Dominic's POVSinundan ko ng tingin si Thrale habang naglalakad palabas ng party. Nakatingin lahat ng tao sa kanila, buhat-buhat niya pa rin ang kaniyang kapatid. Napahinga ako nang malalim, natigil nang makita kong palabas si Phryx. Agad akong tumakbo. Nakalabas siya ng venue, nang hawakan ko siya sa balikat. Agad itong napahinto at humarap sa akin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata kaya nagsalita ako."Bukod sa dahilang sinabi ko kanina, anong kailangan mo kay Thrizel?" Ang mga paningin ko ay nanunuri. Gusto kong obserbahan ang magiging kilos at reaksyon niya. "Wala akong kailangan." Mahinahon niyang sagot na tatalikod na sana nang muli kong hawakan ang kaniyang balikat."Alam kong may kailangan ka. Pinadala ka ba ni Mr. X dito para may gawing masama kay Thrizel? Ano? Ipapahiya niyo na naman siya? Guguluhin ang buhay niya kung kailan maayos na si-""Actually Dominic, mali ka." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Umurong ang aking dila. "Mali ka sa sinabi mong kilala ko si Mr. X, hind
Thrizel’s POVIlang oras na ako ritong nakaupo sa aking kama, ni hindi ako nagsasalita. Gustong-gusto ko nang makalabas ngunit ang aking kasama sa silid na ito, halatang taliwas sa aking gusto. Wala akong balak sagutin ang kaniyang tanong, hindi na dapat siya mausisa dahil mas lalong umiinit ang ulo ko sa kaniya. Ang tanging ginagawa ko nalang dito ay ilibot ang paningin sa buong kwarto pero dapat iwas sa lalaking nakatitig sa akin ngayon. Naiilang ako sa paraan ng kaniyang ginagawa. Kanina ko pa ramdam, napako na yata ang tingin nito sa akin kaya hindi magawang ilihis.Binalingan ko siya, kahit ginawa ko iyon, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Umaakto siyang hindi apektado o walang pakialam. Hindi ko alam ang dahilan ng kaniyang pagtitig, hindi ko makita sa kaniyang mga mata. Hindi ko mawari kung sinusuri ba ako o dahil gusto niya lamang. Napaikot nalang ako ng aking mga mata at pabagsak na hiniga ang sarili sa kama. Ang kaninang magandang paggising ko ay sira na. Tuloy-tulo
Thrizel's POVIto na naman ang pinaka-ayokong araw dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay. Humihikab akong sinalampak ang aking katawan sa sofa. Kinuha ko ang unan saka sinubsob ang mukha dito. Wala man lang akong makausap. Hindi rin ako p'wedeng pumunta sa bar dahil pinagbawalan ako roon ni Brooks. Pupunta palang ako, alam ko nang haharangin ako ng kaniyang mga tauhan. "You're so lazy here at hideout. Aren't you going to entertain yourself?" Napadilat ako ng mga mata, tinanggal ko ang unan na nasa aking mukha at tiningnan ang nagsalita. Akala ko ay si Brooks ngunit si Blue pala. Anong nakain nito para magsalita ng ingles? Nakakapagtaka lang. May mga nagagawa kasi siyang bihira sa kaniya. Baka hindi ko pa ito masyado kilala.Inaantok akong sumagot sa kaniya. "Wala akong balak." Napatigil ako sa paghikab nang makita ko ang kaniyang kabuoan. "Saan ka pupunta? May lakad ka ba?" Maayos kasi ang suot niya ngayon. May naamoy din akong men'
Thrizel’s POV“Nag-usap kami ni Thrale. What else can we expect? We know when he finds out I hid you from him, Thrizel. He will get angry. He was angry but were we okay. Nagagalit yata siya dahil ako ang tumayong kuya sa ‘yo. May masama ba roon? Ako na nga ang tumulong para malinawan ka riyan sa kalokohang nararamdaman mo.” Ang tinutukoy niya ay ‘yong nararamdaman ko kay Thrale. Tama ang sinabi dati ni Brooks, naguguluhan lang ako. Tama ang ginawa niyang ilayo niya ako kay Thrale. Tumingin siya kay Blue na nananahimik. “Saan pala kayo galing? Bihis na bihis ka, Blue. Halatang kakauwi niyo lang.”“Kanina pa ako rito, si Thrizel ang kakauwi lang.” Sagot ni Blue habang nakatingin sa kaniyang cellphone. “Saan ka pala pumunta, Thrizel? Bigla kang bumaba sa jeep.”“Pinuntahan ko lang ‘yong lolo ni Z. Maya-maya ay babalik ako sa kanila.” Maayos kong sagot sa kaniyang tanong. Pum’westo ako sa bintana para magpahangin.“Ang tanong, saan nga kayo galing?” Umupo si Brooks sa sofa. Kinuha niya an
