"Gabby, matalino ka naman! Bakit ka pa pumayag sa arranged marriage na iyan kung masasaktan ka lang? Ano yan? Super-mega-duper desperation?! Napaka-masochist mo e." Sermon sa'kin ni Amy habang nilalaklak ko ang isang bote ng wine sa counter ng kusina niya. Nilingon ko siya matapos kong sapilitang lunukin ang mapait na wine. "He'll learn to love me easily once we're married, no. Isa pa, kaya ko pa. Kaya ko pa!" Sabi ko na tila pati sarili'y kinukumbinsing mangyayari ang imposible para kay Amy. Umiling siya dahil sa sinabi ko.My friends knew all along how much I endured for Jude. Lahat ng oras ko ginugugol ko roon. Ultimo lunch, pinagluluto ko at pinadadala sa opisina niya. In return, resentment. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa'kin ni Jude kahit wala naman akong ipinakitang mali sa kan'ya. Ilang beses na rin akong pinaalalahanan ng mga kaibigan ko na itigil ko na ang kahibangan ko kay Jude pero hanggang ngayon hindi ko sila pinakikinggan. Marahil ay inis na inis na sila sa mga life c
Kahit labag sa loob ko, natuloy kami sa isang mamahaling bar. Nagsimulang maghanap ng mga lalaki ang mga kaibigan ko habang wala akong ibang ginawa kundi ubusin ang drinks na inorder namin. Medyo may tama na rin ako at tipsy na pero patuloy pa rin sa pagsa-sight seeing ng mga gwapong lalaki sa bar ang mga kaibigan ko. Napansin pa nila ang gwapong waiter na kanina pa raw nilalapitan ng mga underage girls na nakapasok sa bar. "Sis, how about that guy? Mukhang mayaman, kayang sabayan ang lifestyle mo." Suhestiyon ni Kurt habang tinuturo ang matangkad at mestizong lalaking nakikipagbiruan sa mga kaibigan. "Mukhang one-woman man. Ekis tayo riyan." Kumento ni Amy. "How about that one? Ang borta, kaya kang i-choke." Suhestiyon pa ni Amy habang inginunguso ang moreno at matangkad na lalaki. Para pa siyang mahihimatay dahil wari'y pinapaypayan niya ang kanyang sarili. "Ay pak na pak iyan! Lapitan mo na, beks!" Sabi ni Kurt na tila excited sa susunod na mangyayari. Pinagtulakan nila ako
Laglag ang panga ng gwapong waiter nang pakawalan ko siya mula sa pagkakahalik. Kumunot ang noo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na tila nagtataka at sinusuri ako. Nagtaas ako ng kilay at nilinga ang paligid para makasigurong wala na roon ang lalaking tinatakbuhan ko. "Miss, ano yun? Hindi ako madadaan sa halik bilang kabayaran sa mga inuming itinapon mo no." Sabi nito habang inginunguso ang tray. Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya. "Parang ikaw pa yung nalugi a. I'll pay you! Magkano ba iyan?" Iritado kong utas. "Limang libo. Tsaka, yung halik, hindi libre iyon. May bayad din 'yun kasi ginamit mo 'ko para layuan ka nung gym instructor na may British accent, hindi ba?" Sagot nito na tila may malaki akong atraso sa kan'ya. Napakurap-kurap ako sa akusasyon niya ngunit hindi ako makaangal dahil tama naman siya. "Magkano ka ba?" Tanong ko habang pinagtataasan siya ng kilay. "Ay, hindi ako nabibili, miss. Yung serbisyo kong halik ang babayaran mo." Paliwanag niya. I rolled
Wala akong imik nang dumating na ang order namin. Nawalan na ako ng gana dahil sa presensya ni Jude at ng babae niya.Tahimik lamang din si Baste habang kumakain. Ako naman ay halos hindi magalaw ang pagkaing nasa harapan. Natutulala ako at napapatingin sa pwesto nina Jude. Tumatawa siya kasama si Catherine. I never saw him laugh with me like that. Napayuko ako dahil sa nakita at naisip. Bigla akong nalungkot. "Miss, salad na nga lang ang inorder mo, hindi mo pa gagalawin?" Basag ni Baste sa katahimikan. He followed my line of vision then stared back at me with his curious eyes. Napakurap-kurap naman ako at nag-angat ng tingin sa kanya. "Sino ba 'yun? Ex mo, Miss?" Tanong nito. Mabilis akong umiling sa kan'ya. "No. He just looks familiar. A-akala ko kakilala." Palusot ko at ibinaling na lamang ang mata sa Caesar salad na hindi ko pa nababawasan. "Kumain ka lang. Tell me if you still want to order something." Sabi ko at nahihiya namang tumango si Baste at nagpatuloy sa pagkain. Nan
