Thrale's POV"Why? Hindi niyo ba nakitang umalis?"Napahilamos ako ng aking mukha. Nakailang tawag ako kay Thrizel sa kaniyang kwarto ngunit hindi ito sumasagot. Wala akong double key ng kaniyang pinto kaya hindi ko alam kung paano ako makakapasok. Sarado rin ang kaniyang balkonahe at bintana sa taas. Anong pakana ng babaeng 'yon?"Wala, nandito ako sa sala. Wala akong nakitang Thrizel na lumabas." Pagpapaliwanag sa akin ni Arella. Napailing-iling ako at napahilamos ng mukha. "Argh!" Iba ang pakiramdam ko ngayon. Nakailang tawag na rin ako sa kaniyang selpon ngunit tunog lang ito nang tunog sa kaniyang kwarto. "Thrale." Biglang pumasok si Anissa. Tumingin ako sa kaniya. "Wala ang kotse ni Thrizel sa garahe. Marunong ba siya magmaneho? Wala siyang student license." Iyon ang hindi ko alam. Hindi ko alam kung marunong magmaneho si Thrizel. Nang matapos ang school year, wala na akong alam sa kaniyang pinaggagawa."Lagot ako kay mom kapag naglayas ulit si Thrizel." Inis kong sabi sa kan
Thrale’s POVNabuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Thrizel. Sinira ko pa ang doorknob nito para makapasok. Sobrang kalat ng kaniyang kwarto, ang mga unan at comforter ay nasa sahig. Ang mga libro ay kalat na kalat sa study table. Kilala ko ang babaeng ‘yon, malinis iyon pagdating sa ganito. Hindi ko lang alam ngayon. Wala pa akong balita sa kaniya.Tinawagan ko na lahat ng mga kaniyang kakilala, hindi nga raw nila alam. Lubha na akong nag-aalala. Sabihin ko kaya sa mga pulis na nawawala ang aking kapatid? No, hindi, kilala ako ng mga iyon dahil kay dad. Kung sasabihin ko, p’wedeng malaman ng aking mga magulang na naging pabaya akong kuya. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon.I walked over to her cabinet. I hope my sister has a diary in case I see what her problem is. May mga notebooks akong nakita pero tungkol lamang ito sa kaniyang pag-aaral. Sa pinakaibaba, may nakita akong identification. I read the name, Redelyn Gauniria. Hindi ako nagkakamali, ito ang girlfriend ni Phryx,
Thrale's POVIsang linggo na ang nakalipas. Ang huli kong balita ay Thrizel ay 'yong may naglagay ng sobre sa aming gate. Sa isang linggo ko siyang hinanap, hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya kahit alam kong nasa maayos siyang kalagayan. Kung si Link ang kumuha sa aking kapatid, hindi ako papayag. Lalo na't naaalala ko ang sinabi sa akin ni Thrizel na sana ay si Link nalang ang kaniyang kuya. Nasaktan ako roon, iyon ang totoo.Early in the morning I left. I had no choice but to ask that person. Of all Thrizel's acquaintances, he's the only one I don't ask even if he went last week. Hambong ang lalaking 'yon, hindi pagbababa ng pride ang aking ginagawa. Magtatanong lang naman ako sa kaniya at hindi hihingi ng tulong. Hindi ko kailangan ng tulong n'on kahit alam kong may maitutulong siya. Nang makarating ako sa resto, bumaba na ako. Pumasok agad ako, hindi kalayuan, kitang-kita ko na agad si Dominic. Nakadekwatro itong umupo at nakahalukipkip, diretso ang kaniyang tingin sa akin
