Share

Chapter II

Pagod man si Magnus ay kailangan na niyang umalis at iwan ang babaeng nakahiga pa sa kama. Nasa condo sila na pagmamay-ari din niya. Bumigay nga sa kanya ang babaeng modelo na kasama niya kagabi. Si Athena Sandoval.

Hindi maitatagong napaligaya nito si Magnus at sigurado naman na ganoon din si Athena sa kanya. Halos umalingawngaw ang halinghing ng dalaga kagabi. Pinagsawaan ni Magnus ang malabote nitong katawan. Naglagay pa siya ng kiss mark sa parteng hita nito.

"Hey, are you leaving?" malambing nitong tanong habang hinahagod ang likod at bewang ng binata.

"Yes I need to go," tugon ni Magnus. Ganun lang naman talaga si Magnus pagkatapos niyang magparaos ng init ng katawan. Aalis ito na parang walang nangyari.

"Kelan ulit tayo magkikita? Can you stay for a while? Hindi ka ba nag-enjoy?" sunod-sunod na tanong ni Athena sa kanya. Nakabalot lamang ng kumot ang kabuuan nito.

Ngiti at kaswal na halik sa noo lamang ang isinukli ni Magnus kay Athena. "I already called my driver, He will drop you home. I really have to go."

"Sh*t!" bulong ni Athena sa sarili nang tumalikod ang lalaking nakasalo niya sa mainit na gabi. Tuluyan itong lumabas ng pinto at iniwan siyang nag-iisa.

Pagdating sa bahay ay agad na sumalubong ang amoy ng sinigang ni Aling Norma sa kanya. Gustuhin man niyang kumain agad ay kailangan niyang maligo dahil kumapit din ang pabango ni Athena sa kanya.

"Are you having fun last night? Kailan ka magkukwento?" tanong ng kaibigang si Veruz na kausap niya sa cellphone.

"Just like other women they are all ordinary," matabang nitong sagot.

"E kailan ka ba magkakaroon ng extraordinary mo? Hindi na tayo pabata Conde," panenermon na naman ng kaibigan.

"Too early naman ang sermon mo tatang," banat ni Magnus sa kaibigan.

"No, seriously sulitin mo na Conde dahil nagtatanong-tanong na sila Tita Estella samin. Baka mauwi ka sa fix marriage," pananakot ni Veruz.

"This won't be happen," nakangiti nitong paniniguro.

Sa kanilang apat na magkakaibigan ay si Magnus ang pinakapressure sa pag-aasawa. Mayroon din kasing tradisyon ang kanilang pamilya. Sa edad na 28 dapat ay may maipakikilala na ng pormal ang isang Delavid ngunit si Magnus na nga ang nakasira non.

Totoong nag-aantay na ang Mom at Dad niya kung kailan siya magkakapamilya. Tumatanda na rin ang mga ito kung kaya't humihiling na ang mga ito ng apo mula kay Magnus.

Sinusubukan naman niyang magseryoso ngunit sadyang wala talaga siyang nagugustuhan kahit na madami rin ang nakikila niya sa mga socialites.

Sa opisina ay trabaho, papeles, at mga dokumento na naman ang mga kaharap ni Magnus. Pumasok siya sa maliit na silid sa kanyang opisina at nagsimulang magpapawis. Mayroon siyang mini gym doon para sa kanyang workout habit.

"Sir, inform ko lang po na magsstart na po ang hiring at pagtanggap ng aplikante this week," bungad ni Connie. Ang kanyang personal secretary.

"Okay then, wala naman akong gagawin. Maybe you may do the initial interview tapos ako na sa final," utos niya. Ganoon si Magnus pagdating sa pagtanggap ng mga aplikante dahil naniniwala siya na ang tagumpay ng kompanya ay nagsisimula sa mga tauhan at namamalakad nito.

***

Gayak na gayak si Serenity suot ang kanyang pangmalakasang formal attire. Makikipagsapalaran siyang mag-apply sa isang kompanya bilang office staff. Sa MCD Alliance and Empire ang puntirya niya.

Dahil nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Administration ay isasapalaran niya ang pagpasok doon kahit wala pa siyang experience sa trabahong nais pasukan.

"Hay naku Ate, sana nga ay tumalab na 'yang swerte ng paulit-ulit mong pang-apply na damit," si Serena iyon. Kung mag-usap silang magkapatid ay para lamang silang magkabarkada.

"Alam mo Serena kahit taga zerox lang sa kompanyang 'yon ay okay na 'ko. Sobrang tagal ko ng gustong makapagtrabaho roon," may excitement sa mga salita niya.

"Ang ganda mo namang taga-zerox Ate." pambobola ng dalagita.

Si Serenity ay mayroon naman talagang taglay na ganda. Madaming kalalakihan din ang nagtangkang manligaw sa dalaga ngunit mataas ang pangarap nito sa buhay. Gusto niyang magantihan ang kabutihan ng mga kumupkop sa kanya at bigyan ang mga ito ng magandang buhay.

Pitong taon pa lamang siya nang iwanan siya ng mga kamag-anak ng kanyang mga magulang sa Hospicio De Angelus. Wala ni isa man lang sa mga kamag-anak niya ang nagmalasakit na kupkupin siya sa halip pinaghati-hatian ng mga ito ang kanilang mga negosyo at ari-arian.

Malimit parin niyang naalala ang mga tagpo noong araw na naaksidente sila ng kanyang mga magulang. Papunta sana sila sa isang party nang iwasan ng kanyang daddy ang kasalubong na sasakyan. Gumegewang-gewang ang nakasalubong nila dahilan upang sila ang mawalan ng kontrol at maaksidente.

