"ANONG ibigsabihin nito? Bakit magkahawak kamay kayo?" Sa paraaan ng pagkakatanong ni Jared kay Sam at Iñigo ay para bang malaki ang nagawa nilang kasalanan.
Nang makasalubong nila ito ay tinanguan niya lamang ito at niyaya na niya si Iñigo na umalis sa lugar. Ngunit papasakay palang sila ng sasakyan ay bigla nanaman itong nagsalita sa likod nila. Nakasunod pala ito sa kanila."Ano bang ginagawa mo rito?" Balik na tanong ni Sam.Bakit ka nagtatanong? Ako ang unang nagtanong ahh." Apila naman nito."Kung magkahawak man kami ng kamay ay wala ka ng pakialam don pare." Sabi ni Iñigo at inakbayan pa siya nito.Lalo namang sumama ang tingin ni Jared. Sa tingin niya ay anumang oras ay maghahamon na ito ng away."Wala kang karapatang hawakan si Sam." Akmang tatanggalin nito ang pagkakaakbay ni Iñigo sa kanya ng ilayo ito ni Dylan."Take it easy man." Pigil ni Dylan kay Jared. "Bakit ba ang init ng ulo mo." Nakahawak si Dylan sa magkabilang balikat ni Jared. Habang si Jared naman ay masama pa rin ang titig sa kanila.Ano bang problema nito? Bakit ganun nalang ang reaksyon nito ng makitang magkahawak sila ni Iñigo ng kamay? Hindi kaya nagseselos ito dahil hindi nito magawa iyon pagkasama si Jessica?"Alam mo pare may pupuntahan pa kami ni Sam. Nakakaistorbo ka sa date namin." Napalingon naman siya kay Iñigo. Napaka seryoso nito. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita niya ang ekspresyon na iyon ni Iñigo. Madalas kasi ay palangiti lang ito pero ngayon. Ibang iba ang awra nito."Saka na tayo mag usap Jared. Tara na Iñigo." Sabi niya at tuluyan nang sumakay sa sasakyan ni Iñigo. Ito naman ay sumakay na din sa driver's seat at tahimik na nagmaneho.Siya naman ay tiningnan ang side mirror at nakita niyang hindi pa rin naalis ang tingin ni Jared sa sasakyan nila. Napabuntong hininga na lang siya. Bakit ba ganun ang inaakto nito."I really think, he is really into you." Sabi ni Iñigo habang nagmamaneho.Nilingon niya naman ito. "Paano mo naman nasabi yon?""He looked like he was jealous, when he saw us." Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada."Malabong mangyari iyon. May iba na siyang gusto." Sabi niya at tumingin sa labas ng bintana. Ayaw niya makita nito ang lungkot sa mukha niya kung sakaling lumingon man ito sa kanya."How did you know?" Tanong nito."He told me last night.""What? Kasama mo siya kagabi?" Napalingon siya rito dahil nagulat siya sa naging reaksyon nito. Para bang may ginawa siyang kasalanan dito."Bakit ka ganyan maka-react?" Takang tanong niya rito.Ito naman ay lumingon din sa kanya. " Bakit kayo magkasama kagabi?""Nagpapart-time job ako sa kanya. Focus on the road." Pinandilatan niya ito nang hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa kanya. Maaksidente pa yata sila dahil sa sinabi niya."What? Hindi ba sa Café Freyja ka nag tatrabaho?"Mukhang hindi siya papatakasin nito. "Hindi sapat ang sinuswelfo ko sa coffee shop kaya naghanap ako ng extra na part-time job. Sakto naman na sinabi sa akin ni Jessica na naghahanap ng taga luto si Jared.""Bakit hindi mo sinabi sa akin? I can help you find a job.""Hindi na kailangan. Sinabi ko na rin kay george. Masyadong marami na kayong naitulong sa akin. At isa pa, okay lang naman magtrabaho kay Jared. Mabait naman siya."Nang hindi ito sumagot ay tumingin muli siya sa gawi nito. Tahimik lang itong nagmamaneho. Pero mukhang may malalim na iniisip. Hindi na niya tinanung pa ito. Baka may problema ito sa trabaho. Kaya hinayaan niya nalang itong magmaneho. Siya naman ay may sariling ding problema. Dumagdag pa sa iniisip niya ang nararamdaman niya para kay Jared. Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami pa ng magugustuhan niya ay kay Jared pa siya nagkagusto? At ngayon ay nalaman niya pang may iba na itong gusto. Hindi lang iyon, sa dinami-daming babaeng magugustuhan nito ay si Jessica pa ang napili nito. Ang hirap pala ng ganito. Ngayon alam na niya kung ano ang nararamdaman ng mga babaeng nakikita niya sa campus naumiiyak dahil lamang sa isang lalaki.Mahirap palang main-love. Hindi mo kontrolado ang puso mo. Hindi mo malalaman kung kanino ka magkakagusto. Parang gusto nalang niyang bumalik sa panahon na si Iñigo ang nagugustuhan niya. At least nung time na yun ay wala siyang ganitong nararamdaman."We're here." Deklara ni Iñigo nang makarating sila sa isang mall. Tahimik lang itong bumaba ng sasakyan at pumunta sa gawi niya upang pagbuksan siya ng pinto.Nang makapasok sila sa mall ay hindi na niya matiis ang pananahimik ni Iñigo kaya nagsalita na siya. "nga pala sino iiyong kaibigan mong artista?""Si Clyde Delfin. Classmate ko siya noong college. Dalawa kaming ini-scout para mag artista. Siya lang ang nag pursue dahil ako naman ay magpupunta ng america para mag aral." Pahayag nito."Wow! muntik kana palang maging sikat." Ngumiti lang ito sa sinabi niya.Nangmakarating sila sa venue ng premier ng movie ay agad din silang pumasok. Saglit lang na binati ni Iñigo ang kaibigang artista at saka hinanap na ang kanilang upuan."Maupo kana bibili lang ako ng makakaen at maiinom natin." Sabi nito tumango naman siya. Saka ito tumayo na upang lumabas.Habang mag isa ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Maraming bigating artista ang mga naroon. Talagang mahahalatang sikat na sikat ang bida ng pelikula na papanoorin nila. Tiningnan niya ang artistang nag ngangalang Clyde Delfin. Kilala niya ito. Madalas ay makikita niya ito sa mga cover ng magazine. Hindi mapagkakailang napakagwapo nito. Hindi na siya nagulat na marami itong fans. Kanina ay halos mabingi siya sa fans na naghihiyawan sa labas ng sinehan. Kahit ang partner nitong si Alysa Santiago ay sikat na sikat din.May naramdaman siyang tumabi sa gawing kaliwa niya. Ngunit hindi na niya iyon pinansin dahil alam naman niyang marami ang a-attend sa ganong klase ng event.Patuloy pa rin niyang inililibot ang paningin sa paligid. Maya maya ay may narinig siyang bulungan."Jared anong ginagawa mo rito? Hindi dito ang upuan natin.""Uupo ako kung saan ko gustong umupo."Napakunot ang noo niya. 'Jared?'Agad na nilingon niya ang nagsalita sa tabi niya. At hindi nga siya nagkamali. Dahil ang katabi niya ngayon ay si Jared na nakatingin lang sa harap. Wari ba'y walang pakialam ito sa paligid.Anong ginagawa nito rito? Tiningnan naman niya ang kasama nito na si Dylan na abalang nakikipag usap, marahil ay sa may ari ng upuan na inagaw ni Jared. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang lalaki. May araw na mabait ito may araw naman na badtrip ito at may araw na makulit ito. Ngayon ang araw na badtrip ito."Hi Sam! Kakilala mo ba si Clyde at Alysa?" Bati sa kanya ni Dylan ng makaupo ito sa tabi ni Jared.Umiling siya. "Si Iñigo ang may kilala sa kay Clyde." Nakita niyang sumimangot si Jared.Tumawa naman si Dylan. "Pagpasensyahan mo na itong kaibgan ko ah. Ayaw lang nitong naririnig ang pangalang Iñigo."Napakunot ang noo niya. Magtatano sana siya ngunit may naramdaman siyang humawak sa kanang balikat niya. Kaya napalingon siya.Si Iñigo na nakakunot ang noo ang nakita niya. Nakabalik na pala ito. