Thrizel’s POV“Nag-usap kami ni Thrale. What else can we expect? We know when he finds out I hid you from him, Thrizel. He will get angry. He was angry but were we okay. Nagagalit yata siya dahil ako ang tumayong kuya sa ‘yo. May masama ba roon? Ako na nga ang tumulong para malinawan ka riyan sa kalokohang nararamdaman mo.” Ang tinutukoy niya ay ‘yong nararamdaman ko kay Thrale. Tama ang sinabi dati ni Brooks, naguguluhan lang ako. Tama ang ginawa niyang ilayo niya ako kay Thrale. Tumingin siya kay Blue na nananahimik. “Saan pala kayo galing? Bihis na bihis ka, Blue. Halatang kakauwi niyo lang.”“Kanina pa ako rito, si Thrizel ang kakauwi lang.” Sagot ni Blue habang nakatingin sa kaniyang cellphone. “Saan ka pala pumunta, Thrizel? Bigla kang bumaba sa jeep.”“Pinuntahan ko lang ‘yong lolo ni Z. Maya-maya ay babalik ako sa kanila.” Maayos kong sagot sa kaniyang tanong. Pum’westo ako sa bintana para magpahangin.“Ang tanong, saan nga kayo galing?” Umupo si Brooks sa sofa. Kinuha niya an
Thrizel’s POVNasa hapagkainan kaming tatlo ngayon. Kahit kaming tatlo lang ay hindi mo mararamdaman ang kalungkutan. Si Blue palang na puro kalokohan, mapapahalakhak ka nalang. Loko-loko rin naman itong si Brooks, hindi ko alam ngayon sa kaniya kung bakit naging seryoso siya ngayon. Minsan nalang ito magbiro at tumawa. “Oo nga pala, Thrizel. Anong nangyari sa lakad mo?” Napatigil ako sa panguya nang magtanong si Brooks. Inalala ko kung ano ang kaniyang tinutukoy. Dalawa ang aking pinuntahan, si Z at Phryx. “Kay Phryx ba? Kinuwento niya sa akin kung anong nangyari sa debut ni Aevie.” Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig. “May pinagtataka ako. Sleeping drugs lang naman ang aking nainom. I don’t like chocolate fountains, marami na akong okasyong napunta. Ni kailan ay hindi ko ‘yon pinuntahan. Phryx said na para akong ignorante. Dala ba ng kalasingan?” Yes, karamihan sa aking dinadaluhan ay may chocolate fountain. Wala akong maalalang kinahiligan ko iyon.“Arella is what Phryx saw
Thrizel’s POVPanay ako sigaw sa loob ng sasakyang ‘to, hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Wala akong nakita kun’di itim lang. Ayaw akong tanggalan ng saklob nitong mga ‘to. Nakailang tanong na rin ako sa kanila ngunit hindi sila sumasagot. Ang isa pa ay mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Nakakapagod mang ang piglas nang piglas, panay ko pa ring ginagawa. “Mga tauhan ba kayo ni Cide?! Pakawalan niyo nga ako!” Masakit na ang aking mga kamay. Alam kong tinalian nila iyon para hindi ko sila masapak. Hindi rin ako makasipa dahil gitgit ako ng tatlong ‘to.Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Nakiramdam ako kung anong gagawin nila sa akin. Nagulat ako nang hatakin ng isa ang aking paa, ang isa naman ay naka-alalay sa aking baywang at ang isa pa ay nakahawak sa aking dalawang balikat. Ano bang pinaggagawa nila sa akin? P’wede naman akong buhatin ng isang lalaki!“Ibaba niyo na ako!” Bakit ba kasi wala akong makita? Makikala ko lang kung sino ang may pakana nito. Sasapakin ko siya
Thrizel’s POVNandidito kami ngayon sa iisang malaking lamesa. Nandito kami sa restaurant ng resort na ‘to. Magtatanghalian kami, matapos naming mag-asikaso ay bumaba agad kaming lahat. Ang katabi ko ay si Link, sa kabilang gilid naman ay si Brooks. Nakahain na lahat ng mga pagkain. Ang iba sa amin ay nag-umpisa nang kumain.Bumuntong hininga muna ako bago kunin ang serving spoon para kumuha ng ulam. Kukuha na sana ako nang pigilan ni Link ang aking kamay. Napatingin lahat sa kaniya, pati ako ay natigilan.“Ako na.” Ngumiti siya sa akin. Nilagyan niya nga ang aking plato. Nasanay ako na ako ang kumukuha ng pagkain sa mesa. Nandidito pala si Link, ginagawa ang mga dati niyang gawi sa akin.“Do you like snorkeling? Masaya gawin ‘yon.” Panimula ng pag-uusapan ni Elkhurt. “Gusto ko lang makita ang mukha ni Gio na mukhang isda.” Bigla itong humalakhak dahilan para batukan siya ni Gio. Magkatabi kasi sila. Umangal agad siya. “Mapanakit ka, Gio. Ikaw na nga dinadalaw sa sarili mong tahanan.”
Thrizel’s POV“Blue!” Bulaslas ko nang makita kong tumakbo ito. Napapagpag ako ng aking likuran. Napatingin na rin sa langit dahil magdidilim na. Kahit masakit ang aking paa ay hinabol ko pa rin ang loko-loko na ‘yon. Nakita ko siya sa isang pintuan ng kwarto, nakatayo ito habang hinihintay ako. Nais niya talagang habulin ko siya dahil sa kaniyang pangbubuyo. Nilagyan niya lang naman ang buhangin ang aking likuran. Tahimik akong nakatayo at tinatanaw ang dagat na maharan ang pag-alon.Muli kong tinugis ang lalaking ‘yon, dumaan siya sa hagdan hindi dumiretso sa elevator. Kapag naabutan ko ‘to, sasapakin ko ‘to sa ngala-ngala. Tawa nang tawa si Blue, tuwang-tuwa sa kaniyang ginagawa. Sa kasamaang palad niya, bigla siyang natisod sa isang baitang ng hagdan. Natawa ako dahil doon pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo.“Kapag naabutan, sasakalin kita!” Sigaw kong pagbabanta sa kaniya. Nakarating kaming pasilyo, hindi na ako maaaring sumigaw dito dahil sobrang tahimik, wala man lang gumaga
Thrizel’s POVTahimik akong nakaupo sa malaking bato, nakahiwalay sa aking mga kasama. Kakatapos lang ng aming laro, humiwalay agad ako sa kanila. Umiinom lang ako ng beer habang dinadama ang malamig sa hangin. Gusto ko sanang magpainit sa bonfire ngunit naiilang ako sa pagtitig ni Thrale. Simula nang makita niya ulit ako, ganiyan na siya.Tumunog ang aking telepeno kaya kinuha ko ‘to sa bulsa. Bahagya pang nangunot ang aking noo dahil si Dominic ang tumawag. Ngayon nalang muli siya tumawag sa akin. Hindi ko mawari kung may dapat pa ba siyang alamin sa akin. Hindi niya naman na ako binabantayan, paraa saan pa ang pagtawag niya ngayon?“Bakit?” Kaswal kong pagtatanong.“Nagtetext sa ‘yo si Mr. X, hindi ba?” Kay Mr. X naman siya ngayon interesado. “Yes.”“Anong mga text niya?”Agad kong sinabi ang kaniyang hinihingi. “Noong nakaraang araw, nagbigay ng bulaklak. Sa birthday ni Aevie, maayos naman, pinag-iingat ako. Pagkatapos n’on, siya raw ang panganib ko. Anong mayroon?”“Nakakapagta
Thrizel’s POVMatapos ang pagsasagutan ng dalawang magkapatid. Ito na naman ako, nag-iisa sa labas ng resort. Ayokong makisalamuha sa kanilang pinag-uusapan, mas gusto ko pang damahin ang lamig ng hangin. Hindi man lang ako inaantok dito habang nakaupo. May kape naman sa aking gilid, inabutan ako ni Link kanina. Hindi kalayuan, natanaw ko ang isang pigura ng lalaki habang nakaupo sa dalampasigan. May ilaw sa kaniyang inuupuan kaya kita ko ang buhok niya. Kulay asul, walang iba kun’di si Blue. Nag-iisa lamang ‘to.Huminga ako nang malalim bago siya puntahan. Nakaupo siya sa buhangin kaya umupo rin ako. I asked him. “Pagkatapos ng nangyari kanina, hinatak na ako ni Link. Susundan sana kita sa tubig dahil nag-aalala ako.” Nilingon ko siya. “Ayos ka na ba? Grabe, may hinanakit ka palang gano’n. Hindi halata sa iyo.”Ilang minuto pa bago siya sumagot. Ibang-iba ang Blue kanina habang sumasayaw. Ngayon ay napupuno ito kalungkutan. Nakasimangot ang mukha. “Dahil ayokong intindihin ang pinopr
Thrizel’s POVMatapos kong batuhin si Thrale ng unan sa mukha ay niyaya ako ni Brooks bumaba. Ngayon ay nandirito kami sa buhangin, nakaupo. Pinapanood ang mga taong naliligo na nagbabakasyon din ngayon dito. Sa aming gilid ay sila Arella na naglalaro. Hinihintay ko lang umimik ang aking katabi dahil kanina pa kami nandirito.“Sa tingin mo nagkaayos na kaya ‘yong dalawa?” Panimula niyang tanong habang nasa malayo ang tingin. Seryoso ang kaniyang mukha.“Sila Ryke at Blue ba?” Dahan-dahan siyang tumango.“Nasaan ba silang dalawa ngayon? Kanina ko pa hindi nakikita si Blue.” Naglagay ako ng buhangin sa aking tuhod. Pinaglalaruan ito.“Masarap maging kapatid si Blue, sobrang galang.” Parang may naisip siya kaya ito napangiti. “Minsan kasi may pagkakamali rin tayo, hindi maiiwasan ‘yon. Gusto kong magkaayos ‘yong magkapatid na ‘yon. Pasimpleng nagagalit si Blue sa kaniyang kuya. Kapag magkasama kami nagkukwento tungkol sa kanilang dalawa. Naalala nga raw niya noong bata pa sila, naihi si