LIKE 👍
Walang patid sa pagluha si Serena habang binabasa ang mga kundisyon na hinabilin ng kanyang ama. “A-akala ko talaga h-hindi na sumagi sa isip ni daddy na buhay pa ako. A-akala ko tuluyan na siyang naniwala na patay na ako… akala ko kinalimutan na niya ako, p-pero hindi pala.” Nasa harapan ni Serena ngayon ang mga papeles kung sa’n nakalagay ang kundisyon na binigay nito sa mag inang Stacey at Stella. Nasa kanya pa rin mapupunta ang kumpanya kung sakaling buhay siya. Kaya madali niyang naibenta ang kumpanya kay Axel at nilipat lahat ng assets sa private account niya na ginawa ni Axel para sa kanya. Walang naiwan maski piso na maaring mapunta sa mag ina. Lahat ng iyon ay pinaliwanag ni Axel bago pa sila makipagkita sa dalawa. Sa tulong ng binata ay madali niyang naibenta ang kumpanya at naisakatuparan ang lahat ng gano’n kabilis lamang. Nakapagtataka lang dahil mukhang hindi nabahala ang mag ina kundi naging kampante pa na mapupunta sa kanila ang lahat. Nang makita ni Serena ang pag
“Iha, bakit naman magkahiwalay pa kayo ng kwarto ni Axel? Ilang buwan nalang naman ay ikakasal na kayong dalawa? Hindi pa ba kayo pwedeng magloving-loving na kayo agad para magkaapo na ako?” Inabutan si Serena ng isang baso ng tubig ni Apol ng mabulunan ito. “Mommy.” Suway ni Axel sa ina, kahit ang totoo ay iyon din naman ang gusto ng binata. Pero dahil mahal niya si Serena ay hindi niya ito pwedeng pilitin at biglain. “E-eh kasi po, Tita… h-hindi pa po kami kasal ni Axel. Napag usapan na po namin ito, magsasama po kami sa iisang kwarto kapag kasal na po kaming dalawa.” Sagot ni Serena. Kahit may nangyari na sa kanila ang totoo ay naiilang pa rin siya na makasama si Axel sa iisang kwarto. Kaya nga kapag nauuna siyang gumising ay nagbibihis siya agad at bumabalik sa kwarto niya. Tumango si Apol. “Sabagay, iha, tama ka. Pasensyahan mo na ako at atat lang ako na magkaroon ng mga apo…“ bumubungisngis pa na wika ng ginang. “Siya nga pala. Kailan gaganapin ang official engagement pa
Hindi mapigilan ni Serena ang mapangiti habang magkahawak kamay silang dalawa ni Axel na naglalakad palabas ng gusali. Hindi naman ito ang unang beses na lumabas ang dalawa ng building ng magkasama at maghawak ng kamay ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga empleyado na mamangha sa sa dalawa, lalo na sa binatang amo. Malaki na ang pinagbago nito simula ng magkaro’n ng nobya. “Grabe, sikat ka ba, Axel?” kumunot ang noo ni Axel sa tanong ni Serena. “Eh, kasi naman, halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sayo. Daig mo pa ang artista.” aniya sabay mahinang tawa. Nahigit ng dalaga ang paghinga ng bigla siyang hilahin ng binata. “Mga tingin lang ng mga babae ang napapansin mo. Pero ang tingin ng mga kalalakihan sayo hindi mo napupuna?” umasim ang mukha ni Axel. “Tsk. kulang nalang ay agawin ka nila sa akin.” Sinupil ni Serena ang ngiti sa labi. Hindi niya maiwasan na makadama ng kilig kapag ganitong nagseselos si Axel. Nang mapansin naman ng binata ang nagpipigil na ngiti ng dalaga ay l
“Ma’am, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi pwede ang gusto ninyong mangyari? Hindi ito palengke na maaaring ibalik ang mga luxury item na gusto niyo.” “Bakit hindi pwedeng ibalik? Tatlong araw palang simula ng i-avail namin sa store ninyo ang mga luxury item na ito! Hindi biro ang halaga nito kaya hindi kami papayag na hindi niyo ito tanggapin!” Galit na giit ni Stella. “M-mommy,” hinawakan ni Stacey ang ina upang awatin. Alam ni Stacey na hindi pwede ang gusto ng ina subalit desperada na ito, umaasa na baka maibalik ang mga luxury item na kanilang inutang. “Bitiwan mo ako, Stacey!” Asik ni Stella sa anak. “Pero, mommy—“ “Makinig ka,” madiin na hinawakan ni Stella ang balikat ni Stacey, “kailangan nating ibalik ang mga ito para mabawasan ang mga utang natin. Hindi natin kayang bayaran ito dahil wala na tayong natitirang pera pambayad sa mga ito. Hindi tayo pwedeng makulong anak! Hindi pwede dahil aalamin pa natin kung bakit nangyari sa atin ito.” Sumingasing ang
