LIKE 👍
Nang ibaba si Serena ni Axel ay agad na tumakbo ang dalaga at yumakap sa ama. “Daddy!” Hindi ng dalaga mapigilan ang humagulgol habang yakap ito. Lahat ng masakit, nakakatakot at nakakagalit na pinagdaanan nilang mag ama sa kamay nila Stella at Stacey ay tapos na… hindi na sila masasaktan ng dalawa. Sumenyas si Apol sa anak, kina Charlotte at Alena upang bigyan ng oras na magkasarilinan ang mag ama. “S-S-Serena… a-anak…” maging si Baxia ay walang patid ang pagluha. Napakasaya niya na muli niyang nakita ang kanyang anak. “N-napakasaya kong malaman na b-buhay ka, anak. W-walang araw na hindi kita inisip, w-walang araw na hindi ako nangulila sa’yo… p-patwarin mo ako, anak, w-wala akong kakayahan na hanapin ka… p-patawad dahil isang inutil ang iyong ama.” “Daddy, wag kang magsalita nang ganyan. Nalaman ko kay Tito Norly na hindi ka pala sumuko na ipahanap ako,” tukoy ni Serena sa kaibigang doktor ng ama, “maraming salamat, dad. Akala ko talaga ay kinalimutan mo na ako… a-akala ko po
Nilapag ni Serena ang mga prutas na dala niya sa bedside table. Narito sila ngayon sa hospital para bisitahin si nurse Jodi. sobra ang pasasalamat niya sa babae dahil sa pagliligtas nito sa buhay ng kanyang ama. Kung hindi dahil dito ay baka tuluyan ng nawala ang daddy niya. “Maraming salamat talaga nurse, Jodi. kung hindi dahil sa pagliligtas mo kay daddy ay baka hindi ko na siya kasama ngayon.” Hinawakan ni Serena ang kamay ng may edad na babae. Noon pa man ay napansin na nang dalaga ang kabutihang loob nito. Kaya nga may tiwala siya noon sa tuwing iiwan niya ito sa daddy niya. “Naku, ma’am Serena, hindi niyo kailangan magpasalamat sa akin.” ngumiti ang matanda. “Hindi lang siguro natatandaan ng iyong ama. Noong panahon na kakagraduate ko lang. Wala pa kaming pera ng nanay ko dahil scholar lang naman ako. Nagkasakit ang tatlo kong kapatid. Wala kaming pera pampagamot… si Sir Baxia ang tumulong sa amin kaya naipagamot ang mga kapatid ko.” ngumiti si Jodi ng maalala ang mga panahon
“Ito ang bagay kay Serena! Mas maganda at mas sexy ang dating!” “No, Apol. this is more elegant and sofisticated more than that.” giit naman ni Alena. Parehong napailing nalang sina Charlotte at Serena sa pagtatalo ng dalawa. Ang gusto ni Apol ay seksing klase ng wedding dress. Samantalang ang gusto naman ni Alena ay conservative style. “Tumigil na nga kayong dalawa. Kung kumilos kayo ay para parin kayong mga bata.” napapapailing na suway ni Charlotte sa dalawa. “Bakit hindi niyo hayaan na si Serena ang pumili ng wedding dress na gusto niya. Siya itong ikakasal kaya siya ang papiliin niyo kung ano ang gusto niyang isuot.” Natigilan ang magkapatid ay mabilis na kumapit sa magkabilang bisig ng dalaga. “Pasensya ka na sa amin, Serena, ha. Excited lang naman kami kasi ikaw ang kauna-unahang babae na papasok sa pamilya namin.” nahihiyang paliwanag ni Alena. “Siya nga naman, iha. Pasensyahan mo na kaming matatanda dahil masaya lang talaga kami. Bweno, anong disenyo ang gusto mo? Sabihi
“Anak, mukhang nabigla yata si Serena sa nalaman niya. Tingnan mo naman hanggang ngayon ay wala pa siyang malay. Aba, apat na oras na siyang tulog. Pero maganda na rin siguro ang nangyari para malaman niya ang tungkol sa tunay na negosyo ng ating pamilya. Hindi naman natin ito malilihim sa kanya.” Bumuntong-hininga si Axel. Tama ang kanyang ina. Hindi niya maitatago ito habang buhay sa dalaga. “Ano ang plano mo, anak? Paano kung hindi ka niya matanggap?” tanong ni Apol na may pag aalala kay Axel. “Oo nga at sinabi sayo ni Serena na kaya niyang tanggapin kung isa ka ngang Mafia. Pero tandaan mo na iba ang sinabi lang sa realidad, hindi natin siya pwedeng pilitin na tanggapin tayo.” “Ano pa nga ba ang dapat gawin ng isang Helger? Eh di idaan sa sapilitan si Serena.” singit ni Xian na kadarating lang. Napangiwi ito sa sakit ng kurutin ni Apol sa tiyan. “Aray ko naman, mommy!” “Ayan!
