LIKE 👍
Tila umakyat ang dugo ni Axel sa ulo sa galit ng makita ang pagbagsak ni Serena sa lupa. Agad na binunot ng binata ang baril sa tagiliran at pinaulanan nang bala ang mga lalaki na palapit sa pwesto ng dalaga. "Kill all those bastards! Wag kayong magtitira ng buhay!" "Yes, boss!" tugon ng mga tauhan ng binata. Batid nila na galit na galit ang kanilang amo. Lahat ng binaril nito ay puro sa ulo ang tama. "Lipunin silang lahat! Wag hayaan na may makatakas!" utos ng nagsilbing lider sa tauhan sa mga ito. Nang makalapit si Axel kay Serena ay agad niya itong binuhat. "Thanks god." nakahinga ng maluwag ang binata ng makita na wala itong tama ng baril. Pampatulog lang ang tumama sa katawan ni Serena. Mukhang ang pakay ng mga ito ay kidnapin ng buhay si Serena upang gawing hostage laban sa kanya. "Mabuti naman at ligtas si Serena, anak." ani Apol habang pinupunasan ang mukha ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "Mabuti nalang at sakto ang pagdating namin bago pa siya m
Panay ang buntong-hininga ni Serena habang nakatayo sa harapan ng tapat ng kwarto ng daddy niya. Ayaw niya maglihim sa daddy niya bago siya ikasal. Gusto niyang sabihin dito ang lahat tungkol sa lalaking mahal niya. Paika-ika na lumapit si nurse Jodi sa kanya. “Kayo pala, ma’am Serena. Tamang-tama kanina ka pa hinihintay ng daddy mo. Pumasok ka na sa loob.” Natigilan ito ng mapansin na namumutla ang dalaga. “Ayos ka lang, ma’am Serena.” Humawak si Serena sa pisngi. “A-ah, opo, ayos lang ako. Sige papasok na po ako sa loob.” Bago pumasok ay nilingon muna niya si Axel na nasa tabi niya. “Axel, ako muna ang kakausap kay daddy, ha. Hintayin mo muna ako dito.” Kahit kinakabahan ay ngumiti siya ng pilit kay Axel. Kailangan niyang hindi magpakita ng takot sa nobyo. Kaya niya ‘to! Nang makapasok si Serena ay nakita niya na nakatingin sa labas ng bintana ang daddy niya. Nasa mansion na ulit ang kanyang ama. Gusto sana niya na makasama ito sa Villa kasama si Axel pero pinili ng daddy n
Panay ang buga ng hangin ni Axel habang nakatayo at naghihintay sa tapat ng altar. Kanina pa kinakabahan ang binata habang hinihintay si Serena na dumating. Binata? Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Soon, he will be Serena’s husband. Hindi na siya binata—magiging asawa na siya ng babaenh hindi niya inakala na mamahalin niya ng sobra. Hindi mapigilang magbiro ni Xian, ang tumatayong best man sa kasal. “Relax, Axel. Stand straight. Wag mo ipahalatang mawawalan ka na nang malay.” Anito na ikinatawa ng mga kapatid at pinsan nito. Tumingala si Axel at muling bumuga ng hangin. He couldn't imagine himself getting nervous like this on the day of their wedding. Totoo nga ang sinabi ng daddy niya na lahat ng kaba ay mararamdaman mo sa oras na ikasal ka sa babaeng pinakamamahal niya. Bumukas ang tarangkahan ng simbahan. Nang makita ni Axel si Serena na naglalakad palapit sa kanyang kinatatayuan ay hindi mapigilan ng binata ang mapasinghap. Serena is gorgeous in her wedding dress. Nagta
Takot na takot ang mga tao, walang naglakas-loob na gumalaw sa takot na maputukan silang lahat ng bala sa katawan. "Dalian niyo! Kailangan natin na mahanap agad ang pinapahanap ni boss, kundi ay patay tayong lahat!" Malakas na utos ng lalaki sa mga kasama. Agad naman na nagsikilos ang mga kasama nito. "M-Maawa kayo... w-wag niyo kaming sasaktan." Nanginginig na pakiusap ng may edad na tindero sa lalaking armado. Napasinghap ang lahat sa takot ng biglang dumating si Axel, napadilim ng mukha nito habang nililibot ang mga mata sa paligid. Naghatid ng takot sa mga taong naroon ang madilim na araw ng lalaki sa lahat, kaya ang lahat ng mga tindera at tindero sa palengke ay nag iwas ng tingin sa takot na mapahamak sa kamay ng lalaki na bagong dating. "Nahanap niyo na ba ang pinapahanap ko?" Nang umiling ang lahat ng kanyang tauhan ay dumilim ang mukha ni Axel. "Damn it! Ano pa ang hinihintay niyo? Maghanap na kayo ng isda na dalawa anh ulo! Kapag umiiyak ang asawa ko ay pasasabugin