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito kay Jared."Hindi mo ba nakikita? Manunuod ng pelikula." Sagot naman ni Jared habang hindi pa rin lumilingon.Hinili niya pa upo si Iñigo. "Hayaan mo na siya. Wag mo nalang siyang pansinin. Ano ba yang binili mo?" Sabi niya rito. Mukha kasing hindi rin maganda ang mood ni Iñigo. Mahirap na baka magpang abot pa ang dalawa.Huminga naman ng malalim si Iñigo bago sumagot. "Yung paborito mong cheese flavor poped corn at orange juice."Napangiti naman siya alam na alam talaga nito ang mga gusto niya. "Salamat Iñigo."Narinig naman niyang umingos si Jared sa kaliwa niya. Ano ba talaga ang problema nito? Hindi kaya mainit ang ulo nito dahil hindi nito naabutan si Jessica sa coffee shop kanina kaya siya at si Iñigo ang pinagbubuntungan nito?Nawala ang pag iisip niya kay Jared ng magsimula na ang pelikula.Wala pa sa kalahati ng palabas ay lumapit at bumulong sa kanya si Iñigo. " I remember that you're not a fan of romance movies. Gusto mong umalis na tayo?"Umiling siya. "Okay lang mukhang maganda naman to. Tapusin na natin." Sabi niya. Ayaw niya rin na umalis dahil parang nakakabastos naman iyon sa mga tao roon specially sa mga bida ng pelikula. Baka isipin ng mga ito na hindi nila nagustohan ang palabas."Pabulong bulong pa." Narining niyang sabi ni Jared sa tabi niya at tumayo."Saan ka pupunta Jared?" Narinig niyang tanong ni Dylan."Uuwi na ako boring dito. Naaasar lang ako." Nilingon niya ito habang papalabas ng sinehan."Kahit kailan talaga tong lalaking to." Umiiling na sabi ni Dylan ngunit hindi sumunod sa binata. Ipinagpatuloy lang nito ang panunuod ng pelikula."Buti naman umalis din." Narinig niyang sabi naman ni Iñigo.Siya naman ay nakaramdam ng ginhawa. Sa wakas ay hindi na siya maiilang. Dahil sa totoo lang. Kanina pa niya higit ang hininga. Hind siya mapakali na katabi niya si Jared."You okay?" Tanong ni Iñigo sa kanya.Tumango naman siya. "Okay lang medyo malamig lang dito. Banyo lang ako." Pagpapaalam niya rito. Nang tumango ito ay tumayo na din siya at tinungo ang banyo sa kaliwa.Habang nasa banyo ay iniisip pa rin niya si Jared at ang mga kinikilos nito. Mukhang mahal na mahal nito si Jessica dahil sobrang ang inggit nito sa kanila ni Iñigo. Napailing nalang siya. Sasabihan nalang niya si Georgina na tanggapin ang relasyon ni Jessica at Jared. Kahit naman kasi may gusto siya kay Jared ay mas pipiliin pa rin niya ang pagkakaibigan nila ni Jessica. Magpapaubaya nalang siya.Paglabas niya ng banyo ay agad niyang tinungo ang pabalik sa sinehan ngunit laking gulat niya ng may humila sa kanya labas ng sinehan.Nangmakita niya kung sino ang herodes na humila sa kanya ay agad naman nag wala ang puso niya."J-Jared?"-----"J-JARED? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ay umalis ka na?" Tanong ni Samantha habang hindi umiimik at patuloy pa rin ang paghila ni Jared sa kanya palabas ng sinehan na iyon. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Pero talagang malakas ito."Ano bang ginagawa mo? Hindi pa tapos ang pelikula. Baka hanapin ako ni Iñigo. Umuwi kana kung gusto mo." Sabi niya rito.Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito. "Don't say his name when you are with me." Sabi nito at nagpatuloy sa paghila sa kanya palabas ng mall kung nasaan sila ngayon."Ano ba Jared bitawan mo nga sabi ako. Kung gusto mo ng umuwi. Umuwi kang mag isa.""At ano? Para ipagpatuloy ang date niyo ng kumag na iyon?" Nilingon siya nito habang naglalakad at hila-hila pa rin siya. "Sorry I won't let you." Nang makarating sa parking lot ay agad nilang tinungo ang sasakyan nito. Pinailaw nito iyon at Binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Sakay na." Sabi nito sa kanya."T-teka lang, saan mo ba ako dadalhin? Hahanapin ako ni Iñ-" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil tinakpan na nito ang bibig niya gamit ang mga labi nito."I told you, I don't want to hear his name. Tsaka wala akong pakialam kung hanapin ka niya. Hayaan mo siyang mabaliw kakahanap sayo." Sabi nito na parang walang nangyari at iginiya na siyang muli papasok sa sasakyan nito.Siya naman ay hindi na makapag isip ng tama. What just happened? Did he really kiss her? Bakit hindi siya pumalag? Dahil ba gusto niya rin ang pag halik nito sa kanya? Napaka lambot ng labi nito. She can kiss him all day. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Stop it Sam! You need to focus.' Sabi niya sa isip."Let's go somewhere else. We need to talk." Sabi nito at bunuhay ang makina ng sasakyan."Bakit mo ako hinalikan?" Wala sa sariling tanong niya rito."Because you keep on saying the name of that asshole.""Hindi asshole si Iñi-" And then he kissed her again to cut her off."Ano ba? Bakit ka ba halik ng halik?" Pagalit na sabi niya. Nawawala siya sa huwisyo tuwing ginagawa nito iyon.He glanced at her with anger visible on his face. "I told you not to mention his name.""Pero hindi mo pa rin ako dapat halikan. We're not even together!" Tinangka niyang buksan ang pinto ng sasakyan pero naka lock na iyon. Nilingon niya ang binata. "Buksan mo to. Ayokong mag alala si Iñigo sa akin. Babalik na ako sa loob." Baka pag hindi siya nakapagpigil ay matugonan na niya ang mga halik nito.Hinarap siya ng lalaki. Frustration is showing on his face. "Bakit ba mas importante ang nararamadaman niya kaysa sa akin, sa nararamdaman ko? May relasyon na ba kayo? Ano ba siya sayo? Hindi mo ba nakikita na nagseselos ako tuwing magkasama kayo?""Ano bang sinasabi mo?" Kunot noong tanong niya rito. "Nababaliw kana ba? Kaibigan ko lang si Iñigo." Nagulat siya sa mga sinasabi nito ngayon? Nagseselos ito? Bakit naman?"Bakit niya hinahawakan ang kamay mo at bakit kayo nagd-date?""Wala kana don." Pabalang niyang sagot sa lalaki na ngayon ay hindi maipinta ang mukha.Inihilamos nito ang kamay sa mukha. "Sinabi sa akin ni Jessica na manhid ka. Hindi ko naman alam na ganito ka kamanhid. Can't you see that I like you?" Umiling ito. "No let me rephrase that." Tinitigan siya nito. Nakikita niya ang emosyon sa mga mata nito. "Can't you see how much I love you?"Tinitigan niyang mabuti ang lalaki. Bakit ba ganito ang inaakto? Ayaw niyang dumating sa conclution na iyon. Pero may.. "May gusto ka ba sa akin?"Dahan dahan naman siyang nilingon ng lalaki. There's an emotion showing on his that she can't name. "At last, you figure it out.""Huh? Hindi ba, may relasyon kayo ni Jessica?"Kumunot ang noo nito. "Wala kaming relasyon ni Jessica. She was just helping me to make you fall inlove with me.""Kung ganun.." hindi niya maituloy ang sinasabi. Hindi niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon niya. Talaga bang may gusto ito sa kanya? Nanaginip ba siya?Hinarap siya ng lalaki. "Look, I know this sounds crazy but I think I really love you. I don't know when, how