Baste and I stayed in bed the whole afternoon. We talked a lot about our childhood, unforgettable experiences, and the things we like about each other. "You're kind and a hard worker. You care about your sisters so much. Samantalang yung mga ate ko, hindi ko nakitaan ng pakialam sa'kin." I answered when he asked me what I liked about him. "And I really like your patience and spirit." Dagdag ko. Natahimik kami roon hanggang sa may maalala akong gusto kong itanong sa kan'ya. "Saan ka nga pala pumunta kahapon after you walked out on me?" I asked curiously."Tumakbo ako nang tumakbo. Gustuhin ko mang sapakin si Jude, hindi ko alam kung saan siya pupuntahan." Paliwanag niya. We burst out with laughter. "Oh, you're hilarious!" I commented then I felt him kiss my forehead. "Mahal kita, Gabriella." He whispered. Tiningala ko siya. I can always feel his love but I never heard him say those words. Ito siguro ang unang pagkakataon na maririnig ko iyon mula sa kan'ya."I love you more than
Warning: This chapter contains mature content. Please, read at your risk. Thank you! *** Baste decided that we should go back to the rest house. Ipinagpaalam niya na ako sa mga kaibigan ko na mukhang nag-alala rin sa nangyari. "Did you just call me your wife?" Tanong ko habang naglalakad kami paakyat sa slope. "Bakit? Hindi mo ba gusto?" Suplado niyang tanong. I smiled and looked at him. Nakasunod siya at nakahawak sa railings ng hagdan. Nakatingala naman siya sa'kin at kunot ang noo. "I like the sound of it. And I love the idea of you being my husband, Baste." Sagot ko. Nag-iwas siya ng tingin. It also dawned on me though. That wouldn't happen if my plans failed. Kailangan kong pag-isipan ang gagawin kong hakbang pag-uwi namin sa syudad. He's the only right thing that has happened to me. And I couldn't afford to lose him over this marriage inspite of business. Hinawi ko ang aking mga iniisip at bumaba sa baitang na inaapakan niya. I intertwined my fingers on his and m
The next day, we went island hopping and snorkeling. For lunch, we dined in a floating seafood restaurant. "Can we do this again?" Ken requested while we were having our lunch. Tumango-tango si Kurt at si Andrew. "Yes. But these two here, need our help so that they can stay together." Sabi ni Amy habang pabalik-balik kaming itinuturo ni Baste. "Do you have a plan?" Naningkit ang mga mata ni Kurt. "Just simply tell my parents." Sagot ko sa kanila na animo'y napadaling kausap ng Daddy ko. Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan. "Okay, we'll do it later." Sabi naman ni Amy at nagpatuloy kumain. After lunch, nag-ayos na rin kami ng mga gamit. Alas tres ang flight namin pabalik sa syudad at kailangang naroon na kami an hour before. Honatid ulit kami ng family driver nina Amy sa airport. Nasagupa pa namin ang traffic dahilan para kaunting minuto na lang ang natitira bago mag-load ng pasahero ang eroplano. Hindi ako mapakali sa biyahe. Pakiramdam ko may ibang nag-aabang sa'ki
I couldn't sleep the whole night. Halos wala na akong mailuha pa kaiiyak sa galit at sama ng loob. I have never seen my dad like this. Masyado siyang desperado na maikasal ako kay Jude kahit pa labag na sa kalooban ko. Alam kong ginusto ko naman ito noong una. But, Baste happened. And he will always be the right choice for me. With him, I felt free and seen. That morning, napabangon ako nang marinig kong may nagbubukas ng pintuan ng aking kwarto. Hinintay ko kung sino ang iluluwa niyon at halos bumagsak ang balikat ko nang makita ko ang aking ama. May dala siyang envelope na hindi ko alam kung ano ang laman. "Do you want an update with your lover?" Panimula nito sa mas kalmadong boses. Kumunot agad ang aking noo dahil sa inis sa kan'ya. "He's still in jail and even if my lawyer offered him a large sum of money, he never accepted it. Very loyal. Very brave." Dagdag niya sa tonong nang-uuyam. I couldn't speak cause I needed to hear more updates about him. "He still choose to keep