Dear mga readers! Maraming salamat nga po pala sa mga sumuporta sa mga stories nina… Xerxes & Apol🖤 Kairo & Alena🖤 Johnson & Charlotte🖤 Axel & Serena🖤 Ang dami po palang naka-abang sa stories na ‘to. Dahil di’yan ay hindi ako magsasawa na dugtungan ito at magbigay ng iba’t ibang klase ng “Love Story” sa susunod pang chapters. Yun nga lang po pasensya na po kayo if slow update po muna siya. Maraming salamat sa mga GEMS 💎 givers, dumarami na pala kayo! Marami din salamat sa mga “RATES” ninyo! Talagang nakakataba ng puso! Wag po kayo magulat kung paminsan-minsan ay isisingit ko sina Apol, Alena, Charlotte at Serena. Na-mimiss ko kasi ang ating nakaraang bida🥰 Salamat sa suporta✨♥️ Up next‼️ Abangan ang ‘Love Story’ nila Adius Han at Skye Malason. Ating subaybayan kung paano nila matututunan na mahalin ang isa’t isa. Pwede niyo pong basahin ang bago kong story. Ito po ang title niya: SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY: Hindi po kayo mabibitin sa story na ‘t
“SKYE! Lumabas ka diyan babae ka! Walang hiya kang scammer ka! Napakasinungaling mo! Nakakasampong bili na ako sayo pero hanggang ngayon ay hindi naman tumatalab ang gel na binibenta mo! Nasaan ka na, lumabas ka ri’yang babae ka!” Dahan-dahan na gumapang si Skye papunta sa pintuan sa likuran ng kanilang bahay. Scammer agad? Grabe naman itong si Aling Anita. Kaya siguro hindi tumalab ang binibenta niya dahil masyadong maliit ang ‘arí’ ng asawa nito. Sinabi na nga niya na ‘napakaliit ng chance’ na tumalab ito. Tapos ngayon nagrereklamo ito. “Skye!!!” Naku po! Nalagot na! Nagmamadali siyang tumakbo ng habulin siya ng matanda ng tungkod. Oo, matanda na si Aling Anita. Nasa mga singkwenta na ang edad. Tapos ang asawa ay kasing edad lang niya—bente dos. Siya pa ang sinisi. Paano titigasan ang asawa niya eh amoy lupa na siya. “Manong, bayad po!” Ani niya sabay abot ng bayad sa tricycle driver. “Keep the change po!” Aniya bago ito tinalikuran. “Keep the change! Eh piso lang n
NAPAAWANG ang labi nila pareho ni Jolina ng ihinto sila ng driver sa labas ng isang gusali na sa tingin nila ay nasa sampong palapag. Ngayon lang siya nakakita ng bar na ganito kataas at kasosyal. Kaya naman pala hindi sila basta pinapasok sa gate kanina. Mabuti nalang at kakilala ni Wamos ang manager sa bar na ito kaya naman pinapasok sila ng guard pagkatapos itong tawagan. “Sigurado ka ba na okay lang na magtinda tayo dito? Baka naman mapalayas tayo dito dahil mukha tayong mumurahing p0k-p0k sa bar ni Aling Osang.” Sinipat ni Jolina ang suot nilang dalawa. Pareho silang naka-pèkpèk short kung tawagin, hanging blouse na hindi umabot sa kanilang pusod ang pang itaas nila. Buhaghag ang buhok ni Jolina dahil sa walang kakatigil sa pagkulay at pagbleach ng buhok. Samantalang ang buhok niya ay mahaba ngunit pino ang pagkakakulot. Kaya tinali niya ito ng pataas. Napangiwi din ito sa itsura nilang dalawa. “Akala ko ba gusto mong maubos ang paninda natin? Kiber ba nila kung ganito ang
Hingal na hingal sila ni Jolina bago nakalabas ng exclusive property na pinanggalingan nila. "Ano kaya 'yung narinig natin. Sa tingin mo may namatay do'n?" Tanong nito ng naglalakad sila papunta sa sakayan ng tricycle. "Aba, malay ko. Pero baka nga." Sabay bawi niya ng maalala ang mukha ng lalaking nakita niya kanina. Hindi yata ito basta masungit lang na tao. Mukhang may sa diyablo yata ito. Ang sama kung makatingin. Nakakatakot. Ang laking tao pa naman. "Hoy, Skye! Naririnig mo ba ako? Ang sabi ko kung ibebenta ba natin ito bukas ulit do'n." "Nababaliw ka na ba? Bakit doon pa kung pwede naman sa iba? Saka baka mamaya ay hindi lang sa loob magkaroon ng patukan. Paano kung madamay tayo kapag nagkagulo do'n? Alam mo naman na hindi ako pwedeng madamay. Ayoko pang mamatay noh." Napatango ito. "Sabagay. Siya nga pala, wag mong kalimutan na pumunta dito bukas bago mag alas siyete ng gabi. Kailangan daw handa tayo bago umalis dahil hindi simpleng raket lang ang gagawin natin." Nang