May new story po ako. Ito po ang title: SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY. Enjoy reading po✨
Hindi mapigilan ni Serena ang mapangiti habang tinatanaw palayo ang tatlong ginang. Kaya pala biglang sumulpot ang tatlo dahil napagkamalan siyang buntis. “Axel, ang swerte nila sa love life, noh? Ilang taon na ang lumipas pero mahal pa rin nila ang isa’t isa.” “Wag kang mainggit… mamahalin din naman kita hanggang sa pagtanda natin.” Humalakhak si Axel ng mapansin ang pamumula ng kanyang pisngi. “Hindi mo kailangan maniwala sa ngayon. Balang araw mapapatunayan ko din iyan sayo.” Hindi siya makasagot… mamahalin daw. Ibig sabihin ay hindi lang siya ‘gusto’ ni Axel? Kundi mahal? “M-mamahalin? I-ibig sabihin?” Lumakas ang pagtawa nito kaya napanguso ako. “A-anong nakakatawa? S-sagutin mo nalang kasi ako—“ “Mahal kita, Serena…” Natulala siya at hindi agad nakapagsalita. Bahagya pang napaawang ang labi niya. Si Axel, hindi lang siya gusto kundi mahal siya! “Matutulala ka nalang ba di’yan?” Hinapit nito ang katawan niya lalo palapit sa katawan nito. Dati masungit ang tingin
Walang patid ang palitan nila ng halik ni Axel. Sinubukan niyang sumagap ng hangin subalit ayaw nitong pakawalan ang labi niya. “Serena, binabaliw mo na naman ako,” anas ng binata sabay pasok ng dila sa loob ng kanyang bibig. “Ummp…” ginalugod ng dila nito ang loob ng kanyang bibig… sabik na sabik ito at takam na takam, habang buhat-buhat siya ay humihimas ang isang kamay nito sa kanyang bewang. Ang init ng kamay ni Axel, nadarama niya na pareho silang nasasabik sa isa’t isa. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad siyang hiniga ng binata sa kama ay inibabawan habang inaalis ang suot niyang saplot. Nang tumambad ang dibdib niya sa harapan nito ay tinakpan niya ito gamit ang braso. Pero agad na inalis iyon ng binata. “Hindi mo kailangan itago ‘yan, Serena… napakaganda mo. Lahat sayo ay maganda at nakakatakam.” Puri nito habang malagkit na nakatingin sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay napakaganda niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinupuri ka ng lalaking mahal mo… nakaka
Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng pagdilat niya ay mukha ni Apol ang kanyang nakita. “T-Tita… i-ikaw pala.” Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakasuot na siya ng damit. Mukhang sinuotan siya ni Axel nang makatulog siya. “Ako nga… tumayo ka di’yan, Serena. May ituturo ako sayong sekreto.” Sekreto? Pagkatapos niyang magbihis ay agad silang bumaba ng ginang. Sakto nakasalubong nila si Axel na may dalang tray ng pagkain. “Hindi kami kakain dito sa bahay, Axel. May importante kaming lakad ni Serena. Ikaw na ang kumain niyan. Teka, nasaan nga pala ang daddy mo—hubby!” Kulang nalang ay maghugis-puso ang mata nito ng makita ang asawang si Xerxes. Nagmamadali itong tumakbo. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng magkrus ang paa nito dahilan para mawalan ng balanse at nag-slow motion na mahulog sa hagdan. “Tita Apol!” Alalang tawag niya rito. Tatakbo na sana siya para hablutin ang kamay nito pero masyadong mabilis ang pangyayari—napasinghap siya sa magkah
Parehong napahinto sa paghakbang sina Serena at Apol ng makita ang mag inang sina Stella at Stacey. Kapansin-pansin ang napakaraming paper bags na dala ng mag ina. ‘Wala pa rin silang pinagbago… mahilig pa rin sila magshopping.’ Ngumiti si Serena ng pilit sa dalawa. Ayaw man niyang ngitian ang stepsister niyang impakta ay nakipagplastikan muna siya. “Oh, look who’s here. Kayo pala, Mrs. Torres at… Stacey.” Ngumiti si Apol. “Tamang-tama… kakain kami ni Serena. Gusto niyo bang sumabay sa amin?” ‘Ano? Sasabay sa amin si Stacey?’ Ngayon palang nawalan na siya ng gana. Ang makasabay kumain si Stacey ang pinakagusto niyang magawa simula ng pagtangkaan siya nito. Nang makita ni Apol ang pagkadisgusto sa mukha ng dalaga ay kumapit siya sa braso nito at mahinang bumulong. “Trust me, iha. Gaganahan kang kumain mamaya.” Nagkatinginan sina Stella at Stacey, nasa mukha ang pagkailang. “H-hindi na, Mrs. Helger. Na-nakakahiya naman, makakaabala pa kami sa inyo ni Serena. Pero kung mapili
