong luwag sa kalooban niya nang makita niya itong ngumingiti at nakikipag-usap sa malamang ay nanay nito. Ilang sandali nya itong pinagmasdan bago umalis. Bakit tila nahuhumaling siya sa mga ngiti nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status