or why. Basta ang alam ko lang ay gusto ko lagi kitang kasama, kausap. Kaya nga kinuntyaba ko si Jessica para mapalapit sayo kasi bawat galaw ko kinaaayawan mo. Nagseselos ako tuwing may kinakausap kang ibang lalaki. Lalung lalo na pag kasama mo yung Iñigo na yun. Hindi ako to. Wala sa bukabularyo ko ang salitang selos. Ang babae ang lumalapit sa akin. Pero pag sayo okay lang masangkot ako sa gulo huwag ka lang masaktan. Okay lang mag mukha akong tanga, mapansin mo lang. Alam mo bang lagi akong nagdadala ng ka-date sa coffee shop kung saan ka nagtatrabaho para lang pag selosin ka? Pero useless lang. Kasi wala ka namang pakialam sa akin. Inantay kong ikaw ang pumansin sa akin pero nag aantay lang ako sa wala. Kaya nag sawa na akong mag stalk at pag selosin ka." Mahabang sabi nito sa kanya."You stalked me?" Gulat na sabi niya. Kaya pala alam nito ang apartment niya at kung saan siya ng tatrabaho.Hindi ma-absorb ng utak niya ang mga sinasabi nito. Kakaibang tuwa ang nararamadaman niya. Ginawa lang nito lahat ng iyon para mapagselos siya? How sweet. Hindi niya alam na may ganoon palang ugali ito."Yes. I used my connection, para lang sayo. Hindi ako to eh. I never used my connection para lang sa isang babae. Pero para sato lahat ginagawa ko. Why can't you see me? Hindi ba talaga ako worth it sa atensyon mo? " Tanong nito sa kanya.Kung alam lang nito ang tunay na nararamdaman niya."Hey, wala ka bang sasabihin? I feel awkward here. I never confessed my feelings to a girl before.""A-anong dapat kong sabihin? Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yang mga sinasabi mo o pinaglalaruan mo lang ako." Naguguluhan siya. Hindi siya makapag isip ng tama. Feeling niya sasabog ang utak niya dahil sa sinabi nito."Like I love you too?" Bumuntong hininga ito. "I'm not forcing you to love me back. I just want you to give me a chance to prove how much you mean to me." Hinawakan nito ang kamay niya na parang nagsusumamo.Tinitigan naman niya ang mukha nito. What a hondsome face. Kaya niya bang e-resist ang ganitong lalaki? Huminga siya ng malalim para makapag isip ng tama."I will give you one month."Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki. At syempre hayan nanamn ang puso niyang nagwawala. How she loves this man."Hey." Napalingon si Samantha kay Georgina na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya. "No class?" Nasa canteen sila ngayon at dahil wala ang prof niya sa first period ay na pag-pasyahan niyang dito na lang muna pumunta. Nagugutom din siya dahil hindi siya nakapag almusal kanina. Hindi siya nakatulog buong magdamag kakaisip sa napag usapan nila ni Jared. Nagkasundo kasi sila na bibigyan niya ng pagkakataon ang binata. 'Isang buwan.' Sa isang buong buwan ay liligawan siya ng lalaki. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Dapat niya ba talagang pagbigyan si Jared? Naiisip niya na baka lalo lang nitong paguluhin ang buhay niyang magulo na. At paano kung masaktan lang siya sa huli? Alam niyang mag kaiba ang estado ng buhay nila ni Jared at masyadong maimplowensya ang tatay nito. Paano na siya?'Manliligaw pa lang si Jared. Ang layo na nang narating ng utak ko.' ipinilig niya ang ulo sa naisip. Umiling siya. "Wala yung prof namin sa first period kaya pumunta