Kung hahanapin at hahabulin niya ang naiwan ng kanyang mga magulang ay baka hindi na kailangan ni Serenity ang maghanapbuhay pa. Ngunit mas pinili niyang kalimutan ang lahat kasabay ng pag-ampon sa kanya ni Aling Nelia. Pagkapalit ng kanyang pangalan ay pilit na rin niyang pinalaya ang mga ala-ala sa kanyang isipan.

"Sana ay matanggap tayo, sayang ang pagtataxi natin pag umuwi tayong butata," wika ni Alina. Ang kasama ni Serenity sa pag-aapply.

"Magretouch na tayo at malapit na tayong bumaba," utos ni Serenity sa kasama.

"Sis parang ikaw hindi mo na kailangang magretouch. Sa totoo lang parang hindi ka rin naman nalalayo sa model mong kaibigan eh. Ang lamang n'ya lang ay nabihisan s'ya ng mga mamahaling alahas at damit."

"Hoy, tumigil ka nga!" pagbawal ni Serenity sa kaibigan.

"Kung ako lang ikaw papatusin ko na yung mga manliligaw kong mayaman, lalo na yung matandang deds na deds sayo." sabi nito.

Hindi na nito sinagot ang kaibigan at tumingin na lang sa tinatahak na daan. Malakas ang kutob niyang suswertehin siya ngayon at matatanggap sa trabaho.

Pagpasok palang sa lobby ng kompanya ay namangha na siya sa gara at ayos nito. Talagang tila napakayayaman at matataas na tao ang nagmamay-ari at pumupunta roon.

"Please proceed to the hr office," utos ng isang staff sa kanila.

Agad silang pinaupo at kinausap ng babae sa opisinang pinasukan nila. Mabilis lang ang naging interview nila Serenity at Alina.

"Just wait for our email for the final interview," huling sabi ng babaeng nag-interview sa kanila.

Lumabas na rin sila agad sa building na iyon at sinubukan pang magpasa ng resume kung saan-saan. Desperada si Serenity na makahanap ng mapapasukan.

Iniikot-ikot ni Magnus ang swivel chair niya at pilit hindi pinapansin ang sunod-sunod na pagpasok ng text sa cellphone niya. Si Athena iyon, patuloy ang pangungulit nito sa kanya.

"Sir, andito na po ang first batch ng applicant for this week," bungad ng kanyang sekretarya.

"Just put it here on my table," sagot niya habang nakatalikod sa papasok na sekretarya.

Agad din itong lumabas pagkababa ng mga papel. Hinarap ni Magnus ang kanyang lamesa at nagsimulang buklatin ang ibinigay sa kanya ng sekretarya. Tutal ay wala naman siyang ginagawa.

Inisa-isa ni Magnus ang mga folder na hawak niya at pumukaw sa kanyang pansin ang pamilyar na pangalan at litrato sa papel na binabasa.

Serenity Fuentabella and her personal information. Halos hindi maalis ang titig ni Magnus sa hawak na papel.

"I want this applicant to proceed on a final interview. Schedule her tommorow.," utos ni Magnus sa sekretarya niya.

"Yes sir."

Hindi alam ni Magnus kung bakit tuwing nakikita niya si Serenity ay kakaibang interes ang nararamdaman niya. "No! hindi ka pwedeng bumalik sa dati Magnus, " saway niya sa sarili.

3 years ago

"You really need help! YOU'RE A MONSTER!" sigaw ng babae sa kanya.

"N-no! Please let's fix this Baby," mas malakas ang sigaw nito sa babaeng kaharap.

Sa tagpong 'yon ay parang puputok ang utak ni Magnus. Malakas ang pagbalibag ng babae sa pintuan pagkalabas sa kwartong iyon. Naiwan si magnus na pawis na pawis habang sapo ng dalawa niyang kamay ang kanyang ulo.

Hindi niya alam kung bakit napunta sa ganun ang kalagayan niya. Tila wala na siya sa katinuan. Si Carey ang huling babae na naging biktima niya.

Agad na kinuha niya ang sleeping pills na tanging takbuhan niya tuwing hindi siya makatulog. Minsan ay naiisip na niya itong laklakin lahat.

"I felt the happiness and contentment when I see them suffer," pagtatapat niya sa kaharap na doctor. Lakas loob na nga siyang nagpatingin sa isang psychiatrist.

"What do you mean? Please elaborate Mr. Delavid," sagot ni Dr. Smith.

"I feel boring, I feel ike I'm looking and hunger for something I did'nt know. Then one time I have a hard s*x with someone I met in a bar. She wants me to hurt her. At first I feel hesitated but she insist..."

"And then?"

"I-I slap her hard, I- I did such just thing that make her physically hurt. I f*ck her like..."

"Did you use drugs?" tanong ng doktor habang nakakunot ang kilay.

"No, but I'm drunk."

"Then? Continue Mr. Delavid,"

"At first I thought it was only a different kind of adventure and then we did this often like a fashion. As I saw her hurt. I saw the bruises. I saw blood. My feelings...T-there's somenthing that—"

"Fills inside?"

Matabang ang naging tango ni Magnus.

"Did you have serious relationship before?" muling tanong ng doktora.

"Nothing."

"What do you feel about those girls? Is there any feeling attached after that?"

"N-nothing...but I always longing for that senarios. I want to see those blood again, the burn, the bruises..."

Muli na naman nilamukos ni Magnus ang kanya mukha. "To the point that I use money to pay those f**k*ng girls who is willing to fill my desire."

"Then, what do you feel after this?"

"ALIVE!" agresibo niyang sagot. "I feel like I'm a saddist. Dr. Smith please help me. I feel like—"

Isang katok ang nagpabalik sa kanyang urirat, natigil ang pagbalik niya sa nakaraan. Mga gunita na pilit niyang kinakalimutan sa ala-ala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status