Gio’s POV“I need to find Thrizel now, Gio!” Nakatingin lang ako kay Thrale. Problemadong-problemado talaga siya dahil hindi niya makita si Thrizel, mahigit isang linggo na. “Uuwi si dad, ano nalang ang madadahilan ko?!”“Think posi—“Fuck that think positive! Mamayang gabi uuwi si dad, kailangan ko siya makita ngayon!” Napahilamos ito ng mukha. Hindi ko rin alam kung paano mahahanap si Thrizel. Wala akong kahit anong access sa kaniya, hindi ko rin matrack ang kaniyang cellphone number. Sinong malakas ang loob para itago ang kapatid ni Thrale?“Calm down.” Nagseryoso na ako. Humarap ako sa aking laptop. Inistalk ko ang mga social media accounts ni Thrizel. Nakailang tingin na ako roon pero wala talaga akong makuhang clue kung saan siya mahahanap. Ang tagal niya na ring hindi nagpopost sa lahat ng account niya.“Ano ba kasing ginawa mo sa kapatid mo?” Binalingan ko siya ng saglit at muling humarap sa laptop. “You know what, Thrale? Hindi ako naniniwalang wala kang ginawa dahil hindi
Thrizel's POV1 month later...Nandito ako ngayon sa VIP Room. Kinuha ko ang beer na nasa aking harapan. Tiningnan ko iyon saka pinatunog ang yelo sa baso. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang aking kaharap. Napailing-iling ako at ngumisi. "What are you asking?" Ininom ko ang laman ng aking baso. Pagkatapos ay nilapag sa lamesa."Ano nga bang tinanong ko?" Tamad itong tumingin sa akin. Sumandal naman siya sa sofa at pinikit ang mga mata, nairita ako sa paraan ng pagkilos niya. Siya ang may kailangan, siya dapat ang nangungulit sa akin para sagutin ko ang tanong niya."You can leave now." Masungit kong sabi sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa closet. Naghanap ako ng damit na aking isusuot dahil may pupuntahan ako ngayon."Mas lalong sumama ang uga-""I don't care." Putol ko sa kaniyang sasabihin nang hindi siya nililingon. Tuloy pa rin ako sa pamimili. Kahit anong sabihin niya tungkol sa akin, wala akong pakialam. "Seriously, Thrizel?" Ramdam kong tumayo siya mula sa pagkakaupo n
Thrizel’s POV“Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo? You already move on, Thrizel.” Nakatingin lamang ako kay Brooks na nagsasalita. Kanina pa nito ako sinesermonan. “Umuwi ka na sa inyo, natulungan naman na kita. Dadami lang ang kaaway mo, hindi ko gusto makaaway si Cide. Hindi dahil sa takot ako, umiiwas lang ako sa gano’n. Intindihin mo naman ang aking sinasabi, may nadadamay.” “No, I won’t. I don’t want to. Kung kailangan kong layuan si Cide. I wil—”“Siya mismo ang lumalapit sa ‘yo.” Napahilamos ito ng mukha. Potek, bakit ba kasi lapitin ako ng gulo? Ako ba ang may problema o sila? “You rejected Cide in public. Malamang mapapahiya siya, iyon ang ikinagagalit ng lalaking ‘yon. Alam mo namang sikat—”“It’s not my fault!” Angal ko agad at biglang napatayo sa upuan. “He asked me in public. For what para magpasikat? Sana bago niya ginawa ‘yon, alam niya ang kakahinatnan. Hindi porque sinasabi ng mga tao na oo ang isasagot ko, mapapa-oo na rin ako. May sarili akong isip, may sariling s
Thrizel’s POV“Thrizel! Thrizel! Why are you ignoring me? What’s problem?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aevie ngunit hindi ko sinasagot. Patuloy lamang ako sa paglalakad. Wala pa kami sa hideout ni Brooks, bumaba agad ako sa klase. Pinahinto ko ang sasakyan sa kaniya kaya iyan siya ngayon, panay habol sa akin. Ako naman ay hindi siya pinapansin. Sinahihan kong tumigil dahil kaya ko namang umuwi mag-isa. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking pulsuhan kaya huminto ako.“Hey, I’m so sorry kung hindi kita pinaalis. Mukha namang kilala mo ang mga kaibigan ko. Kaano-ano mo ba sila? Konektado ka ba?” Tinitigan ko ito sa mga mata. Hindi katagalan, tumalikod muli ako at naglakad nang mabilis. Hahawakan sana ako nito muli nang magsalita ako. “Kaya hindi kita pinapansin dahil alam kong itatanong mo kung anong nangyari sa botique gown. God, Aevie, ramdam mo namang umiiwas ako sa gusto mong malaman. Ang gusto ko, hayaan ang pangyayaring ‘yon. Kung ikaw may pakialam at nagtataka, ak