ABALANG nag aayos ng gamit si Samantha ng araw na iyon. Naghahanda siya dahil uuwi siya bukas sa probinsya upang bisitahin ang mama niya. Matagal tagal na din niyang hindi ito nakikita. Mag iisang taon na rin, dahil naging busy siya sa pag aaral pero kahit naman ganun ay hindi siya nagpapabaya rito. Lagi pa rin niya itong kinakamusta sa telepono at pinadadalhan ng pera pag may sobra siya. Sana ay nasa maayos itong kalagayan. Sana ay hindi na rin ito binububog ng amain niya. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya hudyat na may nag text sa kanya. Agad naman niya iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nagtext sa kanya. Nang makita kung sino ito ay agad siyang napangiti. Si Jared pala iyon. 'From: My Loving JaredBusy ka ba? Bakit hindi ka nagte-text? Kanina pa ako text ng text sayo hindi ka nagrereply? Hindi mo na babako mahal?'Natawa siya habang binabasa ang text nito. Mansan ay hindi niya alam kung maiinis ba o matutuwa sa inaasal nito. Sino bang mag aakala na ang tinaguriang
"J-JARED?" Nanlaki ang mga mata ni Samantha ng Inilahad nito ang kamay sa harap ng mama niya.makita kung sino ang bumaba ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. "A-anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman kung na saan ang lugar namin?" Sabi niya. Sa halip na sumagot sa kanya ay may kinuha ito sa backseat ng sasakyan nito. Dalawang plastic bag na sa tingin niya ay grocery items ang laman at isang basket na puno ng prutas ang dala nito. "What the hell?" Hindi niya napigilang komento. Ano na naman kaya ang nakain nito ngayon?Binalingan siya ng kanyang ina. "Sino siya Sam?" Takang tanong nito sa kanya. "Magandang gabi po. Pasensya na sa abala. Bago po ako makapag pakilala ng pormal ay pwede po ba akong makapasok? Medyo mabigat kasi itong dala ko. Pasensya na ho." Magalang na sabi ni Jared. Pero hindi kumilos si Sam. Shock pa rin siya sa pagdating ng binata.Nang mapansin naman ng mama nya na hindi pa rin siya gumalaw ay ito na ang nag bukas ng gate para kay Jared. "Halika, pumasok ka n
"MAGANDANG gabi po seniorito." Tumango lang si Jared ng batiin ni aling Nimfa. Ang isa sa mga kasambahay nila sa mansion. Alas otso na ng gabi ng makarating sila sa mansion ng papa niya. Habang nasa byahe ay wala silang imikan. That was the most awkward moment of his life. Hinarap niya ang papa niya ng makataring sila sa sala ng mansion. Hindi niya kayang manatili sa lugar na iyon.Ayaw niyang iwanan si Samantha ngunit wala siyang choice dahil mukhang hindi naman magpapapigil ang papa niya sa pag sundo sa kanya. Alam naman niyang safe na makakauwi si Sam dahil naroon naman si Zion. Pero ang hindi niya alam ay kung paano ba nalaman ng tatay niya kung nasaan siya? Samantalang wala naman siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta. Hindi kaya nag hire na rin ito ng mag imbestigador para alamin ang mga ginagawa niya?Sabagay hindi na rin naman nakakapagtaka iyon dahil malawak ang koneksyon nito. May kakayahan itong gawin posible ang imposible. Pagpasok niya sa mansyon ay saglit niyang na
"SAMANTHA!" Napalingon si Samantha sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Georgina at Jessica na naglalakad patungo a kinaroroonan niya. Kasalukuyan kasing nasa soccer field siya ng mga oras na iyon. Katatapos lang ng klase niya at wala pa siya sa mood na pumasok sa trabaho. Kaya doon muna siya nagtungo upang makapag muni-muni. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jessica nang makarating ang dalawa sa kinaroroonan niiya. Umupo ang dalawa sa tabi niya."Wala gusto ko lang mag muni-muni rito." Maikling tugon niya."Alam na namin ang nangyari. May balita ka na ba kay Jared?" Sabi naman ni George sa kanya."Wala pa, Nag-try din akong tawagan ang cellphone niya pero hindi ko ma-contact." Sabi niya rito. Simula kasi nang sunduin si Jared ng tatay nito ay hindi na sila muli pang nagkausap ng binata. Ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi niya ma-contact ang cellphone nito. Ilang beses din siyang nagpunta sa condo ng binata ngunit ang sabi ng isang kapit bahay nito ay may mga lalaking
"ANONG ginagawa mo rito?" Tanong ni Samantha nang makilala ang lalaking nanloob sa apartment niya."A-aray! Bitawan mo muna ako para makapag-explain ako ng mabuti sayo." Sabi naman ni Jared sa kanya.Agad naman niyang binitawan ang lalaki. "Now, talk." Utos niya rito. Umupo naman ito sa sofa habang hinihilot ang nasaktang braso nito. "Napaka bayolente mo talaga kahit kailan. Magkaibigan nga kayo ni Georgina." Himutok ito."I'm still waiting for you to answer my question." Sabi niya rito. Kahit naman nami-miss niya ito ay kailangan pa din niyang maintindihan ang mga nangyayari."Tumakas ako sa mansyon. Because I don't want to go to America." Tiningnan siya nito. "I want to be with you."Sa isang iglap ay nawala lahat ng nararamdaman niyang pangungulila dito. "Pero ano na ang gagawin mo sa papa mo? Tiyak na ipapahanap ka niya pag nalaman niyang wala ka sa mansyon." Tanong niya rito. Kahit naman gusto niya ang ginawa nito ay ayaw niya pa ding mapahamak ito nang dahil sa kanya."Kaya ng
"NAPAKA workaholic mo talaga kahit kailan." Komento ni Samantha kay Iñigo. Kasalukuyang nasa opisina siya nito. Dahil doon siya pinapunta ng binata nang makausap niya ito kanina. Kailangan niya ng tulong nito dahil ito lang ang kilala niyang maaaring makatulong sa kanya sa mga gusto niyang malaman mula sa nakaraan.Gusto niyang malinawan kung ano ba talaga ang kuneksyon ng kanyang ama sa tatay ni Jared at bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng kanyang amain nang malaman nito ang relasyon nila ni Jared. Marami siyang katanungan na gusto niyang masagot. "So, bakit gusto mo akong makausap? Pwede naman tayong mag usap sa cellphone. Baka mag selos pa yung boyfriend mong tukmol." Sabi nito. Ewan niya ba kung bakit mainit ang dugo nito kay Jared. Sabagay mainit din ang dugo ni Jared dito. Hindi talaga niya alam kung ano bang nangyari sa dalawang ito at bakit ganon na lang ang trato ng mga itto sa isa't isa. Pero hindi naman iyon ang pinunta niya rito. May nais siyang malaaman at iyon a
Samantha took a deep breath while looking at herself in the mirror. It's time to go out and do what she needs to do. She is currently in a bar tonight to work. Ito ang pangalawa niyang part-time job ngayong araw at kailangan niyang mag entertain ng mga customer. Kailangan niya ng mabilisang pera dahil kung hindi ay mapapalayas siya sa kanyang apartment. Pumayag siya sa part time job na ito dahil maganda ang kita at nangako naman ang manager ng bar na hindi siya puwedeng hawakan ng kahit sino man. “Kaya mo yan Sam, isang gabi lang ito. Pagkatapos nito mababayaran mo na ang apartment mo.” Sabi niya sa kanyang sarili. She let out another deep breath and left the dressing room where the other entertainers were getting dressed. Pagkalabas niya ay agad siyang nasilaw sa iba't ibang ilaw na nasa bar na iyon. Maraming nag sasayawan sa saliw ng tugtog at napaka ingay. Iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat ang maingay na lugar. Kaya lalo siyang kinabahan. Sinipat niya ang kanyang suot na damit