Warning: This chapter contains mature content. Please read at your risk. Thank you!***Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para patuluyin si Baste sa loob ng unit ko at halikan siya. Alam kong nalungkot ako pero naisip ko rin na baka sumaya ako kapag sinunod ko ang suhestiyon ng magigiting kong mga kaibigan.Hindi tulad ng mga halik ko kanina sa bar na marahan, tila may pagka-sabik rito. Ginantihan niya ang mga halik ko dahilan para maipako niya ako sa pader. I can feel his hand on my back and the other on my nape. Hilong-hilo ako sa mga halik niya na parang mawawala ako sa sarili ko. In mid air, he stopped. He clenched his jaw as he search for my eyes to meet his. Napakagat ako sa labi ko dahil sa hiya. "Miss, uuwi na ako. H-hindi tama ito." Sabi niya na tila hindi ko narinig. Hinihingal siya at kitang-kita ko ang namumuong pagnanasa sa kanyang maamong mga mata. Inilapit ko ang aking sarili upang mahalikan siyang muli. Nang maglapat ang aming mga labi ay roon ko muling na
As I made my breakfast that morning, hindi maalis sa isip ko ang mga mata ni Baste. Lalo na ang paraan kung paano niya ako hawakan at halikan. Matapos kong kumain ay naupo pa ako sa dining table kaiisip sa mga nangyari at ginawa ko kagabi nang biglang tumunog ang landline phone ko. Napapitlag ako kaya mabilis akong napatayo at sinagot ito. "Josh Gabriella! What did you do?! Your Tito Ricky and Tita Wendy are both stressed and furious about an article circulating the internet!" Bungad na sermon ni Dad. Laglag ang panga ko ngunit nagpatuloy ito sa panenermon. "You were caught kissing a waiter? My goodness, Josh! Hindi ka ba nag-iisip?! This will tarnish not just our reputation but Aguinaldo's reputation as well!" Tuloy-tuloy pa na sabi ni Dad. Binabaan niya ako ng phone matapos ang paulit-ulit na sermon. Agad ko namang hinanap ang naka-silent mode ko na cellphone. Nang makita ito ay halos manlamig ang aking katawan nang makita ang napakaraming missed call mula sa mga kaibigan ko
"Miss, have you decided on your order?" Tanong ng pamilyar na boses. I looked up to him and saw his beautiful smile. Aside from his pretty face, I've noticed his new haircut. May dala rin siyang order slip at ballpen habang nakaipit sa kabilang kili-kili ang bilog na tray. "N-nagpagupit ka?" I stuttered. He leaned closer to me kaya napasandal ako sa inuupuan ko. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi nang marealize kung gaano kalapit ang mukha niya. Sinuri niya naman ang aking mukha. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na siya matagalan pagkatapos ay ngumusong tinuran ang order na nagustuhan, "Cappuccino." Umayos siya sa pagkakatayo at isinulat ang order ko sa papel pagkatapos ay nakangiti niyang tinuran ang "Right away, Miss." bago ako talikuran. Bago pa siya makahakbang ay ipinulupot ko ang kanang kamay ko sa braso niya. Bumalikwas siya para maharap ulit ako. Kunot ang kanyang mga kilay na tila nagtataka sa ginawa kong marahang paghatak sa kan'ya. "May kailangan
Wala naman talaga akong bibilhin sa malapit na mall. Ayoko lang isipin ni Baste na maiinip ako kahihintay sa kan'ya. Baka ma-distract lang din siya sa trabaho at masisante na naman nang dahil sa'kin. Nakakalungkot rin at nakakapanghinayang na nawalan siya ng trabaho kagabi dahil sa'kin at ayoko nang maulit pa iyon. Mabilis kasi akong ma-guilty at nagi-guilty ulit ako ngayon dahil sinagot-sagot ko yung parents ni Jude. Kailan ba magiging tama ang mga life choices ko? Sa paglalakad ko sa mall, napadpad ako sa department store na puro men's apparel. Ang mga sales lady na naroon ay awtomatikong naglapitan sa'kin para tanungin kung anong hanap ko. "Para sa boyfriend niyo, Ma'am?" One of the saleslady asked. Hilaw akong ngumiti at umiling sa kan'ya. "We have a new perfume collection for men. Baka po gusto niyo, Miss." Tanong naman ng isa. "N-no, thank you." Sagot ko. Nilagpasan ko sila ngunit sinalubong pa ako ng isang sales lady. "Shoes for men, Miss?" Alok nito. I looked at
