Share

Chapter IV

Unang araw ni Serenity sa kompanya ngayon at sobrang swerte niya dahil ilang minuto na lang ay late na siya. Napatapik siya sa kanyang noo sa sobrang inis.

Panay ang tingin niya sa wrist watch niya. "Manong para po!" sigaw niya sa driver.

Kaunting lakad lang mula sa babaan ay mararating na niya ang kompanya. Halos patakbo ang lakad niya papunta sa direksyon ng papasukan.

"Bwisit, sana ay nagtaxi na lang ako," mutawi niya sa kanyang sarili.

Mabilis siyang tumakbo upang habulin ang papasara ng elevator. Halos manigas siya ng bumungad ang mukha ng boss niya.

"Swerte mo talaga Serenity," bulong niya sa sarili. Halos magdikit ang balikat nila nang sumakay siya sa elevator. Bagay na iniiwasan niya dahil napansin niya ang pagbibigay distansya ng ibang emplayado sa may-ari ng kompanya.

Sa gilid ng mata niya ay naaaninag pa ni Serenity ang nasa kaliwa niyang pigura. Ang matangos nitong ilong at maninipis na labi."Perpekto na sana kung hindi lang babaero," nasasambit niya sa isip.

Alam ni Serenity na magkasamang umuwi si Magnus at Athena noong gabi na nasa bar sila kaya ganoon na lang ang isip ni Serenity sa binata.

Pagbaba ng elevator ay dumiretso siya sa comfort room upang magretouch. Nakaabot nga siya ngunit mukha naman siyang sumakay sa kabayo dahil sa pagmamadali niya.

"Grabe, Napakabango ni Sir," ipit ang boses ng babae habang nagkukwento.

"Sobrang gwapo pa, swerte ni Connie lagi n'yang abot-tanaw si Sir," sabi rin ng isang babae.

Paglabas niya sa cubicle ay nagulat ang dalawang empleyada.

"Bago ka?" tanong ng babaeng pulang-pula ang tuka.

"Yes po."

"Saan ka nakaasign?" sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Assistant secretary po ni Miss Connie," sagot niya.

Nagkatinginan lang ang dalawa na parang bahagyang nanlaki ang mga mata. Kinuha ni Serenity ang kanyang face powder at liptint para makapagretouch na.

Foundation at blush on lamang ang nilalagay ng dalaga sa muka. Light liptint naman ang nilagay niya upang magdagdag ng kulay sa kanyang mga labi.

Pagkatapos magretouch ay agad dumiretso si Serenity kay Connie dahil tuturuan na siya nito ng mga dapat gawin. Paperworks ang karamihan sa tinatrabaho niya.

Mabilis lumilipas ang minuto at oras sa lugar na iyon para kay Serenity. Wala rin siyang inip na naramdaman lalo na kapag naalala niya ang magiging sahod niya sa kompanya. Hindi siya mukang pera ngunit kailangang kailangan n'ya ito.

Napapitlag siya ng magring ang telepono sa ibabaw ng lamesa nila ni Connie. Siya ang sasagot non dahil nagpunta ang kasama niya sa cr.

"H-hello sir," pagsagot ni Serenity na parang alam na niya kung sino ang tumatawag.

"Get the copy of contract here na gagamitin sa deal with Mr. Wang. Revise it and I want the final copy until 3pm," utos ni Magnus.

"Yes Sir," at binaba na ng kausap niya ang telepono.

Dahan-dahan pinihit ni Serenity ang door knob papasok sa opisina ni Magnus.

"Good morning sir," pagbati ni Serenity. Bigla niyang naalala na kanina n'ya pa ito nasalubong ngunit ngayon lang siya bumati.

"Get it," sabi ni Magnus sabay turo sa envelope na nasa lamesa.

Tumalikod lamang siya na para siyang napapaso sa loob ng kwarto. Tama nga ang mga narinig niya kanina. Mabango ang boss nila. Napatunayan ito ni Serenity dahil humahalimuyak ang men's scent sa buong opisina nito. Iyon ang pangalawa niyang pagpasok roon ngunit parang nalulula parin siya sa loob.

"Kailangan mong matapos kung ano ang iniuutos ni sir," pagbasag ni Connie sa katahimikan.

Pagtango lang ang isinasagot ni Serenity sa sinasabi ng kasama. Ituminuloy lang niya ang paggawa at pag-aayos ng mga papeles na kailangan nila.

