Dominic's POV"I need to go, mauna ka na, Demzell. Bonding with your friend, huwag kang sumama sa akin. Mabuburyo ka lang." Nandito kami sa resto ng aking kapatid. Kumakain. Hindi ko alam kung anong trip nito at nakipagkita sa akin para lang dito. Hindi siya tumayo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso muna ito sa akin bago umalis.Napahinga naman ako nang malalim at sinandal ang likod sa upuan. Ayos lang naman sa aking magyaya siya nito dahil wala naman akong gawain, buryo na rin ako sa bahay dahil wala man lang mapaglibangan. Bakit ba kasi tapos na ang school year? Walang thrill ang buhay ko kung araw-araw lang akong ganito."So gross, maghanap ka ng ibang mauupuan, please?" Napatigil ako sa pag-iisip. Tiningnan ko ang babaeng nagsalita, may pinaalis itong lalaki. Dahil sa pagtataka, sinundan ko ng tingin ang lalaki kung saan pupunta. Napaupo ako nang maayos nang umupo ito sa inupuan ni Demzell. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Tiningnan ko ang kaniyang hitsura, gan'on nalang ak
Thrale's POV"Why? Hindi niyo ba nakitang umalis?"Napahilamos ako ng aking mukha. Nakailang tawag ako kay Thrizel sa kaniyang kwarto ngunit hindi ito sumasagot. Wala akong double key ng kaniyang pinto kaya hindi ko alam kung paano ako makakapasok. Sarado rin ang kaniyang balkonahe at bintana sa taas. Anong pakana ng babaeng 'yon?"Wala, nandito ako sa sala. Wala akong nakitang Thrizel na lumabas." Pagpapaliwanag sa akin ni Arella. Napailing-iling ako at napahilamos ng mukha. "Argh!" Iba ang pakiramdam ko ngayon. Nakailang tawag na rin ako sa kaniyang selpon ngunit tunog lang ito nang tunog sa kaniyang kwarto. "Thrale." Biglang pumasok si Anissa. Tumingin ako sa kaniya. "Wala ang kotse ni Thrizel sa garahe. Marunong ba siya magmaneho? Wala siyang student license." Iyon ang hindi ko alam. Hindi ko alam kung marunong magmaneho si Thrizel. Nang matapos ang school year, wala na akong alam sa kaniyang pinaggagawa."Lagot ako kay mom kapag naglayas ulit si Thrizel." Inis kong sabi sa kan
Thrale’s POVNabuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Thrizel. Sinira ko pa ang doorknob nito para makapasok. Sobrang kalat ng kaniyang kwarto, ang mga unan at comforter ay nasa sahig. Ang mga libro ay kalat na kalat sa study table. Kilala ko ang babaeng ‘yon, malinis iyon pagdating sa ganito. Hindi ko lang alam ngayon. Wala pa akong balita sa kaniya.Tinawagan ko na lahat ng mga kaniyang kakilala, hindi nga raw nila alam. Lubha na akong nag-aalala. Sabihin ko kaya sa mga pulis na nawawala ang aking kapatid? No, hindi, kilala ako ng mga iyon dahil kay dad. Kung sasabihin ko, p’wedeng malaman ng aking mga magulang na naging pabaya akong kuya. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon.I walked over to her cabinet. I hope my sister has a diary in case I see what her problem is. May mga notebooks akong nakita pero tungkol lamang ito sa kaniyang pag-aaral. Sa pinakaibaba, may nakita akong identification. I read the name, Redelyn Gauniria. Hindi ako nagkakamali, ito ang girlfriend ni Phryx,
Thrale's POVIsang linggo na ang nakalipas. Ang huli kong balita ay Thrizel ay 'yong may naglagay ng sobre sa aming gate. Sa isang linggo ko siyang hinanap, hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya kahit alam kong nasa maayos siyang kalagayan. Kung si Link ang kumuha sa aking kapatid, hindi ako papayag. Lalo na't naaalala ko ang sinabi sa akin ni Thrizel na sana ay si Link nalang ang kaniyang kuya. Nasaktan ako roon, iyon ang totoo.Early in the morning I left. I had no choice but to ask that person. Of all Thrizel's acquaintances, he's the only one I don't ask even if he went last week. Hambong ang lalaking 'yon, hindi pagbababa ng pride ang aking ginagawa. Magtatanong lang naman ako sa kaniya at hindi hihingi ng tulong. Hindi ko kailangan ng tulong n'on kahit alam kong may maitutulong siya. Nang makarating ako sa resto, bumaba na ako. Pumasok agad ako, hindi kalayuan, kitang-kita ko na agad si Dominic. Nakadekwatro itong umupo at nakahalukipkip, diretso ang kaniyang tingin sa akin