Thrizel's POVNandidito ako sa dati naming hideout. Kung tatanongin, sumama ako kila Nafe, Isla at Faru. Hindi ko alam ang pakay nila kung bakit gusto nila akong makausap. Sigurado naman wala silang gagawin sa akin, kahit bihasa ang tatlong 'to. Kaya kong idepensa ang aking sarili. Kita kong binato ni Nafe ang isang darts, tumama iyon sa puntos na walo. Pansin kong napailing-iling siya.Ako naman ay nakaupo sa sofa, bukod sa nakikiramdam. Umiinom din ako ng tubig. Yes, mas magandang tubig nalang. Lasunin pa ako nitong mga 'to. Sa mata ng mga tao, mahahalatang mababait sila pero sa ganitong lugar, doon mo nakikita ang totoo nilang ugali. Kung sutil ako, mas malala sila. Kung hindi ko nakasama ang mga 'to, isa rin sigurado ako sa mga natatakot."Why is cide so mad at you?" Panimula ni Isla. Nakatingin ito sa akin ng seryoso. Pakiramdam kong inaalam niya lahat ng bawat kilos ko."I rejected him, you didn't know?" "Hindi naman na ako nakikibalita tungkol sa 'yo simula nang magkaaway tayo
Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
Thrizel’s POV“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”Sa tanong siya, nat
Thrale’s POVLahat kami ay nandirito sa korte, maging ibang pulis at detective. Sa argumentong ito, kasama ni Dominic ang aking kapatid. Kasama naman ni Thrizel sina Link at Blue. Natahimik kami nang mag-umpisa na ang argumento. Nailabas na rin naman ang ibang ebidensya.Ang unang bumida ay si Mr. Sanford. Mayor Valencia’s lawyer. “I call Mrs. Valencia for the stand.” Tumayo ang asawa ng alkalde. Agaran itong nagpaliwanag. “I’m the wife of Mayor Valencia.” Lahat kami ay nakikinig sa susunod nilang sasabihin.“So Mr. Valencia, what can you say about your husband’s case?” Mr. Sanford asked.“Hindi iyon magagawa ng asawa ko dahil malinis ang intensyon niya sa aming barangay.” Ang mga tingin niya ay na kay Mayor Valencia na seryoso lamang ang reaksyon. “Tuwing gabi, hindi umaalis ang asawa ko. Araw-araw siyang subsob sa trabaho kaya pagpatak ng takip-silim, agad na malalim ang tulog niya.”Napatango-tango si Mr. Sanford. “He never really go out at night? In all the evidence, there’s a mo
Thrale’s POVIlang araw na ang lumipas. Nandito kaming dalawa ni Dominic sa presinto habang kausap si Captain na kasama rin sa aming kaso. Gustong makausap ni Dominic ng harapan ang witness na baka may makuha siyang ibang ebidensya rito. Ngayon, dalawang video ang binigay. Pinanood namin ang dalawa, ang nauna ay nagtapos sa oras na isang minuto at labing tatlong segundo. Ang pumangalawa naman ay isang minuto at isang segundo. Hindi putol ang mga kuha dahil napanood namin ang pangyayari kung paano pinatay ang biktima.“Kaninang umaga, may lalaking patay na inaanod sa ilog.” Striktong sabi ni Captain. Iniisip kung anong susunod na sasabihin. “Sa pangatlong video, masasabi kong iyon ang lalaking pinatay kagabi. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Tagong-tago ang mukha ng alkalde. Hindi natin p’wedeng arestuhin nalang iyon.”Nangunot ang noo ni Mr. Reyes sa wika ni Captain. Mukhang hindi sang-ayon sa desisyon. “May apat na tayong ebidensya! Kung hindi sila maniniwala, ididiin ko ang hayop