Pinag-igib ako ni Baste ng tubig sa gabing iyon para makaligo. Pinahiram rin ako ni Macy ng damit na bihisan. Matapos ko roon ay hinatid na rin ako ni Baste sa kwarto niya. "Pasensya na talaga, Gabriella. Maliit lang ang kwarto ko." Sabi niya habang pinipindot ang switch ng ilaw. His room is tidy. Maliit pero malinis at maayos. Single bed lang din ang naroon na nakapatong sa maliit na papag. Paano siya nagkakasya sa kama na ito? Nakakatulog kaya siya ng mahimbing rito? Naupo ako sa kutson pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa kan'ya. Nasa hamba siya ng pintuan, nakasandig at nakahalukipkip. "This is perfect, Baste. Thank you!" Sabi ko. Pagod siyang ngumiti. "Pag may kailangan ka, nasa labas lang ako." He said. Nahiga na ako sa kama at pinatay na niya ang ilaw. Sinara niya ang pintuan nang makaalis siya roon. Nanatili naman akong dilat sa kabila ng madilim na paligid. Pinilit kong makatulog subalit hindi ako dinalaw ng antok. Ilang beses na akong bumalikwas sa higaa
Warning: This chapter contains mature content. Please read at your risk. *** Hindi na namin namalayan ang oras dahil mahaba na ang napag-usapan namin. Nakahilig na rin pala ako sa balikat niya nang hindi namamalayan. "Hindi mo ba naisipang hanapin ang tatay mo?" I asked. "Hindi na. Okay na ako." Sagot nito. "Hindi ka ba na-curious man lang kung bakit hindi siya nagpakilala sa'yo?" Tanong ko. "Noong bata ako, oo, palagi. Naiisip ko pa rin naman minsan pero wala namang mababago kung mahanap ko siya ngayon." He explained, tumango naman ako. "Isa pa, bakit pa natin hahanapin yung mga taong iniwanan na nga tayo?" Dugtong niya. We stayed quiet there, sa gitna ng madilim at maliit na sala hanggang sa basagin ko ulit ang katahimikan. "Buti nakahanap ka kaagad ng trabaho. Paano mo nagawa iyon?" I asked curiously. "Napadaan lang ako roon noong iniwan kita sa condo mo ng umaga. Magsasabit sana sila ng karatulang 'now hiring' e inunahan ko na agad. Mabuti na lang may ext
Nagising ako sa katok sa kwarto. Mabilis akong bumangon roon at ni-check ang orasan na nakasabit sa maliit na kwartong iyon. Alas -nuwebe na ng umaga! Late na ako sa trabaho! I combed my hair with my fingers and then immediately went out of the room. Bumungad sa'kin si Baste na nakabihis na at mukhang nakahanda nang umalis. "Breakfast is served, Miss." Bungad niya at itinuro ang mga pagkaing nasa coffee table sa sala. "Nasaan sina Macy?" I asked. "Pumasok na sa school." Tipid na sabi nito pagkatapos ay nilapitan ang mga pagkaing inihanda niya. "Aalis ka?" Tanong ko. "Ah oo. Dahil part time job lang naman ang kayang i-offer ng coffee shop at gabi lang naman ang shift ko, maghahanap pa rin ako ng full time job na pang-umaga." Paliwanag niya. "Ikaw? Wala ka bang pupuntahan?" He asked. "Uhm, I don't feel like going to the office. Sigurado akong hahanapin ako doon nina Mom. Can you meet up with my friends after you submit your applications? They're working at the same c
A knock on Baste's house interrupted me from checking Macy's essay. Mabilis akong tumayo mula sa wooden sofa dahil sa pag-aakalang si Baste iyon na dumating na mula sa initial interview na pinuntahan. "Tapos na agad yung in-" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang tamambad sa'kin si Jude. His eyes are full of rage. Napaatras ako sa gulat. "Hiding in this rat hole?" Malamig niyang sabi. "Why do you care? Na-miss mo na ba ako?" Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya upang hindi niya mahalata na naaapektuhan ako ng presensya niya. Umirap siya sa sinabi ko. "I'll get you home." He said seriously. His eyes are like darts. "And do what? Clean your fuckin' mess? No, thank you! I didn't sign up for that." Natatawa kong sabi. "Why? Cause you've found someone else to screw? Is that it?" Sabi niya na nagpangitngit sa'kin. It's like I'm speaking with a devil. Hindi siya ang Jude na minahal ko. He's more dangerous now. I know he'd dragged me out of this hole no matter what cause I've just
