Author's Note: In this chapter, you will have an access to Sebastian's POV from the day she met Gabriella to the last day they were together. Medyo mahaba po ito kaya pagpasensyahan niyo na po. P.S. Read at your risk! Enjoy!***"Pare, table 3." Sabi ni Joma na nakaagaw ng atensyon ko mula sa dancefloor. Natapos na pala ang mga concoction na hinihingi ng mga magkakabarkada sa table 3.Ipinatong ko ang mga mamahaling inumin sa tray na hawak ko pagkatapos ay marahang binaybay ang direksyon patungo sa table 3. Kaunting lakad na lang sana ay naroon na ako ngunit may tulirong babae na humarang sa dinadaanan ko. Lingon siya nang lingon sa paligid na akala mo'y naliligaw o may pinagtataguan. Pinilit kong iwasan ang babae ngunit nabunggo na siya sa'kin at tumapon ang mga inuming hinihintay na sa table 3. Nang magkatinginan kami, kitang-kita ang gulat sa kan'yang maamong mata. Hindi sumilay roon ang galit pero nang magsalita ako para pagalitan siya, doon na nagbago ang mala-anghel niyang awr
"How's your wedding preparations?" Tanong ni Mom when we met up for brunch. "Can't decide on the motif pa, Mom." I answered. "Are you two having a hard time?" Mom asked again, raising her brow. Mabilis akong umiling sa tanong niya kaya nagpatuloy siya. "O, what's wrong? Nag-away ba kayo?" "No, mom. Don't you think it's too early? Everybody expected us to be married in 2 months." Utas ko. Kumunot ang noo niya. "Di'ba it's your dream to be married to Jude naman. Plus, you two have been together for 11 years." Sagot niya. "Did you fall for the waiter?" Dagdag niya na ikinagulat ko. Halos maibuga ko ang tubig na ininom ko dahil sa tanong niya na iyon. "Tell me. Have you been cheating on each other? You kissed other people not because you two were drunk?" Concerned na ang tono ni mom. Hindi naman ako makaimik. Oh well, alam ng lahat ng tao sa pamilya namin ni Jude na magkasintahan kami magmula pa noong high school. Ang hindi nila alam, panloloko ang lahat ng iyon. Mukha kami
Hindi ko na matiis si Baste. I need to talk to him now. But Jude wouldn't let me. "That was the waiter." Tipid at malamig na utas ni Jude nang kayagin niya na ako palabas ng coffee shop. "Can I talk to him for a second?" Tanong ko habang hinahatak mula sa kan'ya ang kamay kong hila-hila niya. Bumalikwas siya para lingunin ako. He looked so pissed."No, Gabby. You know how fast rumors are. You will never make contact with that waiter again!" He commanded. Kahit pilitin kong magpumiglas ay ayaw akong bitawan ni Jude. Pinasakay niya ako sa kotse niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. "You made a deal, Gabby. Alam mo kung ano ang kayang gawin ni Tito Shannon for the sake of his name. Kayang-kaya niyang tanggalan ng trabaho at ari-arian ang lalaking iyon kung kailan niya gusto. And I don't want you to regret anything." Paalala sa'kin ni Jude na may halong pagbabanta. He's not wrong though. Maybe, I should stop whatever this nonsense feeling is. Baste is not for me. And maybe, I
We stayed there until the rest decided to party at the nearest club. Nagpatangay na lang ako sa gusto nila. Wala na rin naman akong magagawa dahil hatak-hatak na ako nina Kurt. Besides, it was for me kaya hinayaan ko na lang.Pinigilan ko na lang ang sarili kong lumingon sa mga sulok ng Bistro para huwag nang magtama ang paningin namin ni Baste. Even though half of me was still hoping to talk to him, I still couldn't put myself into it. Maybe he's happy now at wala nang pakialam. Baka, ako na lang talaga ang naba-bother na makipag-usap sa kan'ya to clear everything up."Does his presence still bother you?" Tanong ni Kurt habang inaabot sa'kin ang margarita na kinuha niya sa bar. "Yes." Tipid ngunut diretso na sabi ko. Nagkatinginan sila ni Amy."Then, why don't you try to talk to him? Tutal, hindi ka naman na pinapasundan nina Tito Shannon at Jude." Kurt suggested. Umiling si Amy at itinapat ang index finger sa mukha ni kurt na parang nag-ge-gesture ng pagtanggi."Knowing Gabby, hind
We stayed quiet as he held the umbrella above us. Kahit malakas ang ulan, pakiramdam ko binalot ako ng kapayapaan. Nang humina ang ulan, tiningnan ko siya. Naghintay siya sa sasabihin ko pero hindi ko mahanap ang mga salitang dapat sabihin sa oras na ito. I stuttered and ended up clearing my throat. "B-bakit ka b-bumalik?" I asked. "I want to try my chances." Kalmado at marahan niyang sabi. "This won't be easy though." Sagot ko. I wish I had a lot of choices. Jude has been settled with this wedding situation with me and he's been kind and respectful ever since. I don't want to disappoint our parents and relatives but I can't marry him now. Not with what I am feeling towards Sebastian. Alam kong maikling panahon pa lamang kaming magkakilala ni Baste. But that doesn't mean, feelings wouldn't develop in that span of time especially that the connection is there. He's probably my soulmate and I am willing to find out. Gusto kong sumugal sa bagay na kahit hindi ako sigurado,
Warning: This chapter contains mature content. Please, read at your risk. Thank you!We watched the movie interactively. He would comment to some movie scenarios which I would listen to. In fairness, hindi siya mema kung manood. He's too attentive and focused.After the movie ended, we still talked there. Our sitting position is what makes me blushed all over again. Nakasandal siya sa armrest ng sofa habang nasa gitna ako ng mga hita niya. We are trying to review the movie we just watched."What do you think about the ending? Does it have an impact?" Tanong ko habang inuubos ang popcorn sa bowl na nakapatong sa tiyan ko. "Hmm oo. May impact. It somehow reminds me of the time that we have. We're gonna be over anytime soon, Gabriella. I wish to spend every second I get with you." Bulong niya. "But here you are, making the most out of it. Tsaka, paano mo nasabing we're gonna be over e handa naman akong sumama sa'yo instead of marrying Jude." Sagot ko at tiningala siya. He was so amused
I couldn't sleep that night being all aware that Baste was lying beside me. He sounded asleep like a tired baby so I let him be. Pinanood ko lang yata siya magdamag. I got out of bed at 6 in the morning. Nagdesisyon akong magluto na ng breakfast dahil baka pumasok si Baste sa coffee shop ng alas otso. I didn't like to disappoint him so I needed to present him an impressive breakfast. I started frying strips of bacon. I even made avocado toast, egg omelet, milkshake, and fried rice. This is my usual routine. Naiiba lang ngayon kasi mas maraming serving ang niluto ko dahil kay Baste. Nang matatapos na ako, nasipat ko siyang papasok na sa kusina. Nagkatinginan kami kaya natigilan ako sa paglalagay ng mga pagkain sa counter. "You're awake! Join me for breakfast, please?" Bungad ko. He smiled sweetly and closed the distance between us. Nilapag ko na sa counter ang huling plato ng pagkain bago niya ako hinigit sa baywang at niyakap mula sa aking likod. Hinalikan niya ang pisngi k
Baste insisted on going home after my Jude encounter. Baka raw kasi bumalik pa ito at maabutan ulit siya sa bahay ko. Bago siya umuwi, I send away with him the phone and the new shoes that I bought from the saleslady at a mall named Sheryl, the one I encountered a month ago when I insisted to wait for Baste to finish his duty at the coffee shop. Tumanggi siya nang makita niya ang mga gamit na ipinapabaon ko sa kan'ya. But since I was good at blackmailing him, he eventually accepted it without whining. This relationship with Sebastian made me more confused as the days passed by. Tatlong araw ko nang dine-delay ang pamimigay namin ni Jude ng imbitasyon para sa mga magiging bisita sa araw ng kasal. Lagi kong palusot ang turnover sa kung sinumang papalit sa posisyon ko sa Harrison Morris kahit na ang totoo ay busy lang akong makipaglandian kay Baste sa calls at messages. Ramdam ko na rin ang pagtataka ni Jude sa tuwing tinatawagan niya ako para kulitin sa mga invitations. Today, we we
Hindi na rin ako nagtagal sa lunch na iyon. Nagpaalam na ako agad pagkatapos kong kumain dahil alam kong kapag nagtagal ako ay baka pumayag ako sa trabahong inaalok sa'kin ni Sebastian. Hindi iyon kasama sa plano ko. Dalawang buwan lang kami dapat rito ng mga bata. Baka kapag nagtagal pa kami ay malaman ng lahat ang tungkol sa kanila. Ngayon pa lamang bumabango muli ang pangalan ni Daddy sa mga investors. At natatakot ako na baka kapag nakarating na naman sa media na nagka-anak kami ni Sebastian ay hindi na makaangat muli ang negosyo ng pamilya namin. "Think about it. I'm willing to wait." Seryosong sabi ni Baste bago ako bumaba ng kan'yang sasakyan. Hindi madaling makasama ulit siya. Hindi pa rin malinaw kung bakit iniwan niya ako sa ere noon. At ayoko nang ungkatin pa iyon. It's best not to be involved with him again. Pagdating ko sa unit ay wala pa ang mga anak ko roon maging si Manang Lydia. Wala rin namang mensahe kaya tinawagan ko na si Ate Caroline. Ngunit hindi rin ito s
What? A-are you sure about that, Ms. Brenda? Is that what he told you?" Sunod-sunod kong tanong sa amo ko habang unti-unting kumukulo ang dugo dahil sa nalamang impormasyon mula rito. "He liked you. And I don't see the need to turn down the offer. It will be more convenient for you. You are already there in the Philippines." Paliwanag ni Miss Brenda. Kagat-kagat ko ang aking labi at pakiramdam ko'y magdurugo na ito. "I will think about it, Miss." Sagot ko at mabilis na tinapos ang usapan. Ayon sa kan'ya, Sebastian learned a lot of insight from me and he wanted to hire me as his marketing executive. As far as I know, we didn't talk about business last night and he kept rubbing salt on my wounds. What a liar?! Halos magngitngit ako sa galit kaya nang matapos ang tawag na iyon ay malakas kong nasipa ang basurahan sa kwarto ko. Mabilis ko rin namang itinayo ang kawawang basurahan at lumabas na ng kwarto para ipagluto ng breakfast ang mga bata. "Para kang may kakatayin dahil sa
My mouth went dry as I sat down. His low voice is full of authority. Ano ba itong pinasok ko? I faked my composure habang hinihintay siyang makaupo sa harapan ko. Hinubad niya ang kan'yang suit at isinabit iyon sa likod ng kan'yang upuan pagkatapos ay niluwagan nang bahagya ang kurbatang sumasakal sa kan'yang leeg. Naupo siya sa upuang nasa harap ko pagkatapos ay nilingon ako. Our gazes met each other. Unlike before, I felt uncomfortable with his stares right now. Something has changed, I know. He's not the same anymore. "Do you want to order first before we talk about business?" Nagtaas siya ng kilay sa seryosong ekspresyon at tono ng pananalita. "Sure." Tipid kong sabi habang tinatantsya ang taong kausap. Tahimik ang paligid habang nakatingin ako sa menu. Ang totoo, walang pumapasok sa kokote ko dahil sa presensya niya. Hindi ko rin binabasa ang mga putaheng naroroon dahil ramdam ko ang bawat pagsulyap niya sa direksyon ko. I want to act casual as much as possible.
Author's Note: I am really sorry for not updating this story any sooner. I went through lots of silent battles last year so I didn't have the chance to complete this. Though, for all the readers out there who are patiently waiting for an update for this one, thank you so much. I promise to complete this story and try to update every other day. Happy reading! Muah
Sumakay si Baste sa driver's seat habang suot ang seryosong ekspresyon. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan habang naka-igting ang panga at mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya nang balingan niya ako. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pag-sulyap niya sa'kin nang paulit-ulit habang nasa biyahe kami. On the other hand, parang kakawala na sa dibdib ko ang kumakabog kong puso. It's hard to breathe when he's around like this. Para akong timang na paulit-ulit kinukurot ang sarili kong kamay upang kalmahin ang sarili. Itinuon ko rin ang pansin ko sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maisip ang presensya niya. Iniliko niya ang sasakyan sa parking space ng isang sikat na botika. Bumalikwas ako upang lingunin siya ngunit mabilis na siyang bumaba ng sasakyan nang huminto iyon. Sinundan ng mga mata ko kung saan siya pupunta. Malalaki ang kan'yang hakbang papasok sa loob ng botika. Hindi ko na rin nakita pa kung anong ginawa niya sa loob
That Monday, dumaan si Ate Caroline sa tower namin. Naabutan niya kami ng mga anak ko sa pool. Iniahon ko ang mga anak ko sa pool para mapunasan na sila ni Manang Lydia. Binalot ko sa robe ang aking sarili pagkatapos ay nilapitan si Ate Caroline na nasa malapit na sun lounger. Malapad ang ngiti nito nang makalapit ako. "Ano? Tuloy tayo later?" Tanong nito matapos akong i-beso. "Sure, Ate." Sagot ko. "We'll be at their pre-dinner too. And my friend is very excited to meet you." Paliwanag niya sa excited na boses. "By the way, why don't you enroll my nephews to a swimming lesson? My son and my daughter are both taking swimming lessons twice a week. Pwede namin silang samahan ni Mark if you are too busy to do so." She offered. "I'll think about it, Ate." Sagot ko. Hindi na rin nagtagal pa si Ate dahil magpupunta pa siya sa grocery. Umakyat na rin naman kami ng mga bata sa unit matapos iyon. A dip in a swimming pool was all we needed. Lagi lang kasing nasa loob ang mga b
Hindi ko na tinapos ang party. Pagkababa ko sa stage ay pinatanggal ko na kay Mom ang suot kong kwintas. "Do you know that he would be here?" Tanong ko kay Mom habang tinatanggal niya ang kwintas sa leeg ko. Napalakas na ang boses ko dahil sa frustrations mula sa power tripping na nasaksihan kanina. Hindi kumibo si Mom. "Mom?! Him and Mr. Silvester are abviously the most anticipated people here. How come you didn't tell me?!" "Anak, they keep these charity programs running. Sa tingin mo, hihindi ang daddy mo?" Tanong ni Mom sa kalmadong boses. "Yeah! And you shouldn't let me come here. I barely held myself together just to survive this night." Reklamo ko. "Well, we're very sorry. Sasabihin ko sa daddy mo." Sabi nito habang inilalagay na sa magarang kahon ang kwintas."I'm going home." Utas ko. Hindi naman na ako pinigilan ni Mom kaya nagmadali na akong puntahan si Kurt para magpahatid. "Why? May ilang speech pa." Tanong ng nagtatakang si Kurt. "Kurt, I just want to go home." B
I excuse myself after a few greetings from other visitors. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ako from that single encounter with him. Nagpunta ako sa restroom pagkatapos ay nag-retouch ng makeup. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinawagan si Manang Lydia. Kinumusta ko ang mga anak ko at ayon sa kan'ya ay mahimbing na ang tulog ng mga ito. I put on my confident facade. I just need to fake it until this night ends. Naupo ako sa tabi ni Mom pagkatapos ay nakinig na sa programa. Iniwasan ko ang sarili ko sa paglingon sa paligid at itinuon na lamang ang atensyon sa pakikinig. "Tulog na ba ang kambal?" Bulong ni Mom. Tumango ako sa kan'ya ngunit nagtagal pa ang titig ni Mom. "When will you tell him?" Nag-aalalang bulong nito. "I still don't know, Mom. He deserves to know but I think this is not the right time either." Bulong ko pabalik. After a few speeches from Dad's business partners, nagsimula na ang dinner. It's a bit late but dinner
"Mom, where's Dad?" Biglang tanong ni Gabriel noong gabing umuwi kami pagkatapos ng family dinner. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. I didn't expect that one of them would ask me this question sooner. They're too young to ask me this! Natuyuan ako ng lalamunan. How can I explain this to them? And I'm not prepared for this. Nagkatinginan kami ni Manang Lydia kaya tumikhim ako. "Uhm, h-he's working somewhere f-far." I stuttered. Natataranta ako habang pilit na nag-iiwas ng tingin kay Gabriel. "Gavin has a Dad." Gabriel commented again. Halos mapakamot ako sa aking batok dahil sa lumalabas sa bibig ni Gabriel. "Y-yes. And you too have a dad. H-he just have to work somewhere far." Sagot ko sa kan'ya. Kinalabit naman ako ni Josiah. "When he coming home?" Tanong naman ni Josiah na nakikinig pala sa pinag-uusapan namin ng kakambal niya."Soon. We'll see him soon." Sagot ko at binalewala ang usapan. "Did you enjoy our visit to grandma and grandpa?" Tanong ko