Axel and Serena✨ eyyy
Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng pagdilat niya ay mukha ni Apol ang kanyang nakita. “T-Tita… i-ikaw pala.” Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakasuot na siya ng damit. Mukhang sinuotan siya ni Axel nang makatulog siya. “Ako nga… tumayo ka di’yan, Serena. May ituturo ako sayong sekreto.” Sekreto? Pagkatapos niyang magbihis ay agad silang bumaba ng ginang. Sakto nakasalubong nila si Axel na may dalang tray ng pagkain. “Hindi kami kakain dito sa bahay, Axel. May importante kaming lakad ni Serena. Ikaw na ang kumain niyan. Teka, nasaan nga pala ang daddy mo—hubby!” Kulang nalang ay maghugis-puso ang mata nito ng makita ang asawang si Xerxes. Nagmamadali itong tumakbo. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng magkrus ang paa nito dahilan para mawalan ng balanse at nag-slow motion na mahulog sa hagdan. “Tita Apol!” Alalang tawag niya rito. Tatakbo na sana siya para hablutin ang kamay nito pero masyadong mabilis ang pangyayari—napasinghap siya sa magkah
Parehong napahinto sa paghakbang sina Serena at Apol ng makita ang mag inang sina Stella at Stacey. Kapansin-pansin ang napakaraming paper bags na dala ng mag ina. ‘Wala pa rin silang pinagbago… mahilig pa rin sila magshopping.’ Ngumiti si Serena ng pilit sa dalawa. Ayaw man niyang ngitian ang stepsister niyang impakta ay nakipagplastikan muna siya. “Oh, look who’s here. Kayo pala, Mrs. Torres at… Stacey.” Ngumiti si Apol. “Tamang-tama… kakain kami ni Serena. Gusto niyo bang sumabay sa amin?” ‘Ano? Sasabay sa amin si Stacey?’ Ngayon palang nawalan na siya ng gana. Ang makasabay kumain si Stacey ang pinakagusto niyang magawa simula ng pagtangkaan siya nito. Nang makita ni Apol ang pagkadisgusto sa mukha ng dalaga ay kumapit siya sa braso nito at mahinang bumulong. “Trust me, iha. Gaganahan kang kumain mamaya.” Nagkatinginan sina Stella at Stacey, nasa mukha ang pagkailang. “H-hindi na, Mrs. Helger. Na-nakakahiya naman, makakaabala pa kami sa inyo ni Serena. Pero kung mapili
“Restroom lang ako.” Paalam ni Stacey. Pagdating sa restroom ay sinuri niya ang mukha sa salamin. Kulay papel ito sa pagkaputla sa takot. Duguan at patay? Nakakakilabot na banta… hanggang ngayon ay nagtataasan pa rin ang balahibo niya. “Oh my god!” Napatili ang babae sa gulat ng makita sa repleksyon ng salamin si Serena. Nanlilisik ang mata na bumaling siya rito. “Siniraan mo ba kami kay Mrs. Helger kaya ganito ang trato niya sa amin?” “Siniraan? Come on, Stacey. Wag mo akong igaya sayo. Kung may sasabihin man ako sa kanila, hindi kasinungalingan ‘yon kundi katotohanan.” Nang makita ang namumutlang mukha ng kaharap ay napangiti si Serena. “Bakit parang takot na takot ka… takot ka bang mamatay katulad ng gusto mong mangyari sa akin?” “Huh! May ebidensya ka na sinubukan kitang patayin?” Nang makita ni Stacey na natigilan si Serena ay lumaki ang ngisi nito. “Wala diba? Hangga’t wala kang ebidensya, pwede kong palabasin na pinagbibintangan mo lang ako. Kaya nga hindi mo pa rin
“Ma’am, kinakabahan ako… baka mamaya may makakita sa atin at pagkamalan tayong magnanakaw at ipahuli tayo.” Takot na sabi ni Angge habang nakasunod kay Serena. Hindi maintindihan ng babae kung bakit kailangan na patago sila silang pumasok sa loob ng isang malaking mansion, maging si Rosan ay napapalunok sa kaba na baka may makahuli sa kanila. Huminto sila at sumandal sa pader. Todo hinga ng malalim ang dalawang kasambahay. Ang pinaalam pa naman nila sa kanilang amo ay sasamahan lang nila itong mamili. “Shhh… wag kayong mag-alala dahil hindi nila ipapakulong kahit mahuli nila tayo. Pumunta ako dito dahil may gusto lang akong makita.” Bumuntong-hininga si Serena. Alam niya na nakiusap sa kanya ang stepmother niya na wag munang sabihin sa daddy niya ang totoo. Bukod sa gusto na niya itong makita at makausap. Kinakabahan siya at hindi mapalagay. “Ma’am, paano niyo naman na nasabi na hindi tayo ipapakulong—“ napanganga sina Angge at Rosan ng makita ang malaking family portrait sa ding