Sumakay si Baste sa driver's seat habang suot ang seryosong ekspresyon. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan habang naka-igting ang panga at mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya nang balingan niya ako. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pag-sulyap niya sa'kin nang paulit-ulit habang nasa biyahe kami. On the other hand, parang kakawala na sa dibdib ko ang kumakabog kong puso. It's hard to breathe when he's around like this. Para akong timang na paulit-ulit kinukurot ang sarili kong kamay upang kalmahin ang sarili. Itinuon ko rin ang pansin ko sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maisip ang presensya niya. Iniliko niya ang sasakyan sa parking space ng isang sikat na botika. Bumalikwas ako upang lingunin siya ngunit mabilis na siyang bumaba ng sasakyan nang huminto iyon. Sinundan ng mga mata ko kung saan siya pupunta. Malalaki ang kan'yang hakbang papasok sa loob ng botika. Hindi ko na rin nakita pa kung anong ginawa niya sa loob
That Monday, dumaan si Ate Caroline sa tower namin. Naabutan niya kami ng mga anak ko sa pool. Iniahon ko ang mga anak ko sa pool para mapunasan na sila ni Manang Lydia. Binalot ko sa robe ang aking sarili pagkatapos ay nilapitan si Ate Caroline na nasa malapit na sun lounger. Malapad ang ngiti nito nang makalapit ako. "Ano? Tuloy tayo later?" Tanong nito matapos akong i-beso. "Sure, Ate." Sagot ko. "We'll be at their pre-dinner too. And my friend is very excited to meet you." Paliwanag niya sa excited na boses. "By the way, why don't you enroll my nephews to a swimming lesson? My son and my daughter are both taking swimming lessons twice a week. Pwede namin silang samahan ni Mark if you are too busy to do so." She offered. "I'll think about it, Ate." Sagot ko. Hindi na rin nagtagal pa si Ate dahil magpupunta pa siya sa grocery. Umakyat na rin naman kami ng mga bata sa unit matapos iyon. A dip in a swimming pool was all we needed. Lagi lang kasing nasa loob ang mga b
Hindi ko na tinapos ang party. Pagkababa ko sa stage ay pinatanggal ko na kay Mom ang suot kong kwintas. "Do you know that he would be here?" Tanong ko kay Mom habang tinatanggal niya ang kwintas sa leeg ko. Napalakas na ang boses ko dahil sa frustrations mula sa power tripping na nasaksihan kanina. Hindi kumibo si Mom. "Mom?! Him and Mr. Silvester are abviously the most anticipated people here. How come you didn't tell me?!" "Anak, they keep these charity programs running. Sa tingin mo, hihindi ang daddy mo?" Tanong ni Mom sa kalmadong boses. "Yeah! And you shouldn't let me come here. I barely held myself together just to survive this night." Reklamo ko. "Well, we're very sorry. Sasabihin ko sa daddy mo." Sabi nito habang inilalagay na sa magarang kahon ang kwintas."I'm going home." Utas ko. Hindi naman na ako pinigilan ni Mom kaya nagmadali na akong puntahan si Kurt para magpahatid. "Why? May ilang speech pa." Tanong ng nagtatakang si Kurt. "Kurt, I just want to go home." B
I excuse myself after a few greetings from other visitors. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ako from that single encounter with him. Nagpunta ako sa restroom pagkatapos ay nag-retouch ng makeup. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinawagan si Manang Lydia. Kinumusta ko ang mga anak ko at ayon sa kan'ya ay mahimbing na ang tulog ng mga ito. I put on my confident facade. I just need to fake it until this night ends. Naupo ako sa tabi ni Mom pagkatapos ay nakinig na sa programa. Iniwasan ko ang sarili ko sa paglingon sa paligid at itinuon na lamang ang atensyon sa pakikinig. "Tulog na ba ang kambal?" Bulong ni Mom. Tumango ako sa kan'ya ngunit nagtagal pa ang titig ni Mom. "When will you tell him?" Nag-aalalang bulong nito. "I still don't know, Mom. He deserves to know but I think this is not the right time either." Bulong ko pabalik. After a few speeches from Dad's business partners, nagsimula na ang dinner. It's a bit late but dinner
"Mom, where's Dad?" Biglang tanong ni Gabriel noong gabing umuwi kami pagkatapos ng family dinner. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. I didn't expect that one of them would ask me this question sooner. They're too young to ask me this! Natuyuan ako ng lalamunan. How can I explain this to them? And I'm not prepared for this. Nagkatinginan kami ni Manang Lydia kaya tumikhim ako. "Uhm, h-he's working somewhere f-far." I stuttered. Natataranta ako habang pilit na nag-iiwas ng tingin kay Gabriel. "Gavin has a Dad." Gabriel commented again. Halos mapakamot ako sa aking batok dahil sa lumalabas sa bibig ni Gabriel. "Y-yes. And you too have a dad. H-he just have to work somewhere far." Sagot ko sa kan'ya. Kinalabit naman ako ni Josiah. "When he coming home?" Tanong naman ni Josiah na nakikinig pala sa pinag-uusapan namin ng kakambal niya."Soon. We'll see him soon." Sagot ko at binalewala ang usapan. "Did you enjoy our visit to grandma and grandpa?" Tanong ko
