We stayed there until the rest decided to party at the nearest club. Nagpatangay na lang ako sa gusto nila. Wala na rin naman akong magagawa dahil hatak-hatak na ako nina Kurt. Besides, it was for me kaya hinayaan ko na lang.Pinigilan ko na lang ang sarili kong lumingon sa mga sulok ng Bistro para huwag nang magtama ang paningin namin ni Baste. Even though half of me was still hoping to talk to him, I still couldn't put myself into it. Maybe he's happy now at wala nang pakialam. Baka, ako na lang talaga ang naba-bother na makipag-usap sa kan'ya to clear everything up."Does his presence still bother you?" Tanong ni Kurt habang inaabot sa'kin ang margarita na kinuha niya sa bar. "Yes." Tipid ngunut diretso na sabi ko. Nagkatinginan sila ni Amy."Then, why don't you try to talk to him? Tutal, hindi ka naman na pinapasundan nina Tito Shannon at Jude." Kurt suggested. Umiling si Amy at itinapat ang index finger sa mukha ni kurt na parang nag-ge-gesture ng pagtanggi."Knowing Gabby, hind
We stayed quiet as he held the umbrella above us. Kahit malakas ang ulan, pakiramdam ko binalot ako ng kapayapaan. Nang humina ang ulan, tiningnan ko siya. Naghintay siya sa sasabihin ko pero hindi ko mahanap ang mga salitang dapat sabihin sa oras na ito. I stuttered and ended up clearing my throat. "B-bakit ka b-bumalik?" I asked. "I want to try my chances." Kalmado at marahan niyang sabi. "This won't be easy though." Sagot ko. I wish I had a lot of choices. Jude has been settled with this wedding situation with me and he's been kind and respectful ever since. I don't want to disappoint our parents and relatives but I can't marry him now. Not with what I am feeling towards Sebastian. Alam kong maikling panahon pa lamang kaming magkakilala ni Baste. But that doesn't mean, feelings wouldn't develop in that span of time especially that the connection is there. He's probably my soulmate and I am willing to find out. Gusto kong sumugal sa bagay na kahit hindi ako sigurado,
Warning: This chapter contains mature content. Please, read at your risk. Thank you!We watched the movie interactively. He would comment to some movie scenarios which I would listen to. In fairness, hindi siya mema kung manood. He's too attentive and focused.After the movie ended, we still talked there. Our sitting position is what makes me blushed all over again. Nakasandal siya sa armrest ng sofa habang nasa gitna ako ng mga hita niya. We are trying to review the movie we just watched."What do you think about the ending? Does it have an impact?" Tanong ko habang inuubos ang popcorn sa bowl na nakapatong sa tiyan ko. "Hmm oo. May impact. It somehow reminds me of the time that we have. We're gonna be over anytime soon, Gabriella. I wish to spend every second I get with you." Bulong niya. "But here you are, making the most out of it. Tsaka, paano mo nasabing we're gonna be over e handa naman akong sumama sa'yo instead of marrying Jude." Sagot ko at tiningala siya. He was so amused
I couldn't sleep that night being all aware that Baste was lying beside me. He sounded asleep like a tired baby so I let him be. Pinanood ko lang yata siya magdamag. I got out of bed at 6 in the morning. Nagdesisyon akong magluto na ng breakfast dahil baka pumasok si Baste sa coffee shop ng alas otso. I didn't like to disappoint him so I needed to present him an impressive breakfast. I started frying strips of bacon. I even made avocado toast, egg omelet, milkshake, and fried rice. This is my usual routine. Naiiba lang ngayon kasi mas maraming serving ang niluto ko dahil kay Baste. Nang matatapos na ako, nasipat ko siyang papasok na sa kusina. Nagkatinginan kami kaya natigilan ako sa paglalagay ng mga pagkain sa counter. "You're awake! Join me for breakfast, please?" Bungad ko. He smiled sweetly and closed the distance between us. Nilapag ko na sa counter ang huling plato ng pagkain bago niya ako hinigit sa baywang at niyakap mula sa aking likod. Hinalikan niya ang pisngi k
