LIKE 👍 COMMENT💬
Hindi mapigilan ni Serena ang mapangiti habang magkahawak kamay silang dalawa ni Axel na naglalakad palabas ng gusali. Hindi naman ito ang unang beses na lumabas ang dalawa ng building ng magkasama at maghawak ng kamay ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga empleyado na mamangha sa sa dalawa, lalo na sa binatang amo. Malaki na ang pinagbago nito simula ng magkaro’n ng nobya. “Grabe, sikat ka ba, Axel?” kumunot ang noo ni Axel sa tanong ni Serena. “Eh, kasi naman, halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sayo. Daig mo pa ang artista.” aniya sabay mahinang tawa. Nahigit ng dalaga ang paghinga ng bigla siyang hilahin ng binata. “Mga tingin lang ng mga babae ang napapansin mo. Pero ang tingin ng mga kalalakihan sayo hindi mo napupuna?” umasim ang mukha ni Axel. “Tsk. kulang nalang ay agawin ka nila sa akin.” Sinupil ni Serena ang ngiti sa labi. Hindi niya maiwasan na makadama ng kilig kapag ganitong nagseselos si Axel. Nang mapansin naman ng binata ang nagpipigil na ngiti ng dalaga ay l
“Ma’am, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi pwede ang gusto ninyong mangyari? Hindi ito palengke na maaaring ibalik ang mga luxury item na gusto niyo.” “Bakit hindi pwedeng ibalik? Tatlong araw palang simula ng i-avail namin sa store ninyo ang mga luxury item na ito! Hindi biro ang halaga nito kaya hindi kami papayag na hindi niyo ito tanggapin!” Galit na giit ni Stella. “M-mommy,” hinawakan ni Stacey ang ina upang awatin. Alam ni Stacey na hindi pwede ang gusto ng ina subalit desperada na ito, umaasa na baka maibalik ang mga luxury item na kanilang inutang. “Bitiwan mo ako, Stacey!” Asik ni Stella sa anak. “Pero, mommy—“ “Makinig ka,” madiin na hinawakan ni Stella ang balikat ni Stacey, “kailangan nating ibalik ang mga ito para mabawasan ang mga utang natin. Hindi natin kayang bayaran ito dahil wala na tayong natitirang pera pambayad sa mga ito. Hindi tayo pwedeng makulong anak! Hindi pwede dahil aalamin pa natin kung bakit nangyari sa atin ito.” Sumingasing ang
Awang-awa na niyakap ni Stella ang anak. Sa harapan ng Store ay mukha silang kaawa-awang dalawa. “Ahhhh!!!” Malakas na tili ni Stacey ng biglang may sumampal sa kanya at may humatak sa kanyang buhok. Agad naman na umawat si Stella upang ipagtanggol ang anak. “Walanghiya kayong dalawa! Sa’n niyo dinala ang anak ko! Ilabas niyo siya!” Galit na galit ang ina ni Joem habang nakatingin sa dalawa. “Mga walanghiya kayo ilabas ninyo ang anak ko! Ilabas niyo siya!” “Bitiwan mo ang anak ko! Wag mong isisisi sa kanya ang pagkawala ng anak mo! Wala kinalaman ang anak ko kung nawawala man siya ngayon!” Maang-maangan ni Stella na ngayon ay nakaharang na sa anak. “Mga sinungaling! Nawala ang anak ko ng malaman niyang buhay si Serena at magtangka siyang sabihin kay Baxia ang totoo!” Dinuro ng ginang si Stacey na umiiyak, puno ng galit ang mga mata ng ina ni Joem para kay Stacey, inakala nito na mabuti itong tao dahil iyon ang pinakita nito, ngunit nagkamali sila! Dahil nang panoorin ng ginan
Nanlaki ang mata ni Stella nang makita si Jodi kasama si Baxia. "Walanghiya kang babae ka, pinagmukha mo kaming tanga! Pinalabas mong patay na si Baxia!" Galit na paninisi ni Stella sa babae. Lahat ng kamalasang nangyari sa kanilang mag ina ay naalala bigla ng ginang. “Magbabayad kang matanda ka!” Galit na bumaling si Stacey sa ina. “Mommy, kailangan nating makuha si daddy! Magagamit natin siya para makaganti kay Serena at makakuha ng malaking pera. Pagkakataon na natin ito para makabawi sa mga nawala sa atin!” “Tama ka, Stacey!” Samantala, napaatras si Jodi ng makita ang dalawang babaeng palapit sa kanila. “H-hindi… S-Stella… S-Stacey…” “J-J-Jodi… i-iwan mo na ako at tumakas ka na. S-sige na i-iligtas mo na ang iyong sarili…” hirap na hirap na wika ni Baxia. Hindi maatim ng ama ni Serena na madamay ang babae. Sapat nang nalaman niya ang kasamaan nina Stella at Stacey at niligtas siya nito. Pero hindi niya gusto na madamay pa ito ngayon. Matigas na umiling si Jodi, pilit na
