Share

Chapter III

Halos mapalundag si Serenity ng basahin niya ang nilalaman ng email na kanyang natanggap. Kasama siya sa final interview sa inapplyan niyang kompanya. Tama nga ang kutob niyang suswertehin siya.

Agad niyang iginayak ang kanyang isusuot sa araw ng interview. Gusto niyang siguraduhin na maiimpress ang makakaharap niya.

Lumabas muna siyang muli at pumunta sa paborito niyang gilid ng bahay nila. Dito madalas tumatambay ang dalaga kapag nais niyang mapag-isa.

"Napapadalas yata ah?" bati ng lalaki sa kanyang likuran.

"K-KEENO?!" bulalas ni Serenity. Hindi niya mawari kung sisindihan o itatago muli ang sigarilyong hawak niya.

Si Keeno ay matalik na kaibigan ni Serenity, madalas itong wala dahil isa itong special agent. Matangkad at matipuno ang binata na nasa edad 32 anyos na rin.

"Pantanggal lang ng stress, kailan ka pa nakauwi?" tanong ni Serenity.

Hindi pa rin maalis ang pagkailang ng dalaga kay Keeno. Tandang-tanda pa kasi niya ang katangahang nagawa niya noong umamin siya ng nararamdaman dito.

"Para na kitang kapatid...bata ka pa," pag-alala niya. Mga huling salita ni Keeno na tumatak sa kanya.

16 years old lang si Serenity noon, siyam na taon ang agwat ng edad nila. Madalas siyang isinasabay ni Keeno noon kapag papunta siya ng paaralan. Doon nagsimulang mahulog si Serenity sa binata.

Hindi na maalala ni Serenity kung paano sila naging magkaibigan, ang tanda lamang niya ay mula nang ampunin siya ng Nanay Nelia niya ay isa ito sa mga sumalubong sa kanya.

Ngayon ay kaswal lang ang kanilang pagkakaibigan. Malaya niyang sinulyapan ang kabuuan ni Keeno. Para sa kanya ay lalo itong gumandang lalaki. Lumaki ang dati nitong patpatin lang na katawan at makinis ang moreno nitong balat.

"Dito muna ako hangga't naghihintay ng panibagong assignment," sagot ni Keeno sa dalaga.

Tuloy lang ang pakikinig ni Serenity sa kausap. Medyo naiilang pa kasi siya sa binatang kaharap.

"Wala ka pa bang ipapakilala sa 'kin? Matagal na 'kong nawala," tanong ni Keeno.

"Wala ho kuya," pairap na sagot ni Serenity. "Kung sinagot mo ba ako noon e di sana may jowa ako," bulong pa niya.

Natawa na lamang si Keeno sa tinuran ng dalaga. Bakit nga ba parang gusto niyang matiyak kung may manliligaw o nobyo na ito? Hindi niya maipagkakaila na lalo itong gumanda. Ang dati ay batang binabantay-bantayan niya noon ay ganap ng dalaga ngayon.

"Sige na, magpapahinga na din ako. Maaga pa ako bukas," pagpapalam ni Serenity.

"Saan ang lakad? Sumabay ka na sa akin."

"H'wag na at baka maibroadcast na naman tayo ng mga kabaranggay nating cctv," pagbibiro ni Serenity.

Gumayak ng maaga si Serenity ngayong araw ng kanyang interview. Sana ay ito na ang hinihintay niyang trabaho. Naglagay siya ng manipis na blush on at facepowder. Tinerno niya sa kanyang labi ang light color lipstick. Natural na natural lamang ang ganda ng dalaga.

"Bagay na bagay sayo ang suot mo anak, ang ganda mo," papuri ng kanyang nanay.

"Mana sayo nay," agad naman niyang tugon.

"Sana ay matanggap ka na sa kompanyang iyon."

"Malas nila kung pakawalan pa nila ko," pagyayabang nito.

"Yabang ni ate pero lakas ng kaba n'yan," pagsali ni Serena.

"Dahil d'yan wala kang baon."

"Ate joke lang!" sigaw ni Serena.

Titig na titig siya sa itsura ng kanyang Nanay Nelia. Napakasaya nito para sa kanya kahit hindi pa man sigurado kung matatanggap siya. Pangarap niya ang mabigyan ito ng magandang buhay bilang ganti na sa mga pag-aaruga nito sa kanya.

Hindi malaman ni Serenity ang mararamdaman ng muli siyang pumasok sa building para sa final interview.

Hindi maiwasang magtinginan ang ibang lalaking office staff sa kanya. Talaga namang agaw pansin din ang ganda nito. Bago makapasok sa opisina ni Magnus ay pinaupo muna siya ni Connie sa lobby ng opisina nito upang maghintay.

