Wala akong imik nang dumating na ang order namin. Nawalan na ako ng gana dahil sa presensya ni Jude at ng babae niya.Tahimik lamang din si Baste habang kumakain. Ako naman ay halos hindi magalaw ang pagkaing nasa harapan. Natutulala ako at napapatingin sa pwesto nina Jude. Tumatawa siya kasama si Catherine. I never saw him laugh with me like that. Napayuko ako dahil sa nakita at naisip. Bigla akong nalungkot.
"Miss, salad na nga lang ang inorder mo, hindi mo pa gagalawin?" Basag ni Baste sa katahimikan. He followed my line of vision then stared back at me with his curious eyes. Napakurap-kurap naman ako at nag-angat ng tingin sa kanya. "Sino ba 'yun? Ex mo, Miss?" Tanong nito. Mabilis akong umiling sa kan'ya. "No. He just looks familiar. A-akala ko kakilala." Palusot ko at ibinaling na lamang ang mata sa Caesar salad na hindi ko pa nababawasan. "Kumain ka lang. Tell me if you still want to order something." Sabi ko at nahihiya namang tumango si Baste at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos si Baste ay mabilis ko na siyang inaya palabas sa restaurant na iyon. Pinipilit pa niya akong ubusin ang salad na in-order dahil sa panghihinayang ngunit hinila ko na siya palabas. Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas kami roon. Wala na ang tensyon mula sa masasakit na titig ni Jude sa'kin kanina. "Salamat, Miss ha." Wika nito. Itatawag na ba kita ng taxi?" Tanong niya. Tinanguan ko siya ngunit tulala pa rin. Tumakbo si Baste upang makatawag ng taxi samantalang naiwan ako sa tapat ng restaurant na kinainan namin. "Where's your toy?" Tanong ng malamig at pamilyar na boses mula sa aking likuran. Hindi ko pa man din siya nililingon ay naramdaman ko na ang braso niyang pumulupot sa aking baywang. I can sense danger from him but I didn't step away. Naramdaman ko ang mga labi niya sa aking tainga kaya napasinghap at napapikit ako. "Trying to dirty my reputation?" He said in an enticing and seductive voice while drawing circles in my stomach. "Really, Jude? Ikaw nga itong kung sinu-sino ang kasama. Who's ruining whose reputation now?" Sagot ko sa kalmadong boses. Narinig ko ang halakhak niya. "You're learning how to fight back. Just so you know, I'll make your life miserable just like how you ruined mine with Sol." He said, full of daggers. Kumawala ako sa yakap niya mula sa likuran pagkatapos ay hinarap siya. I can see the rage in his eyes but that didn't stop me from bursting out. "Life's unfair to me too, Jude! Kung lulubog ako, isasama kita. Hindi ka rin sasaya, asshole!" Dinuro ko siya pero nakakaloko lamang siyang ngumisi. "Try harder, Gabriella. I don't really care about you and your little stunts. Akala mo ba malulungkot o magagalit ako kapag nakita kang may kasamang iba? Tangina, I will never love you. Not in this lifetime, not in this universe." He muttered, full of resentment. Damang-dama ko ang diin sa bawat salitang binitiwan niya. Parang patalim ang mga iyon. I felt my tears formed in my eyes. It's really hard to swallow. Pakiramdam ko may sumaksak sa puso ko nang paulit-ulit. Alam kong nakita ni Jude ang pagkawasak ko sa pagkakataong iyon dahil nakita ko ang pagngisi niya out of satisfaction bago ako iwanang tulala sa kinatatayuan ko. Nang tuluyan siyang nawala ay doon na tuloy-tuloy bumuhos ang luha at nanlambot ang mga tuhod ko. I want to go home. I want to just lay in bed and cry myself to sleep. Ganito yung lagi kong encounter with Jude. He would feed me with harsh, hateful