Gio’s POV“I need to find Thrizel now, Gio!” Nakatingin lang ako kay Thrale. Problemadong-problemado talaga siya dahil hindi niya makita si Thrizel, mahigit isang linggo na. “Uuwi si dad, ano nalang ang madadahilan ko?!”“Think posi—“Fuck that think positive! Mamayang gabi uuwi si dad, kailangan ko siya makita ngayon!” Napahilamos ito ng mukha. Hindi ko rin alam kung paano mahahanap si Thrizel. Wala akong kahit anong access sa kaniya, hindi ko rin matrack ang kaniyang cellphone number. Sinong malakas ang loob para itago ang kapatid ni Thrale?“Calm down.” Nagseryoso na ako. Humarap ako sa aking laptop. Inistalk ko ang mga social media accounts ni Thrizel. Nakailang tingin na ako roon pero wala talaga akong makuhang clue kung saan siya mahahanap. Ang tagal niya na ring hindi nagpopost sa lahat ng account niya.“Ano ba kasing ginawa mo sa kapatid mo?” Binalingan ko siya ng saglit at muling humarap sa laptop. “You know what, Thrale? Hindi ako naniniwalang wala kang ginawa dahil hindi
Thrizel's POV1 month later...Nandito ako ngayon sa VIP Room. Kinuha ko ang beer na nasa aking harapan. Tiningnan ko iyon saka pinatunog ang yelo sa baso. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang aking kaharap. Napailing-iling ako at ngumisi. "What are you asking?" Ininom ko ang laman ng aking baso. Pagkatapos ay nilapag sa lamesa."Ano nga bang tinanong ko?" Tamad itong tumingin sa akin. Sumandal naman siya sa sofa at pinikit ang mga mata, nairita ako sa paraan ng pagkilos niya. Siya ang may kailangan, siya dapat ang nangungulit sa akin para sagutin ko ang tanong niya."You can leave now." Masungit kong sabi sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa closet. Naghanap ako ng damit na aking isusuot dahil may pupuntahan ako ngayon."Mas lalong sumama ang uga-""I don't care." Putol ko sa kaniyang sasabihin nang hindi siya nililingon. Tuloy pa rin ako sa pamimili. Kahit anong sabihin niya tungkol sa akin, wala akong pakialam. "Seriously, Thrizel?" Ramdam kong tumayo siya mula sa pagkakaupo n
Thrizel’s POV“Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo? You already move on, Thrizel.” Nakatingin lamang ako kay Brooks na nagsasalita. Kanina pa nito ako sinesermonan. “Umuwi ka na sa inyo, natulungan naman na kita. Dadami lang ang kaaway mo, hindi ko gusto makaaway si Cide. Hindi dahil sa takot ako, umiiwas lang ako sa gano’n. Intindihin mo naman ang aking sinasabi, may nadadamay.” “No, I won’t. I don’t want to. Kung kailangan kong layuan si Cide. I wil—”“Siya mismo ang lumalapit sa ‘yo.” Napahilamos ito ng mukha. Potek, bakit ba kasi lapitin ako ng gulo? Ako ba ang may problema o sila? “You rejected Cide in public. Malamang mapapahiya siya, iyon ang ikinagagalit ng lalaking ‘yon. Alam mo namang sikat—”“It’s not my fault!” Angal ko agad at biglang napatayo sa upuan. “He asked me in public. For what para magpasikat? Sana bago niya ginawa ‘yon, alam niya ang kakahinatnan. Hindi porque sinasabi ng mga tao na oo ang isasagot ko, mapapa-oo na rin ako. May sarili akong isip, may sariling s
Thrizel’s POV“Thrizel! Thrizel! Why are you ignoring me? What’s problem?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aevie ngunit hindi ko sinasagot. Patuloy lamang ako sa paglalakad. Wala pa kami sa hideout ni Brooks, bumaba agad ako sa klase. Pinahinto ko ang sasakyan sa kaniya kaya iyan siya ngayon, panay habol sa akin. Ako naman ay hindi siya pinapansin. Sinahihan kong tumigil dahil kaya ko namang umuwi mag-isa. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking pulsuhan kaya huminto ako.“Hey, I’m so sorry kung hindi kita pinaalis. Mukha namang kilala mo ang mga kaibigan ko. Kaano-ano mo ba sila? Konektado ka ba?” Tinitigan ko ito sa mga mata. Hindi katagalan, tumalikod muli ako at naglakad nang mabilis. Hahawakan sana ako nito muli nang magsalita ako. “Kaya hindi kita pinapansin dahil alam kong itatanong mo kung anong nangyari sa botique gown. God, Aevie, ramdam mo namang umiiwas ako sa gusto mong malaman. Ang gusto ko, hayaan ang pangyayaring ‘yon. Kung ikaw may pakialam at nagtataka, ak