"Ako lang kaya ang may interview ngayon?" tanong ni Serenity sa kanyang isipan. Napakatahimik ng paligid.

Ilang minuto rin siyang naghintay bago bumukas ang opisina ng may-ari ng kompanya.

"Let's go Miss Fuentabella," pagyaya ng sekretarya.

Pilit itinatago ni Serenity ang pagkamangha. Napakalaki ng opisinang iyon. Nakatalikod ang swivel chair sa kanila at sigurado na ang nakaupo roon ay ang may-ari ng kompanya. Nakaharap ito sa dingding na gawa sa salamin.

"Sir, eto na po si Miss Fuentabella," pagkasabing iyon ni Connie ay lumabas na ito.

Nanatili si Serenity sa pagkakatayo at hinihintay humarap ang nakaupo sa magarang swivel chair.

Tumayo ang lalaki at humarap sa kanya. Laking gulat ni Serenity dahil kilala niya ang lalaki. Hindi siya pwedeng magkamali. Halos noong isang araw lang ay sa inuman niya ito kaharap.

"Miss Serenity Fuentabella, right? You may sit," sabay turo sa upuan na malapit sa table nito.

"Magnus Conde Delavid the CEO and the owner of the company," pakilala nito.

Panay ang lunok ni Serenity at pilit pinakakalma ang sarili. Napakapormal ng dating ng lalaki ngayon.

"Yes Sir," pinilit niyang hindi mautal at hindi mahalata ng kaharap niya ang kanyang pagkailang.

"So, this is your first job kung sakaling mahired ka?" unang tanong ni Magnus sa kanya.

"Yes Sir," hindi alam ni Serenity kung sinusunod lang niya ang tips ng kanyang kaibigan na kung ano lang daw ang tanong ay yun lang ang sagutin niya, o marahil natitipid ang sagot niya dahil sa kanyang kaharap.

"Why do you want to work at my company?" tanung muli ni Magnus habang nakatitig sa resume ng dalaga.

"I feel my skills are particullarly well-suited here at your company. Yes sir this is my first job but I'am willing to learn and—"

Matagal ang kasunod na salita ng dalaga.

"And what? Miss Fuentabella?"

"A-and I really need this job Sir," payuko nitong sagot.

Gusto man niyang maging pormal ngunit mas gusto niyang makuha ang trabaho kahit magmukha pa siyang kawawa. Binalot ng panandaliang katahimikan ang opisina. Nakayuko pa rin si Serenity habang binubuklat-buklat pa rin ni Magnus ang papel na hawak niya.

"You said that you really need this job. If I hired you, are you willing to do anything just to stay at my company? Are you sure na hindi masasayang ang pagtanggap ko sa 'yo?"

Matagal nag-isip si Serenity bago sagutin ang tanong na iyon. Bahagya silang nagkatinginan bago siya makasagot.

"Yes sir," tanging sagot niya sabay iwas sa nakakalokong tingin ng kaharap. Napakagat siya sa ibaba niyang labi.

"Stop biting your lips," nagulat si Serenity sa sinabing iyon ni Magnus. "Prepare your other requirements then you may start emmediately." dagdag pa ng kaharap niya.

Pigil na tili ang naisagot ni Serenity sa sinabing iyon ni Magnus.

"S-sorry sir..."

"You may now leave, tatawagan ka ni Connie at sasabihin nya kung saan ka maasign."

Masayang lumabas si Serenity sa malawak na opisinang iyon. Kahit siya ay nagtaka dahil kakaunti lamang ang itinanong ni Magnus. Hindi niya inaasahang ganoon lang kadali ang mga itatanong sa kanya.

"Congratulation Miss Fuentabella," ani Connie. Siguro ay naradar na iyon ng kaharap dahil sa abot tainga nitong ngiti.

"Thank you Miss Connie."

"Just call me then if my tanong ka sa mga requirements. Tatawagan nalang kita kapag sinabi na ni Sir kung saan ka maasign basta asikasuhin mo na yang requirements mo para makapagsimula ka agad," sabi ni Connie.

"Opo Miss Connie, I will. Thank you po ulit.

"Then sa contract singning malalaman mo ang salary, rules at lahat ng dapat mo pa malaman."

Masayang nilisan ni Serenity ang lugar na iyon. Excited na siyang iuwi ang balita sa kanyang Nanay Nelia at kapatid.

***

Wala ng maisip si Magnus na tanong pa sa babaeng iniinterview ngunit kita sa mga mata nito ang kagustuhang matanggap sa trabaho.

Sino nga ba ang aayaw? Kilala ang kompanya nila at malaki ang sahod ng mga nagtratrabaho dito.

"Connie, minsan masyado ng madami ang mga iniiwan kong paperworks sayo. Gusto ko ilagay mo s'ya as your assistant secretary," utos ni Magnus.