Thrizel’s POVNasa hapagkainan kaming tatlo ngayon. Kahit kaming tatlo lang ay hindi mo mararamdaman ang kalungkutan. Si Blue palang na puro kalokohan, mapapahalakhak ka nalang. Loko-loko rin naman itong si Brooks, hindi ko alam ngayon sa kaniya kung bakit naging seryoso siya ngayon. Minsan nalang ito magbiro at tumawa. “Oo nga pala, Thrizel. Anong nangyari sa lakad mo?” Napatigil ako sa panguya nang magtanong si Brooks. Inalala ko kung ano ang kaniyang tinutukoy. Dalawa ang aking pinuntahan, si Z at Phryx. “Kay Phryx ba? Kinuwento niya sa akin kung anong nangyari sa debut ni Aevie.” Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig. “May pinagtataka ako. Sleeping drugs lang naman ang aking nainom. I don’t like chocolate fountains, marami na akong okasyong napunta. Ni kailan ay hindi ko ‘yon pinuntahan. Phryx said na para akong ignorante. Dala ba ng kalasingan?” Yes, karamihan sa aking dinadaluhan ay may chocolate fountain. Wala akong maalalang kinahiligan ko iyon.“Arella is what Phryx saw
Thrizel’s POVPanay ako sigaw sa loob ng sasakyang ‘to, hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Wala akong nakita kun’di itim lang. Ayaw akong tanggalan ng saklob nitong mga ‘to. Nakailang tanong na rin ako sa kanila ngunit hindi sila sumasagot. Ang isa pa ay mahigpit ang pagkakahawak sa akin. Nakakapagod mang ang piglas nang piglas, panay ko pa ring ginagawa. “Mga tauhan ba kayo ni Cide?! Pakawalan niyo nga ako!” Masakit na ang aking mga kamay. Alam kong tinalian nila iyon para hindi ko sila masapak. Hindi rin ako makasipa dahil gitgit ako ng tatlong ‘to.Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Nakiramdam ako kung anong gagawin nila sa akin. Nagulat ako nang hatakin ng isa ang aking paa, ang isa naman ay naka-alalay sa aking baywang at ang isa pa ay nakahawak sa aking dalawang balikat. Ano bang pinaggagawa nila sa akin? P’wede naman akong buhatin ng isang lalaki!“Ibaba niyo na ako!” Bakit ba kasi wala akong makita? Makikala ko lang kung sino ang may pakana nito. Sasapakin ko siya
Thrizel’s POVNandidito kami ngayon sa iisang malaking lamesa. Nandito kami sa restaurant ng resort na ‘to. Magtatanghalian kami, matapos naming mag-asikaso ay bumaba agad kaming lahat. Ang katabi ko ay si Link, sa kabilang gilid naman ay si Brooks. Nakahain na lahat ng mga pagkain. Ang iba sa amin ay nag-umpisa nang kumain.Bumuntong hininga muna ako bago kunin ang serving spoon para kumuha ng ulam. Kukuha na sana ako nang pigilan ni Link ang aking kamay. Napatingin lahat sa kaniya, pati ako ay natigilan.“Ako na.” Ngumiti siya sa akin. Nilagyan niya nga ang aking plato. Nasanay ako na ako ang kumukuha ng pagkain sa mesa. Nandidito pala si Link, ginagawa ang mga dati niyang gawi sa akin.“Do you like snorkeling? Masaya gawin ‘yon.” Panimula ng pag-uusapan ni Elkhurt. “Gusto ko lang makita ang mukha ni Gio na mukhang isda.” Bigla itong humalakhak dahilan para batukan siya ni Gio. Magkatabi kasi sila. Umangal agad siya. “Mapanakit ka, Gio. Ikaw na nga dinadalaw sa sarili mong tahanan.”
Thrizel’s POV“Blue!” Bulaslas ko nang makita kong tumakbo ito. Napapagpag ako ng aking likuran. Napatingin na rin sa langit dahil magdidilim na. Kahit masakit ang aking paa ay hinabol ko pa rin ang loko-loko na ‘yon. Nakita ko siya sa isang pintuan ng kwarto, nakatayo ito habang hinihintay ako. Nais niya talagang habulin ko siya dahil sa kaniyang pangbubuyo. Nilagyan niya lang naman ang buhangin ang aking likuran. Tahimik akong nakatayo at tinatanaw ang dagat na maharan ang pag-alon.Muli kong tinugis ang lalaking ‘yon, dumaan siya sa hagdan hindi dumiretso sa elevator. Kapag naabutan ko ‘to, sasapakin ko ‘to sa ngala-ngala. Tawa nang tawa si Blue, tuwang-tuwa sa kaniyang ginagawa. Sa kasamaang palad niya, bigla siyang natisod sa isang baitang ng hagdan. Natawa ako dahil doon pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo.“Kapag naabutan, sasakalin kita!” Sigaw kong pagbabanta sa kaniya. Nakarating kaming pasilyo, hindi na ako maaaring sumigaw dito dahil sobrang tahimik, wala man lang gumaga
Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat
Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo
Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop