LIKE 👍
“Mga walanghiya kayo… ubod kayo ng sama.” Nanginginig sa galit si Serena, nagdidilim ang kanyang paningin ngayon habang nakatingin sa mag-ina na siyang dahilan ng kanyang paghihirap at takot… iisa lamang ang nasa isip niya ngayon, iyon ay makaganti sa mga ito. Kumilos naman sina Charlotte at Alena, kinuha nila ang ama ni Serena na lumuluhang nakatingin sa anak. Kanila ding kinuha si Jodi upang madala sa doktor ng hospital. “S-S-Serena…” hirap na tawag ni Baxia sa anak. Gustong yakapin ng ginoo ang kanyang anak, nagpapasalamat siya na nakita niya itong muli ng ligtas… sa kabilang bansa ay naiintindihan ng ama ng dalaga na kailangan niyang maalis sa lugar dahil siya ay magiging pabigat lamang, kailangan din madala ni Jodi sa doktor upang maampat ang pagdurugo ng sugat nito. “H-hindi kami natatakot sa inyong dalawa!” Pilit na nagpakatatag si Stella, nilabas niya ang kutsilyo na dala at itinutok ng salit-salitan sa dalawa. Kung hindi nila madadala si Baxia at hindi sila makakakuha ng p
Napasinghap si Stella sa labis na takot, maging si Stacey ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa ina ni Axel. Wala silang mabakas na takot sa mukha ng ginang habang may hawak itong baril. Halos mapugto ang hininga ni Stella ng patamaan ni Apol ang gilid ng kanyang paa. Asentado ang babae, sakto ang pagtama ng bala nito sa mismong paanan ni Stella. Ang paraan ng paghawak ng babae ng baril ay parang bihasa. “M-maawa ka, Mrs. Helger… h-hindi na kami lalaban. N-nakikiusap kami, wag niyo kaming sasaktan.” Pagmamakaawa ni Stella sa kanilang buhay. Alam ng ginang ang ganitong klase ng tingin. Ang klase ng babaeng kaharap ay hindi marunong umatras sa mga sinabi. Ngumiti si Apol, subalit ang kilabot ang hatid niyon kay Stella, nakakatakot at nagbabanta. “Hindi ka sa akin dapat makiusap, Stella, kundi kay Serena. Pero sa palagay ko ay hindi siya madadala ngayon sa pakiusap… kasalanan ninyo, masyado kayong naging gahaman at sakim.“ Rinig sa buong pasilyo ang malakas na tili ni Stacey ha
Nang ibaba si Serena ni Axel ay agad na tumakbo ang dalaga at yumakap sa ama. “Daddy!” Hindi ng dalaga mapigilan ang humagulgol habang yakap ito. Lahat ng masakit, nakakatakot at nakakagalit na pinagdaanan nilang mag ama sa kamay nila Stella at Stacey ay tapos na… hindi na sila masasaktan ng dalawa. Sumenyas si Apol sa anak, kina Charlotte at Alena upang bigyan ng oras na magkasarilinan ang mag ama. “S-S-Serena… a-anak…” maging si Baxia ay walang patid ang pagluha. Napakasaya niya na muli niyang nakita ang kanyang anak. “N-napakasaya kong malaman na b-buhay ka, anak. W-walang araw na hindi kita inisip, w-walang araw na hindi ako nangulila sa’yo… p-patwarin mo ako, anak, w-wala akong kakayahan na hanapin ka… p-patawad dahil isang inutil ang iyong ama.” “Daddy, wag kang magsalita nang ganyan. Nalaman ko kay Tito Norly na hindi ka pala sumuko na ipahanap ako,” tukoy ni Serena sa kaibigang doktor ng ama, “maraming salamat, dad. Akala ko talaga ay kinalimutan mo na ako… a-akala ko po
Nilapag ni Serena ang mga prutas na dala niya sa bedside table. Narito sila ngayon sa hospital para bisitahin si nurse Jodi. sobra ang pasasalamat niya sa babae dahil sa pagliligtas nito sa buhay ng kanyang ama. Kung hindi dahil dito ay baka tuluyan ng nawala ang daddy niya. “Maraming salamat talaga nurse, Jodi. kung hindi dahil sa pagliligtas mo kay daddy ay baka hindi ko na siya kasama ngayon.” Hinawakan ni Serena ang kamay ng may edad na babae. Noon pa man ay napansin na nang dalaga ang kabutihang loob nito. Kaya nga may tiwala siya noon sa tuwing iiwan niya ito sa daddy niya. “Naku, ma’am Serena, hindi niyo kailangan magpasalamat sa akin.” ngumiti ang matanda. “Hindi lang siguro natatandaan ng iyong ama. Noong panahon na kakagraduate ko lang. Wala pa kaming pera ng nanay ko dahil scholar lang naman ako. Nagkasakit ang tatlo kong kapatid. Wala kaming pera pampagamot… si Sir Baxia ang tumulong sa amin kaya naipagamot ang mga kapatid ko.” ngumiti si Jodi ng maalala ang mga panahon
“Ito ang bagay kay Serena! Mas maganda at mas sexy ang dating!” “No, Apol. this is more elegant and sofisticated more than that.” giit naman ni Alena. Parehong napailing nalang sina Charlotte at Serena sa pagtatalo ng dalawa. Ang gusto ni Apol ay seksing klase ng wedding dress. Samantalang ang gusto naman ni Alena ay conservative style. “Tumigil na nga kayong dalawa. Kung kumilos kayo ay para parin kayong mga bata.” napapapailing na suway ni Charlotte sa dalawa. “Bakit hindi niyo hayaan na si Serena ang pumili ng wedding dress na gusto niya. Siya itong ikakasal kaya siya ang papiliin niyo kung ano ang gusto niyang isuot.” Natigilan ang magkapatid ay mabilis na kumapit sa magkabilang bisig ng dalaga. “Pasensya ka na sa amin, Serena, ha. Excited lang naman kami kasi ikaw ang kauna-unahang babae na papasok sa pamilya namin.” nahihiyang paliwanag ni Alena. “Siya nga naman, iha. Pasensyahan mo na kaming matatanda dahil masaya lang talaga kami. Bweno, anong disenyo ang gusto mo? Sabihi
“Anak, mukhang nabigla yata si Serena sa nalaman niya. Tingnan mo naman hanggang ngayon ay wala pa siyang malay. Aba, apat na oras na siyang tulog. Pero maganda na rin siguro ang nangyari para malaman niya ang tungkol sa tunay na negosyo ng ating pamilya. Hindi naman natin ito malilihim sa kanya.” Bumuntong-hininga si Axel. Tama ang kanyang ina. Hindi niya maitatago ito habang buhay sa dalaga. “Ano ang plano mo, anak? Paano kung hindi ka niya matanggap?” tanong ni Apol na may pag aalala kay Axel. “Oo nga at sinabi sayo ni Serena na kaya niyang tanggapin kung isa ka ngang Mafia. Pero tandaan mo na iba ang sinabi lang sa realidad, hindi natin siya pwedeng pilitin na tanggapin tayo.” “Ano pa nga ba ang dapat gawin ng isang Helger? Eh di idaan sa sapilitan si Serena.” singit ni Xian na kadarating lang. Napangiwi ito sa sakit ng kurutin ni Apol sa tiyan. “Aray ko naman, mommy!” “Ayan!
Hindi mabilang ni Apol kung ilang beses siyang humingi ng pasensya sa anak na si Axel. Niyaya ng ginang na magshopping si Serena para kahit papa’no ay makatulong siya na mabawasan ang dinadala nito. Hindi naman akalain ni Apol na tatakas ang dalaga. Nakita nila sa CCTV na sinadya nitong umalis at tumakas. Alam ng ginang na napakasakit nito kay Axel subalit hindi niya magawang magalit sa dalaga. “Fvck! Hanapin niyo si Serena ngayon din at ibalik sa akin!” utos ni Axel sa anim na nagsisilbing lider sa kanyang mga tauhan. Narito sila ngayon sa underground nila sa Villa. Halos mamuti ang kamao ng binata sa diin ng pagkakakuyom nito. Hindi matanggap ni Axel na pinili ni Serena n takasan siya kaysa ang kausapin siya. Naghahalo ang galit, sakit at hinanakit niya sa dalaga. “Opo, boss!” sagot ng kanilang mga tauhan. Samantalang nanatili naman kalmado si Xerxes habang nakadekwatro ng upo. Hindi makitaan ng pag-aalala ang ama ni Axel. Kung anuman ang desisyon ng kanyang anak ay wala siyang
Tila umakyat ang dugo ni Axel sa ulo sa galit ng makita ang pagbagsak ni Serena sa lupa. Agad na binunot ng binata ang baril sa tagiliran at pinaulanan nang bala ang mga lalaki na palapit sa pwesto ng dalaga. "Kill all those bastards! Wag kayong magtitira ng buhay!" "Yes, boss!" tugon ng mga tauhan ng binata. Batid nila na galit na galit ang kanilang amo. Lahat ng binaril nito ay puro sa ulo ang tama. "Lipunin silang lahat! Wag hayaan na may makatakas!" utos ng nagsilbing lider sa tauhan sa mga ito. Nang makalapit si Axel kay Serena ay agad niya itong binuhat. "Thanks god." nakahinga ng maluwag ang binata ng makita na wala itong tama ng baril. Pampatulog lang ang tumama sa katawan ni Serena. Mukhang ang pakay ng mga ito ay kidnapin ng buhay si Serena upang gawing hostage laban sa kanya. "Mabuti naman at ligtas si Serena, anak." ani Apol habang pinupunasan ang mukha ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "Mabuti nalang at sakto ang pagdating namin bago pa siya m