“Restroom lang ako.” Paalam ni Stacey. Pagdating sa restroom ay sinuri niya ang mukha sa salamin. Kulay papel ito sa pagkaputla sa takot. Duguan at patay? Nakakakilabot na banta… hanggang ngayon ay nagtataasan pa rin ang balahibo niya. “Oh my god!” Napatili ang babae sa gulat ng makita sa repleksyon ng salamin si Serena. Nanlilisik ang mata na bumaling siya rito. “Siniraan mo ba kami kay Mrs. Helger kaya ganito ang trato niya sa amin?” “Siniraan? Come on, Stacey. Wag mo akong igaya sayo. Kung may sasabihin man ako sa kanila, hindi kasinungalingan ‘yon kundi katotohanan.” Nang makita ang namumutlang mukha ng kaharap ay napangiti si Serena. “Bakit parang takot na takot ka… takot ka bang mamatay katulad ng gusto mong mangyari sa akin?” “Huh! May ebidensya ka na sinubukan kitang patayin?” Nang makita ni Stacey na natigilan si Serena ay lumaki ang ngisi nito. “Wala diba? Hangga’t wala kang ebidensya, pwede kong palabasin na pinagbibintangan mo lang ako. Kaya nga hindi mo pa rin
“Ma’am, kinakabahan ako… baka mamaya may makakita sa atin at pagkamalan tayong magnanakaw at ipahuli tayo.” Takot na sabi ni Angge habang nakasunod kay Serena. Hindi maintindihan ng babae kung bakit kailangan na patago sila silang pumasok sa loob ng isang malaking mansion, maging si Rosan ay napapalunok sa kaba na baka may makahuli sa kanila. Huminto sila at sumandal sa pader. Todo hinga ng malalim ang dalawang kasambahay. Ang pinaalam pa naman nila sa kanilang amo ay sasamahan lang nila itong mamili. “Shhh… wag kayong mag-alala dahil hindi nila ipapakulong kahit mahuli nila tayo. Pumunta ako dito dahil may gusto lang akong makita.” Bumuntong-hininga si Serena. Alam niya na nakiusap sa kanya ang stepmother niya na wag munang sabihin sa daddy niya ang totoo. Bukod sa gusto na niya itong makita at makausap. Kinakabahan siya at hindi mapalagay. “Ma’am, paano niyo naman na nasabi na hindi tayo ipapakulong—“ napanganga sina Angge at Rosan ng makita ang malaking family portrait sa ding
“Isang matandang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong lugar. Siya at nagtamo ng mahigit benteng saksak sa katawan. Ang hinihinala ng otoridad ay tatlong araw na itong walang buhay sa nasabing lugar” Hindi makapaniwala si Serena habang nanonood sa ng tebisyon kung saan ibinabalita si Atty. Maranez. Kung sino man ang may gawa nito sa matanda ay mukhang may malaki itong galit. Marami itong saksak at hinalang pinahirapan pa. “Come on, hindi pwedeng mawala ang tunay na tagapagmana ng Torres Packaging Innovation Company.” Malungkot siyang ngumiti. “Hindi na sa akin ipapamana ni dad ang kumpanya, kundi kay Stacet na.” “Dahil hindi pa niya alam na buhay ka. Sa tingin mo ba ay itatago nila ang daddy kung hindi sila natatakot na malaman nito na buhay ka? They did that because they were afraid they will lose everything. Alam nila na masisira ang plano nila kaya ginawa nila ‘yon.“ ‘Mga walang hiya sila… napakasama talaga nila!’ “Axel,” tumingala siya. “Paano ko mai
“Tama ang sinabi mo, boss. Narito na sila! Mukhang plano nga nilang paslangin ngayong gabi si ma’am Serena!” Imporma ng isa sa mga tauhan ni Axel na nagtatago sa dilim. Nakatingin sila sa limang lalaki na tagumpay na nakapasok sa loob. Sinadya nila itong papasukin katulad ng sinabi ng kanilang amo. Samantala… Ngiting-ngiti ang limang lalaki, kabilang ang lider na siyang inutusan ni Stella. “Tiba-tiba tayo kapag napatay natin ang babaeng ‘yon sa laki ng ibabayad sa atin ni Stella. Ang dali pa natin nakapasok sa Villa na ito. Tiyak na mapapatay natin ang babaeng iyon na walang kahirap-hirap!” “Shhh, wag ka masyadong maingay, baka may makarinig sa atin!” Suway ng isa. Tumawa naman ang kasama nitong isa, “wag ka ngang masyadong duwag di’yan. Mukhang walang tao sa Villa na ‘to maliban sa babaeng pakay natin. Kasi kung meron man, bakit madali tayong nakapasok?” Tumango-tango ang lider. “Tama ka. Tara na, gawin na natin agad ang trabaho natin para makuha na natin ang kabuuhang bay