I wore a white satin dress and paired it with a beige stiletto for the press con. Nagmaneho ako papunta sa eksklusibong hotel kung saan gaganapin ang nasabing press con. Hindi naman ako artista para gawin ito pero sinakyan ko na lang. A valet took my car to the parking lot matapos akong salubungin ng mga body guard ni Daddy. Pinunan namin ang elevator hanggang sa marating namin ang tamang floor kung saan gaganapin iyon. Tumambad sa'kin ang isang malaking event hall na puno ng bigating tao sa business industry. Ang ilan sa kanila ay personal kong kakilala dahil sa mga koneksyon ni Daddy. Sa bukana ng hall ay sinalubong ako ni Jude. He's beaming with elegance. Bagong gupit rin siya. Inilahad niya ang kamay niya sa'kin suot ang seryosong ekspresyon. Tinanggap ko iyon at nakihalubilo kami sa mga tao. This is not just a mere press con. This is a fucking party! Tahimik ako sa tabi ni Jude habang binabati kami ng mga tao. Pilit na ngiti lamang ang kaya kong ibigay sa kanila. Matapos iy
Humupa rin ang issue sa social media. Pero dahil mainit na ang mata ng publiko sa'min ni Jude, napilitan siyang ihatid-sundo ako sa trabaho. "Kung ayaw mong gawin ito, hindi mo na dapat ginagawa." Sabi ko nang makasakay sa front seat ng magara niyang sasakyan. Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa basement ng Harrison Morris ay mabilis na akong bumaba. Sumunod si Jude para ihatid ako sa loob ng opisina ko. Hindi siya kumikibo at suot niya lang ang seryosong ekspresyon. Halos magkasalubong na ang kanyang mga kilay at busangot ang mukha nang sumakay kami sa elevator. "Hindi ka ba napapagod magpapangit? Lagi kang nakabusangot. Kung ayaw mo akong makita, bakit mo pa ito ginagawa?" I asked. "Would you please stop talking?" Naiirita niyang sagot. Balak ko pa sana siyang sagutin ngunit tumunog na ang elevator at sumakay ang ilang mga tao. Binati ako ng mga iyon kaya hilaw akong ngumiti. When we reached my office, naupo muna sa couch si Jude. "Anon
It took me a lot of time to think about things I don't have any control of anymore. All I want is to be left alone by everyone. I lost all sense of direction but I don't have any choice. I need to move forward and continue to sail in the course I've started. Jude set an appointment with the wedding organizer that Saturday. I wore a yellow sundress and my keds. I drove myself to the venue of the meeting. It was in the wedding organizer's studio beside my favorite coffee shop where Baste is working. Pagdating ko roon, wala pa ang sasakyan ni Jude sa tapat ng event studio kaya pumasok muna ako sa coffee shop para bumili ng coffee na madalas kong orderin. Besides my coffee craving, I got curious and wanted to check-in if Baste was there. Pero mukhang imposible iyon dahil gabi ang shift niya sa coffee shop na iyon. Itinaas ko ang shades na nakasuot sa aking mata at hinayaang nakapatong ito sa aking ulo. Gaya ng dati, nakangiti ang mga barista nang makita ang pagpasok ko. Mukhang busy
Author's Note: In this chapter, you will have an access to Sebastian's POV from the day she met Gabriella to the last day they were together. Medyo mahaba po ito kaya pagpasensyahan niyo na po. P.S. Read at your risk! Enjoy!***"Pare, table 3." Sabi ni Joma na nakaagaw ng atensyon ko mula sa dancefloor. Natapos na pala ang mga concoction na hinihingi ng mga magkakabarkada sa table 3.Ipinatong ko ang mga mamahaling inumin sa tray na hawak ko pagkatapos ay marahang binaybay ang direksyon patungo sa table 3. Kaunting lakad na lang sana ay naroon na ako ngunit may tulirong babae na humarang sa dinadaanan ko. Lingon siya nang lingon sa paligid na akala mo'y naliligaw o may pinagtataguan. Pinilit kong iwasan ang babae ngunit nabunggo na siya sa'kin at tumapon ang mga inuming hinihintay na sa table 3. Nang magkatinginan kami, kitang-kita ang gulat sa kan'yang maamong mata. Hindi sumilay roon ang galit pero nang magsalita ako para pagalitan siya, doon na nagbago ang mala-anghel niyang awr