Awang-awa na niyakap ni Stella ang anak. Sa harapan ng Store ay mukha silang kaawa-awang dalawa. “Ahhhh!!!” Malakas na tili ni Stacey ng biglang may sumampal sa kanya at may humatak sa kanyang buhok. Agad naman na umawat si Stella upang ipagtanggol ang anak. “Walanghiya kayong dalawa! Sa’n niyo dinala ang anak ko! Ilabas niyo siya!” Galit na galit ang ina ni Joem habang nakatingin sa dalawa. “Mga walanghiya kayo ilabas ninyo ang anak ko! Ilabas niyo siya!” “Bitiwan mo ang anak ko! Wag mong isisisi sa kanya ang pagkawala ng anak mo! Wala kinalaman ang anak ko kung nawawala man siya ngayon!” Maang-maangan ni Stella na ngayon ay nakaharang na sa anak. “Mga sinungaling! Nawala ang anak ko ng malaman niyang buhay si Serena at magtangka siyang sabihin kay Baxia ang totoo!” Dinuro ng ginang si Stacey na umiiyak, puno ng galit ang mga mata ng ina ni Joem para kay Stacey, inakala nito na mabuti itong tao dahil iyon ang pinakita nito, ngunit nagkamali sila! Dahil nang panoorin ng ginan
Nanlaki ang mata ni Stella nang makita si Jodi kasama si Baxia. "Walanghiya kang babae ka, pinagmukha mo kaming tanga! Pinalabas mong patay na si Baxia!" Galit na paninisi ni Stella sa babae. Lahat ng kamalasang nangyari sa kanilang mag ina ay naalala bigla ng ginang. “Magbabayad kang matanda ka!” Galit na bumaling si Stacey sa ina. “Mommy, kailangan nating makuha si daddy! Magagamit natin siya para makaganti kay Serena at makakuha ng malaking pera. Pagkakataon na natin ito para makabawi sa mga nawala sa atin!” “Tama ka, Stacey!” Samantala, napaatras si Jodi ng makita ang dalawang babaeng palapit sa kanila. “H-hindi… S-Stella… S-Stacey…” “J-J-Jodi… i-iwan mo na ako at tumakas ka na. S-sige na i-iligtas mo na ang iyong sarili…” hirap na hirap na wika ni Baxia. Hindi maatim ng ama ni Serena na madamay ang babae. Sapat nang nalaman niya ang kasamaan nina Stella at Stacey at niligtas siya nito. Pero hindi niya gusto na madamay pa ito ngayon. Matigas na umiling si Jodi, pilit na
“Mga walanghiya kayo… ubod kayo ng sama.” Nanginginig sa galit si Serena, nagdidilim ang kanyang paningin ngayon habang nakatingin sa mag-ina na siyang dahilan ng kanyang paghihirap at takot… iisa lamang ang nasa isip niya ngayon, iyon ay makaganti sa mga ito. Kumilos naman sina Charlotte at Alena, kinuha nila ang ama ni Serena na lumuluhang nakatingin sa anak. Kanila ding kinuha si Jodi upang madala sa doktor ng hospital. “S-S-Serena…” hirap na tawag ni Baxia sa anak. Gustong yakapin ng ginoo ang kanyang anak, nagpapasalamat siya na nakita niya itong muli ng ligtas… sa kabilang bansa ay naiintindihan ng ama ng dalaga na kailangan niyang maalis sa lugar dahil siya ay magiging pabigat lamang, kailangan din madala ni Jodi sa doktor upang maampat ang pagdurugo ng sugat nito. “H-hindi kami natatakot sa inyong dalawa!” Pilit na nagpakatatag si Stella, nilabas niya ang kutsilyo na dala at itinutok ng salit-salitan sa dalawa. Kung hindi nila madadala si Baxia at hindi sila makakakuha ng p
Napasinghap si Stella sa labis na takot, maging si Stacey ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa ina ni Axel. Wala silang mabakas na takot sa mukha ng ginang habang may hawak itong baril. Halos mapugto ang hininga ni Stella ng patamaan ni Apol ang gilid ng kanyang paa. Asentado ang babae, sakto ang pagtama ng bala nito sa mismong paanan ni Stella. Ang paraan ng paghawak ng babae ng baril ay parang bihasa. “M-maawa ka, Mrs. Helger… h-hindi na kami lalaban. N-nakikiusap kami, wag niyo kaming sasaktan.” Pagmamakaawa ni Stella sa kanilang buhay. Alam ng ginang ang ganitong klase ng tingin. Ang klase ng babaeng kaharap ay hindi marunong umatras sa mga sinabi. Ngumiti si Apol, subalit ang kilabot ang hatid niyon kay Stella, nakakatakot at nagbabanta. “Hindi ka sa akin dapat makiusap, Stella, kundi kay Serena. Pero sa palagay ko ay hindi siya madadala ngayon sa pakiusap… kasalanan ninyo, masyado kayong naging gahaman at sakim.“ Rinig sa buong pasilyo ang malakas na tili ni Stacey ha