Hindi mabilang ni Apol kung ilang beses siyang humingi ng pasensya sa anak na si Axel. Niyaya ng ginang na magshopping si Serena para kahit papa’no ay makatulong siya na mabawasan ang dinadala nito. Hindi naman akalain ni Apol na tatakas ang dalaga. Nakita nila sa CCTV na sinadya nitong umalis at tumakas. Alam ng ginang na napakasakit nito kay Axel subalit hindi niya magawang magalit sa dalaga. “Fvck! Hanapin niyo si Serena ngayon din at ibalik sa akin!” utos ni Axel sa anim na nagsisilbing lider sa kanyang mga tauhan. Narito sila ngayon sa underground nila sa Villa. Halos mamuti ang kamao ng binata sa diin ng pagkakakuyom nito. Hindi matanggap ni Axel na pinili ni Serena n takasan siya kaysa ang kausapin siya. Naghahalo ang galit, sakit at hinanakit niya sa dalaga. “Opo, boss!” sagot ng kanilang mga tauhan. Samantalang nanatili naman kalmado si Xerxes habang nakadekwatro ng upo. Hindi makitaan ng pag-aalala ang ama ni Axel. Kung anuman ang desisyon ng kanyang anak ay wala siyang
Tila umakyat ang dugo ni Axel sa ulo sa galit ng makita ang pagbagsak ni Serena sa lupa. Agad na binunot ng binata ang baril sa tagiliran at pinaulanan nang bala ang mga lalaki na palapit sa pwesto ng dalaga. "Kill all those bastards! Wag kayong magtitira ng buhay!" "Yes, boss!" tugon ng mga tauhan ng binata. Batid nila na galit na galit ang kanilang amo. Lahat ng binaril nito ay puro sa ulo ang tama. "Lipunin silang lahat! Wag hayaan na may makatakas!" utos ng nagsilbing lider sa tauhan sa mga ito. Nang makalapit si Axel kay Serena ay agad niya itong binuhat. "Thanks god." nakahinga ng maluwag ang binata ng makita na wala itong tama ng baril. Pampatulog lang ang tumama sa katawan ni Serena. Mukhang ang pakay ng mga ito ay kidnapin ng buhay si Serena upang gawing hostage laban sa kanya. "Mabuti naman at ligtas si Serena, anak." ani Apol habang pinupunasan ang mukha ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "Mabuti nalang at sakto ang pagdating namin bago pa siya m
Panay ang buntong-hininga ni Serena habang nakatayo sa harapan ng tapat ng kwarto ng daddy niya. Ayaw niya maglihim sa daddy niya bago siya ikasal. Gusto niyang sabihin dito ang lahat tungkol sa lalaking mahal niya. Paika-ika na lumapit si nurse Jodi sa kanya. “Kayo pala, ma’am Serena. Tamang-tama kanina ka pa hinihintay ng daddy mo. Pumasok ka na sa loob.” Natigilan ito ng mapansin na namumutla ang dalaga. “Ayos ka lang, ma’am Serena.” Humawak si Serena sa pisngi. “A-ah, opo, ayos lang ako. Sige papasok na po ako sa loob.” Bago pumasok ay nilingon muna niya si Axel na nasa tabi niya. “Axel, ako muna ang kakausap kay daddy, ha. Hintayin mo muna ako dito.” Kahit kinakabahan ay ngumiti siya ng pilit kay Axel. Kailangan niyang hindi magpakita ng takot sa nobyo. Kaya niya ‘to! Nang makapasok si Serena ay nakita niya na nakatingin sa labas ng bintana ang daddy niya. Nasa mansion na ulit ang kanyang ama. Gusto sana niya na makasama ito sa Villa kasama si Axel pero pinili ng daddy n
Panay ang buga ng hangin ni Axel habang nakatayo at naghihintay sa tapat ng altar. Kanina pa kinakabahan ang binata habang hinihintay si Serena na dumating. Binata? Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Soon, he will be Serena’s husband. Hindi na siya binata—magiging asawa na siya ng babaenh hindi niya inakala na mamahalin niya ng sobra. Hindi mapigilang magbiro ni Xian, ang tumatayong best man sa kasal. “Relax, Axel. Stand straight. Wag mo ipahalatang mawawalan ka na nang malay.” Anito na ikinatawa ng mga kapatid at pinsan nito. Tumingala si Axel at muling bumuga ng hangin. He couldn't imagine himself getting nervous like this on the day of their wedding. Totoo nga ang sinabi ng daddy niya na lahat ng kaba ay mararamdaman mo sa oras na ikasal ka sa babaeng pinakamamahal niya. Bumukas ang tarangkahan ng simbahan. Nang makita ni Axel si Serena na naglalakad palapit sa kanyang kinatatayuan ay hindi mapigilan ng binata ang mapasinghap. Serena is gorgeous in her wedding dress. Nagta
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
“You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
“Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin