Share

Loving Jared
Loving Jared
Penulis: DianNyx

Chapter 1

Samantha took a deep breath while looking at herself in the mirror. It's time to go out and do what she needs to do. She is currently in a bar tonight to work. Ito ang pangalawa niyang part-time job ngayong araw at kailangan niyang mag entertain ng mga customer. Kailangan niya ng mabilisang pera dahil kung hindi ay mapapalayas siya sa kanyang apartment. Pumayag siya sa part time job na ito dahil maganda ang kita at nangako naman ang manager ng bar na hindi siya puwedeng hawakan ng kahit sino man.

“Kaya mo yan Sam, isang gabi lang ito. Pagkatapos nito mababayaran mo na ang apartment mo.” Sabi niya sa kanyang sarili. She let out another deep breath and left the dressing room where the other entertainers were getting dressed.

Pagkalabas niya ay agad siyang nasilaw sa iba't ibang ilaw na nasa bar na iyon. Maraming nag sasayawan sa saliw ng tugtog at napaka ingay. Iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat ang maingay na lugar. Kaya lalo siyang kinabahan. Sinipat niya ang kanyang suot na damit. Isa itong red dress na hapit na hapit sa katawan niya kaya kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan. Ang haba naman nito ay umabot lamang sa gitna ng mga kanyang hita. Kaya hinila niya ang laylayan nito pababa. Hindi siya sanay sa mga ganoong damit.

“Sam! “

Napalingon siya ng marinig ang pangalan niya.

 

“Ano pa ang ginagawa mo rito?“ Sabi ni Sandy, ang kanyang manager. “May customer na nag request sayo ngayon. Puntahan mo sa VIP room sa kaliwa. Bilis!"

Bahagya pa siyang tinulak nito. Dahilan upang mawalan siya ng balanse. Mabuti na lamang at may humawak sa kanya bago pa siya mapasubsob sa sahig.

“Are you okay?"

“I'm fine.” Napa-angat siya ng tingin sa lalaking may hawak sa kanya. Napakagwapo ng mukha nito. Mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Sa tantya niya ay na sa 6 feet ang taas nito. Dahil sa taas niyang 5 feet and 6 inches ay nakatingala pa rin siya rito. Minsan lang siya pumuri ng lalaki dahil mataas ang standard niya pagdating sa gaanong bagay. Pero ang lalaking nasa harap niya ngayon ay walang pag aalinlangan guwapo talaga.

She fixed herself and thanked the man, she has no time for men right now. She needs money and that is the center of her life while she is still studying. She went straight to the VIP room where Sandy directed her.

Bago siya pumasok ay isang malalim na hininga ulit ang pinakawalan niya. 'Bahala na si Batman!' Sabi niya sa kanyang sarili.

Nang makapasok siya ay bumungad sa kanya ang nagkakantahang mga lalaki na sa tingin niya ay mga college student din gaya niya. May mga kanya-kanya itong kapareha. Ngunit isang tao ang  nakuha ng kanyang atensyon. Ang lalaking nakatingin din sa kanya na may bahagyang ngiti sa mga labi.

 

'Si Joshua?' Anong ginagawa nito rito? Ito ba ang customer na nag request sa kanya? Alam niyang mahilig itong gumimick pero hindi niya alam na nagpupunta din ito sa ganitong lugar. At sa dinami-dami pa ng lugar ay dito pa nito naisipang pumunta ngayong gabi, kung kailan nandito siya. Bully pa naman ito. Kaya nga niya ito binasted dahil masyado itong mayabang at bully. Ngayon wala na siyang ligtas dito. Siguradong gagamitin ni Joshua ang pagkakatoong ito laban sa kanya.

 

Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya.

“Hindi ko alam na makikita kita ngayong gabi dito. Kung sinuswerte ka nga naman.” Ani nito nang makarating ito sa kinaroroonan niya. “Halika at maupo tayo, marami tayong pag uusapan.” Sabay hila sa kanyang braso.

 

“Bitawan mo nga ako! “ Nagpumiglas siya dito. “ Hindi ako nagpapahawak. Bitaw!“ ani niya.

 

“Mag uusap lang naman tayo. Saka nagkukunwari ka pa na hard to get eh dito ka lang naman pala nag tatrabaho!“  Sabi ni Joshua habang panay pa rin ang hila nito sa kanya.

"Ano ba! Bitawan mo sabi ako. Nasasaktan na ako Johua!"

"Bitawan mo siya Josh!" Biglang may humawak sa isa pang kamay sa braso niya. Napalingon siya sa lalaking ngayon ay may hawak din sa kanya. Ito din ang lalaking nasalubong niya kanina.

'Siya na naman?' Tanong niya sa kanyang sarili. Kaibigan ba ito ni Joshua?

"Pwede ba Jared huwag ka ng makialam dito. Akin siya! " galit na sabi ni Joshua.

"Wala namang umaangkin sa kanya. Ang akin lang eh tratuhin mo siya ng naaayon, hindi yong basta mo nalang siyang hihilain. Babae siya Joshua. Take it easy man."

"Alam mo ba ang ginawa nito sa akin? Pinahiya ako nito sa campus. Kaya pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin." Binalingan siya nito. "Halika rito! Magkano ba ang kailangan mo? Ibibigay ko sayo, basta akin ka ngayong gabi." Sambit ni Joshua habang panay pa rin ang hila nito sa kanya.

"Aray! Ano ba bitawan mo sabi ako eh! " d***g niya dahil talagang nasasaktan na siya sa ginagawang pag hila nito sa kanya. "At sino ba ang nagsabi sayo na pwede mo akong angkinin? kahit magkano pa ang ibayad mo sa akin ay hinding hindi ako magiging sayo!"

"Aba at talagang matapang ka? Ano ba ang pinagmamalaki mo? Alam mo bang masisira ang image mo sa school pag ipinagkalat ko na nag ta-trabaho ka dito?" Maangas pang sabi nito. Sandali siya nitong binitawan at inilabas ang cellphone upang picturan siya. "See? I have evidence now." He said with evil grin.

Humarang naman ang lalaking nag-ngangalang Jared sa pagitan nilang dalawa ni Joshua "Tama na iyan pare. Kung may problema ka sa kanya ay pwede mo siyang kausapin ng maayos hindi yung ganyan na haharass-in mo at iba-blackmail mo siya. Hindi ganyan tratuhin ang isang babae."

"Jared huwag kang makialam rito. Problema namin to!" Binalak na itulak ni Joshua si Jared ngunit hindi nagpatinag ang lalaki. "Ano ba!" Galit na sambit ni Joshua.

"I will not let you touch her." May pagbabantang sabi ni Jared.

Umambang susuntok si Joshua ngunit agad na nakailag si Jared. At nakita niyang humandusay na lang sa gilid si Joshua. Sinuntok na pala ito ni Jared.

"I told you she's just a woman. You don't need to treat her like that, you idiot! Let's go! " Hinila siya nito papalabas ng bar na iyon.

----

"T- TEKA LANG! " Hinihingal na sambit ni Sam habang patuloy pa rin siyang hinihila ng lalaking nagngangalang Jared.

Pansamantalang huminto sila sa pagtakbo."What?" tanong nito habang hinihingal din gaya niya.

"Anong what? Kanina pag tayo takbo ng takbo. Wala namang nahabol sa atin, baliw ka ba? " hinubad niya ang sandals na suot niya. "Nakita mo tong suot ko? Ang taas nito! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo. "

"I'm sorry. "Hinging paumanhing nito." Akala ko kasi ay susundan tayo ni Joshua. Nakita mo naman kung gaano karami ang kasama niya."

"Nasaan na ang tapang mo kanina? " Tanong niya rito habang hinihingal pa rin.

"Well, kayang kaya kong pabagsakin ang lima sa kanila pero madedehado ako dahil sampo silang lahat. Kawawa naman ang mukha ko." Hinawakan pa nito ang mukha nito na para bang ito ang pinaka mahalaga sa lahat.

'Guwapo nga mayabang naman! Ano ba tong na pasok ko!'  Sambit niya sa kanyang sarili. Nang makabawi ay tumayo siya ng tuwid at inilahad ang palad niya rito. "Bayaran mo ako." Kailangan niya ng perang pambayad sa apartment na tinitarahan niya kung hindi ay mapapalayas siya. Kaya kakapalan na niya ang mukha niya. Tutal naman ay hindi niya ito kilala. Tiyak na hindi na sila magkikita pa ng lalaking ito.

"What?" gulat na sambit nito at binalingan siya. "Bakit naman kita babayaran? Iniligtas na nga kita sa lalaking nanghaharass sayo babayaran pa kita? Hindi ba dapat mag pasalamat ka sa akin? "

"Bakit naman ako mag papasalamat sayo? Una sa lahat dahil sayo, for sure hindi ako mababayaran ngayong gabi bukod dun ay matatanggal pa ako. Kaya kailangan mo akong bayaran. "

"Look woman, it's not my fault if you lose your job there." Itinuro pa nito ang bar na pinanggalingan nila. "I'm just saving your ass. Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin. Kung hindi dahil sa akin ay baka kung ano na ang nangyari sayo. "

"Hndi ako mag papasalamat sayo dahil kaya ko naman ang sarili ko." Namewang pa siya rito.

"Really? Kaya mo ang sarili mo?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at pumalatak ito. "You should have seen your face a while ago. Para kanang iiyak kanina. Kaya nga napilitan akong tulungan ka. And now you want me to pay you?"

"You know what bayaran mo nalang ako at ng makabalik na ako dun sa bar para nakuha ko na din ang mga gamit ko."

"No, I will not pay you." Pagmamatigas pa nito.

"You need to pay me kapalit iyon ng bayad ko sana ngayong gabi kung hindi ka nakialam samin ni Johua." Pagmamatigas rin niya.

"You really think na babayaran ka ni Joshua kung sakaling hindi ako nakialam ?" Namaywang rin ito sa harap niya. "Mukhang gusto ka lang niyang i-blackmail eh. I know him." ani nito. Maya maya ay nilapitan siya nito. At inamoy ang buhok niya. "How about a night with me?"

"W- what?" Gulat na tanong niya.

"Since you really need money, and you're disappointed because of what happened. How about you spend a night with me ? Pagna-satisfied ako, ibibigay ko sayo ang perang gusto mo. It's a win win situation."

Pumikit siya. She had enough. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Yes, she needs money pero hindi niya kailangang maging ganon kababa. Tumalikod siya rito at akmang maglalakad pabalik sa bar. Kailangan pa rin niyang kunin ang gamit niya roon.

"Hey! Sandali lang!" Pigil nito sa kanya. "Akala ko ba kailangan mo ng pera? Bakit aalis kana ?"

Sinampal niya ito ng malakas. "Wala akong panahon sa mga katulad mong lalaki! I thought you were different. Hindi pala. Pareho lang kayo ni Joshua." Tumalikod siya upang umalis. Iniwan niya itong nakahawak sa pisngi.

'Buti nga sayo!' Bakit ba ganun ang iniisip ng mga lalaki. Pag nag tatrabaho ka sa club or sa bar ang baba na ng tingin sayo. Ang hirap talaga maging mahirap.

Hindi pa siya nakakalayo ay narinig niyang sumigaw si Jared. "Alright, I'm sorry." Napalingon siya rito ngunit hindi siya huminto sa paglalakad. Mabuti na lamang at kakaunti nalang ang mga tao sa lugar na iyon dahil kung hindi ay malamang napagpiyestahan na sila ng mga tsismosa sa paligid.

Nagkibit balikat ito at hinabol siya. "Hey! wait up!" Hinawakan siya nito sa braso upang pigilan siya sa paglalakad.

"Ano ba!" Angil niya rito. At humarap dito.

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Look, I'm really sorry about what I've said earlier. I know that's below the belt and you don't deserve that kind of treatment." May binunot ito sa bulsa nito. "Here, take this. This is all I've got. I don't have cash."

Tinginan niya ang hawak nito. Isa itong business card. Kinuha niya iyon at binasa. Del Fuego Medical Hospital. Isa sa pinaka malaking hospital sa bansa. Fernando Del Fuego, PRESIDENT/ CEO. Tiningnan niya ulit ang lalaking kaharap niya. Hindi ba Jared ang pangalan nito?

"Niloloko mo ba ako?" sambit niya. Malinaw na niloloko lang sya ng lalaki. Bakit nito ginagamit ang business card ng presidente ng hospital na iyon? Isa kaya itong mang gagantyo?

"Kaninong business card naman to? Sinasabi mo bang ikaw ang may ari ng Del Fuego Medical Hopital? Hindi ba Jared ang pangalan mo? At isa pa sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda mo sa akin. Paano kang magiging presidente ng isa sa pinaka malaking hospital sa bansa. Saan mo ito nakuha? Alam mo bang maaari kang kasuhan sa ginagawa mo?" Mahabang pahayag niya.

"Well, that's not mine at tama ka naman doon. Pero kilala ko ang may ari ng business card na iyan." Tinuro nito ang hawak niyang business card. "Pag tinawagan mo iyang tao na iyan at sinabing may atraso ako sayo. For sure babayaran ka niya. Since that is his expertise." May pait sa mga salitang binitawan nito.

Kumunot ang noo niya at tinitigan muli ang hawak niya. Ano ang koneksyon nito sa CEO ng Del Fuego Medical Hospital? At bakit pag tumawag siya at sinabing may atraso ito sa kanya ay agad siyang mabibigyan ng pera? "At bakit naman niya ako babayaran dahil lang may atraso ka sa akin?"

"Alam mo, ang dami mong tanong. Hindi ba at sinisingil mo ako." Iniwestra nito ang hawak niyang business card. "Hayan na ang sagot. Isang tawag mo lang. Kahit gaano kalaki ang hingin mo. Makukuha mo." Sabay kindat nito sa kanya. "Sige aalis na ako." Paalam nito.

Baliw ba ito? Tingin ba talaga nito ay ganoon na lamang siya kadaling mauto? Nilingon niya ang lalaki. Ngunit pasakay na ito ng taxi.

"Hoy! Hoy! " habol niya rito. Ngunit tuluyan ng umalis ang taxi na sinasakyan nito. Ano ang gagawin niya sa business card na hawak niya? Hindi dapat siya maniwala sa lalaking iyon. Bukod sa hindi niya ito kilala ay siguradong malalagot siya pag tinawagan niya ang presidente ng pinaka malaking hospital sa bansa.

Umiling-iling siya sa naisip. Kung sino man ang Jared na iyon. Siguradong baliw iyon. 'Gwapong baliw'. Sambit ng malanding isip niya. Nababaliw na rin siguro siya.

Bumuntong hininga na lamang siya. Siguradong mapapalayas siya sa tinitirahan niya. Kaya yun ang dapat niyang isipin sa ngayon. Kailangan niyang mag isip ng mamaaring palusot kay Aling Marie upang hindi siya mapalayas at mabigyan pa siya ng palugit.

Sinipat niya ang hawak na sandals. Kailangan niya nga palang magbihis at kanina pa siya iritang irita sa suot niyang damit at sandals. Isa pa, hindi siya maaaring umuwi ng ganun ang ayos. Ano nalang ang iisipin ng mga kapit-bahay niya. Kaya nagpasya na lamang siyang bumalik sa bar at kunin ang mga gamit na naiwan niya.

-----

NANG dumating si Sam sa apartment niya ay agad siyang nagtungo sa bahay ng landlord niya upang humingi ng isa pang palugit para mabayaran ang apartment niya. Nag kasabay-sabay kasi ang kanyang bayarin kaya nawalan sya ng pambayad sa apartment niya. Pag hindi siya nabigyan ng palugit ay tiyak na sa kalsada siya matutulog ngayong gabi.

"Aling Marie! Aling Marie tao po! "

"Anong ginagawa mo rito Sam? may pambayad kana ba ng renta mo?" Mataray na tanong ni Aling Marie ng makalabas ito ng bahay.

"Iyon nga po ang ipinunta ko rito Aling Marie. Pwede mo po ba akong bigyan ng isa pang linggong palugit? Medyo gipit po kasi talaga ako ngayon pero promise next week ibibigay ko na yung kulang ko sa renta. " sambit niya.

"Aba naman Sam, tatlong buwan mo ng sinasabi sa akin yan. Hindi ka pa ba nag sasawa? Ako sawang sawa na. Kung bukas wala pa rin ang bayad mo sa renta papalayasin kita agad. Sawa na akong magbigay sayo ng palugit." Pinagsarahan siya nito ng pinto pagkatapos nitong magsalita.

'Ano nang gagawin ako? Wala talaga akong pera ngayon.' Sigurado na ang pagtulog niya sa kalsada bukas.

Nasa ganoong pag-iisip siya ng tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hello? Jesie?" Tanong niya sa kabilang linya. Isa ito sa mga kaibigan niya.

"Hello? Bruha nasaan ka? Nandito kami ni George sa apartment mo." Sabi ng nasa kabilang linya.

"Ha? Anong ginagawa niyo dyan ? W- wala naman tayong usapan ngayon?" Naalarma siya. Walang may alam sa mga kaibigan niya na may balak siyang pumasok sa bar ng araw na iyon dahil siguradong malalagot siya sa mga ito.

Nagmadali siyang magtungo sa apartment niya at naabutan niya roon si George at Jesica na nakaupo sa sofa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Hingal na sambit niya.

"Ikaw, saan ka galing? Ang alam namin ay 6 pm pa ang tapos ng duty mo sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo. Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Mataray na sambit ni Georgina.

Patay na !  "Ah kasi may isa pa akong part time job na in-apply-an, pero hindi ko nagustohan kaya umalis nalang din ako agad." Totoo naman ang sinabi niya. Pero hindi na niya sinabi ang iba pang detalye.

"At ano namang part-time iyon?" Pag usisa pa ni Jessica.

"Ah eh, pagiging waitress lang sa isang restaurant. Masyadong maraming gawain kaya hindi ko na tinanggap." Hinubad niya ang kanyang sapatos at tuluyan ng pumasok sa kanyang apartment at umupo sa sofa.

"Oh really? Kaya pala may tumawag sa akin kani-kanina lang at sinabing nasa bar ka daw at pumasok ka sa isa mga VIP room doon. " Nakahalukipkip na sabi ni Jessica." Tell me, what did you do ?"

Pumikit siya ng mariin. Wala talaga siyang maitatago sa mga ito. "May nag-alok sa akin ng trabaho sa bar." Pag-amin niya. "Kakausapin lang daw ang mga customer at bibigyan ng inumin. Sinabi naman ng manager na hindi ako pwedeng hawakan ng sinuman kaya pumayag ako. Malaki ang offer doon pero hindi ko rin natagalan hindi ko kaya ang trabaho kaya umalis na lamang ako." Pag sisinungalin pa rin niya. Ayaw na niyang mag alala pa ang mga ito." Kailangan ko ng pera dahil binigyan na lamang ako ng isang araw ni Aling Marie para makabayad sa utang ko sa renta. Wala na akong ibang maisip na paraan." Tumingin siya sa mga ito. "I'm sorry."

Hinawakan ni Georgina ang balikat niya. "Why didn't you tell us? We can always lend you money so that you can pay you rent."

Napayuko siya. "I don't want to bother you guys. Problema ko ito kaya dapat ako ang humanap ng solusyon dito. Ayokong palagi na lamang akong naasa sa inyo. Lalo na sa iyo Georgina. Napakalaki na ng naitulong ng pamilya mo sa akin."

Simula kasi ng mamatay ang kanyang ama ay ang tatay na nito ang nag silbing tatay-tatayan niya. Nang mawalan sila ng tirahan ng nanay niya ay ang pamilya rin nito kumupkop sa kanila. Pati tuition fee niya noong high school ay ito ang nag bayad. Umalis lang sila sa poder nito nang mag asawa uli ang kanyang ina at tumira na lamang sila sa probinsya. Ngunit hindi rin naman naging maganda ang buhay nila roon dahil sa amain niya. Araw- araw itong naglalasing at binubugbog silang dalawa ng kanyang ina. Nagpasiya siyang tumakas kasama ang kanyang ina, dahil hindi na niya kaya ang ginagawa nito. Ngunit ayaw namang umalis ng kaniyang ina dahil naaawa ito sa kanyang amain. Ilang beses niya itong kinumbinsi na sumama sa kanya ngunit ayaw talaga nito. Kaya nagpasya siya na umalis at iwan ito. Kahit naman ganun ay palagi pa rin naman niya itong binibisita pag may pagkakataon.

"Please wag mong sasabihin kay tito Edwardo. Mag aalala lang iyon." Pakiusap niya kay Georgina.

"Okay." Pagsang ayon nito. "I will not tell him but you will allow me to lend you money for your rent."

Nagkibit balikat nalamang siya. Siguradong hndi naman to papatalo sakanya. "Okay."

Niyakap siya nito kasama si Jesica. Ano bang gagawin ko kung wala sila sa tabi ko ? Sambit niya sa kanyang sarili.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status