“Isang matandang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong lugar. Siya at nagtamo ng mahigit benteng saksak sa katawan. Ang hinihinala ng otoridad ay tatlong araw na itong walang buhay sa nasabing lugar” Hindi makapaniwala si Serena habang nanonood sa ng tebisyon kung saan ibinabalita si Atty. Maranez. Kung sino man ang may gawa nito sa matanda ay mukhang may malaki itong galit. Marami itong saksak at hinalang pinahirapan pa. “Come on, hindi pwedeng mawala ang tunay na tagapagmana ng Torres Packaging Innovation Company.” Malungkot siyang ngumiti. “Hindi na sa akin ipapamana ni dad ang kumpanya, kundi kay Stacet na.” “Dahil hindi pa niya alam na buhay ka. Sa tingin mo ba ay itatago nila ang daddy kung hindi sila natatakot na malaman nito na buhay ka? They did that because they were afraid they will lose everything. Alam nila na masisira ang plano nila kaya ginawa nila ‘yon.“ ‘Mga walang hiya sila… napakasama talaga nila!’ “Axel,” tumingala siya. “Paano ko mai
“Tama ang sinabi mo, boss. Narito na sila! Mukhang plano nga nilang paslangin ngayong gabi si ma’am Serena!” Imporma ng isa sa mga tauhan ni Axel na nagtatago sa dilim. Nakatingin sila sa limang lalaki na tagumpay na nakapasok sa loob. Sinadya nila itong papasukin katulad ng sinabi ng kanilang amo. Samantala… Ngiting-ngiti ang limang lalaki, kabilang ang lider na siyang inutusan ni Stella. “Tiba-tiba tayo kapag napatay natin ang babaeng ‘yon sa laki ng ibabayad sa atin ni Stella. Ang dali pa natin nakapasok sa Villa na ito. Tiyak na mapapatay natin ang babaeng iyon na walang kahirap-hirap!” “Shhh, wag ka masyadong maingay, baka may makarinig sa atin!” Suway ng isa. Tumawa naman ang kasama nitong isa, “wag ka ngang masyadong duwag di’yan. Mukhang walang tao sa Villa na ‘to maliban sa babaeng pakay natin. Kasi kung meron man, bakit madali tayong nakapasok?” Tumango-tango ang lider. “Tama ka. Tara na, gawin na natin agad ang trabaho natin para makuha na natin ang kabuuhang bay
“Bingi ka ba? I said I want all of these! Ano ba ang hindi mo maintindihan?!” Galit na singhal ni Stacey sa sales lady ng mga luxury bags at jewelry na gusto niya. Narito silang mag-ina ngayon sa isang Luxury Store, kung saan ang mga items ay hindi bumababa sa ten million pesos. Yumuko ang babae. “Pasensya na, ma’am. Pero umabot na sa limit ang credit card niyo—“ “I don’t care! Process it, okay? Wag kayong mag-alala dahil mamaya ay kayang bayaran ang lahat ng iyan! Saka paanong mari-reach ko ang limit ng credit card ko, eh ngayon nalang ulit ako nagshopping?!” Nagkatinginan ang mga sales lady, mayamaya ay dumating ang manager ng store. “Anong kaguluhan ito?” Bumulong ang isang sales lady sa manger. Mayamaya ay natigilan ito at napatango. “Uhm, sila pala iyon.” Mahinang wika nito. Bumaling ang manager sa mag ina. “I apologize that our staff did not clarify this matter. Ang ibig ho kasi niyang sabihin, ang card na ito, ay nareach na ang limit. Baka may iba pa kayong card na pwed
Walang patid sa pagluha si Serena habang binabasa ang mga kundisyon na hinabilin ng kanyang ama. “A-akala ko talaga h-hindi na sumagi sa isip ni daddy na buhay pa ako. A-akala ko tuluyan na siyang naniwala na patay na ako… akala ko kinalimutan na niya ako, p-pero hindi pala.” Nasa harapan ni Serena ngayon ang mga papeles kung sa’n nakalagay ang kundisyon na binigay nito sa mag inang Stacey at Stella. Nasa kanya pa rin mapupunta ang kumpanya kung sakaling buhay siya. Kaya madali niyang naibenta ang kumpanya kay Axel at nilipat lahat ng assets sa private account niya na ginawa ni Axel para sa kanya. Walang naiwan maski piso na maaring mapunta sa mag ina. Lahat ng iyon ay pinaliwanag ni Axel bago pa sila makipagkita sa dalawa. Sa tulong ng binata ay madali niyang naibenta ang kumpanya at naisakatuparan ang lahat ng gano’n kabilis lamang. Nakapagtataka lang dahil mukhang hindi nabahala ang mag ina kundi naging kampante pa na mapupunta sa kanila ang lahat. Nang makita ni Serena ang pag