words just to see me cry on my knees. Tangina niya! Wala akong ibang ipinakita sa kan'ya while growing up. Lahat ng kaya kong ibigay, ibinibigay ko sa kan'ya. Tiga-gawa ng projects niya, tiga-salo ng kalat niya. I even forgot that I have dreams too. Kinalimutan ko ang sarili ko matanggap niya lang ako. I have always wanted to become a fashion designer. Yet I followed him to pursue business management. Just to be with him, just to be near him! It is true na masaya ako nang malaman kina Mom and Dad na ipakakasal ako sa kan'ya. After all, lagi kong inaasam na makasama siya at mapangasawa siya. Akala ko mag-iiba ang pagtingin niya sa'kin kapag nalaman niya iyon. Turns out, he hated me even more. For him, it is Sol all along. Yet for me, it is him all along. I was stuck cause I fed myself into thinking that he'd looked at me differently and that he would eventually see my worth. Siya lang ang gusto ko kahit madalas akong nasasaktan. Pero, siguro nga tama si Kurt at si Amy. I should start searching for happiness- a happiness that even Jude can't offer. Pinunasan ko ang mga tumulong luha ngunit naroon na pala si Baste. Puno ng pag-aalala ang reaksyon niya habang hinahabol ang paghinga dahil sa ginawang pagtakbo. Mabilis niya akong dinaluhan na lalong ikinatulo ng mga luha ko. "Anong nangyari, Miss?" He asked. Hindi ako kumibo dahil pilit ko nang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha at pagkawala ng mga hikbi ko. Mukhang naintindihan niya naman iyon kaya inakay niya ako. Ang mga kamay niya ay nakasuporta sa aking mga siko habang hinihintay namin ang pagdating ng taxi na tinawag niya. Nang dumating ang taxi ay pinasakay niya ako roon. Sumakay rin siya dahil nag-insist siya na ihahatid na ako. Ni hindi ko rin maibukas ang mga labi ko upang masabi ang address ko. Patuloy na bumabagsak lamang ang aking mga luha at tila may nakabarang kung ano sa aking lalamunan. Nanginginig kong kinuha ang isang calling card sa aking purse. Ibinigay ko iyon kay Baste at binasa niya ang address na naroon para marinig ng driver ang aming destinasyon. Inihilig ako ni Baste sa balikat niya. His gesture calmed me and I even stopped crying. Nang makarating kami sa tower ng condo ko ay hinatid pa ako ni Baste hanggang sa lobby. Akala ko ay iiwan niya na ako roon ngunit nag-insist pa rin siya na ihahatid na niya ako sa mismong unit ko. Hindi na ako umangal, wala na rin akong gana pang magsalita o i-kwento sa kanya ang mga nangyari.Warning: This chapter contains mature content. Please read at your risk. Thank you!***Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para patuluyin si Baste sa loob ng unit ko at halikan siya. Alam kong nalungkot ako pero naisip ko rin na baka sumaya ako kapag sinunod ko ang suhestiyon ng magigiting kong mga kaibigan.Hindi tulad ng mga halik ko kanina sa bar na marahan, tila may pagka-sabik rito. Ginantihan niya ang mga halik ko dahilan para maipako niya ako sa pader. I can feel his hand on my back and the other on my nape. Hilong-hilo ako sa mga halik niya na parang mawawala ako sa sarili ko. In mid air, he stopped. He clenched his jaw as he search for my eyes to meet his. Napakagat ako sa labi ko dahil sa hiya. "Miss, uuwi na ako. H-hindi tama ito." Sabi niya na tila hindi ko narinig. Hinihingal siya at kitang-kita ko ang namumuong pagnanasa sa kanyang maamong mga mata. Inilapit ko ang aking sarili upang mahalikan siyang muli. Nang maglapat ang aming mga labi ay roon ko muling na
