Thrizel's POVNandidito ako sa dati naming hideout. Kung tatanongin, sumama ako kila Nafe, Isla at Faru. Hindi ko alam ang pakay nila kung bakit gusto nila akong makausap. Sigurado naman wala silang gagawin sa akin, kahit bihasa ang tatlong 'to. Kaya kong idepensa ang aking sarili. Kita kong binato ni Nafe ang isang darts, tumama iyon sa puntos na walo. Pansin kong napailing-iling siya.Ako naman ay nakaupo sa sofa, bukod sa nakikiramdam. Umiinom din ako ng tubig. Yes, mas magandang tubig nalang. Lasunin pa ako nitong mga 'to. Sa mata ng mga tao, mahahalatang mababait sila pero sa ganitong lugar, doon mo nakikita ang totoo nilang ugali. Kung sutil ako, mas malala sila. Kung hindi ko nakasama ang mga 'to, isa rin sigurado ako sa mga natatakot."Why is cide so mad at you?" Panimula ni Isla. Nakatingin ito sa akin ng seryoso. Pakiramdam kong inaalam niya lahat ng bawat kilos ko."I rejected him, you didn't know?" "Hindi naman na ako nakikibalita tungkol sa 'yo simula nang magkaaway tayo
Thrizel’s POVBumuntong hininga akong umupo sa sofa. “Hindi ko alam doon. Napapraning na siya. Nakakahiya ang ginawa niyang pagkapit sa akin. Ano nalang iisipin ng mga tao?” Kinuha ko ang tubig na binigay sa akin ni Brooks.Nagpamulsa siyang humarap sa akin. “So kanina pa kayo nakita ni Thrale? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Dahil doon, napatitig ako rito. “Bakit ko pa sasabihin sa ‘yo?” Umirap ako sa hangin. “Alam kong concern ka sa aki—”“Alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?” Kinuha niya ang paper bag. Hinigas sa loob ng kaniyang kwarto. “Concerned nga ako, nag-aalala. Paano nalang kung may gawing masama ‘yang kuya mo sa ‘yo? Base sa kwento mo dati. Wala na akong tiwala kay Thrale. So any complaint, Miss Thrizel?” Ang mga mata niya ay titig na titig. Hindi ako nakatagal, agad akong napaiwas. Bakit parang naiilang ako? Para din akong pinagpapawisan, hindi maintindihan ang sarili.“A-Ah, thanks.” Binaling ko sa iba ang aking atensyon. Si Blue na nananahimik at si Brooks na s
Thrizel’s POVKaninong kamay ang hahawakan ko?Hindi ko alam kung saan ang aking pipiliin dahil nagtataka ako sa kilos nilang lima. Pinag-usapan ba nila ‘to? Pinagtitripan ba nila ako? Pero bakit seryoso naman ang kanilang mga mukha? Naguluhan din ako dahil imblis na si Ate Anissa ang yayain ni Thrale sumayaw, bakit ako? Anong pinapahiwatig na naman nito?Napatingin ako kay Blue, pati siya ay gulat sa nakita. Kung gulat siya, hindi nga ito pinag-usapan. Kung pinag-usapan ‘to, sigurado akong kasali si Blue o kaya mang-aasar siya pero hindi, nagtataka rin siya sa nangyayari ngayon. Nananatili akong nakatayo, nakatingin sa kanilang mga kamay. Ilang minuto na silang ganiyan, hindi ba sila nangangalay? “Hindi ba kayo magbababa ng kamay? Ipaubaya niyo na sa akin ‘to.” Naiinis na sabi ni Ryke sa kaniyang mga kaibigan. Tiningnan lang siya nitong mga ‘to, ayaw nilang magpatalo.“This time, ako naman ang mananalo.” Seryoso ring sabi ni Elkhurt. Sigurado siyang kamay niya ang kukunin ko. “Can
Dominic's POVSinundan ko ng tingin si Thrale habang naglalakad palabas ng party. Nakatingin lahat ng tao sa kanila, buhat-buhat niya pa rin ang kaniyang kapatid. Napahinga ako nang malalim, natigil nang makita kong palabas si Phryx. Agad akong tumakbo. Nakalabas siya ng venue, nang hawakan ko siya sa balikat. Agad itong napahinto at humarap sa akin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kaya nagsalita ako."Bukod sa dahilang sinabi ko kanina, anong kailangan mo kay Thrizel?" Ang mga paningin ko ay nanunuri. Gusto kong obserbahan ang magiging kilos at reaksyon niya. "Wala akong kailangan." Mahinahon niyang sagot na tatalikod na sana nang muli kong hawakan ang kaniyang balikat."Alam kong may kailangan ka. Pinadala ka ba ni Mr. X dito para may gawing masama kay Thrizel? Ano? Ipapahiya niyo na naman siya? Guguluhin ang buhay niya kung kailan maayos na si-""Actually Dominic, mali ka." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Umurong ang aking dila. "Mali ka sa sinabi mong kilala ko si Mr. X, hind
