Pregnancy is not easy especially when I have to attend every check up alone. Mothers would eye me because I don't have a husband with me during checkups. Halos hilingin kong lamunin ako ng lupa dahil sa mga judging stares mula sa kanila. Thank God, my OB was heaven sent! Though, the worst part of it all is the morning sickness. I would throw my guts out every morning. I just thank God that I don't have any weird cravings or that I never turned out to be a picky eater. Kasi dahil kapag nangyari iyon, isusumpa talaga ako ni Manang Lydia dahil madalas itong naliligaw kapag lumalabas para bumili ng kung ano. Kinailangan ko pa siyang i-enroll sa driving school para hindi na siya namamasahe at nang mas matuto siya sa kalakaran dito sa US. Sadness is still there. I am still missing someone I shouldn't be dealing with. Damn! I would still cry myself every night. Pero dahil may nabasa ako na pregnancy pamphlet tungkol sa epekto ng pag-iyak sa mga baby ay pinilit kong huwag nang mag-isip ng
Nagpaalam ako kaagad sa boss kong si Miss Brenda. She's very generous about giving me a lot of time for what she called a vacation. Dalawang buwan ang binigay niya sa'kin kaya pumayag na rin ako. Naisip ko rin kasi si Manang Lydia na halos ilang taon ring nawalay sa mga kapamilya para samahan ako rito sa US. Napakarami nang okasyon sa kanilang pamilya ang napalampas niya dahil sa pag-aalaga niya samin ng mga anak ko. Dalawang linggo bago ang kasal ni Amy ay nakatakda na kaming lumipad patungong Pilipinas. Nais rin kasi nitong naroon ako sa kan'yang bridal shower. Bilang mabuting kaibigan, hindi ko pwedeng palampasin iyon kahit pa sobrang overwhelmed pa rin ako sa ideyang uuwi kami ng mga anak ko sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng dalawang buwan naming pananatili roon. Ngunit kung mangyari man ang kinatatakutan ko, haharapin ko ito ng buong loob kahit pa ngayon pa lamang ay naduduwag na ako. Kurt offered me his spare condo unit. Kahit hindi ko sa
"We're going to grandma's house." Sabi ko sa kambal habang binibihisan namin sila ni Manang Lydia. "Why?" Josiah asked curiously. "She misses you." Sagot ko na ngayon ay sinasapatusan na ito. I received a call from mom that morning. We will be having a dinner as family. Hindi pa ako makapaniwala noong una pero kagustuhan daw talaga ni Dad na makarating kami ng mga anak ko. Nang matapos kami ni Manang Lydia na bihisan ang mga bata ay saktong dumating na si Kurt. Siya ang maghahatid sa'min papunta sa mansion ng mga magulang ko. Binuhat agad ni Kurt si Josiah upang huwag magtatakbo sa hallway na patungo sa elevator. Buhat-buhat ko naman ang tahimik na si Gabriel. Habang nakasunod sa'min si Manang Lydia na buhat din ang mga gamit ng kambal. Mabilis lamang ang naging biyahe namin. Nang makababa kami sa driveway ay nagpaalam na rin si Kurt dahil may pupuntahan pa sila ni Ken. Salamat naman at nagkabati rin sila. Nagpasalamat ako sa kan'ya pagkatapos ay inakay na ang mga bata papasok
"Mom, where's Dad?" Biglang tanong ni Gabriel noong gabing umuwi kami pagkatapos ng family dinner. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. I didn't expect that one of them would ask me this question sooner. They're too young to ask me this! Natuyuan ako ng lalamunan. How can I explain this to them? And I'm not prepared for this. Nagkatinginan kami ni Manang Lydia kaya tumikhim ako. "Uhm, h-he's working somewhere f-far." I stuttered. Natataranta ako habang pilit na nag-iiwas ng tingin kay Gabriel. "Gavin has a Dad." Gabriel commented again. Halos mapakamot ako sa aking batok dahil sa lumalabas sa bibig ni Gabriel. "Y-yes. And you too have a dad. H-he just have to work somewhere far." Sagot ko sa kan'ya. Kinalabit naman ako ni Josiah. "When he coming home?" Tanong naman ni Josiah na nakikinig pala sa pinag-uusapan namin ng kakambal niya."Soon. We'll see him soon." Sagot ko at binalewala ang usapan. "Did you enjoy our visit to grandma and grandpa?" Tanong ko