"We're going to grandma's house." Sabi ko sa kambal habang binibihisan namin sila ni Manang Lydia. "Why?" Josiah asked curiously. "She misses you." Sagot ko na ngayon ay sinasapatusan na ito. I received a call from mom that morning. We will be having a dinner as family. Hindi pa ako makapaniwala noong una pero kagustuhan daw talaga ni Dad na makarating kami ng mga anak ko. Nang matapos kami ni Manang Lydia na bihisan ang mga bata ay saktong dumating na si Kurt. Siya ang maghahatid sa'min papunta sa mansion ng mga magulang ko. Binuhat agad ni Kurt si Josiah upang huwag magtatakbo sa hallway na patungo sa elevator. Buhat-buhat ko naman ang tahimik na si Gabriel. Habang nakasunod sa'min si Manang Lydia na buhat din ang mga gamit ng kambal. Mabilis lamang ang naging biyahe namin. Nang makababa kami sa driveway ay nagpaalam na rin si Kurt dahil may pupuntahan pa sila ni Ken. Salamat naman at nagkabati rin sila. Nagpasalamat ako sa kan'ya pagkatapos ay inakay na ang mga bata papasok
Nagpaalam ako kaagad sa boss kong si Miss Brenda. She's very generous about giving me a lot of time for what she called a vacation. Dalawang buwan ang binigay niya sa'kin kaya pumayag na rin ako. Naisip ko rin kasi si Manang Lydia na halos ilang taon ring nawalay sa mga kapamilya para samahan ako rito sa US. Napakarami nang okasyon sa kanilang pamilya ang napalampas niya dahil sa pag-aalaga niya samin ng mga anak ko. Dalawang linggo bago ang kasal ni Amy ay nakatakda na kaming lumipad patungong Pilipinas. Nais rin kasi nitong naroon ako sa kan'yang bridal shower. Bilang mabuting kaibigan, hindi ko pwedeng palampasin iyon kahit pa sobrang overwhelmed pa rin ako sa ideyang uuwi kami ng mga anak ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng dalawang buwan naming pananatili roon. Ngunit kung mangyari man ang kinatatakutan ko, haharapin ko ito ng buong loob kahit pa ngayon pa lamang ay naduduwag na ako. Kurt offered me his spare condo unit. Kahit hindi ko sa
Pregnancy is not easy especially when I have to attend every check up alone. Mothers would eye me because I don't have a husband with me during checkups. Halos hilingin kong lamunin ako ng lupa dahil sa mga judging stares mula sa kanila. Thank God, my OB was heaven sent! Though, the worst part of it all is the morning sickness. I would throw my guts out every morning. I just thank God that I don't have any weird cravings or that I never turned out to be a picky eater. Kasi dahil kapag nangyari iyon, isusumpa talaga ako ni Manang Lydia dahil madalas itong naliligaw kapag lumalabas para bumili ng kung ano. Kinailangan ko pa siyang i-enroll sa driving school para hindi na siya namamasahe at nang mas matuto siya sa kalakaran dito sa US. Sadness is still there. I am still missing someone I shouldn't be dealing with. Damn! I would still cry myself every night. Pero dahil may nabasa ako na pregnancy pamphlet tungkol sa epekto ng pag-iyak sa mga baby ay pinilit kong huwag nang mag-isip ng
The next thing I knew, I rode a taxi while wailing. Para akong namatayan. It's true, though. My heart died the moment Sebastian decided to part ways with me. Panay sulyap naman ang driver sa'kin na tila nagtataka kung bakit humahagulgol ako habang nakasuot ng magarang traje de boda. "M-ma'am, mukhang sinusundan po tayo." Nag-aalinlangang sabi ng taxi driver habang palingon-lingon sa rear view mirror ng sasakyan. Natigilan ako at napabalikwas upang silipin ang mga sasakyang nakasunod sa'min. Sasakyan ni Jude ang una kong natanaw. "T-tuloy po tayo sa a-address na binigay ko, Manong." Mando ko sa kan'ya sa nanginginig na boses. Tumango lamang ito at patuloy na nagmaneho hanggang sa marating namin ang street nina Baste. Mabilis akong lumabas sa taxi at tinahak ang masikip na daan patungo sa bahay ng pakay ko. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga kapit-bahay nila na tila nang-uusisa kung ano ang nangyayari. I want to hear from his mouth that he didn't really choose me and that he acc