It took me a lot of time to think about things I don't have any control of anymore. All I want is to be left alone by everyone. I lost all sense of direction but I don't have any choice. I need to move forward and continue to sail in the course I've started. Jude set an appointment with the wedding organizer that Saturday. I wore a yellow sundress and my keds. I drove myself to the venue of the meeting. It was in the wedding organizer's studio beside my favorite coffee shop where Baste is working. Pagdating ko roon, wala pa ang sasakyan ni Jude sa tapat ng event studio kaya pumasok muna ako sa coffee shop para bumili ng coffee na madalas kong orderin. Besides my coffee craving, I got curious and wanted to check-in if Baste was there. Pero mukhang imposible iyon dahil gabi ang shift niya sa coffee shop na iyon. Itinaas ko ang shades na nakasuot sa aking mata at hinayaang nakapatong ito sa aking ulo. Gaya ng dati, nakangiti ang mga barista nang makita ang pagpasok ko. Mukhang busy ang
Author's Note: In this chapter, you will have an access to Sebastian's POV from the day she met Gabriella to the last day they were together. Medyo mahaba po ito kaya pagpasensyahan niyo na po. P.S. Read at your risk! Enjoy!***"Pare, table 3." Sabi ni Joma na nakaagaw ng atensyon ko mula sa dancefloor. Natapos na pala ang mga concoction na hinihingi ng mga magkakabarkada sa table 3.Ipinatong ko ang mga mamahaling inumin sa tray na hawak ko pagkatapos ay marahang binaybay ang direksyon patungo sa table 3. Kaunting lakad na lang sana ay naroon na ako ngunit may tulirong babae na humarang sa dinadaanan ko. Lingon siya nang lingon sa paligid na akala mo'y naliligaw o may pinagtataguan. Pinilit kong iwasan ang babae ngunit nabunggo na siya sa'kin at tumapon ang mga inuming hinihintay na sa table 3. Nang magkatinginan kami, kitang-kita ang gulat sa kan'yang maamong mata. Hindi sumilay roon ang galit pero nang magsalita ako para pagalitan siya, doon na nagbago ang mala-anghel niyang awr
"Gabby, matalino ka naman! Bakit ka pa pumayag sa arranged marriage na iyan kung masasaktan ka lang? Ano yan? Super-mega-duper desperation?! Napaka-masochist mo e." Sermon sa'kin ni Amy habang nilalaklak ko ang isang bote ng wine sa counter ng kusina niya. Nilingon ko siya matapos kong sapilitang lunukin ang mapait na wine. "He'll learn to love me easily once we're married, no. Isa pa, kaya ko pa. Kaya ko pa!" Sabi ko na tila pati sarili'y kinukumbinsing mangyayari ang imposible para kay Amy. Umiling siya dahil sa sinabi ko.My friends knew all along how much I endured for Jude. Lahat ng oras ko ginugugol ko roon. Ultimo lunch, pinagluluto ko at pinadadala sa opisina niya. In return, resentment. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa'kin ni Jude kahit wala naman akong ipinakitang mali sa kan'ya. Ilang beses na rin akong pinaalalahanan ng mga kaibigan ko na itigil ko na ang kahibangan ko kay Jude pero hanggang ngayon hindi ko sila pinakikinggan. Marahil ay inis na inis na sila sa mga life c
Kahit labag sa loob ko, natuloy kami sa isang mamahaling bar. Nagsimulang maghanap ng mga lalaki ang mga kaibigan ko habang wala akong ibang ginawa kundi ubusin ang drinks na inorder namin. Medyo may tama na rin ako at tipsy na pero patuloy pa rin sa pagsa-sight seeing ng mga gwapong lalaki sa bar ang mga kaibigan ko. Napansin pa nila ang gwapong waiter na kanina pa raw nilalapitan ng mga underage girls na nakapasok sa bar. "Sis, how about that guy? Mukhang mayaman, kayang sabayan ang lifestyle mo." Suhestiyon ni Kurt habang tinuturo ang matangkad at mestizong lalaking nakikipagbiruan sa mga kaibigan. "Mukhang one-woman man. Ekis tayo riyan." Kumento ni Amy. "How about that one? Ang borta, kaya kang i-choke." Suhestiyon pa ni Amy habang inginunguso ang moreno at matangkad na lalaki. Para pa siyang mahihimatay dahil wari'y pinapaypayan niya ang kanyang sarili. "Ay pak na pak iyan! Lapitan mo na, beks!" Sabi ni Kurt na tila excited sa susunod na mangyayari. Pinagtulakan nila ako
