〰️
“Walanghiyang lalaki ‘yon! Napakayabang!” Nanggagalaiting wika ni Joem sabay hampas ng kamay sa manibela. Kanina ng lumabas sila ay sinabi niya rito na babawiin niya si Serena. Totoo ang sinabi niya— babawiin niya ang dalaga. Makikipaghiwalay siya kay Stacey pagkatapos nitong maipanganak ang anak nila. Hinaplos niya ang labi na pumutok sa lakas ng suntok ni Axel Helger. Hindi siya nakaiwas, o nakaganti sa bilis ng kilos nito. “S-Serena!” Parang bata na umiiyak na sinubsob niya ang mukha sa palad. Napakasaya niya na malaman na buhay pa ito. Pero labis din siyang nasasaktan ngayon. Parang dinudurog ang puso niya sa sakit… ang babaeng mahal na mahal niya ay may iba na. Kailangan itong malaman ng ama ni Serena. Kinuha niya ang cellphone at tumawag sa mansion ng mga Torres. “Sir, tulog si Sir Baxia—“ “Pero mahalaga ng sasabihin ko!” Giit ni Joem. “P-Pasensya na talaga, Sir Joem. Pero ang bilin kasi ni Ma’am Stella ay hindi pwedeng gambalain sa pagpapahinga si Sir.” Kumunot ang
“Natatakot ako hindi dahil kay Stacey… kundi sa maaaring malaman ko.” Malungkot na tumingin si Serena sa langit at pumikit. Ayaw niyang umiyak… pero maisip palang niya na tama ang hinala niya ay sobra na siyang nasasaktan. “Serena…” “Mahal na mahal ko si Tita Stella, Axel. Ayokong mag-isip ng hindi maganda tungkol sa kanya. Ayokong isipin na may alam siya sa plano ni Stacey… ayokong isipin na gusto niya akong mawala. K-kasi kahit stepmother ko lang siya, naramdaman ko na mahalaga kami ni daddy sa kanya. Inalagaan niya kami ni daddy ng may pagmamahal… a-ayokong isipin na peke ang lahat ng iyon at nagpapanggap lang siya katulad ni Stacey. N-ngayon palang nasasaktan na ako, Axel. Isipin ko palang na totoo ang hinala ko ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit. Hindi ko kayang tanggapin ‘yon… h-hindi ko kaya.” Awang-awa na yumakap si Axel sa dalaga. Banaag niya ang sakit na nakalarawan sa magandang mukha nito: Ito ang dahilan kaya hindi niya masabi kay Serena ang hinala niya. Dahil
Hindi mapigilan ni Serena ang mapangiti habang tinatanaw palayo ang tatlong ginang. Kaya pala biglang sumulpot ang tatlo dahil napagkamalan siyang buntis. “Axel, ang swerte nila sa love life, noh? Ilang taon na ang lumipas pero mahal pa rin nila ang isa’t isa.” “Wag kang mainggit… mamahalin din naman kita hanggang sa pagtanda natin.” Humalakhak si Axel ng mapansin ang pamumula ng kanyang pisngi. “Hindi mo kailangan maniwala sa ngayon. Balang araw mapapatunayan ko din iyan sayo.” Hindi siya makasagot… mamahalin daw. Ibig sabihin ay hindi lang siya ‘gusto’ ni Axel? Kundi mahal? “M-mamahalin? I-ibig sabihin?” Lumakas ang pagtawa nito kaya napanguso ako. “A-anong nakakatawa? S-sagutin mo nalang kasi ako—“ “Mahal kita, Serena…” Natulala siya at hindi agad nakapagsalita. Bahagya pang napaawang ang labi niya. Si Axel, hindi lang siya gusto kundi mahal siya! “Matutulala ka nalang ba di’yan?” Hinapit nito ang katawan niya lalo palapit sa katawan nito. Dati masungit ang tingin
Walang patid ang palitan nila ng halik ni Axel. Sinubukan niyang sumagap ng hangin subalit ayaw nitong pakawalan ang labi niya. “Serena, binabaliw mo na naman ako,” anas ng binata sabay pasok ng dila sa loob ng kanyang bibig. “Ummp…” ginalugod ng dila nito ang loob ng kanyang bibig… sabik na sabik ito at takam na takam, habang buhat-buhat siya ay humihimas ang isang kamay nito sa kanyang bewang. Ang init ng kamay ni Axel, nadarama niya na pareho silang nasasabik sa isa’t isa. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad siyang hiniga ng binata sa kama ay inibabawan habang inaalis ang suot niyang saplot. Nang tumambad ang dibdib niya sa harapan nito ay tinakpan niya ito gamit ang braso. Pero agad na inalis iyon ng binata. “Hindi mo kailangan itago ‘yan, Serena… napakaganda mo. Lahat sayo ay maganda at nakakatakam.” Puri nito habang malagkit na nakatingin sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay napakaganda niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinupuri ka ng lalaking mahal mo… nakaka
Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng pagdilat niya ay mukha ni Apol ang kanyang nakita. “T-Tita… i-ikaw pala.” Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakasuot na siya ng damit. Mukhang sinuotan siya ni Axel nang makatulog siya. “Ako nga… tumayo ka di’yan, Serena. May ituturo ako sayong sekreto.” Sekreto? Pagkatapos niyang magbihis ay agad silang bumaba ng ginang. Sakto nakasalubong nila si Axel na may dalang tray ng pagkain. “Hindi kami kakain dito sa bahay, Axel. May importante kaming lakad ni Serena. Ikaw na ang kumain niyan. Teka, nasaan nga pala ang daddy mo—hubby!” Kulang nalang ay maghugis-puso ang mata nito ng makita ang asawang si Xerxes. Nagmamadali itong tumakbo. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng magkrus ang paa nito dahilan para mawalan ng balanse at nag-slow motion na mahulog sa hagdan. “Tita Apol!” Alalang tawag niya rito. Tatakbo na sana siya para hablutin ang kamay nito pero masyadong mabilis ang pangyayari—napasinghap siya sa magkah
Parehong napahinto sa paghakbang sina Serena at Apol ng makita ang mag inang sina Stella at Stacey. Kapansin-pansin ang napakaraming paper bags na dala ng mag ina. ‘Wala pa rin silang pinagbago… mahilig pa rin sila magshopping.’ Ngumiti si Serena ng pilit sa dalawa. Ayaw man niyang ngitian ang stepsister niyang impakta ay nakipagplastikan muna siya. “Oh, look who’s here. Kayo pala, Mrs. Torres at… Stacey.” Ngumiti si Apol. “Tamang-tama… kakain kami ni Serena. Gusto niyo bang sumabay sa amin?” ‘Ano? Sasabay sa amin si Stacey?’ Ngayon palang nawalan na siya ng gana. Ang makasabay kumain si Stacey ang pinakagusto niyang magawa simula ng pagtangkaan siya nito. Nang makita ni Apol ang pagkadisgusto sa mukha ng dalaga ay kumapit siya sa braso nito at mahinang bumulong. “Trust me, iha. Gaganahan kang kumain mamaya.” Nagkatinginan sina Stella at Stacey, nasa mukha ang pagkailang. “H-hindi na, Mrs. Helger. Na-nakakahiya naman, makakaabala pa kami sa inyo ni Serena. Pero kung mapili
“Restroom lang ako.” Paalam ni Stacey. Pagdating sa restroom ay sinuri niya ang mukha sa salamin. Kulay papel ito sa pagkaputla sa takot. Duguan at patay? Nakakakilabot na banta… hanggang ngayon ay nagtataasan pa rin ang balahibo niya. “Oh my god!” Napatili ang babae sa gulat ng makita sa repleksyon ng salamin si Serena. Nanlilisik ang mata na bumaling siya rito. “Siniraan mo ba kami kay Mrs. Helger kaya ganito ang trato niya sa amin?” “Siniraan? Come on, Stacey. Wag mo akong igaya sayo. Kung may sasabihin man ako sa kanila, hindi kasinungalingan ‘yon kundi katotohanan.” Nang makita ang namumutlang mukha ng kaharap ay napangiti si Serena. “Bakit parang takot na takot ka… takot ka bang mamatay katulad ng gusto mong mangyari sa akin?” “Huh! May ebidensya ka na sinubukan kitang patayin?” Nang makita ni Stacey na natigilan si Serena ay lumaki ang ngisi nito. “Wala diba? Hangga’t wala kang ebidensya, pwede kong palabasin na pinagbibintangan mo lang ako. Kaya nga hindi mo pa rin
“Ma’am, kinakabahan ako… baka mamaya may makakita sa atin at pagkamalan tayong magnanakaw at ipahuli tayo.” Takot na sabi ni Angge habang nakasunod kay Serena. Hindi maintindihan ng babae kung bakit kailangan na patago sila silang pumasok sa loob ng isang malaking mansion, maging si Rosan ay napapalunok sa kaba na baka may makahuli sa kanila. Huminto sila at sumandal sa pader. Todo hinga ng malalim ang dalawang kasambahay. Ang pinaalam pa naman nila sa kanilang amo ay sasamahan lang nila itong mamili. “Shhh… wag kayong mag-alala dahil hindi nila ipapakulong kahit mahuli nila tayo. Pumunta ako dito dahil may gusto lang akong makita.” Bumuntong-hininga si Serena. Alam niya na nakiusap sa kanya ang stepmother niya na wag munang sabihin sa daddy niya ang totoo. Bukod sa gusto na niya itong makita at makausap. Kinakabahan siya at hindi mapalagay. “Ma’am, paano niyo naman na nasabi na hindi tayo ipapakulong—“ napanganga sina Angge at Rosan ng makita ang malaking family portrait sa ding