Share

Loving Sebastian
Loving Sebastian
Author: @Crappylette

Prologue

"Gabby, matalino ka naman! Bakit ka pa pumayag sa arranged marriage na iyan kung masasaktan ka lang? Ano yan? Super-mega-duper desperation?! Napaka-masochist mo e." Sermon sa'kin ni Amy habang nilalaklak ko ang isang bote ng wine sa counter ng kusina niya. Nilingon ko siya matapos kong sapilitang lunukin ang mapait na wine.

"He'll learn to love me easily once we're married, no. Isa pa, kaya ko pa. Kaya ko pa!" Sabi ko na tila pati sarili'y kinukumbinsing mangyayari ang imposible para kay Amy. Umiling siya dahil sa sinabi ko.

My friends knew all along how much I endured for Jude. Lahat ng oras ko ginugugol ko roon. Ultimo lunch, pinagluluto ko at pinadadala sa opisina niya. In return, resentment. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa'kin ni Jude kahit wala naman akong ipinakitang mali sa kan'ya. Ilang beses na rin akong pinaalalahanan ng mga kaibigan ko na itigil ko na ang kahibangan ko kay Jude pero hanggang ngayon hindi ko sila pinakikinggan. Marahil ay inis na inis na sila sa mga life choices ko lalo na sa araw-araw kong pagpili kay Jude kahit wala itong pakialam sa'kin.

"Alam mo, malala ka na. Pa-check-up ka pag may oras ka." Bilin nito na ikinairap ko.

We stayed quiet for a while until someone rang Amy's doorbell. Nagmadali ang kaibigan ko upang pagbuksan ang sinumang kumakatok. Mabilis rin naman silang nakapasok sa kusina.

"Have you checked your socials, already?" Nagtaas ng kilay sa'kin si Kurt, our gay friend, na kararating lang. Umiling ako sa kanya pagkatapos ay tinungga ulit ang bote ng wine.

"Hindi niya iche-check iyan. Bulag-bulagan na naman ang ate mo!" Sagot ni Amy na padabog nang inilalagay sa oven ang whole chicken na igi-grill niya.

"Ay 'te! Hindi pwede iyan! Hindi pwedeng ikaw lang ang miserable. Ano nang nangyari sa strong-willed and independent woman?" Panenermon naman ni Kurt. Hindi ako kumibo.

"Kanina ko pa nga gustong ipakita riyan yung chukchakan-" Hindi na natapos ni Amy ang sasabihin dahil sumenyas na si Kurt na tumahimik ito.

Natahimik kaming tatlo hanggang sa may ipakita sa'kin si Kurt mula sa phone niya. It was an i*******m post of a woman named Catherine. Her and Jude were kissing like there's no tomorrow. I stared at it not feeling anything. Sawang-sawa na ako at manhid na manhid na ako sa mga ganito. Parang wala na lang sa'kin iyon dahil alam kong sa'kin pa rin babagsak si Jude. Both our parents have a strong bond together. Family ties will win at the end of the day.

"'Te, hindi na gagana sa kan'ya iyan! Sobrang lala na ng katangahan ni Gabby para pa maiyak riyan. Gasgas na rin iyan e, college pa nga tayo nang huling maiyak iyan dahil sa kagaganyan ni Jude. Sobrang endured na niya yung pain." Naghihisteryang paliwanag ni Amy. Nagkibit-balikat naman si Kurt pagkatapos ay ibinulong ang salitang 'sabagay'.

"He'll eventually outgrow it. Besides, sa'kin pa rin naman ang bagsak niya. Wala siyang magagawa kasi kagustuhan ng parents namin na magpakasal kami." Paliwanag ko na ikinagulat pa rin ng dalawa kong kaibigan. Laglag ang mga panga nila dahil sa kawalan ko ng pakialam sa mga kalokohang pinaggagagawa ng long-time crush at fiancé ko na si Jude.

"Eh 'yun naman pala e! Bakit ka naglalasing ngayon kung hindi ka naman pala apektado sa katarantaduhan niya?" Prangkang tanong ni Kurt. Tila natigilan naman ako sa tanong niya. Marahil ay hindi ko rin alam ang isasagot ko. Bakit nga ba kasi ako naglalasing? Hindi naman ako alcoholic.

Maybe, it's all because his actions still break me. Kahit na sabihin kong sanay na sanay na ako, hindi ko pa rin matanggap na walang-wala akong binatbat sa ibang babaeng kinagigiliwan niya ngayon. Hindi naman siya maloko, he's reserved and serious. Kilala ko siyang kuntento na sa isa dahil mula high school kami hanggang college, hindi niya pinalitan si Sol. Nito lang siya tumikim ng iba't-ibang babae, nang layuan siya nito matapos malaman na nakatakda kaming ikasal ni Jude para sa negosyo.

Unfair man ito para kay Jude at Sol, alam kong mas naging unfair ang panahon at tadhana sa'kin. All my life, I feel like I'm not enough. Madalas iparamdam sa'kin ito hindi lang ni Jude kung 'di pati ni Mom and Dad. Hindi ako kasing galing ng mga kapatid ko, hindi ako kasing ganda ng mga kapatid ko, at lalong hindi nila ako kasing bait. Para sa kanila, I'm stupid, ill-tempered, spoiled.

Kaya ngayong sira na ang relasyon ni Jude at ni Sol, pakiramdam ko umaayon na sa'kin ang tadhana. Pero bakit ganun? Bakit hindi pa rin ako masaya kahit na alam kong ikakasal sa'kin ang lalaking matagal ko nang pinangarap? Ano bang kulang? Was it the attention? Or the validation from him? Hindi ko na alam.

"Sis, kahit hindi mo sabihin, we know that you're still hurting." Marahang sabi ni Amy pagkatapos ay niyakap ako mula sa likod. Namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa pag-comfort niya.

"True. Kaya dapat, gumanti ka. Subukan mong huwag isipin si Jude kasi in the first place, wala naman siyang pakialam. Humanap ka rin ng lalaki o ng kahit sino na makakapagpakita sa'yo ng halaga mo." Sabi naman ni Kurt habang hinihimas ang aking likod.

"Correct! Humanap ka rin ng saya!" Suhestiyon ni Amy habang kumakalas ng yakap. "May ka-fubu ako ngayon, itatanong ko kung may kakilala pa siya na pwede sa'yo." Dagdag pa nito na ikinairap ko.

"Huwag na no! Wala akong balak maghanap ng lalaking makaka-sex." Utas ko na ikinahagalpak ng dalawa.

"Sus, 'di na uso ang conservative at celibate like you no! Masarap ang sex cause it feels free. Plus, it validates you as a woman." Paliwanag ni Amy with her erotic hand gestures.

"May point! Tsaka sa tingin mo ba, french kissing lang talaga yung ginawa ni Jude at Catherine? Or ni Jude at- ano nga ulit pangalan nung nag-iisa niyang ex?" Sabi ni Kurt pagkatapos ay pilit na iniisip ang pangalan ng ex ni Jude. "Ah, nung Solenn!" Bulalas nito nang maalala ang iniisip.

"O di'ba! Kaya pagkatapos ng dinner, we'll skip the slumber party! We'll have a search for a handsome man with a freakin' big D." Sabi ni Amy.

"Ngayon agad? Pwede bang pag-isipan ko muna?" Nag-aalinlangan kong sabi.

"Bakla, wititit! Keribels mo na iyan. Baka kailangan mo lang ng dilig para sumaya at makalimutan iyang sakit na nararanasan mo dahil sa walang hiyang Jude na 'yon!" Kumento ni Kurt na tatawa-tawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status