Nakatanaw sa kawalan si Magnus sa opisina niyang gawa ang dingding sa salamin. Siya ang nagpasadya ng disenyo na iyon. Mula doon ay tanaw halos ang buong syudad. Nakakaramdam na naman siya ng kakaibang inip sa kanyang buhay. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat problemahin, maayos ang kanilang family business at kompanya. Maari siyang umalis at magbakasyon kahit saan ngunit hindi niya alam kung ano ang hinahanap niyang kulang o anong saya ang wala sa buhay niya.Si MAGNUS CONDE DELAVID ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang mga Delavid ang nagmamay-ari ng iba't-ibang real state company, engineering company, at kalat-kalat na hotel sa syudad. May mga tourist spot din sa Pilipinas ang nabili na rin ng mga Delavid. Si Magnus ang nag-iisang anak ng mag-asawang Don Carlos Jose Delavid at Doña Estella Delavid kung kaya't wala siyang magawa kundi pagtutunan ang pamamalakad ng mga pagmamay-ari nila. "Wife...yan ang kulang sa 'yo," panunudyo ni Veruz. Matalik na kaibigan n
Pagod man si Magnus ay kailangan na niyang umalis at iwan ang babaeng nakahiga pa sa kama. Nasa condo sila na pagmamay-ari din niya. Bumigay nga sa kanya ang babaeng modelo na kasama niya kagabi. Si Athena Sandoval.Hindi maitatagong napaligaya nito si Magnus at sigurado naman na ganoon din si Athena sa kanya. Halos umalingawngaw ang halinghing ng dalaga kagabi. Pinagsawaan ni Magnus ang malabote nitong katawan. Naglagay pa siya ng kiss mark sa parteng hita nito. "Hey, are you leaving?" malambing nitong tanong habang hinahagod ang likod at bewang ng binata."Yes I need to go," tugon ni Magnus. Ganun lang naman talaga si Magnus pagkatapos niyang magparaos ng init ng katawan. Aalis ito na parang walang nangyari."Kelan ulit tayo magkikita? Can you stay for a while? Hindi ka ba nag-enjoy?" sunod-sunod na tanong ni Athena sa kanya. Nakabalot lamang ng kumot ang kabuuan nito.Ngiti at kaswal na halik sa noo lamang ang isinukli ni Magnus kay Athena. "I already called my driver, He will dr
Halos mapalundag si Serenity ng basahin niya ang nilalaman ng email na kanyang natanggap. Kasama siya sa final interview sa inapplyan niyang kompanya. Tama nga ang kutob niyang suswertehin siya.Agad niyang iginayak ang kanyang isusuot sa araw ng interview. Gusto niyang siguraduhin na maiimpress ang makakaharap niya.Lumabas muna siyang muli at pumunta sa paborito niyang gilid ng bahay nila. Dito madalas tumatambay ang dalaga kapag nais niyang mapag-isa."Napapadalas yata ah?" bati ng lalaki sa kanyang likuran."K-KEENO?!" bulalas ni Serenity. Hindi niya mawari kung sisindihan o itatago muli ang sigarilyong hawak niya.Si Keeno ay matalik na kaibigan ni Serenity, madalas itong wala dahil isa itong special agent. Matangkad at matipuno ang binata na nasa edad 32 anyos na rin."Pantanggal lang ng stress, kailan ka pa nakauwi?" tanong ni Serenity.Hindi pa rin maalis ang pagkailang ng dalaga kay Keeno. Tandang-tanda pa kasi niya ang katangahang nagawa niya noong umamin siya ng nararamdama
Unang araw ni Serenity sa kompanya ngayon at sobrang swerte niya dahil ilang minuto na lang ay late na siya. Napatapik siya sa kanyang noo sa sobrang inis. Panay ang tingin niya sa wrist watch niya. "Manong para po!" sigaw niya sa driver.Kaunting lakad lang mula sa babaan ay mararating na niya ang kompanya. Halos patakbo ang lakad niya papunta sa direksyon ng papasukan."Bwisit, sana ay nagtaxi na lang ako," mutawi niya sa kanyang sarili.Mabilis siyang tumakbo upang habulin ang papasara ng elevator. Halos manigas siya ng bumungad ang mukha ng boss niya. "Swerte mo talaga Serenity," bulong niya sa sarili. Halos magdikit ang balikat nila nang sumakay siya sa elevator. Bagay na iniiwasan niya dahil napansin niya ang pagbibigay distansya ng ibang emplayado sa may-ari ng kompanya.Sa gilid ng mata niya ay naaaninag pa ni Serenity ang nasa kaliwa niyang pigura. Ang matangos nitong ilong at maninipis na labi."Perpekto na sana kung hindi lang babaero," nasasambit niya sa isip.Alam ni Ser
Halos hindi magkamayaw ang mga empleyado ng MCD sa dami ng pagkain na dumating. Pablow out iyon ni Magnus dahil nakuha na naman niya ang deal. Sa kaniya mag-iinvest ang businessman na si Mr. Wang."Ganyan kagalante si Sir," bulong ni Connie kay Serenity. Dahil bago pa lamang si Serenity sa kompanya ay medyo naiilang pa siya sa ibang nagtatrabaho roon. Pasalamat na lamang siya at hindi siya pinababayaan ni Connie.Masayang nagkainan ang mga empleyado, malaya ring nakakapagkwentuhan ang mga ito. Tila isa iyong panandaliang break para sa kanilang lahat. Sa kabilang gilid ay nakabukod ang matataas ang posisyon sa kompanya. Ang mga analyst at board members kasama ang may-ari na si Magnus.Sinalubong agad ni Magnus ang kadarating na naman niyang kaibigan. Si Veruz iyon, agad silang pumasok sa opisina upang doon mag-usap. "Another victory Conde," papuri ni Veruz."You know me Ver talagang hindi ko pakakawalan si Mr. Wang hanggat hindi ko sya napapayag na sa atin mag-invest," tugon nito. Na
Tinanghali ng gising si Magnus dahil sa naparami rin siguro ang inom niya kagabi. Hindi siya dalawin ng antok kung kaya't mag-isa siyang uminom sa kanyang malawak na balkunahe sa kanyang kwarto.Sinipat niya ang kanyang relo na nakasabit sa dingding ng kwarto niya. Alas otso na nang umaga. Bumangon na siya at nagpasyang gumayak.ILANG oras lamang ay nakarating agad si Magnus sa kanyang opisina. Hindi naman niya kailangang magmadali dahil pagmamay-ari niya ang kanyang papasukan. "S-sir good morning po, kanina pa po may naghihintay sa inyo," nakayukong sabi ni Connie.Awtomatikong dumako ang paningin niya sa tanggapan bago pumasok sa kanyang opisina. Napairap siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya."Hello Mr. Delavid," pormal nitong pagbati. Hapit na hapit ang suot nitong pulang bestida."Let's talk inside," tugon niya. Pinagmasdan lamang ni Serenity ang boss at ang kaibigan niyang si Athena na pumasok sa loob ng opisina nito."Talagang bigatin ang mga nagiging chicks ni si