I excuse myself after a few greetings from other visitors. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ako from that single encounter with him. Nagpunta ako sa restroom pagkatapos ay nag-retouch ng makeup. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinawagan si Manang Lydia. Kinumusta ko ang mga anak ko at ayon sa kan'ya ay mahimbing na ang tulog ng mga ito. I put on my confident facade. I just need to fake it until this night ends. Naupo ako sa tabi ni Mom pagkatapos ay nakinig na sa programa. Iniwasan ko ang sarili ko sa paglingon sa paligid at itinuon na lamang ang atensyon sa pakikinig. "Tulog na ba ang kambal?" Bulong ni Mom. Tumango ako sa kan'ya ngunit nagtagal pa ang titig ni Mom. "When will you tell him?" Nag-aalalang bulong nito. "I still don't know, Mom. He deserves to know but I think this is not the right time either." Bulong ko pabalik. After a few speeches from Dad's business partners, nagsimula na ang dinner. It's a bit late but dinner
Hindi ko na tinapos ang party. Pagkababa ko sa stage ay pinatanggal ko na kay Mom ang suot kong kwintas. "Do you know that he would be here?" Tanong ko kay Mom habang tinatanggal niya ang kwintas sa leeg ko. Napalakas na ang boses ko dahil sa frustrations mula sa power tripping na nasaksihan kanina. Hindi kumibo si Mom. "Mom?! Him and Mr. Silvester are abviously the most anticipated people here. How come you didn't tell me?!" "Anak, they keep these charity programs running. Sa tingin mo, hihindi ang daddy mo?" Tanong ni Mom sa kalmadong boses. "Yeah! And you shouldn't let me come here. I barely held myself together just to survive this night." Reklamo ko. "Well, we're very sorry. Sasabihin ko sa daddy mo." Sabi nito habang inilalagay na sa magarang kahon ang kwintas."I'm going home." Utas ko. Hindi naman na ako pinigilan ni Mom kaya nagmadali na akong puntahan si Kurt para magpahatid. "Why? May ilang speech pa." Tanong ng nagtatakang si Kurt. "Kurt, I just want to go home." B
That Monday, dumaan si Ate Caroline sa tower namin. Naabutan niya kami ng mga anak ko sa pool. Iniahon ko ang mga anak ko sa pool para mapunasan na sila ni Manang Lydia. Binalot ko sa robe ang aking sarili pagkatapos ay nilapitan si Ate Caroline na nasa malapit na sun lounger. Malapad ang ngiti nito nang makalapit ako. "Ano? Tuloy tayo later?" Tanong nito matapos akong i-beso. "Sure, Ate." Sagot ko. "We'll be at their pre-dinner too. And my friend is very excited to meet you." Paliwanag niya sa excited na boses. "By the way, why don't you enroll my nephews to a swimming lesson? My son and my daughter are both taking swimming lessons twice a week. Pwede namin silang samahan ni Mark if you are too busy to do so." She offered. "I'll think about it, Ate." Sagot ko. Hindi na rin nagtagal pa si Ate dahil magpupunta pa siya sa grocery. Umakyat na rin naman kami ng mga bata sa unit matapos iyon. A dip in a swimming pool was all we needed. Lagi lang kasing nasa loob ang mga b
Sumakay si Baste sa driver's seat habang suot ang seryosong ekspresyon. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan habang naka-igting ang panga at mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya nang balingan niya ako. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pag-sulyap niya sa'kin nang paulit-ulit habang nasa biyahe kami. On the other hand, parang kakawala na sa dibdib ko ang kumakabog kong puso. It's hard to breathe when he's around like this. Para akong timang na paulit-ulit kinukurot ang sarili kong kamay upang kalmahin ang sarili. Itinuon ko rin ang pansin ko sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maisip ang presensya niya. Iniliko niya ang sasakyan sa parking space ng isang sikat na botika. Bumalikwas ako upang lingunin siya ngunit mabilis na siyang bumaba ng sasakyan nang huminto iyon. Sinundan ng mga mata ko kung saan siya pupunta. Malalaki ang kan'yang hakbang papasok sa loob ng botika. Hindi ko na rin nakita pa kung anong ginawa niya sa loob