Wala naman talaga siyang pakialam kung marami ang trabaho ni Connie. Talagang sinadya niyang doon ilagay si Serenity dahil hindi niya alam kung bakit may gusto pa siyang malaman sa dalagang iyon.

Dinampot ni Magnus ang cellphone niya sa lamesa. Nakita niya ang napakaraming missed call ni Athena. Si Athena ay natulad na sa mga babaeng umaasa na tatapunan ni Magnus ng atensyon pagkatapos niyang makuha.

"Conde, what the f*ck! Pati ako ay minemessage ni Athena. Makulit din ang isang to," sabi ni Veruz na nasa kabilang linya.

"Gusto ulit makipagkita."

"Alam mo Conde kapag pinaisa mo pa 'yan ay baka mapikot ka na," banta ng kaibigan.

"You know me bro, hindi ako umuulit basta-basta," paniniguro ni Magnus.

"At sana lang gumamit ka ng condom. Baka isang araw sasabihin n'yan may anak kayo."

"Tumanda na kong nambabae Veruz. Hindi ako baguhan." sagot ni Magnus.

Hindi talaga bumabalik si Magnus sa mga minsan lang niyang naikama na. Nauulit lang siyang makipags*x sa babae kapag handa itong sumunod sa gusto niya. Ang masaktan.

Matagal tinitigan ni Magnus ang sarili niya sa salamin. Katatapos niyang maligo. Inahit rin niya ang mga patubo niyang bigote at balbas.

"I'm already well," paulit-ulit na sambit niya sa kanyang isip.

Paglabas niya ng banyo ay inayos niya ang kanyang sarili upang bumaba at kumain. Nagutom siya sa sinabi ni Manang Norma na hapunan ngayong gabi. Ang paborito niyang sinigang.

"Tumawag ang mommy mo anak," sabi ni Mannag Norma. Anak ang tawag niya kay Magnus dahil halos siya na ang nag-alaga dito.

"Opo Manang, hindi ko nasagot dahil nasa shower ako."

Tulad ng dati mangungulit na naman ang mommy niya. Parang siyang bata na kinukulit nito tungkol sa pag-aasawa.

Wala namang problema sa Don at Doña kung sino ang mapapangasawa ni Magnus. Ang gusto lamang ng mga ito ay may ipakilala na siya at magkaroon ng sariling pamilya.

"Napakatagal na kase noong huli ka nagpakilala ng girlfriend anak," sabi ni Aling Norma.

Ang tinutukoy ni Aling Norma ay si Carey, ang una at huling babae na ipinakilala ni Magnus. Ang buong akala nila ay si Carey na ang babaeng papakasalan nig binata.

Ayaw ng balikan ni Magnus ang nakaraan sapagkat akala niya ay matatanggap siya ni Carey. Kinamuhian siya nito ng malaman ang kalagayan niya. Ilang buwan din silang naglive in sa ibang bansa.

Mula noon ay hindi na kailanman nagseryoso si Magnus sa pakikipagrelasyon. "YOU'RE A MONSTER," mga katagang sinabi sa kanya ni Carey bago siya tuluyang iwan.

"Gusto na siguro magkaapo ng Don at Doña," singit ni Mang Kanor.

"Para na rin tayong nagkaapo," sabat ni Aling Norma.

"Napakagwapo siguro ng magiging anak ni Magnus."

"Sigurado yan Mang Kanor," pagyayabang niya.

Patuloy lang sa pagkain ng hapunan si Magnus. Habang pinakikinggan ang mag-asawang nagkukulitan tungkol sa kanya ay malalim siyang napaisip.

Thirty two years old na siya ngunit wala pa rin sa isip niya ang pag-aasawa. Nabubuo na din sa isipan niya ang magbayad na lang ng babaeng pupunlaan niya ng semilya at magdadala ng kanyang anak. Bakit hindi, e mayaman naman siya.

"What makes you think about that Conde," pinipigil ni Veruz ang kanyang tawa. Si Veruz ang pinakamalapit kay Magnus sa kanyang mga kaibigan. Halos bestfriend na ang turing niya rito.

"I have no time and interest sa totoong relasyon at pami-pamilyang yan. Kaya kung nagmamadali na sila Dad ay bibigyan ko na sila ng apo," wika ni Conde.

"G*go! Wag ka magsalita ng tapos Conde. Baka isang araw makakita ka ng magpapatiklop sa 'yo."

"Haha ayan ka na naman sa dialogue mo."

"Sabagay sino nga ba ang hindi bibigay sa isang yummy billionaire," nagbakla-baklaan si Veruz sabay kindat at simpleng salat sa puwet ni Magnus.

"Yuck! F*ck you!" muntikan na maibuga ni magnus ang iniinom nilang whisky.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status