“Mga walanghiya kayo… ubod kayo ng sama.” Nanginginig sa galit si Serena, nagdidilim ang kanyang paningin ngayon habang nakatingin sa mag-ina na siyang dahilan ng kanyang paghihirap at takot… iisa lamang ang nasa isip niya ngayon, iyon ay makaganti sa mga ito. Kumilos naman sina Charlotte at Alena, kinuha nila ang ama ni Serena na lumuluhang nakatingin sa anak. Kanila ding kinuha si Jodi upang madala sa doktor ng hospital. “S-S-Serena…” hirap na tawag ni Baxia sa anak. Gustong yakapin ng ginoo ang kanyang anak, nagpapasalamat siya na nakita niya itong muli ng ligtas… sa kabilang bansa ay naiintindihan ng ama ng dalaga na kailangan niyang maalis sa lugar dahil siya ay magiging pabigat lamang, kailangan din madala ni Jodi sa doktor upang maampat ang pagdurugo ng sugat nito. “H-hindi kami natatakot sa inyong dalawa!” Pilit na nagpakatatag si Stella, nilabas niya ang kutsilyo na dala at itinutok ng salit-salitan sa dalawa. Kung hindi nila madadala si Baxia at hindi sila makakakuha ng p
Napasinghap si Stella sa labis na takot, maging si Stacey ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa ina ni Axel. Wala silang mabakas na takot sa mukha ng ginang habang may hawak itong baril. Halos mapugto ang hininga ni Stella ng patamaan ni Apol ang gilid ng kanyang paa. Asentado ang babae, sakto ang pagtama ng bala nito sa mismong paanan ni Stella. Ang paraan ng paghawak ng babae ng baril ay parang bihasa. “M-maawa ka, Mrs. Helger… h-hindi na kami lalaban. N-nakikiusap kami, wag niyo kaming sasaktan.” Pagmamakaawa ni Stella sa kanilang buhay. Alam ng ginang ang ganitong klase ng tingin. Ang klase ng babaeng kaharap ay hindi marunong umatras sa mga sinabi. Ngumiti si Apol, subalit ang kilabot ang hatid niyon kay Stella, nakakatakot at nagbabanta. “Hindi ka sa akin dapat makiusap, Stella, kundi kay Serena. Pero sa palagay ko ay hindi siya madadala ngayon sa pakiusap… kasalanan ninyo, masyado kayong naging gahaman at sakim.“ Rinig sa buong pasilyo ang malakas na tili ni Stacey ha
Nang ibaba si Serena ni Axel ay agad na tumakbo ang dalaga at yumakap sa ama. “Daddy!” Hindi ng dalaga mapigilan ang humagulgol habang yakap ito. Lahat ng masakit, nakakatakot at nakakagalit na pinagdaanan nilang mag ama sa kamay nila Stella at Stacey ay tapos na… hindi na sila masasaktan ng dalawa. Sumenyas si Apol sa anak, kina Charlotte at Alena upang bigyan ng oras na magkasarilinan ang mag ama. “S-S-Serena… a-anak…” maging si Baxia ay walang patid ang pagluha. Napakasaya niya na muli niyang nakita ang kanyang anak. “N-napakasaya kong malaman na b-buhay ka, anak. W-walang araw na hindi kita inisip, w-walang araw na hindi ako nangulila sa’yo… p-patwarin mo ako, anak, w-wala akong kakayahan na hanapin ka… p-patawad dahil isang inutil ang iyong ama.” “Daddy, wag kang magsalita nang ganyan. Nalaman ko kay Tito Norly na hindi ka pala sumuko na ipahanap ako,” tukoy ni Serena sa kaibigang doktor ng ama, “maraming salamat, dad. Akala ko talaga ay kinalimutan mo na ako… a-akala ko po
Nilapag ni Serena ang mga prutas na dala niya sa bedside table. Narito sila ngayon sa hospital para bisitahin si nurse Jodi. sobra ang pasasalamat niya sa babae dahil sa pagliligtas nito sa buhay ng kanyang ama. Kung hindi dahil dito ay baka tuluyan ng nawala ang daddy niya. “Maraming salamat talaga nurse, Jodi. kung hindi dahil sa pagliligtas mo kay daddy ay baka hindi ko na siya kasama ngayon.” Hinawakan ni Serena ang kamay ng may edad na babae. Noon pa man ay napansin na nang dalaga ang kabutihang loob nito. Kaya nga may tiwala siya noon sa tuwing iiwan niya ito sa daddy niya. “Naku, ma’am Serena, hindi niyo kailangan magpasalamat sa akin.” ngumiti ang matanda. “Hindi lang siguro natatandaan ng iyong ama. Noong panahon na kakagraduate ko lang. Wala pa kaming pera ng nanay ko dahil scholar lang naman ako. Nagkasakit ang tatlo kong kapatid. Wala kaming pera pampagamot… si Sir Baxia ang tumulong sa amin kaya naipagamot ang mga kapatid ko.” ngumiti si Jodi ng maalala ang mga panahon