The next midnights were the same. Nakakalusot sina Amy at Kurt sa security ng mansion sa tulong ni Mom at ng ilang kasambahay. My friends would update me with their plans but they still couldn't tell any news about Baste. "We've talked to Jake. Wala pa ring progress sa paghahanap niya sa tatay ni Baste. But he got a lot of information about his mom. Nagtrabaho sa Harrison Morris ang mommy niya dati bilang secretary ng CEO. Pero bigla na lang itong nawala roon nang walang paalam. Now, Jake's trying to find possible office mates of Baste's mom. He's looking into Charity Miranda's profile. His mom's best friend that time." Paliwanag ni Amy. Tumango-tango ako sa nasagap nilang impormasyon. The next day, Dad went to my room again. Suot ang malapad na ngiti na animo'y napakasaya niya. His presence made me uncomfortable. Lalo akong kinabahan nang makita ulit na may hawak siyang envelope. "Baste will be freed later. Do you know why?" Panimula niya. Mabilis kong itinuon ang pansin sa
The next thing I knew, I rode a taxi while wailing. Para akong namatayan. It's true, though. My heart died the moment Sebastian decided to part ways with me. Panay sulyap naman ang driver sa'kin na tila nagtataka kung bakit humahagulgol ako habang nakasuot ng magarang traje de boda. "M-ma'am, mukhang sinusundan po tayo." Nag-aalinlangang sabi ng taxi driver habang palingon-lingon sa rear view mirror ng sasakyan. Natigilan ako at napabalikwas upang silipin ang mga sasakyang nakasunod sa'min. Sasakyan ni Jude ang una kong natanaw. "T-tuloy po tayo sa a-address na binigay ko, Manong." Mando ko sa kan'ya sa nanginginig na boses. Tumango lamang ito at patuloy na nagmaneho hanggang sa marating namin ang street nina Baste. Mabilis akong lumabas sa taxi at tinahak ang masikip na daan patungo sa bahay ng pakay ko. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga kapit-bahay nila na tila nang-uusisa kung ano ang nangyayari. I want to hear from his mouth that he didn't really choose me and that he acc
Pregnancy is not easy especially when I have to attend every check up alone. Mothers would eye me because I don't have a husband with me during checkups. Halos hilingin kong lamunin ako ng lupa dahil sa mga judging stares mula sa kanila. Thank God, my OB was heaven sent! Though, the worst part of it all is the morning sickness. I would throw my guts out every morning. I just thank God that I don't have any weird cravings or that I never turned out to be a picky eater. Kasi dahil kapag nangyari iyon, isusumpa talaga ako ni Manang Lydia dahil madalas itong naliligaw kapag lumalabas para bumili ng kung ano. Kinailangan ko pa siyang i-enroll sa driving school para hindi na siya namamasahe at nang mas matuto siya sa kalakaran dito sa US. Sadness is still there. I am still missing someone I shouldn't be dealing with. Damn! I would still cry myself every night. Pero dahil may nabasa ako na pregnancy pamphlet tungkol sa epekto ng pag-iyak sa mga baby ay pinilit kong huwag nang mag-isip ng
Nagpaalam ako kaagad sa boss kong si Miss Brenda. She's very generous about giving me a lot of time for what she called a vacation. Dalawang buwan ang binigay niya sa'kin kaya pumayag na rin ako. Naisip ko rin kasi si Manang Lydia na halos ilang taon ring nawalay sa mga kapamilya para samahan ako rito sa US. Napakarami nang okasyon sa kanilang pamilya ang napalampas niya dahil sa pag-aalaga niya samin ng mga anak ko. Dalawang linggo bago ang kasal ni Amy ay nakatakda na kaming lumipad patungong Pilipinas. Nais rin kasi nitong naroon ako sa kan'yang bridal shower. Bilang mabuting kaibigan, hindi ko pwedeng palampasin iyon kahit pa sobrang overwhelmed pa rin ako sa ideyang uuwi kami ng mga anak ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng dalawang buwan naming pananatili roon. Ngunit kung mangyari man ang kinatatakutan ko, haharapin ko ito ng buong loob kahit pa ngayon pa lamang ay naduduwag na ako. Kurt offered me his spare condo unit. Kahit hindi ko sa