Laglag ang panga ng gwapong waiter nang pakawalan ko siya mula sa pagkakahalik. Kumunot ang noo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na tila nagtataka at sinusuri ako. Nagtaas ako ng kilay at nilinga ang paligid para makasigurong wala na roon ang lalaking tinatakbuhan ko. "Miss, ano yun? Hindi ako madadaan sa halik bilang kabayaran sa mga inuming itinapon mo no." Sabi nito habang inginunguso ang tray. Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya. "Parang ikaw pa yung nalugi a. I'll pay you! Magkano ba iyan?" Iritado kong utas. "Limang libo. Tsaka, yung halik, hindi libre iyon. May bayad din 'yun kasi ginamit mo 'ko para layuan ka nung gym instructor na may British accent, hindi ba?" Sagot nito na tila may malaki akong atraso sa kan'ya. Napakurap-kurap ako sa akusasyon niya ngunit hindi ako makaangal dahil tama naman siya. "Magkano ka ba?" Tanong ko habang pinagtataasan siya ng kilay. "Ay, hindi ako nabibili, miss. Yung serbisyo kong halik ang babayaran mo." Paliwanag niya. I rolled
Wala akong imik nang dumating na ang order namin. Nawalan na ako ng gana dahil sa presensya ni Jude at ng babae niya.Tahimik lamang din si Baste habang kumakain. Ako naman ay halos hindi magalaw ang pagkaing nasa harapan. Natutulala ako at napapatingin sa pwesto nina Jude. Tumatawa siya kasama si Catherine. I never saw him laugh with me like that. Napayuko ako dahil sa nakita at naisip. Bigla akong nalungkot. "Miss, salad na nga lang ang inorder mo, hindi mo pa gagalawin?" Basag ni Baste sa katahimikan. He followed my line of vision then stared back at me with his curious eyes. Napakurap-kurap naman ako at nag-angat ng tingin sa kanya. "Sino ba 'yun? Ex mo, Miss?" Tanong nito. Mabilis akong umiling sa kan'ya. "No. He just looks familiar. A-akala ko kakilala." Palusot ko at ibinaling na lamang ang mata sa Caesar salad na hindi ko pa nababawasan. "Kumain ka lang. Tell me if you still want to order something." Sabi ko at nahihiya namang tumango si Baste at nagpatuloy sa pagkain. Nan
Warning: This chapter contains mature content. Please read at your risk. Thank you!***Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para patuluyin si Baste sa loob ng unit ko at halikan siya. Alam kong nalungkot ako pero naisip ko rin na baka sumaya ako kapag sinunod ko ang suhestiyon ng magigiting kong mga kaibigan.Hindi tulad ng mga halik ko kanina sa bar na marahan, tila may pagka-sabik rito. Ginantihan niya ang mga halik ko dahilan para maipako niya ako sa pader. I can feel his hand on my back and the other on my nape. Hilong-hilo ako sa mga halik niya na parang mawawala ako sa sarili ko. In mid air, he stopped. He clenched his jaw as he search for my eyes to meet his. Napakagat ako sa labi ko dahil sa hiya. "Miss, uuwi na ako. H-hindi tama ito." Sabi niya na tila hindi ko narinig. Hinihingal siya at kitang-kita ko ang namumuong pagnanasa sa kanyang maamong mga mata. Inilapit ko ang aking sarili upang mahalikan siyang muli. Nang maglapat ang aming mga labi ay roon ko muling na
As I made my breakfast that morning, hindi maalis sa isip ko ang mga mata ni Baste. Lalo na ang paraan kung paano niya ako hawakan at halikan. Matapos kong kumain ay naupo pa ako sa dining table kaiisip sa mga nangyari at ginawa ko kagabi nang biglang tumunog ang landline phone ko. Napapitlag ako kaya mabilis akong napatayo at sinagot ito. "Josh Gabriella! What did you do?! Your Tito Ricky and Tita Wendy are both stressed and furious about an article circulating the internet!" Bungad na sermon ni Dad. Laglag ang panga ko ngunit nagpatuloy ito sa panenermon. "You were caught kissing a waiter? My goodness, Josh! Hindi ka ba nag-iisip?! This will tarnish not just our reputation but Aguinaldo's reputation as well!" Tuloy-tuloy pa na sabi ni Dad. Binabaan niya ako ng phone matapos ang paulit-ulit na sermon. Agad ko namang hinanap ang naka-silent mode ko na cellphone. Nang makita ito ay halos manlamig ang aking katawan nang makita ang napakaraming missed call mula sa mga kaibigan ko