"Malaking deal at investment sila Mr. Wang. Bukas ipepresent na yon ng team," kwento muli ni Connie.

"Mukha naman pong confident si sir na makukuha ang deal," hindi alam ni Serenity kung bakit iyon ang naisagot nya.

"Aba oo, mapatrabaho o babae wala yang hindi nakukuha," sabay ngisi ni Connie.

Nagkibit balikat lamang si Serenity sa sinabing iyon ni Connie. Mabilis na napalagay ang loob nito sa kanya. Siguro ay nasasabik ito sa kakwentuhan.

"Bakit? Wag mo sabihin na hindi ka attracted kay sir? Lahat ata ng empleyada dito ay pantasya yan."

Napatawa si Serenity ng mahina. "Walang halong kaartehan Ms. Connie. Pero hindi po."

"Ay Serenity hindi yan totoo lalo na sa unang tingin? Swerte mo nga dito ka agad naasign sa office nya. Maraming nangangarap mapunta dito."

Bahagyang napaisip ang dalaga. Tama nga si Connie dahil nakita niya ang reaksyon ng dalawang empleyada kanina. Kung nakakasugat lang ang tingin ay sugatan na siya.

"Hindi nga po...hindi po ako attracted kay Sir Magnus," medyo napalakas ang boses ni Serenity sa sinabi n'yang iyon.

"Ehem, are you two done?" seryosong tanong ng nasa likod.

"Shocks, si Sir..." Hindi alam ni Serenity kung narinig iyon ng lalaking tinutukoy nila.

MAGNUS' POV

Ni hindi namalayan ng dalawang empleyada ko na nasa likod na nila ko dahil busy sila sa kwentuhan. Nakatalikod silang pareho from where I'am standing.

I put my two hands on my pocket at sumandal ako sa pader habang pinakikinggan ko sila. Alam ko namang compliments ang maririnig ko. And I love to hear it.

Sanay na akong pinag-uusapan ng mga empleyada ko. Mahilig ako makipag-one night stand, maglabas ng babae ngunit hindi ko ito ginagawa sa sarili kong empleyada. Para sa akin ay sagabal at unprofessional iyon.

"Hindi nga po...hindi ako attracted kay Sir Magnus."

Hindi ko alam kung ano naramdaman ko sa sinabing iyon ng bago kong empleyada.

Naiinis na parang nachachallenge ako sa narinig kong iyon. Sabagay, the first time we've met ay hindi nga man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Lesbian? Pakipot?" tanong ko sa aking sarili. Pero hindi dahil sa dami ng nakasama kong babae ay nauuri ko naman sila agad.

Kitang-kita ko ang itsura ni Serenity at Connie ng makita ako sa likod nila. Alam siguro nila na narinig ko ang pinag-usapan nila.

Ikaw na babae ka, tignan ko lang kung talagang hindi ka bibigay. Mukang gaganahan ako pumasok araw-araw.

***

Sa unang araw din ni Serenity ay nasabak ito sa overtime. Halos dilimin na siya, pumwesto siya sa '

hindi kalayuan upang mag-abang ng sasakyang jeep.

Nagulat si Serenity sa magarang kotse na huminto sa harap niya. Dahan-dahan bumaba ang dark tinted nitong bintana sa tapat niya.

"Maam sakay na raw po kayo sabi ni Sir Magnus. Ihahatid na po namin kayo," sabi ng driver kay Serenity.

"Ay, m-manong okay lang po. Maaga pa naman, marami pa po akong sasakyan."

"Maam halina po kayo," pagyaya muli kay Serenity.

"Salamat na lang po Manong."

Sumara pataas ang bintana ng sasakyang nakahinto sa harap niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone na hawak niya

"Alam mo ba na madalang ako mag-alok ng ride pauwi then you refuse it?"

Galing iyon sa unregistered number ngunit parang alam na niya kung saan iyon galing.

"Sir Magnus?"

"Yes."

Parang hipnotismong binuksan ni Serenity ang pinto at pumasok sa nakaparadang kotse. Dahil kotse lamang iyon ay magkatabi sila sa upuan.

"Maam saan po kayo?" tanong ng driver.

"Sa Pampanga street po," sagot ni Serenity habang pinapakiramdaman ang katabi na diretsong-diretso ang tingin sa daan.