Thrizel’s POVIlang oras na ako ritong nakaupo sa aking kama, ni hindi ako nagsasalita. Gustong-gusto ko nang makalabas ngunit ang aking kasama sa silid na ito, halatang taliwas sa aking gusto. Wala akong balak sagutin ang kaniyang tanong, hindi na dapat siya mausisa dahil mas lalong umiinit ang ulo ko sa kaniya. Ang tanging ginagawa ko nalang dito ay ilibot ang paningin sa buong kwarto pero dapat iwas sa lalaking nakatitig sa akin ngayon. Naiilang ako sa paraan ng kaniyang ginagawa. Kanina ko pa ramdam, napako na yata ang tingin nito sa akin kaya hindi magawang ilihis.Binalingan ko siya, kahit ginawa ko iyon, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Umaakto siyang hindi apektado o walang pakialam. Hindi ko alam ang dahilan ng kaniyang pagtitig, hindi ko makita sa kaniyang mga mata. Hindi ko mawari kung sinusuri ba ako o dahil gusto niya lamang. Napaikot nalang ako ng aking mga mata at pabagsak na hiniga ang sarili sa kama. Ang kaninang magandang paggising ko ay sira na. Tuloy-tulo
Thrizel's POVIto na naman ang pinaka-ayokong araw dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay. Humihikab akong sinalampak ang aking katawan sa sofa. Kinuha ko ang unan saka sinubsob ang mukha dito. Wala man lang akong makausap. Hindi rin ako p'wedeng pumunta sa bar dahil pinagbawalan ako roon ni Brooks. Pupunta palang ako, alam ko nang haharangin ako ng kaniyang mga tauhan. "You're so lazy here at hideout. Aren't you going to entertain yourself?" Napadilat ako ng mga mata, tinanggal ko ang unan na nasa aking mukha at tiningnan ang nagsalita. Akala ko ay si Brooks ngunit si Blue pala. Anong nakain nito para magsalita ng ingles? Nakakapagtaka lang. May mga nagagawa kasi siyang bihira sa kaniya. Baka hindi ko pa ito masyado kilala.Inaantok akong sumagot sa kaniya. "Wala akong balak." Napatigil ako sa paghikab nang makita ko ang kaniyang kabuoan. "Saan ka pupunta? May lakad ka ba?" Maayos kasi ang suot niya ngayon. May naamoy din akong men'
Thrizel’s POV“Nag-usap kami ni Thrale. What else can we expect? We know when he finds out I hid you from him, Thrizel. He will get angry. He was angry but were we okay. Nagagalit yata siya dahil ako ang tumayong kuya sa ‘yo. May masama ba roon? Ako na nga ang tumulong para malinawan ka riyan sa kalokohang nararamdaman mo.” Ang tinutukoy niya ay ‘yong nararamdaman ko kay Thrale. Tama ang sinabi dati ni Brooks, naguguluhan lang ako. Tama ang ginawa niyang ilayo niya ako kay Thrale. Tumingin siya kay Blue na nananahimik. “Saan pala kayo galing? Bihis na bihis ka, Blue. Halatang kakauwi niyo lang.”“Kanina pa ako rito, si Thrizel ang kakauwi lang.” Sagot ni Blue habang nakatingin sa kaniyang cellphone. “Saan ka pala pumunta, Thrizel? Bigla kang bumaba sa jeep.”“Pinuntahan ko lang ‘yong lolo ni Z. Maya-maya ay babalik ako sa kanila.” Maayos kong sagot sa kaniyang tanong. Pum’westo ako sa bintana para magpahangin.“Ang tanong, saan nga kayo galing?” Umupo si Brooks sa sofa. Kinuha niya an
Thrizel’s POVNasa hapagkainan kaming tatlo ngayon. Kahit kaming tatlo lang ay hindi mo mararamdaman ang kalungkutan. Si Blue palang na puro kalokohan, mapapahalakhak ka nalang. Loko-loko rin naman itong si Brooks, hindi ko alam ngayon sa kaniya kung bakit naging seryoso siya ngayon. Minsan nalang ito magbiro at tumawa. “Oo nga pala, Thrizel. Anong nangyari sa lakad mo?” Napatigil ako sa panguya nang magtanong si Brooks. Inalala ko kung ano ang kaniyang tinutukoy. Dalawa ang aking pinuntahan, si Z at Phryx. “Kay Phryx ba? Kinuwento niya sa akin kung anong nangyari sa debut ni Aevie.” Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig. “May pinagtataka ako. Sleeping drugs lang naman ang aking nainom. I don’t like chocolate fountains, marami na akong okasyong napunta. Ni kailan ay hindi ko ‘yon pinuntahan. Phryx said na para akong ignorante. Dala ba ng kalasingan?” Yes, karamihan sa aking dinadaluhan ay may chocolate fountain. Wala akong maalalang kinahiligan ko iyon.“Arella is what Phryx saw