Baste insisted on going home after my Jude encounter. Baka raw kasi bumalik pa ito at maabutan ulit siya sa bahay ko. Bago siya umuwi, I send away with him the phone and the new shoes that I bought from the saleslady at a mall named Sheryl, the one I encountered a month ago when I insisted to wait for Baste to finish his duty at the coffee shop. Tumanggi siya nang makita niya ang mga gamit na ipinapabaon ko sa kan'ya. But since I was good at blackmailing him, he eventually accepted it without whining. This relationship with Sebastian made me more confused as the days passed by. Tatlong araw ko nang dine-delay ang pamimigay namin ni Jude ng imbitasyon para sa mga magiging bisita sa araw ng kasal. Lagi kong palusot ang turnover sa kung sinumang papalit sa posisyon ko sa Harrison Morris kahit na ang totoo ay busy lang akong makipaglandian kay Baste sa calls at messages. Ramdam ko na rin ang pagtataka ni Jude sa tuwing tinatawagan niya ako para kulitin sa mga invitations. Today, we we
I fixed my tousled hair and checked who rang the doorbell this time. If it's going to be Jude again, I won't open the goddamn door. Sumilip ako sa peephole at nakita roon si Baste. He looks gorgeous, as usual. Nakaramdam bigla ako ng excitement kaya mabilis kong binuksan ang pintuan. He smiled when he saw me. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay tila mga biglang nagwala sa presensya niya. Nagtaas ako ng kilay para hindi masyadong halata na na-miss ko siya. Pinapasok ko siya sa loob at nagulat nang iabot niya sa'kin ang isang tub ng ice cream. "Bakit ka nandito?" Tanong ko habang nagtatakang kinukuha sa kamay niya ang paper bag na may lamang tub ng ice cream. I checked the flavor and I'm just so glad that this is exactly what I'm craving for. "Wala bang 'thank you' man lang, Miss? O kaya yakap?" He asked teasingly. Umirap ako sa sinabi niya pagkatapos ay tinalikuran siya. Hindi maikubli sa ngiti ko ang kilig kaya naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng glassware par
Baste didn't answer my calls that night. Hindi ako nakatulog sa kaiisip kung paano ko siya kakausapin bukas. He's probably mad and doesn't want to talk about it. Bumangon ako sa kama ng bandang alas-dos ng umaga. I double checked my luggage for the trip. Naligo na rin ako at nag-ayos na dahil alas-quatro ako nakatakdang sunduin ni Amy at ng fuck buddy niyang si Andrew. Matapos kong maligo, tiningnan ko ulit ang cellphone ko para i-check kung may mensahe si Baste. Pero wala pa rin. Nag-aalala ako na baka galit pa siya at baka hindi na sumama. Tinawagan ko ulit siya ngunit wala pa rin siyang sagot. Kalaunan ay tinawagan ko naman si Kurt para magtanong kung susunduin na niya si Baste. "Nakaalis ka na ba?" Tanong ko kay Kurt nang sagutin niya ang tawag ko. "Yes, Gabby. On my way to your prince charming." Natatawa niyang sagot. "Pilitin mo siyang sumama kapag nagbago ang isip niya, please." I requested with full desperation. "Woah! Nangangamoy World War. Did you two fight?" Tanon
Baste and I stayed in bed the whole afternoon. We talked a lot about our childhood, unforgettable experiences, and the things we like about each other. "You're kind and a hard worker. You care about your sisters so much. Samantalang yung mga ate ko, hindi ko nakitaan ng pakialam sa'kin." I answered when he asked me what I liked about him. "And I really like your patience and spirit." Dagdag ko. Natahimik kami roon hanggang sa may maalala akong gusto kong itanong sa kan'ya. "Saan ka nga pala pumunta kahapon after you walked out on me?" I asked curiously."Tumakbo ako nang tumakbo. Gustuhin ko mang sapakin si Jude, hindi ko alam kung saan siya pupuntahan." Paliwanag niya. We burst out with laughter. "Oh, you're hilarious!" I commented then I felt him kiss my forehead. "Mahal kita, Gabriella." He whispered. Tiningala ko siya. I can always feel his love but I never heard him say those words. Ito siguro ang unang pagkakataon na maririnig ko iyon mula sa kan'ya."I love you more than