Nangungupahan lamang sila serenity sa lugar na iyon na parte ng syudad.

"Medyo malayo nga po pala ang inuuwian nyo Ma'am," muling sabi ng driver.

"Madami naman pong dumadaan na jeep papasok sa amin Manong."

"Kanor po ang pangalan ko. Dapat po malaman n'yo na at baka mapadalas po ang pagsakay n'yo sakin," sa sinabing iyon ng driver ay nakaramdam siya ng pagkailang.

Para namang balewala at walang kasama si Serenity sa sasakyan dahil sa walang imik nitong katabi.

Halos kalahating oras nilang binaybay ang daan at narating na rin nila ang lugar na uuwian ng dalaga. Halos mabali ang leeg ng mga tambay at nag-uumpukan sa eskinita na huminto ang sasakyan. Kahit sino naman ay mapapalingon sa napakagarang kotse na iyon.

"S-sir salamat po," pagpapapaalam ni Serenity bago bumaba.

"Don't be late tommorow," sagot ng nasa loob ng sasakyan.

"Yes Sir."

Parang nabunutan ng tinik si Serenity ng makababa siya ng sasakyan. Hinintay niya muna itong makaalis bago tuluyang lakarin ang papasok na eskinita. Hindi naman kase kakasya ang kotse roon.

"Gara ng kotse ah," biglang sulpot ni Keeno.

"Sinabay ako ng boss ko. Nakakahiyang tumanggi," pagsagot ni Serenity habang patuloy sa paglalakad.

"Kamusta ang unang araw?"

"Ayos naman mas nakakapagod lang ang byahe," matamlay niyang sagot.

Sinamahan si Serenity ng binata sa paglalakad hanggang sa makarating sa bahay nila.

"Gusto mo magkape?" tanong ng dalaga.

"Hindi na," pagtanggi nito. "Bukas ay may lakad ako. Sumabay ka na sakin papasok ng opisina," dagdag ni Keeno sa kanya.

"O sige."

Tumalikod lang si Serenity at tuluyang pumasok sa bahay nila. Naisip niyang mas mabuti na ngang sumabay na kay Keeno upang huwag na ulit malate sa opisina.

Pagpasok sa bagay ay agad na napansin ng dalaga ang nakaupong si Aling Nelia. "Nay, bakit ho?" nag-aalala niyang tanong.

"Bigla siyang nahilo kanina ate," sumbong ni Serena.

"Nay, baka naman po pinagod nyo na naman ang sarili ninyo sa palengke?" tanong muli ni Serenity sa namumutlang si Aling Nelia.

"Ayos lang ako anak. Hindi na lamang ako magtitinda bukas," ani Aling Nelia.

Bata pa lamang si Serenity at Serena ay pagtitinda na sa talipapa ang ipinangbuhay sa kanila ni Aling Nelia. Agad na nagbihis si Serenity at ginayak ang mga iinuming gamot ng kanyang nanay.

"Serena saan galing ang mga ito?" tanong ni Serenity. Ang tinutukoy niya ay ang mga grocery na naman na nakatambak sa kusina nila.

"Kanino pa ba Ate? E di sa masugid mong manliligaw."

Gusto man niyang mainis ay hindi niya maitanggi na malaking tulong sa kanya ang ginagawang iyon ng manliligaw niyang matandang negosyante. Si Mr. Chua.

Matagal na niyang binasted ang matandang binata ngunit masugid itong nanliligaw sa kanya. Ayaw man niya itong paasahin ngunit dito rin siya tumatakbo kapag kinakapos sila.

"Mano po Tita Nelia," bungad ni Keeno. "Nakagayak na ba Ate mo?" baling nito kay Serena. Maaga rin siynag sunundo ni Keeno.

"Heto na," maagap na tugon ni Serenity habang hinahatak ang hapit niyang palda.

"Dapat mamaya wag ka magbyahe na ganyan ang suot mo," may inis sa puna ni Keeno.

"Kelan ka pa naging sensitive. Hello Manila to Keeno. Saka 'di naman masyadong maigsi ah," palusot ng dalaga.

"Iba na panahon ngayon , uso na rape."

Hindi na lamang iyon pinansin ni Serenity at tuluyan na lang nagpaalam sa Nanay. "Mano po nay aalis na po kami," paalam niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status