As I made my breakfast that morning, hindi maalis sa isip ko ang mga mata ni Baste. Lalo na ang paraan kung paano niya ako hawakan at halikan. Matapos kong kumain ay naupo pa ako sa dining table kaiisip sa mga nangyari at ginawa ko kagabi nang biglang tumunog ang landline phone ko. Napapitlag ako kaya mabilis akong napatayo at sinagot ito. "Josh Gabriella! What did you do?! Your Tito Ricky and Tita Wendy are both stressed and furious about an article circulating the internet!" Bungad na sermon ni Dad. Laglag ang panga ko ngunit nagpatuloy ito sa panenermon. "You were caught kissing a waiter? My goodness, Josh! Hindi ka ba nag-iisip?! This will tarnish not just our reputation but Aguinaldo's reputation as well!" Tuloy-tuloy pa na sabi ni Dad. Binabaan niya ako ng phone matapos ang paulit-ulit na sermon. Agad ko namang hinanap ang naka-silent mode ko na cellphone. Nang makita ito ay halos manlamig ang aking katawan nang makita ang napakaraming missed call mula sa mga kaibigan ko
"Miss, have you decided on your order?" Tanong ng pamilyar na boses. I looked up to him and saw his beautiful smile. Aside from his pretty face, I've noticed his new haircut. May dala rin siyang order slip at ballpen habang nakaipit sa kabilang kili-kili ang bilog na tray. "N-nagpagupit ka?" I stuttered. He leaned closer to me kaya napasandal ako sa inuupuan ko. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi nang marealize kung gaano kalapit ang mukha niya. Sinuri niya naman ang aking mukha. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na siya matagalan pagkatapos ay ngumusong tinuran ang order na nagustuhan, "Cappuccino." Umayos siya sa pagkakatayo at isinulat ang order ko sa papel pagkatapos ay nakangiti niyang tinuran ang "Right away, Miss." bago ako talikuran. Bago pa siya makahakbang ay ipinulupot ko ang kanang kamay ko sa braso niya. Bumalikwas siya para maharap ulit ako. Kunot ang kanyang mga kilay na tila nagtataka sa ginawa kong marahang paghatak sa kan'ya. "May kailangan
Wala naman talaga akong bibilhin sa malapit na mall. Ayoko lang isipin ni Baste na maiinip ako kahihintay sa kan'ya. Baka ma-distract lang din siya sa trabaho at masisante na naman nang dahil sa'kin. Nakakalungkot rin at nakakapanghinayang na nawalan siya ng trabaho kagabi dahil sa'kin at ayoko nang maulit pa iyon. Mabilis kasi akong ma-guilty at nagi-guilty ulit ako ngayon dahil sinagot-sagot ko yung parents ni Jude. Kailan ba magiging tama ang mga life choices ko? Sa paglalakad ko sa mall, napadpad ako sa department store na puro men's apparel. Ang mga sales lady na naroon ay awtomatikong naglapitan sa'kin para tanungin kung anong hanap ko. "Para sa boyfriend niyo, Ma'am?" One of the saleslady asked. Hilaw akong ngumiti at umiling sa kan'ya. "We have a new perfume collection for men. Baka po gusto niyo, Miss." Tanong naman ng isa. "N-no, thank you." Sagot ko. Nilagpasan ko sila ngunit sinalubong pa ako ng isang sales lady. "Shoes for men, Miss?" Alok nito. I looked at