Sumakay si Baste sa driver's seat habang suot ang seryosong ekspresyon. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan habang naka-igting ang panga at mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya nang balingan niya ako. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pag-sulyap niya sa'kin nang paulit-ulit habang nasa biyahe kami. On the other hand, parang kakawala na sa dibdib ko ang kumakabog kong puso. It's hard to breathe when he's around like this. Para akong timang na paulit-ulit kinukurot ang sarili kong kamay upang kalmahin ang sarili. Itinuon ko rin ang pansin ko sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maisip ang presensya niya. Iniliko niya ang sasakyan sa parking space ng isang sikat na botika. Bumalikwas ako upang lingunin siya ngunit mabilis na siyang bumaba ng sasakyan nang huminto iyon. Sinundan ng mga mata ko kung saan siya pupunta. Malalaki ang kan'yang hakbang papasok sa loob ng botika. Hindi ko na rin nakita pa kung anong ginawa niya sa loob
That Monday, dumaan si Ate Caroline sa tower namin. Naabutan niya kami ng mga anak ko sa pool. Iniahon ko ang mga anak ko sa pool para mapunasan na sila ni Manang Lydia. Binalot ko sa robe ang aking sarili pagkatapos ay nilapitan si Ate Caroline na nasa malapit na sun lounger. Malapad ang ngiti nito nang makalapit ako. "Ano? Tuloy tayo later?" Tanong nito matapos akong i-beso. "Sure, Ate." Sagot ko. "We'll be at their pre-dinner too. And my friend is very excited to meet you." Paliwanag niya sa excited na boses. "By the way, why don't you enroll my nephews to a swimming lesson? My son and my daughter are both taking swimming lessons twice a week. Pwede namin silang samahan ni Mark if you are too busy to do so." She offered. "I'll think about it, Ate." Sagot ko. Hindi na rin nagtagal pa si Ate dahil magpupunta pa siya sa grocery. Umakyat na rin naman kami ng mga bata sa unit matapos iyon. A dip in a swimming pool was all we needed. Lagi lang kasing nasa loob ang mga b
Hindi ko na tinapos ang party. Pagkababa ko sa stage ay pinatanggal ko na kay Mom ang suot kong kwintas. "Do you know that he would be here?" Tanong ko kay Mom habang tinatanggal niya ang kwintas sa leeg ko. Napalakas na ang boses ko dahil sa frustrations mula sa power tripping na nasaksihan kanina. Hindi kumibo si Mom. "Mom?! Him and Mr. Silvester are abviously the most anticipated people here. How come you didn't tell me?!" "Anak, they keep these charity programs running. Sa tingin mo, hihindi ang daddy mo?" Tanong ni Mom sa kalmadong boses. "Yeah! And you shouldn't let me come here. I barely held myself together just to survive this night." Reklamo ko. "Well, we're very sorry. Sasabihin ko sa daddy mo." Sabi nito habang inilalagay na sa magarang kahon ang kwintas."I'm going home." Utas ko. Hindi naman na ako pinigilan ni Mom kaya nagmadali na akong puntahan si Kurt para magpahatid. "Why? May ilang speech pa." Tanong ng nagtatakang si Kurt. "Kurt, I just want to go home." B
I excuse myself after a few greetings from other visitors. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ako from that single encounter with him. Nagpunta ako sa restroom pagkatapos ay nag-retouch ng makeup. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinawagan si Manang Lydia. Kinumusta ko ang mga anak ko at ayon sa kan'ya ay mahimbing na ang tulog ng mga ito. I put on my confident facade. I just need to fake it until this night ends. Naupo ako sa tabi ni Mom pagkatapos ay nakinig na sa programa. Iniwasan ko ang sarili ko sa paglingon sa paligid at itinuon na lamang ang atensyon sa pakikinig. "Tulog na ba ang kambal?" Bulong ni Mom. Tumango ako sa kan'ya ngunit nagtagal pa ang titig ni Mom. "When will you tell him?" Nag-aalalang bulong nito. "I still don't know, Mom. He deserves to know but I think this is not the right time either." Bulong ko pabalik. After a few speeches from Dad's business partners, nagsimula na ang dinner. It's a bit late but dinner
"Mom, where's Dad?" Biglang tanong ni Gabriel noong gabing umuwi kami pagkatapos ng family dinner. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. I didn't expect that one of them would ask me this question sooner. They're too young to ask me this! Natuyuan ako ng lalamunan. How can I explain this to them? And I'm not prepared for this. Nagkatinginan kami ni Manang Lydia kaya tumikhim ako. "Uhm, h-he's working somewhere f-far." I stuttered. Natataranta ako habang pilit na nag-iiwas ng tingin kay Gabriel. "Gavin has a Dad." Gabriel commented again. Halos mapakamot ako sa aking batok dahil sa lumalabas sa bibig ni Gabriel. "Y-yes. And you too have a dad. H-he just have to work somewhere far." Sagot ko sa kan'ya. Kinalabit naman ako ni Josiah. "When he coming home?" Tanong naman ni Josiah na nakikinig pala sa pinag-uusapan namin ng kakambal niya."Soon. We'll see him soon." Sagot ko at binalewala ang usapan. "Did you enjoy our visit to grandma and grandpa?" Tanong ko
"We're going to grandma's house." Sabi ko sa kambal habang binibihisan namin sila ni Manang Lydia. "Why?" Josiah asked curiously. "She misses you." Sagot ko na ngayon ay sinasapatusan na ito. I received a call from mom that morning. We will be having a dinner as family. Hindi pa ako makapaniwala noong una pero kagustuhan daw talaga ni Dad na makarating kami ng mga anak ko. Nang matapos kami ni Manang Lydia na bihisan ang mga bata ay saktong dumating na si Kurt. Siya ang maghahatid sa'min papunta sa mansion ng mga magulang ko. Binuhat agad ni Kurt si Josiah upang huwag magtatakbo sa hallway na patungo sa elevator. Buhat-buhat ko naman ang tahimik na si Gabriel. Habang nakasunod sa'min si Manang Lydia na buhat din ang mga gamit ng kambal. Mabilis lamang ang naging biyahe namin. Nang makababa kami sa driveway ay nagpaalam na rin si Kurt dahil may pupuntahan pa sila ni Ken. Salamat naman at nagkabati rin sila. Nagpasalamat ako sa kan'ya pagkatapos ay inakay na ang mga bata papasok
Nagpaalam ako kaagad sa boss kong si Miss Brenda. She's very generous about giving me a lot of time for what she called a vacation. Dalawang buwan ang binigay niya sa'kin kaya pumayag na rin ako. Naisip ko rin kasi si Manang Lydia na halos ilang taon ring nawalay sa mga kapamilya para samahan ako rito sa US. Napakarami nang okasyon sa kanilang pamilya ang napalampas niya dahil sa pag-aalaga niya samin ng mga anak ko. Dalawang linggo bago ang kasal ni Amy ay nakatakda na kaming lumipad patungong Pilipinas. Nais rin kasi nitong naroon ako sa kan'yang bridal shower. Bilang mabuting kaibigan, hindi ko pwedeng palampasin iyon kahit pa sobrang overwhelmed pa rin ako sa ideyang uuwi kami ng mga anak ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng dalawang buwan naming pananatili roon. Ngunit kung mangyari man ang kinatatakutan ko, haharapin ko ito ng buong loob kahit pa ngayon pa lamang ay naduduwag na ako. Kurt offered me his spare condo unit. Kahit hindi ko sa
Pregnancy is not easy especially when I have to attend every check up alone. Mothers would eye me because I don't have a husband with me during checkups. Halos hilingin kong lamunin ako ng lupa dahil sa mga judging stares mula sa kanila. Thank God, my OB was heaven sent! Though, the worst part of it all is the morning sickness. I would throw my guts out every morning. I just thank God that I don't have any weird cravings or that I never turned out to be a picky eater. Kasi dahil kapag nangyari iyon, isusumpa talaga ako ni Manang Lydia dahil madalas itong naliligaw kapag lumalabas para bumili ng kung ano. Kinailangan ko pa siyang i-enroll sa driving school para hindi na siya namamasahe at nang mas matuto siya sa kalakaran dito sa US. Sadness is still there. I am still missing someone I shouldn't be dealing with. Damn! I would still cry myself every night. Pero dahil may nabasa ako na pregnancy pamphlet tungkol sa epekto ng pag-iyak sa mga baby ay pinilit kong huwag nang mag-isip ng
The next thing I knew, I rode a taxi while wailing. Para akong namatayan. It's true, though. My heart died the moment Sebastian decided to part ways with me. Panay sulyap naman ang driver sa'kin na tila nagtataka kung bakit humahagulgol ako habang nakasuot ng magarang traje de boda. "M-ma'am, mukhang sinusundan po tayo." Nag-aalinlangang sabi ng taxi driver habang palingon-lingon sa rear view mirror ng sasakyan. Natigilan ako at napabalikwas upang silipin ang mga sasakyang nakasunod sa'min. Sasakyan ni Jude ang una kong natanaw. "T-tuloy po tayo sa a-address na binigay ko, Manong." Mando ko sa kan'ya sa nanginginig na boses. Tumango lamang ito at patuloy na nagmaneho hanggang sa marating namin ang street nina Baste. Mabilis akong lumabas sa taxi at tinahak ang masikip na daan patungo sa bahay ng pakay ko. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga kapit-bahay nila na tila nang-uusisa kung ano ang nangyayari. I want to hear from his mouth that he didn't really choose me and that he acc