Pumasok ang taxi sa maliit na kanto. Dikit-dikit ang mga bahay roon at marami pa ring nakatambay sa kalsada. May mga nag-iinuman pa. Maya-maya pa ay pumara na si Baste. Nauna siyang bumaba pagkatapos ay tinulungan naman niya akong makababa. Akala ko ay nasa tapat na niyon ang kanilang bahay ngunit pumasok pa kami sa isang iskinita. Madilim at makipot ang dinaanan namin kaya hawak-hawak ako ni Baste sa palapulsuhan. Para akong bata na inaakay ng magulang pag tatawid sa kalsada. Tatlong minuto rin ang nilakad namin hanggang sa marating namin ang maliit na bahay. Pumasok kami roon at tumambad sa'min ang dalawang dalaga na nanonood ng isang reality show sa maliit na TV. Sabay silang tumayo nang makita si Baste. "Kuya!" Bati nila. Lalapitan sana nila si Baste ngunit natigil sila nang makita ako. Sinuri ako ng mga dalaga kaya hilaw akong ngumiti. "S-sino siya?" Tanong ng mas bata niyang kapatid. "Si Miss..." Natigilan ito dahil hindi ko pa rin pala naipapakilala ang sarili ko sa
Pinag-igib ako ni Baste ng tubig sa gabing iyon para makaligo. Pinahiram rin ako ni Macy ng damit na bihisan. Matapos ko roon ay hinatid na rin ako ni Baste sa kwarto niya. "Pasensya na talaga, Gabriella. Maliit lang ang kwarto ko." Sabi niya habang pinipindot ang switch ng ilaw. His room is tidy. Maliit pero malinis at maayos. Single bed lang din ang naroon na nakapatong sa maliit na papag. Paano siya nagkakasya sa kama na ito? Nakakatulog kaya siya ng mahimbing rito? Naupo ako sa kutson pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa kan'ya. Nasa hamba siya ng pintuan, nakasandig at nakahalukipkip. "This is perfect, Baste. Thank you!" Sabi ko. Pagod siyang ngumiti. "Pag may kailangan ka, nasa labas lang ako." He said. Nahiga na ako sa kama at pinatay na niya ang ilaw. Sinara niya ang pintuan nang makaalis siya roon. Nanatili naman akong dilat sa kabila ng madilim na paligid. Pinilit kong makatulog subalit hindi ako dinalaw ng antok. Ilang beses na akong bumalikwas sa higaa
Warning: This chapter contains mature content. Please read at your risk. *** Hindi na namin namalayan ang oras dahil mahaba na ang napag-usapan namin. Nakahilig na rin pala ako sa balikat niya nang hindi namamalayan. "Hindi mo ba naisipang hanapin ang tatay mo?" I asked. "Hindi na. Okay na ako." Sagot nito. "Hindi ka ba na-curious man lang kung bakit hindi siya nagpakilala sa'yo?" Tanong ko. "Noong bata ako, oo, palagi. Naiisip ko pa rin naman minsan pero wala namang mababago kung mahanap ko siya ngayon." He explained, tumango naman ako. "Isa pa, bakit pa natin hahanapin yung mga taong iniwanan na nga tayo?" Dugtong niya. We stayed quiet there, sa gitna ng madilim at maliit na sala hanggang sa basagin ko ulit ang katahimikan. "Buti nakahanap ka kaagad ng trabaho. Paano mo nagawa iyon?" I asked curiously. "Napadaan lang ako roon noong iniwan kita sa condo mo ng umaga. Magsasabit sana sila ng karatulang 'now hiring' e inunahan ko na agad. Mabuti na lang may ext
Nagising ako sa katok sa kwarto. Mabilis akong bumangon roon at ni-check ang orasan na nakasabit sa maliit na kwartong iyon. Alas -nuwebe na ng umaga! Late na ako sa trabaho! I combed my hair with my fingers and then immediately went out of the room. Bumungad sa'kin si Baste na nakabihis na at mukhang nakahanda nang umalis. "Breakfast is served, Miss." Bungad niya at itinuro ang mga pagkaing nasa coffee table sa sala. "Nasaan sina Macy?" I asked. "Pumasok na sa school." Tipid na sabi nito pagkatapos ay nilapitan ang mga pagkaing inihanda niya. "Aalis ka?" Tanong ko. "Ah oo. Dahil part time job lang naman ang kayang i-offer ng coffee shop at gabi lang naman ang shift ko, maghahanap pa rin ako ng full time job na pang-umaga." Paliwanag niya. "Ikaw? Wala ka bang pupuntahan?" He asked. "Uhm, I don't feel like going to the office. Sigurado akong hahanapin ako doon nina Mom. Can you meet up with my friends after you submit your applications? They're working at the same c